ZingTruyen.Xyz

The Game Maker

Chapter 10

rosejhilcay

Tatlong araw. Hindi pa sinasauli ni Tristan si Sky. Gabi-gabi na lang ako umiiyak.

"Manang, baka tinakas ni Tristan si Sky," Umiiyak na saad ko kay Manang Precy.

"Kahit gan'yan si Sir Dos, hindi niya gagawin iyon," aniya ni Manang na panay ang alo sa akin.

Sana nga. Oras nilayo niya si Sky sa akin, habang buhay hindi ko siya mapapatawad.

"Magpahinga ka muna, magluluto lang ako ng tanghalian natin."

Tumango lang ako kay Manang. Pagkalabas ni Manang sa silid ko agad ko naman tinawagan ang numero ni Tristan. Ilang araw na hindi ko ito makontak. Laking saya ko na tumunog na ito.

"Why?" bungad na tanong ni Tristan sa akin.

"Nasaan si Sky?! Tatlong araw na sa'yo ang anak ko!"

"Nag-eenjoy dito si Sky. Don't worry, inaalagaan naman siya ni Eden."

"No! Ibabalik mo ang anak ko o dadatnan mo akong walang buhay kasama ang kambal sa aking sinapupunan!" nanginginig na saad ko rito.

"Kath!"

"Hindi ako nagbibiro, Tristan. Pagod na ako. Kapag hindi mo pa i-uwi ang anak ko, alam mo na kung anong mangyayari!" agad ko pinatay ang tawag. Panay ang hinga ko ng malalim.

Hindi ko alam kung tutulungan ako ni Wolf. Naghihintay lang ako ng tawag niya. Hindi ako puwede umalis na hindi kasa-kasama si Sky.

Nanghihina akong humiga at nakatulalang nakatitig sa kisame. Hindi ko namalayan nakatulog na ako sa sobrang pag-iisip. Nagising na lang ako na may humahaplos sa aking mukha. Bumungad agad sa akin ang kulay berdeng mga mata ni Tristan.

Napabalikwas naman ako. Napatingin ako sa kuna, nakahiga si Sky at mahimbing itong natutulog. Parang nabunutan ng tinik ang aking dibdib.

"P-Puwede ka ng umalis," diin na saad ko rito.

"K-Kath."

"Sinira mo na ang tiwala ko. Hinding-hindi mo na mahihiram pa ang anak ko," saad ko rito.

Tumayo ako at nilapitan si Sky. Napangiti ako na mahinang humihilik ito. Nakuha lahat ni Sky ang mukha ng kan'yang ama. Kulay berde ang mga mata. Matangos ang ilong. Maganda ang hugis ng kan'yang kilay at mahabang pilik-mata.

"Kung ayaw mo ipahiram si Sky sa akin, ako na lang ang pupunta dito, I will spend my free time with her."

Hindi na ako umimik. Napahawak naman ako sa aking tiyan na biglang kumirot ito. Agad naman lumapit si Tristan sa akin. Akmang hahawakan niya ako, agad ko iniwaksi ang kan'yang kamay.

"Don't you ever touch me! Hindi na kita asawa. Umalis  ka na!"

"Ayoko makipagtalo sa'yo, Kath."

Humarap ako rito at sinampal ito ng paulit-ulit. Sinuntok ko ang kan'yang dibdib.

"B-Bakit dumating ka pa sa buhay ko!" Umiiyak na napaupo ako sa kama.

"B-Babalik ako sa isang araw. May aayusin lang ako," aniya na lumuhod ito sa harap ko at akmang hahawakan ang tiyan ko, agad naman akong tumayo at lumayo sa kan'ya.

"Sana huwag ka na bumalik. Sana mamatay ka na!" sigaw ko na nabigla rin ako sa sinabi ko.

Napabuntong hininga naman si Tristan na nakatingin sa akin. "I'm leaving," aniya na agad itong lumabas ng silid.

Agad ko itong sinundan. "Tristan?!"

Tumigil ito at humarap sa akin.

"Pumapayag na ako na may komunikasyon ka sa mga anak ko."

Nakakunot naman ang kan'yang noo na nakatitig sa akin.

"Pirmahan mo ang divorce paper. Just let me go. Hayaan mo na maghanap ako ng lalaking mamahalin ako ng tunay."

Umigting ang panga niya na lumapit ito sa akin. "What did you say?" aniya na hinawakan ang braso ko ng mahigpit.

"Ayoko na ulitin. Hindi ka naman bingi!" galit na hinila ko ang aking braso at bumalik sa aking silid.

Lalayo kami. Hinding-hindi mo na kami makikita. Hinihintay ko lang na tumawag si Wolf sa akin. Umaasa akon na tutulungan niya ako.

Nakalipas ang tatlong araw hindi bumalik si Tristan. Pero ang mga tauhan niya nandito pa rin na nakabantay sa amin.

After namin kumain ng hapunan, nagpaalam muna ako kay manang na mauna na akong magpapahinga. Si Sky, naglalaro pa ito. Gumagayak ako ng feeding bottle ni Sky nang biglang tumunog ang aking cellphone.

"Kath?" aniya ng boses lalaki sa kabilang linya.

"Wolf?" sobrang tuwa na saad ko rito.

"So, sasama ka pa rin ba?" tanong niya sa akin.

"Y-Yes! Please, tulungan mo kami ng anak ko."

"Okay, listen. Wala si Geller bukas, kasama niya si Javi. May transaction sila sa ibang bansa. Bukas ng tanghali, ready mo ang importanteng gamit mo at sa anak mo."

"S-Sige. P-Pero paano ang mga tauhan ni Tristan?"

"Ako ang bahala. Basta nakahanda na ang mga gamit niyo bukas. Ang importante lang ang dadalhin mo, okay?"

"Sige. Hihintayin ka namin bukas, Wolf," mahinang saad ko rito.

Agad naman pinatay ni Wolf ang tawag. Ginayak ko sa bag ang kaunting damit para sa kambal ko. Kay Sky naman, kaunti rin ang nilagay kong damit sa bag. Nilagay ko rin sa bag niya ang tatlong feeding bottle at dalawang box na gatas. Naglagay din ako ng kaunting damit ko sa bag. Agad ko tinago sa ilalim ng kama ang bag nang may sasakyang tumigil sa harap ng bahay. Sinilip ko sa bintana kung sino ang dumating.

Humiga muna ako at inunat ang dalawang paa ko. Napangiti naman ako na hinawakan ang napakalaking tiyan ko.

Napatingin ako sa pinto na nagbukas ito.

Blangko ang mukha ko na nakatingin kay Tristan. Lumapit ito sa akin at dumukwang ito. Nagulat ako na hinalikan niya ako sa noo.

"Aalis ako. Baka one week ako sa Britain. Dinagdagan ko ang mga tauhan ko rito na magbabantay sa inyo."

"Sana huwag ka na bumalik," mahinang saad ko sa kan'ya.

Napabuntonghininga naman ito. "Babalik ako, dahil..dahil sa mga anak ko."

Pinikit ko na lang ang mga mata ko.

"Kath?"

"Magpapahinga na ako. Masama ang aking pakiramdam." Iminulat ko naman ang aking mga mata at sinalubong ang kan'yang tingin. Hinawakan ko naman ang kan'yang mukha. "Go to hell."

Nagulat ito sa sinabi ko. Agad naman ito tumayo ng ayos pero nanatiling nakatitig ito sa akin.

"Kapag malapit ka na manganak, hindi na ako aalis," aniya na nakatingin ito sa aking tiyan.

Pinikit ko ulit ang mga mata ko. Napamulat ulit ako nang tumunog ang aking cellphone. Akmang dadamputin ko ito pero naunahan na ako ni Tristan.

"Who the hell are you?!" sigaw ni Tristan sa kabilang linya. Napabalikwas ako ng bangon at akmang aagawin ko ang cellphone pero mahigpit niya hinawakan ang aking kamay.

Napapikit ako nang ibinato niya ang ang aking sa dingding.

"No!" umiiyak na dinampot ko ito na hiwa-hiwalay na ang katawan.

"Simula ngayon, hindi ka na puwede gumamit ng cellphone o telepono sa bahay!" galit na sigaw sa akin ni Tristan.

Umiiyak akong humarap sa kaniya. "Hanggang kailan mo ako pahihirapan? Kapag ba magpakamatay ako, masaya ka na?" diin na saad ko rito.

Nanlalaki naman ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Kinuha ko ang blade sa loob ng drawer.

"P-Pagod na ako! Ayoko na!" umiiyak na saad ko. Itinaas ko ang aking kamay.

"Kath! Ibaba mo iyan!" galit na utos sa akin ni Tristan.

Itinapat ko ang blade sa aking pulsohan at akmang laslasin ito mismo sa harap ni Tristan. Pero ang bilis ng galaw niya. Nakalapit agad ito sa akin at kinuha ang blade.

"Don't you ever-."

Sinampal ko ito ng malakas. "Ikaw ang tumulak sa akin para gawin ito sa aking sarili. S-Sinira mo na ang buhay ko." mahinang saad ko habang mahinang sinusuntok ko ito sa dibdib.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at mahigpit na niyakap. Nanghihina akong sinandal ang buong bigat ng katawan ko sa kaniya.

Parang naliliyo ako sa amoy ni Tristan. Hinahanap ko ang kan'yang amoy.

"K-Kath. I-I'm so sorry, baby," bulong niya.

Pinikit ko ang aking mga mata. Hanggang nilamon ako ng kadiliman.

Kinabukasan, bumungad sa akin si Sky na naglalaro sa kan'yang kuna. Tinanghali na pala ako ng gising.

"Good morning, Sky," saad ko rito na at ngumiti naman ang anak ko.

Nanghihinang bumangon ako at nilapitan ito. Hinalikan ko ito sa noo. Iniwan ko muna si Sky at pumunta muna ako sa banyo. Ginawa ko muna ang morning routine ko.

Napangiti naman ako na naglalaro lang si Sky. Nagpalit muna ako ng damit. Mamaya na kami bababa ni Sky para kumain. Nakipaglaro muna ako sa kaniya.

"Kath?"

Lumingon naman ako kay Manang na kakapasok lang.

"Manang?"

Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Gumayak na kayong mag-ina."

Nakakunot naman ang noo ko. "A-Ano ho ang ibig niyong sabihin?'

"Nandito na si Sir Wolf."

Nanlalaki ang mga mata ko. "Kilala niyo po si Wolf?!"

Tumango naman si Manang. Agad itong lumapit kay Sky at binihisan ito.

"Hindi po kayo sasama?" tanong ko kay Manang Precy.

"Hindi na, hija. Ang mahalaga, makaalis ka dito."

Mangiyak-ngiyak na niyakap ko ulit si Manang Precy. Hinila ko ang bag sa ilalim ng kama.

"Ang mga tauhan ni Tristan?" natatarantang tanong ko rito.

"Tulog silang lahat. Binigyan ko ng kape at nilagyan ng sleeping pills. Bilisan niyo na, hinihintay na kayo ni Sir Wolf."

Kinuha ko ang flat sandals ko at dali-daling sinuot ito.

Ngumiti naman si Manang at binuhat si Sky habang nasa kabilang kamay ang bag namin. Paglabas namin ng silid sinalubong kami ni Wolf. Seryoso lang ang kan'yang mukha na nakatitig sa akin. Kinuha niya si Sky at ang bag kay Manang.

Ngumiti naman si Manang Precy sa akin. "Mag-ingat kayo. Alagaan mo ng mabuti ang sarili mo. Huwag ka mag-alala, ako na ang bahala sa kapatid," aniya ni Manang sa akin.

"Let's go," saad ni Wolf. Nakaabang na sa gate ang puting sasakyan ng binata. May kasama itong dalawang lalaki na nakaupo sa driver seat ang isa.

Pakiramdam ko, sobrang bigat ng dibdib ko habang paalis na kami.

Humarap ako kay Wolf habang kalong-kalong si Sky. "T-Thank you."

Tumingin ito sa akin. "Pasan ko na ang daigdig dahil sa ginawa ko ngayon," aniya na mahina naman napatawa ang mga kasamahan niya.

Napalunok naman ako.

"Sadyang pasan mo ang daigdig, bro. Geller ang kinalaban mo, and worst matalik na kaibigan pa ng utol mo," aniya ng isang lalaki na lumingon pa ito sa amin. Unawang naman ang labi ko na nakatingin rito. Kumindat naman ang lalaki sa akin. Bakit sobrang guwapo ng mga ito?

"Panindigan mo ito, Lobo.  Kinalaban mo ang isang Geller," aniya naman ng isa pang lalaki na nagmamaneho.

"Mauulol ang gago na iyon sa kakahanap sa mag-ina niya," saad ni Wolf na nakatitig sa akin. "Don't worry, ligtas kayo sa akin," mahinang saad niya sa akin.

Napabuntonghininga naman ako. Ligtas nga ba kami? Pakiramdam ko may galit si Wolf kay Tristan.

"Sana nga," mahinang saad ko rito. Hinawakan ko naman ang tiyan ko.

I'm sorry, babies.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz