ZingTruyen.Xyz

The Game Maker

Chapter 8

rosejhilcay

Hindi ko alam kung paano ko kinaya ang sakit na nararamdaman ko. Lalo na lagi umaalis si Tristan. Kapag umuuwi naman siya, kay baby Sky lang siya lumalapit.

Napatingin ako sa pinto na bumukas ito.

Si Manang Precy. Tuwing umaga pinapaarawan niya si Sky sa garden.

"May problema ba kayong mag-asawa?" tanong sa akin ni Manang Precy.

Malungkot akong tumango kay Manang. Dito sa mansion, tikom ang bibig ng lahat. Ayaw ni Tristan na makialam lalo kapag nakikita nila na nag-aaway kami lagi.

Napabuntong hininga naman si Manang Precy. "Alam mo naman ang sitwasyon namin dito. Ayaw ni Sir Dos na nakikialam kami. Kung ano man ang problema niyong mag-asawa, pag-uusapan niyo na lang," aniya ni Manang at kinuha na si Sky at lumabas na sila.

Hinaplos ko naman ang pitong buwan kong tiyan. Sa isang araw pupunta ako sa hospital para magpa-check up.

Tumayo ako at pumunta sa bintana. Nagulat ako na dumating na pala ang asawa ko. Siya ang nagbabantay kay Sky sa Garden. Kinuha ko ang aking cardigan at bumaba.

"Mabuti naman naalala mo pang umuwi," agad na pasaring ko kay Tristan.

"Why not? Pamamahay ko ito," aniya na tamad lang ako tiningnan.

"Yes, pamamahay mo ito. Remember? Asawa mo na ako. Karapatan ko malaman kung saan ka pupunta at kung saan ka galing. And, lahat na meron ka ay may karapatan din ako," diin na saad ko rito.

"I'm fucking tired, Kath. Huwag muna tayo mag-away," aniya na seryosong nakatitig ito sa akin.

"Tired? Seriously, Tristan? Wala ka ng oras sa amin. Pero sa kabit mo, halos araw-araw ka nandoon!"

"Unang dumating sa buhay ko si Eden," napabuntonghininga ito. "Hindi siya kabit. I'm sorry."

Nagtatakang tumingin ako rito. "W-What you mean? Hindi kabit! Kasal tayo, Tristan!"

"G-Gusto ko makipaghiwalay sa'yo ng maayos, Kath," saad niya na diretso akong tiningnan sa mga mata.

Parang bomba na sumabog sa aking pandinig ang salitang binitawan niya.

"I-Iiwan mo kami? Ipagpapalit mo kami sa kabit mo? Anong pag-iisip na mayroon ka!" Umiiyak na saad ko rito. "I am not a second option, either you choose me or lose me," saad ko habang panay ang punas sa aking mga luha.

"K-Kath."

"Nanahimik naman ang buhay ko noon. Ngayon sabihin mo sa akin, bakit nagbago ka? Bakit ang dali lang sa'yo bitawan ang pamilya na binuo natin?" Yumuko ako at pinakalma ang aking sarili. "Palalayasin mo ba kami? Anong klaseng asawa ka! Anong klaseng ama ka!"

"Wala akong sinabi na aalis kayo dito," aniya na panay ang buntonghininga.

Mapakla naman akong napatawa. "Ibabahay mo ba ang kabit mo, ganoon ba?!"

"Stop it! Ayoko na tinatawag mo ng kabit ang babaeng-."

"Babaeng mahal mo? Kaya ba tuwing sinasabi ko na mahal kita hindi ka sumasagot dahil ba sa Eden na iyon?!"

"I'm going to rest," aniya na tumalikod na ito.

Nanghihina na umupo ako sa upuan. Nakaramdam naman ako ng pagkirot sa aking tiyan.

Napatingin ako sa gate na may kotseng pumasok. Tumayo ako at sinalubong ito. Nanlilisik naman ang mga mata ko na bumaba si Eden.

"Ang kapal ng mukha mo na pumunta dito!" Sigaw ko rito.

"Si Tristan ang kailangan ko, at hindi ako pumunta dito para makipag-away  sa'yo," aniya na palinga-linga ito sa paligid.

"Kung matin-."

Nagulat ako na bumagsak ang mga tauhan ni Tristan.

"Dapa!" Sigaw ni Eden sa akin.

Pinagbabaril ang mga tauhan ni Tristan.

Nanigas naman ang katawan ko nang may mga lalaking naka-bonet na tinututukan kami ng baril ni Eden.

"Sumama kayong dalawa!" Sigaw ng isang lalaki na hinigit ang aking braso.

Ang mga tauhan naman ni Tristan tinututukan din ang mga armadong lalaki. Nakita ko na lumabas ang asawa ko na may hawak-hawak na baril.

"Huwag ka lumapit, Geller! Kung gusto mong mabuhay ang dalawang babaeng ito!"

Nanginginig naman ang katawan ko. Naninigas na rin ang aking tiyan. Tumingin ako kay Tristan pero kay Eden ito nakatingin.

Yumuko ako at pinikit ang mga mata ko. Agad naman akong napamulat nang bigla lang ako hinila at itinulak papasok sa loob ng sasakyan. Si Eden naman sa kabilang sasakyan naman ito nakasakay.

Pinipigilan kong umiyak baka saktan nila ako.

"Baba!" Sigaw sa akin ng lalaking naka-bonet. Tinanggal niya ang kan'yang bonet at bumungad agad sa akin ang kan'yang kulay asul na mga mata. Napanganga ako na nakatingin sa napakaguwapong niyang mukha.

"Don't stare at me," aniya na nakakunot ang noo. Umiwas ako ng tingin at bumaba na sa sasakyan.

Nangangatog ang mga tuhod ko habang naglalakad. Nakita ko si Eden na pasan-pasan ng isang lalaki. Nakaramdam naman ako ng pag-alala rito.

Pumasok kami sa isang napakalaking gusali. Agad ako pinaupo sa upuan. Tinalian nila si Eden. Nagtataka ako na hindi nila ako tinalian.

"There is no need to tie her up, hindi naman makakatakbo iyan," aniya ng lalaking may edad at nakasalamin ito.

"Sino ang asawa ni Tristan Geller?" aniya ng matanda na nakangisi ito.

Gising na rin si Eden. Papungas-pungas naman ito.

"A-Anong kailangan niyo sa amin! Pakawalan niyo kami!"

Sinampal naman ng matanda lalaki si Eden. Kahit ako nabigla rin. Panay naman ang sigaw ni Eden at pilit tinatanggal ang tali. Habang ako naman iniinda ang sakit ng tiyan ko. Parang kinakapos ako ng paghinga.

"P-Please help me," daing na saad ko sa guwapong lalaki na kulay asul ang mga mata. Nagtataka nakatingin ito sa akin.

"M-Masakit ang tiyan k-ko."

Panay ang haplos ko sa aking tiyan.

"Ahhh!"

Napatingin ako kay Eden na dumadaing ito. Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa binti ni Eden na may dugo na umaagos rito.

"S-She was bleeding!" Sigaw ko sa kanila.

Maya maya lang narinig na namin ang putukan sa labas ng gusali.

"Boss, nandito na si Geller at kasama ang mga kaibigan niya!" Humahangos na saad ng lalaki.

"Damn! Nasundan agad kayo! Punyeta!"

Agad tumalikod ang matanda at pumunta ito sa likod. Humarap naman ang lalaking kulay asul ang mga mata.

May inabot itong kulay dilaw na calling card sa akin.

"When you need anything, just call me. By the way, hindi naman ako kasali sa plano sa pagkuha sa inyo, you know, galit ako kay Dos Geller, pero hindi kita idadamay sa gulo na mayroon kaming dalawa," aniya at tumalikod na ito.

Dahan-dahan akong tumayo at dali-daling pinuntahan si Eden. Maraming dugo na ang umaagos sa kan'yang binti. Kinalas ko ang tali sa kan'yang kamay.

Namumutla naman si Eden. Hawak-hawak niya ang kan'yang tiyan.

"B-Buntis ka?" mahinang tanong ko rito.

"T-Tulungan mo ako. K-Kailangan ko pumunta sa hospital, please," aniya na umiiyak ito.

"W-Wait me here, hihingi ako ng tulong, okay?" saad ko at tumalikod na. Dumaan ako sa likod kung saan doon dumaan ang matandang lalaki at ang lalaking kulay asul ang mga mata.

Hindi ako makalabas dahil nagpapalitan ng putok ang dalawang grupo. Kahit masakit na ang tiyan ko, umakyat ulit ako para balikan si Eden.

Napatigil ako na naabutan ko ang asawa ko na buhat-buhat si Eden.

"T-Tristan!" agad naman ako lumapit rito.

"Iniwan mo siya. How selfish you are!" Sigaw niya sa akin.

"W-What! No! Lumabas ako para-."

Tumalikod na ito at lumabas na.

Mapait naman akong ngumiti. Iniwan niya ako. Buntis din ako. Pero hindi man lang ito nag-aalala.

"Kath? Kath?"

Humahangos naman pumasok sila Allen at Javi.

"Damn! Mabuti hindi ka napahamak!"  aniya ni Javi na sinipat ang kabuuan ko.

"Gusto ko na umuwi," mahinang saad ko naman.

"You need to see a doctor first," aniya naman ni Tres sa akin. Hindi na ako umimik. Inalalayan ako ni Tres lumabas ng gusali. Sila rin dalawa ni Javi ang kasama ko sa hospital.

"Everything is okay. Medyo bumaba ang bahay-bata mo," aniya naman ng Doctor.

"Thank you, Doc," saad naman ni Tres. Parang wala ako sa aking sarili.

Binigyan lang ako ng gamot na pampakapit at vitamins. Agad naman kami umalis at hinatid ako sa mansion.

"Kath?" aniya ni Javi.

"Niloko niya ako," saad ko sa dalawa na nakatulala lang ako.

"Kapag hindi mo na kaya. Iwanan mo na siya. Tawagan mo lang kami," saad naman ni Tres sa akin.

Humarap ako sa dalawang binata na umiiyak. "Bakit? Bakit niya nagawa ito sa akin?!"

"Kath. Isipin mo muna ang batang nasa sinapupunan mo, okay? Hindi iisa ang dala-dala mo. Kambal. Kaya ingatan mo muna ang sarili mo," mahinahong saad naman ni Javi.

"S-Salamat sa inyo," saad ko at dali-daling bumaba ng sasakyan.

Maraming tauhan na nakapalibot sa mansion. Agad naman akong pumasok at pinuntahan si Sky sa silid niya.

"Kath!" aniya ni Manang Precy at niyakap ako ng mahigpit.

Humagulhol naman akong yumakap kay Manang. Maya maya lang pinagayak ko ang mga importanteng gamit ni Sky.

"Manang, aalis tayo. Hindi tayo ligtas dito."

"Ano?! Baka magagalit ang asawa mo."

"Wala na kami. Basta ho, igayak niyo ang gamit ni Sky," saad ko rito. Nilapitan ko ang anak ko na natutulog. Hinalikan ko ito sa noo. Humarap naman ako kay Manang. "Sasama po ba kayo sa amin?"

Tumango naman ang matanda. Niyakap ko ito ng mahigpit.

Nagpaalam muna ako kay Manang na pupunta sa silid namin ni Tristan. Naligo ako ng mabilisan. Nagsuot ako ng simpleng bistida at flat sandals.

Napabuntonghininga ako. Tinanggal ko ang singsing sa aking daliri at ipinatong sa ibabaw ng bedside table.

Nagulat ako na biglang pumasok si Tristan.

"Maghiwalay na tayo," bungad na saad niya sa akin.

Napapikit naman ako. Huminga ako ng malalim. Parang dinudurog ng pinong-pino ang puso ko.

"G-Go ahead. I-Ikaw ang may desisyon nito. K-Kilangan ko tanggapin at kalimutan na naging bahagi ka sa buhay namin ni Sky."

"K-Kath."

Umiiyak akong humarap rito. "Alam mo ang masakit? Iniwan mo ako sa gusali na iyon. Hindi mo iniisip na buntis din ako. Hindi mo iniisip na mapapahamak ako. But it's okay, dumating naman ang mga kaibigan mo," saad ko at tumalikod na rito. Kinuha ko ang maleta sa closet at nilagay ang mga importanteng gamit ko.

Humarap ulit ako kay Tristan. "K-Kalimutan mo na kami. Dahil kakalimutan ka rin namin."

Tumalikod na ako at pumunta sa silid ni Sky. Nakagayak na rin si Manang Precy. Kinuha ko si Sky at si Manang na ang nagdala ng mga gamit namin. Nasa ibang bansa pa rin si Snow. Ayoko muna guluhin ito dahil ayoko na mag-alala ito sa akin.

Naalala ko ang binigay na calling card  sa akin ng  guwapong lalaki.

"Manang, mag-abang po kayo ng taxi. Pahawak muna po si Sky. May nakalimutan lang ako sa silid."

Dali-daling bumalik ako sa loob. Pagpasok ko naabutan ko si Tristan na nakaupo sa kama.

"K-Kath," aniya na nagulat pa ito.

Hindi ko ito pinansin. Dumiretso ako sa banyo at kinuha ang calling card. Napatingin ako sa pangalan na nakalagay.

WOLF SUMMER.

Wolf? Wolf ang pangalan niya.

Nilagay ko ang calling card sa bulsa ng cardigan ko. Nakatingin naman si Tristan sa akin.

"Bye," mahinang saad ko rito at lumabas na ng silid. Pagdating ko sa labas may taxi na naghihintay. Naikarga na rin ang mga gamit namin.

"Hija, tara na," aniya ni Manang sa akin.

Sumakay na ako at sinabi ko sa driver na ihatid kami sa dating apartment namin ni Snow.

Tinapik naman ni Manang ang balikat ko. "Magiging maayos din ang lahat, Hija."

Malungkot naman akong tumango.

Sana nga. At sana, kakayanin ko ang lahat na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz