ZingTruyen.Xyz

The Game Maker

Chapter 9

rosejhilcay

"Kath? Kumain ka na," aniya ni Manang sa akin.

Ilang araw na nawalan ako ng gana kumain.

"Isipin mo ang dalawang bata nasa sinapupunan mo, hija. Si Sky, hinahanap ka rin niya."

Dahan-dahan naman akong bumangon. "Susunod po ako," saad ko kay Manang.

Ngumiti si Manang Precy sa akin at lumabas na ito. Tumayo naman ako at pumunta sa banyo. Naghilamos at nagpalit ng damit.

Naabutan ko si Sky na gumagapang ito sa sala. Agad ko naman ito binuhat at pinugpog ng halik.

"I love you," nakangising saad ko rito habang kinikiliti ito sa tiyan. Gumagaan naman ang pakiramdam ko sa mahinang hagikhik ni Sky.

"Huwag ka malikot, natatamaan ang tiyan ni Mommy," natatawang saad ko naman rito. Malapit na mag-isang taon si Sky at bukas walong buwan na rin ang tiyan ko. Ang bilis ng araw. Malapit na rin ako manganganak.

"Kath?"

Nagtatakang tumingin ako kay Manang Precy. "Bakit po?"

"Ahm. N-Nandito si Sir Dos."

Napabuntonghininga naman ako. Si Sky lang naman ang pinupuntahan niya. Noong isang araw, hiniram din niya  si Sky.

"Sige po."

Agad naman tumalikod si Manang at pumunta sa pinto. Tumayo naman ako at pinaupo si Sky sa loob ng kan'yang kuna.

"Nandito na si Daddy, ihanda lang ni Mommy ang milk na dadalhin mo."

Pumunta ako sa kusina at inihanda ang mga feeding battle ni Sky.

"Kath?"

Huminga ako ng malalim. Nasa likuran ko si Tristan.

"As usual. Dapat alas singko ng hapon maibalik mo si Sky sa bahay," saad ko rito. Humarap ako rito at inabot sa kan'ya ang bag.

Nakatitig lang ito sa malaking tiyan ko.

"May nararamdaman ka ba?" mahinang tanong niya sa akin.

"Wala ka ng pakialam kung may nararamdaman ako. Si Sky lang ang bigyan mo ng atensyon," saad ko at nilagpasan ito pero agad niya hinigit ang aking braso.

"Anak ko pa rin ang nasa sinapupunan mo," diin na saad niya.

Mahina naman akong napatawa sa sinabi niya. Humarap ako rito at ubod lakas na sinampal ito.

"Remember, what you did? Iniwan mo ako sa gusali. Paano kung hindi ako pinuntahan nina Javi at Allen. Paano kung natamaan ako ng bala. Ngayon, sabihin mo sa akin. May karapatan ka pa ba sa kambal na dinadala ko?" Pag-uuyam na tanong ko kay Tristan.

Nakangising itong hinawakan ang aking mukha. "Yes, I still have rights."

Lumuluhang tiningnan ko ito ng diretso. "You're so unfair! I really hate you! Ang kapal ng mukha mo. Binuntis mo pa ang Eden na iyon! Sana natuluyang nawala ang baby niya!"

Napabaling naman ang mukha ko sa lakas ng pagkasampal sa akin ni Tristan. Nalasahan ko rin ang dugo sa aking labi.

"Y-You hurt me," saad ko rito habang bumabalong ang luha sa aking mga mata. "I-Ibalik mo si Sky dito ng alas singko."

Dali-daling bumalik ako sa aking silid at doon ko pinakawalan ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko lubos akalain na pinagbuhatan  niya ako ng kamay.

Buong maghapon na nagmukmok ako sa aking silid. Bumaba lang ako dahil lumampas na ng alas singko, wala pa rin si Sky. Inutusan ko na rin si Manang Precy na tumawag sa mansion.

Hindi naman ako mapakali. Palakad-lakad naman ako sa sala.

"Kath, wala daw si Sir Dos sa mansion," aniya ni manang sa akin.

"A-Ano? N-Nasaan sila! Manang, b-baka itinakas ni Tristan ang anak ko!" umiiyak na saad.

"Nandito na sila!" sigaw naman ni Manang.

Halos takbuhin ko na ang pinto palabas. Nabawasan naman ang bigat na nararamdaman ko habang nakatingin kay Tristan na karga-karga ang anak ko na masarap ang tulog sa braso ng kan'yang ama.

Hindi ko naman iniimikan si Tristan habang naglalakad kami papunta sa aking silid.

"Dito mo siya ihiga," diin na utos ko rito.

Pagkatapos niyang ihiga si Sky at kinumutan, agad ko naman itong sinumbatan.

"Sabi ko hanggang alas singko lang. Hindi ka tumupad-."

"Sa usapan? Huwag mo akong bigyan ng oras kay Sky kung anong oras ko siya i-uwi dito. Kaya kong kunin ang anak ko ng walang kahirap-hirap, Kath. Huwag mo ako subukan." aniya na nakangisi ito.

Umatras naman ako. "A-Ang sama mo! B-Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito!" sigaw ko rito habang isa-isa nagsibagsakan ang mga luha ko.

"Huwag mong  subukan ilayo ang mga anak ko. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin."

"P-Papatayin mo ako? Sasaktan mo ako?! Mamamatay muna ako bago mo makuha ang mga anak ko!"

"Ayoko makipag-away sa'yo, Kath. Ang gusto ko lang may komunikasyon ako sa mga anak ko. May ipapadala ako na mga tauhan dito."

"Gusto namin mamuhay ng tahimik. Please. Layuan mo na kami. K-Kung napirmahan mo na ang divorce paper, ipadala mo na lang dito at pipirmahan ko. Ayoko masangkot kami sa gulo na pinasok mo."

Mabilis itong nakalapit sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

"Subukan mong lumayo. Subukan mong ilayo ang mga anak ko," diin na saad niya sa akin.

"Hindi ako natatakot sa'yo. Tama na, Tristan. Sinira mo na ang pamilya natin!"

Blangko ang kan'yang mukha na nakatitig sa akin. Ang mahigpit na paghawak niya sa aking braso ay unti-unting lumuwag ito.

"Sa isang araw babalik ako dito," mahinang saad niya. Napatingin ako sa kan'yang kamay na hinahaplos ang aking malaking tiyan. "Gusto ko kunin-."

Tinulak ko ito. "Kukunin mo? How dare you! Umalis ka na!" Nagsisigaw na saad ko. "U-umalis ka na." nanghihina akong napaupo sa sahig.

Napatingin naman ako sa pinto nang nakalabas na ito. Gulong-gulo ang aking isipan. Alam kong lalo kami babantayan ni Tristan.

Hindi nga ako nagkamali. Dahil kinabukasan nagulat kami ni Manang Precy na may dumating na mga tauhan ni Tristan.

"Kath?"

Napalingon ako kay Manang na karga-karga si Sky.

"Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin ang mga negosyo niya," saad ko kay Manang Precy. Noon sinubukan kong magtanong kung ano ang mga negosyo niya pero ayaw niya sabihin. Nagtataka ako lagi na naririnig ko tungkol sa transaction.

Umupo naman si Manang sa tabi ko. "Nag-su-supply sila ng droga at mga mamahalin baril," aniya ni Manang na kinalaki naman ng mga mata ko. "Kaya lagi may nagbabanta sa buhay ni Sir Dos dahil sa mga kalaban niya sa mga illegal na negosyo."

Nanlumo ako sa aking narinig. "Kailangan nating umalis dito, Manang Precy. Hangga't may komunikasyon tayo sa asawa ko, mapapahamak tayo, mapapahamak ang mga anak ko," natatarantang saad ko kay Manang Precy.

"Paano? Binabantayan tayo ng mga tauhan niya. Hindi ka pakakawalan ng asawa mo kahit nakabukod ka na ng bahay."

"Hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan niya. Sila Javi at Tres. Baka sakaling-."

"Kath, kung gusto mo na hindi ka matatagpuan ng asawa mo, siguraduhin mo na ang hingian mo ng tulong ay walang koneksyon kay Sir Dos."

Tama si Manang Precy. Pero sino? Kanino kami hihingi ng tulong.

"Nandito na ang asawa mo. Ihanda ko lang ang dadalhin ni Sky," mahinang saad ni Manang.

Nag-aalala na rin ako kay Snow. Halos isang buwan na hindi ito tumatawag sa akin. Hindi ko rin ito makontak kahit sa social media. Sunod-sunod na dumadating ang problema ko. Pakiramdam ko, unti-unting na nahihiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan. Nakakapagod. Kung hindi lang ako buntis, baka sumuko na ang isip ko. Pero hindi puwede. Kailangan ako ng mga anak ko.

"Sa isang araw  ko ibabalik si Sky. Kaarawan ngayon ni Eden, pupunta kami sa  probinsya," aniya sa akin ni Tristan na nakatayo ito sa aking harapan.

Malungkot akong tumango rito. Nakakapagod na rin na lagi kami nag-aaway. Dahan-dahan akong tumayo. Naramdaman ko ang pangangatog ng aking tuhod. Hirap na rin ako gumalaw. Naiiyak ako minsan kasi hirap akong bumangon. Nahihiya naman ako kay Manang Precy na lagi na tawagin ito.

Sobrang pagod ako, na gusto ko na sumuko. Hindi ko maiwasang umiyak sa harap ni Tristan. Ang mahinang iyak ko ay naging malakas na hagulhol. Nagulat ako na niyakap niya ako ng mahigpit.

"I-I'm sorry," aniya na hinalikan ako sa ulo.

Lalo ako naawa sa sarili ko. Hindi ko alam, pakiramdam ko, aping-api ako. Agad ko naman ito tinulak at pumunta sa aking silid. Hannggang nakaalis na ang mag-ama hindi ako lumabas ng silid. Hinatiran lang ako ni Manang ng pagkain. Lahat ng gastos sa bahay, kay Tristan ito galing. Napapabayaan ko na rin ang boutique ko.

Napatigil ako na naalala ko ang calling card. Agad ko ito kinuha sa drawer. Sinubukan ko tawagan ang numero na nakasulat.

"Who is this?" aniya ng paos na boses ng lalaki sa kabilang linya.

"I-Ikaw ba si Wolf Summer?"

"Speaking."

"A-Ako iyong binigyan mo ng calling card sa lumang gusali, iyong-."

"I remember. What do you need?"

"Tulungan mo kami. W-Wala na akong mahingian ng tulong. Please, tulungan mo ako," Humihikbing saad ko sa kan'ya.

"Are you sure? Oras kinuha kita, malaking gulo at problema ang dadlhin ko. Hindi basta-bastang tao si Tristan Geller. Kilala mo naman ang asawa mo."

"Please," mahinang sagot ko lang kay Wolf.

"Okay. Kailangan natin muna ito planuhin. Just wait my signal. Okay?"

"O-Okay. S-Sandali! Kaano-ano mo si Drake Summer?"

"Brother," agad naman namatay ang tawag.

Kapatid niya si Drake?

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz