Chapter 13
"Tristan?" tawag ni Eden na masama a
Agad ko naman hinila ang aking braso na hawak-hawak ni Tristan. Nagkasalubong naman ang paningin namin ni Eden.
"Hinahanap ka ng anak natin," diin na saad niya.
Agad naman ako tumalikod at Dali lumabas ng mall. Wala naman akong nabili ng gatas at diaper ng mga bata.
"Kath!"
Nasa likuran ko naman si Tristan.
"Kath! Fuck!"
Napatigil naman ako nang may sasakyang tumigil sa harap ko mismo. Bumaba si Wolf na nakakunot ang kaniyang noo.
"Kath?" aniya na mabilis itong lumapit sa akin. Agad naman ako niyakap ni Wolf.
"Wolf?!"
Nakangisi naman si Wolf na nakatingin kay Tristan. Napalunok naman ako dahil sa mainit na titigan ng dalawa lalaki.
"How are you, Dos?" nakangising tanong ni Wolf rito. Agad ko naman hinawakan sa braso si Wolf.
"Fuck you, bastard! Touch her, and you'll learn exactly what's worse than death! Get away from her, fucking bastard, before I break every bone in your body!" aniya ni Tristan na nagbabaga ang kaniyang mga mata na nakatingin kay Wolf.
"Oh! Bakit hindi natin tanungin si Kath? Kung sasama ba sa'yo or sa akin?" aniya ni Wolf na inakbayan pa ako.
"Really? She's my wife! Kaya sasama siya sa akin," diin na saad ni Tristan.
Mahina naman napatawa si Wolf. "Your wife? Really? How come?"
Hinila ko naman si Wolf. "Uwi na tayo," mahinang saad ko sa binata.
"Hindi ka sasama sa kan'ya," aniya ni Tristan na bumunot ito ng baril at tinutok kay Wolf.
Mabilis din bumunot si Wolf ng baril at tinutok din kay Tristan.
"Tristan!" sigaw ni Eden na buhat-buhat si Nuxen.
"See? Angkinin mo si Kath, pero may kinakasama ka? Don't worry, Bro. Safe siya sa akin, mamahalin ko siya ng buong buhay ko at paninindigan ko ang-."
"Wolf!" napasigaw naman ako na bigla lang binaril ni Tristan si Wolf. "W-Wolf?" umiiyak ako na hinawakan ko ang kan'yang ulo.
"Don't cry, malayo ito sa bituka," nakangiting saad niya na hawak-hawak ang kaniyang braso.
Lumingon naman ako at galit na tiningnan si Tristan.
"H-How dare you!" galit na saad ko rito at kinuha ang baril ni Wolf. Tinutok ko ito kay Tristan pero biglang pumagitna si Eden na nasa braso niya si Nuxen na tulog ito.
Agad naman hinila ni Tristan si Eden at niyakap ito.
Umiling-iling si Tristan sa akin. Umigting ang panga niya na nakatingin sa akin.
"Put your gun down," diin na saad ni Tristan sa akin.
Nanginginig ang aking kamay na hawak-hawak ang baril.
"K-Kath," aniya ni Wolf na tumayo ito at kinuha ang baril sa akin.
Nanginginig ang mga labi ko habang nakatingin kay Tristan. "D-Did I mean anything to you? You lied. You lied and you lied! N-Next time, I will pull this trigger and I will kill you!"
"K-Kath?" aniya sa akin ni Tristan na namumula na ang kan'yang mga mata.
"Stop calling my name! Hinding-hindi mo makikita ang mga anak ko! At I'll make sure, hinding-hindi ka rin nila kilalanin!" saad ko at agad ko inalalayan si Wolf sa papasok sa kan'yang sasakyan.
Pinaupo ko ito ng maayos at ako na nagmaneho. Pinaandar ko ang sasakyan, pero nakaharang si Tristan sa unahan.
Akmang babanggain ko na ito agad naman hinila ni Javi ito na sumulpot lang ito ng bigla.
Napapailing lang si Wolf na nakatingin sa akin. Wala kami imikan habang nasa biyahe. Pagdating sa bahay agad ko inasikaso ang tama ng bala sa balikat ni Wolf.
"Let me do it," aniya na inagaw sa akin ang kutsilyo na hawak-hawak ko. Pinakuluan ko ito kanina.
Napapikit naman ako habang dinudukit ni Wolf ang bala nasa braso niya. Narinig ko ang kaniyang ungol na namimilipit ito sa sakit.
"D-Damn! You can open your eyes, Kath," aniya sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag na natanggal na ang bala sa kan'yang braso.
"Marunong ka ba mag-suture?" tanong sa akin ng binata.
"H-Hindi."
Ngumiti lang ito sa akin. Nakatingin lang ako kay Wolf habang tinatahi ang kan'yang sugat sa braso.
"A-Ang galing mo," saad ko na namamangha sa pulidong pagtahi niya rito.
"Natutunan ko ito sa underground at sa military din," aniya na nakangiti sa akin.
Tinulungan ko itong iligpit ang mga kalat niya sa pagtanggal ng bala.
"Kailangan mo uminom ng gamot, Wolf. Baka ma-infection ang sugat mo," saad ko naman.
"Yeah. May mga gamot ako sa kotse."
Hindi ko muna ito pinayagan na umalis. Hindi kasi ito makapagmaneho ng maayos. Nagpabili na lang si Wolf kay King ng gatas at Diaper ng mga anak ko. Tamang-tama na hinatid naman ni King at kasama si Attorney Ziena.
"Salamat sa inyong dalawa," nakangiting niyakap ko si Ziena.
Si King at Wolf nag-uusap naman sa garden.
"Okay lang. So, nagkita na pala kayo ng asawa mo," aniya ni Ziena sa akin.
Napabuntonghininga naman ako. "Y-Yes. Ahm..Ziena, gusto ko mag-file ng divorce. Please, help me."
"Sure. No problem," aniya na nakangisi ito.
"R-Really? How much ang magagastos ko?"
"Libre lang, Kath. Don't worry, asikasuhin ko ito agad bukas."
Tumango naman ako sa sinabi ng dalaga. "S-Salamat."
"But. If he ask about his right sa mga bata. Iyon lang ang mahahabol niya. Since, below seven pa ang tatlong bata, na sa'yo pa rin ang mga ito. Puwede siya pumunta dito sa bahay para madalaw niya ang mga ito," aniya ni Ziena sa akin.
"P-Paano kung hihiramin niya? W-Wala akong tiwala kay Tristan si Ziena! Baka itakas niya ang mga anak ko!"
"No choice. Kun'di, sumama ka. Okay lang ba sa'yo?" tanong niya sa akin.
"Y-Yes. Kailangan ko bantayan ang mga anak ko.
"Okay. Tomorrow, ako mismo maghahatid ng divorce paper sa kan'ya."
Tama lang ang desisyon ko. Ayoko na may namamagitan pa sa amin ni Tristan.
"Did you?" tanong ni Wolf sa akin.
Pilit naman akong ngumiti sa kan'ya.
"Hindi ko kayo iiwan, Kath. Nandito lang ako," aniya ni Wolf na hinalikan ako sa noo. Bumaba ang halik niya sa tungki ng ilong ko at sinakop ang aking mga labi.
Walang pag-alinlangan na gumanti ako ng halik rito. Hiniga ako ni Wolf sa sofa habang nakapatong ito sa akin. Naramdaman ko ang matigas na bagay na nakatusok sa aking gitna ng hita.
Bumaba ang halik ni Wolf sa aking leeg at kinagat-kagat pa niya ito.
"W-Wolf."
Umangat ulit ang kaniyang mukha at hinalikan ulit ako ng mapusok.
"Ang galing ni Lobo. Bigyan ng masigabong na palakpak. Naka-one point agad," aniya ni Bea.
Naitulak ko si Wolf bigla. Nakatayo sina Zia, Jenny, Bea at Ann.
"Well. Muntik na rin makadalawang puntos, nakatayo na ang sandatahang mandirigma ng mga putang-inang babaero," aniya naman ni Ann.
Napayuko na lang ako sa sobrang hiya .
"Pumunta lang ba kayo rito para manggulo?" seryosong tanong naman ni Wolf.
"Pumunta kami dito para dalawin ang mga inaanak namin. Buti na lang dumating agad kami," nakangising saad ni Jenny.
Masama naman tiningnan ni Wolf ang apat na babae. Tumayo naman ako upang ipaghanda sila ng meryenda.
Pagbalik ko sa sala, nandoon na ang tatlong bata na nakipalaro sa mga ninang nila.
"Meryenda muna kayo," saad ko sa kanila.
"Ma'am Kath, may bisita kayo. Si Attorney at may kasamang lalaki na kakulay ng mga mata ng tatlong bata," saad ng isang katulong dito sa bahay.
"Not bad. May reunion pala dito," nakangising saad ni Zia.
Hindi naman ako mapakali. "Pakidala ang mga bata sa kuwarto ko," utos ko sa katulong.
Nakahawak naman si Wolf sa aking baywang.
"Well, buti nandito na ang magiging witness sa pagpirma ng divorce," nakangising bungad ni Ziena.
Nagtataka naman ako nakatingin sa apat na babae. Ibig sabihin alam nila na pupunta sila Ziena at Tristan?
Nakaupo sa harap namin si Tristan at Ziena. Blangko ang mukha ni Tristan na nakatingin sa amin ni Wolf. May inilabas si Ziena sa kan'yang dala-dalang briefcase.
"Ito na ang divorce paper niyo. Nagkasundo kayo na maghiwalay. About naman sa rights ni Dos sa mga bata. Sa isang linggo, tatlong beses niya makakasama ang mga bata," aniya ni Ziena.
"Oh. Meaning, kapag hiwalay na si Dos at Kath, puwede na manisid si Lobo sa madilim na yungib?" nakangising tanong ni Ann.
Nakangisi naman si Ziena. "Depende. Kung ang yungib na iyon ay walang patibong."
Humalakhak naman ang limang babae. Samantala, sina Tristan at Wolf ay masama na nakatingin sa limang babae.
"Walang problema sa akin ang pagbisita niya sa mga bata. Pero hindi ko hahayaang isasama niya ang mga anak ko na hindi kasa-kasama ang kanilang mga yaya," saad ko at kinuha ang divorce paper at pinirmahan ito.
"It's your turn, Dos," nakangising saad naman ni Ziena. Nakita ko na nakatitig si Tristan kay Ziena. Parang nag-uusap ang kanilang mga mata.
"Pirma na Geller. May lakad pa kami," aniya ni Bea.
"Gusto ko dalhin ang mga anak ko sa isla. Gusto ko makasama sila ng tatlong araw," aniya naman ni Tristan at diretsong tiningnan ako sa mga mata.
"Ano ang desisyon mo, Kath?" tanong ni Ziena sa akin.
Napalunok naman ako. "H-Hindi puwede na hindi ako katabi ng k-kambal sa gabi! S-Saka mo na sila dalhin sa isla kapag kilala ka na nila."
"It's my birthday. I want to spend my special day with my kids," aniya na umigting ang mga panga na nakatingin sa kamay ni Wolf na humahaplos sa aking baywang.
"Ganito na lang. Putang-ina! Sumama ka Kath para naman hindi umiyak ang mga bata na mapalayo sa'yo," aniya naman ni Ziena.
"No! Anong silbi ng divorce nila kung nakadikit naman ang putang-inang Geller na ito kay Kath!" galit na saad ni Wolf.
"Ganito na lang. Ikaw na lang Wolf ang sumama sa isla. Kayo ni Dos ang magdate doon," aniya ni Jenny na nakangisi.
"Wow, Lobo. Ikaw na talaga. Ikaw ang manok ko, Lobo. Isa kang tunay na mandirigma. Isa kang bayani ng mga sandatahang manunulot," nakangising saad ni Zia.
Napahilot naman ako sa aking sentido. Hindi ito matatapos ang usapang ito. Humarap naman ako kay Wolf.
"Sasama tayong dalawa," saad ko rito.
Ngumiti naman si Wolf sa akin. "Sure."
"Ohhh.. failed.." naglalaro ang ngiti sa labi ni Ann.
Failed?
Masama ko naman tiningnan si Tristan.
"Sasama kami ng boyfriend ko," saad ko na nakanganga silang lahat. Kahit si Wolf, nabigla din ito sa tinuran ko.
"Fuck! Anong puwede i-kaso ko Ziena? Kasal pa kami!" galit na saad ni Tristan.
Nanlalaki naman ang mga mata ko sa sinabi ng walang hiyang si Tristan.
"Bago ka magtanong kung ano ang puwede mo ikaso kay Kath at Lobo, ikaw, ano ba dapat ikaso sa'yo, Geller?" nakangising tanong naman ng abogada.
Humalakhak naman si Jenny. "Mas lala pa, walang kuwenta, ang bobo mo talaga, Geller. Sinayang mo lang ang oras ko," tumayo na si Jenny at lumabas na ito. Sumunod din sila Zia na kinindatan pa ako.
"Deal na ito. Samahan mo ang mga bata sa isla, Kath. Kung ayaw niyo sa ganitong set-up. Ipapakulong ko na lang kayo. At kami na mag-aalaga sa mga bata, " aniya ni Ziena na tumayo na ito at umalis.
Napanganga naman ako. Inis akong tumayo at iniwan sina Wolf at Tristan.
Alam kong may plano na naman si Tristan. Ayoko na mahulog sa kan'yang mga laro!
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz