ZingTruyen.Xyz

The Game Maker

Chapter 7

rosejhilcay

"Hi, baby Sky."

Nakalipas ang dalawang buwan, lalong naging masaya ang pagsasama namin ni Tristan.

"Hi, Daddy," agad ko naman binuhat ang anak ko at lumapit kami sa kan'yang Daddy na nakaupo ito at kaharap ang laptop.

Tumayo naman si Tristan at hinalikan ako sa labi.

"Puwede na ba?" tanong niya sa akin.

"Puwede?" nagtatakang saad ko rito.

"Sex," bulong niya at kinagat pa ang aking tainga.

"Dalawang buwan pa lang si baby," mahinang saad ko naman.

"Hmmm.." bumaba ang labi niya sa aking leeg.

"Tristan, kalong ko si Sky," saad ko at itinulak ito ng kaunti.

Mahina naman itong napatawa. Kinuha niya s akin si Sky at dahan-dahang inilapag sa kuna.

"I missed my wife," aniya na binuhat ako at inihiga sa kama.

"I missed you too," nakangiting saad ko rito. Kararating lang niya sa Pilipinas. Nasa Britain ito halos isang buwan. Nagtataka rin ako kung bakit nandoon lagi ito sa Britain. Noong nagkasakit ang Daddy ni Tristan nandoon kami lagi sa Britain hanggang namatay ito.

Dali-daling naghubad kami ng saplot at agad itong pumatong sa akin.

"Ugh!"

Napakislot naman ako dahil nga nakaramdam ako ng hapdi. After ko kasi nanganak kay baby Sky, tinahi ng Doctor ang ibabang parte ng pagkababae ko na napunit ito ng kaunti.

"Damn! So fucking tight," aniya ng asawa ko, gigil na gigil itong bumayo.

"Slowly," mahinang saad ko rito. "Ugh!" hindi ko maiwasang umungol sa bawat pagbayo sa akin ng asawa ko ay nakakaramdam ako ng kiliti sa aking puson.

"Tristan wait! H-Huwag sa loob baka masundan agad si Sky."

Ngumiti naman ito at hinalikan ako labi. "It's okay. Gusto ko ng lalaki naman ang kasunod ni Sky," aniya na pinulupot ang aking dalawang paa sa kan'yang baywang. Bumuwelo ito ng malakas at sunod-sunod itong umulos.

"Ahh...damn!" aniya na nakabaon pa rin ang kan'yang sandata sa akin.

"Sa loob mo pinutok," naiinis na saad ko rito.

"Hmm.." hinalikan niya ako sa labi at tumayo ito. "Shower muna ako."

Tumango lang ako at tumayo na rin. Kinuha ko ang aking mga saplot at sinuot ito. Mamaya na ako maligo. Tinimplahan ko muna si Sky ng gatas at pina-dede muna. Habang nakatingin ako kay Sky na nakahiga sa kuna, tumunog naman ang cellphone ng asawa ko. Agad ko ito kinuha at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Who is this? Can I talk to tristan?"

"Ako dapat ang magtatanong kung sino ka. Ano ang kailangan mo sa asawa ko?" naiiritang saad ko sa babaeng nasa kabilang linya.

"It's me, Eden. Tell him that-,"

Agad ko naman binigay sa asawa ko  ang kan'yang cellphone, kakalabas lang niya sa banyo.

"Eden daw," saad ko rito. Parang nabigla ito sa sinabi ko. Agad itong lumabas na pinagtataka ko. Agad ko naman itong sinundan.

"Don't call me, I'm with my wife. Hintayin mo lang ako diyan," aniya sa babaeng nangangalang, Eden.

Anong ibig sabihin ng asawa ko na hintayin siya?

Dali-daling bumalik ako sa silid at hinalungkat ang maleta ni Tristan. Wala naman akong nakikita na kakaiba. Parang hindi ako mapakali. Basta parang duda ako sa Eden na iyon.

Nang pumasok si Tristan sa silid parang normal lang ulit kinausap ako.

"Ahm.. babalik ulit ako sa Britain baka  two weeks ako doon," aniya na niyakap ako sa likuran.

"Again? Kakarating mo lang, aalis ka na naman?" Diin na saad ko rito.

"Kath, alam mong nasa Britain ang mga negosyo ko."

"Then, sasama kami ni Sky!"

Napabuntong hininga ito. "Baby pa si Sky. Hindi pa siya puwede i-biyahe."

"Ikaw lang ay may sabi niyan! Bakit ang kambal ni Mia at Kenjie, pumunta sila sa Germany, wala pa isang buwan ang mga iyon!"

"Pag-aawayan ba natin ito, Kath!"

Nabigla ako na tinaasan ako ng boses ni Tristan.

"S-Sino si Eden?! N-Narinig kita na sinabihan mo ito na hintayin ka!"

"She's my employee. Okay?" aniya na tumayo ito at lumabas ng silid.

Employee? Bakit, Tristan ang tawag niya sa asawa ko?

Hindi ko alam parang may bumagabag sa akin.

Hanggang sa pagtulog wala kaming imikan ni Tristan. Nagising ako ng madaling araw na wala ito sa tabi ko. Tiningnan ko muna si Sky na mahimbing ito natutulog. Lumabas muna ako at hinanap ang asawa ko.

"I missed you too. Bukas babalik na ako diyan."

Kinagat ko ang aking ibabang labi habang nakikinig na may kausap ito sa cellphone.

"Basta hintayin mo ako. I love you too."

Parang umikot ang paningin ko sa aking narinig.

Sa tagal na nagsasama kami, ni hindi ko ito narinig na sinabihan ako ng I love you. Dali-daling bumalik ako sa silid at doon ko binuhos ang sama ng loob ko.

Kinabukasan, maaga pa rin akong gumising at ginayak ang mga gamit niya.

"Two weeks ka lang sa Britain, right?' seryosong tanong ko rito.

"Yes."

"It's all about your business?" tanong ko ulit rito.

"Yes," aniya na tumayo ito at kinarga si Sky.

"Tristan?"

Humarap naman ito sa akin.

"I trust you. Hihintayin ka namin ni Sky."

Tumango lang ito.

Mapait naman akong ngumiti. Pakiramdam ko may mali pero ayoko mag-isip baka mababaliw lang ako.

"Alis na ako," aniya na hinalikan ako sa labi.

"Ingat ka. Basta two weeks ka lang sa Britain.

Ngumiti lang ito sa akin. Hindi na kami sumama sa airport. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sobrang bigat na nahihirapan ako.

Araw-araw tinatawagan ko ito pero nakapatay lagi ang kan'yang cellphone. Tinawagan ko rin si Terrence pero wala rin itong alam. Si Timothy naman, hindi ko rin ito makontak.

Two weeks. Ang pangako niyang dalawang linggo ay umabot ng dalawang buwan. Sa isang linggo, isang beses ko lang makausap ito. Halos isang oras lang kami nag-uusap.

Ilang araw na masama ang aking pakiramdam. Lagi na lang ako nahihilo. Apat na buwan na si baby Sky. Dalawang buwan na hindi umuwi si Tristan.

Napahawak naman ako sa pregnancy test na binili ko kanina lang.

Nilapitan ko si Sky na naglalaro ito ng kan'yang laway.

"Ate ka na. Matutuwa kaya si Daddy na may baby ulit sa tummy ni Mommy?"

Sana nga matutuwa siya. "Sana baby boy na ito. May kalaro ka na," saad ko kay Sky at pinahiran ang kan'yang laway na nakakalat sa kan'yang mukha.

Araw-araw, lagi kami naghihintay ni Sky sa kan'yang Daddy.

"Nandito na ang asawa mo," nakangiting saad ni Manang Precy. Wala silang alam sa sitwasyon namin ni Tristan.

Agad ko naman kinalong si Sky at sinalubong namin ang kan'yang Daddy.

"Hey, my Princess," agad naman niya kinuha sa akin si Sky at pinugpog ng halik.

Nakangiti lang ako na nakatingin sa mag-ama ko.

Lumapit naman ako at niyakap ito.

"I'm sorry if ngayon lang ako nakauwi," aniya na hinalikan ako sa labi.

"It's okay. At least nandito ka na sa amin," saad ko naman. Hinila ko na ito sa kusina. After namin kumain, nagkulong kami maghapon ni Tristan.

"Ahh...!" Pawisan itong bumagsak sa aking ibabaw.

Hinahaplos-haplos ko naman ang kan'yang likuran. "Tristan?"

"Hmm?" ungo niya na nakasubsob na ito sa leeg ko.

"Buntis ako."

Bigla namang umangat ang kan'yang ulo at nakatitig ito sa akin.

"Really?" aniya na parang napipilitan itong ngumiti sa akin.

"Yes, two months na. Hindi pa halata."

Napansin ko ang pananahimik niya.

"Tristan?"

"Y-Yeah. That's good. Sana lalaki na," aniya na niyakap ako ng mahigpit.

Laking tuwa ko naman na hindi na umaalis ng mansion. Halos apat na buwan na nandito lang ito sa Pilipinas. Minsan umaalis ito kasama si Javi.

Si Snow naman nasa ibang bansa ito kasama ang mga kaklase niya. Kaya bihira lang ito pumupunta dito sa mansion.

"Hija?"

"Yes po, Manang Precy?"

"May babaeng naghahanap kay Dos. Eden daw."

Napatigil naman ako. Wala kasi si Tristan ngayon. Nasa bahay ito ni Kier at Sheena.

"Pakibantay po muna si Sky."

Agad naman akong bumaba at pumunta sa sala. Agad bumungad sa akin ang napakagandang babae. Parang nanliliit ako sa aking sarili. Sobrang ganda niya.

"Ano po ang kailangan niyo?" tanong ko rito.

"Si Tristan?"

"Wala siya dito. Bakit? May kailangan ka ba sa kan'ya?"

"Yes. Kausapin ko lang ang boyfriend ko."

"W-What?! B-Boyfriend? Miss, alam mo na ang sinasabi mo? Asawa ako ni Tristan," diin na saad ko rito.

"Eden!"

Napalingon naman kami sa pinto. Humahangos na pumasok si Tristan.

"Love," aniya ni Eden na lumapit ito sa asawa ko at yumapos ito.

"Ano ito?" diin na tanong ko sa asawa ko.

"Kath. A-Ano kasi-."

"Niloko mo ako! Joke ba ito? Bakit?!"

Humarap naman si Tristan kay Eden. "Hatid muna kita," aniya na hinawakan si Eden sa kamay at hinila ito palabas.

"Tristan!" sigaw ko rito. "Subukan mong ihatid iyang babae na iyan! I'll swear, ipapakulong ko kayo!"

Humarap naman ito sa akin. "Ihatid ko lang siya, babalik agad ako."

"No! Kapag umalis ka, lalayas kami ni Sky! Iiwan ka namin!"

Tamad lang niya ako tiningnan at hinila palabas si Eden.

"Tristan!"

Agad ko naman itong hinabol. Anim na buwan na rin ang tiyan ko. At hindi na ako makalakad ng mabilis.

"Tristan!"

Kinalampag ko pa ang bintana ng kotse. Nakatingin naman ang mga tauhan niya sa amin.

Napahawak naman ako sa aking tiyan na kumirot ito. Napangibit naman ako .

Bumukas ang pinto at bumaba ang asawa ko.

"What are you doing?!" Galit na saad niya.

Bumaba naman si Eden.

"Tristan, ipahatid mo lang ako sa tauhan mo," mahinang saad niya.

Sumenyas naman ang asawa ko sa tauhan niya.

Tumalikod naman ako at pumunta na sa aming silid. Dinala naman ni Manang si Sky sa kan'yang silid.

"Kailan pa?" tanong ko kaagad sa asawa ko na kakapasok lang sa silid namin.

Napabuntong hininga naman ito.

"K-Kath. Eden is my girlfriend. I-I love her. And I want to be with her."

Parang sinakluban ako ng langit. Dahan-dahan akong humarap rito. Sinampal ko ito ng paulit-ulit. Sinuntok ko ito sa dibdib hanggang napagod na rin ako.

"B-Bakit? Iiwan mo kami? Ipagpapalit mo kami sa kan'ya? A-Alam mo ba ang   sinasabi mo? Alam mo ba!"

"Yes."

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz