ZingTruyen.Xyz

The Game Maker

Chapter 12

rosejhilcay

"Kath?"

Ngumiti naman ako kay Wolf.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo? May nararamdaman ka ba? May masakit ba sa'yo?" aniya na hinaplos ang aking buhok.

"M-Medyo masakit pa ang..ang-."

"Ohh..I know. Ahm..binigay ito ni Tres. Inumin mo daw para sa pananakit ng puson mo."

Kinuha ko naman ang tableta na inabot sa akin ni Wolf. Binigyan niya rin ako ng tubig.

"Salamat, Wolf."

Ngumiti lang ito sa akin. "They are cute," aniya na nakangiti itong nakatitig sa kambal. "May palatandaan naman pala kung sino si Heath at si Hunter."

Mahina naman akong napatawa. "Yes. Si Heath may balat siya sa kaliwang kamay. Si Hunter naman, sa leeg."

Napatingin kami kay Tres at Javi na kakapasok lang. Kalong-kalong ni Javi si Sky.

"Kath, naka-registered na ang kambal..so.. syempre, Geller ang apelyido nila, since asawa mo pa rin si Dos," aniya sa akin ni Tres.

"I-It's okay," saad ko at umiwas ng tingin.

Hinawakan naman ni Wolf ang kamay ko. Nakatitig naman si Tres sa akin.

"H-How is he?" mahinang tanong ko sa kanila.

"He's fucking wasted. Still, hinahanap pa rin kayo," aniya ni Javi.

"Huwag mo muna isipin ang asawa mo. Unahin mo muna ang iyong sarili," saad ni Tres sa akin.

Tumango lang ako rito.

Araw-araw si Wolf ang katulong ko sa pag-aalaga sa mga anak ko. Kapag nandito sila Drake, Javi at Tres. Tumutulong rin sila. Nahirapan na rin ako dahil sobrang ligalig ng kambal.

"Damn! Kinuha ko ang hinubad na damit ni Dos, baka sakali mabawasan ang ligalig ng kambal," nakangising saad ni Javi.

Napalunok naman ako. Bigla nga tumahimik ang kambal.

"See? Amoy lang ni Geller ang hinahanap nila," nakangising saad ni Javi.

Binatukan naman ito ni Drake. "Gago! Paano kung maubos ang amoy niyan? Kukuha ka ulit ng panibago?"

"For life na iyan, bro. Hindi mawawala ang amoy niyan, puwera lang kung...makikiamoy din si Kath," aniya ni Javi na kinindatan pa ako.

Naramdaman ko naman ang pag-init ng buong mukha ko. Lumapit naman si Wolf sa akin at inakbayan ako.

"Kuntento na si Kath sa amoy ko, " aniya ni Wolf.

Masama naman tiningnan ni Drake ang kapatid niya. Napapailing na iniwan ko ang mga ito at pumunta sa kusina. Naabutan ko si Tres na naghuhugas ng feeding bottle ng mga anak ko.

"Ako na, Tres. Bumalik ka na sa sala," saad ko rito at inagaw ang feeding bottle na binabanlawan na niya ito.

"It's okay. Kaya ko naman," aniya na kinuha ulit ito sa akin. Napatingin naman ako sa kamay ko na hawak-hawak niya ito.

"T-Tres."

Nakatitig lang ito sa akin. "Do you know how hard, I'm trying not to kiss you, right now?

Nagulat naman ako sa sinabi ng binata. Napaatras pa ako ng kaunti, pero agad niya akong hinawakan sa baywang at idinikit ang katawan namin sa isa't isa.

"T-Tres."

Nanlalaki ang mga mata ko na bumaba ang ulo niya. Naramdaman ko na lang ang kan'yang mainit na labi at mariin akong hinalikan.

Mabilis ko itong tinulak.

"Fuck! I'm so sorry, Kath. N-Nadala lang ako."

Pilit akong ngumiti sa kan'ya at tumalikod na. Halos hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Parang normal lang ang namagitan sa amin ni Tres. Kahit sa hapag kainan, nag-uusap pa rin kami. Si Wolf naman, panay rin ang dikit sa akin.

Sobrang bilis ng araw. At limang buwan na ang kambal. Si Sky naman, sobrang likot na niya.

"Hey buddy," agad naman binuhat ni Wolf si baby Heath.

Si baby Hunter naman ay tulog ito. Si Sky ay isinama naman ni Tres sa kan'yang bahay. Alam ko naman na hindi ito pababayaan ni Tres at may tiwala rin ako rito.

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Wolf.

"Not yet. Sabay na lang tayo," aniya na hinubad ang suot-suot na jacket. Nakaraan ko lang nalaman na sundalo ito.

"Magluluto na muna ako, " saad ko sa binata at pumunta sa kusina.

Nakasaing naman ako. Kaya ulam  na lang ang lulutuin ko. Habang abala ako sa paghahanda ng gulay na ilalahok ko nang may yumakap sa aking likuran.

"W-Wolf!"

"I broke the assassin's rules for you. I like you, Kath," aniya na nakapatong ang baba sa aking balikat.

Dahan-dahan naman akong humarap sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang mukha. "H-Huwag, please. Malaki ang utang na loob ko sa'yo, pero..-."

"It's okay. I understand. Masaya na ako nakasama  kayo araw-araw," aniya na hinalikan pa ako sa noo.

"S-Salamat."

Si Tres. Iba na rin ang ipinapakita sa akin. Mas lalo ito naging malambing. Minsan narinig ko na nag-aaway sila dahil sa akin.

Dahil na rin sa madalas na pag-alis ni Wolf, kami na lang ng mga bata ang naiiwan sa bahay. Si Tres, nagpaalam ito na pupunta sa ibang bansa. Si Javi at Drake ang laging pumupunta dito sa bahay. Naisama rin nila Drake minsan sila King, Geo at Gold dito.

Sinabi rin sa akin ni Javi nasa ibang bansa na si Snow. Pakiramdam ko may tinatago sila sa akin. Gusto ko puntahan ang kapatid ko. Pero hindi  pa sa ngayon.

Isang taon. Isang taon na nagtatago kami. At kaarawan ng kambal. Dumating lahat sila. Kahit ang ibang mga kaibigan ni Tristan nandito din.

"Nag-abala ka pa. Sisirain lang yan ng kambal," saad ko kay Wolf na bumili ito ng mamahaling laruan.

"It's okay. Bibili ulit kapag nasira."

Napanguso naman ako. Nagpaalam muna ako na pupunta sa kusina. Kinuha ko ang ibang ulam.

"Kath?"

Napatingin naman ako kay Tres. Kinakabahan talaga ako kapag kaharap ko si Tres. Lagi na lang kumakabog ng malakas ang aking dibdib.

"H-Hi. May kailangan ka ba? May gusto pa ba kayong ulam? Magluluto ako."

"No. Hindi ka katulong rito," aniya na lumapit ito sa akin.

Nakatitig naman ako sa napakaguwapong mukha ng binatang Doctor. Medyo singkit ang mga mata ni Tres. Sobrang tangkad niya. Maputi ito at mamula-mula ang balat. Mapula ang mga labi. Sobrang perpekto ang hugis ng kan'yang matangos na ilong. Agaw atensyon talaga ang kaniyang mga mata.

"Alam kong mali. Asawa ka ng kaibigan ko. I'm sorry if I fell inlove."

Hinaplos ko naman ang kaniyang mukha. "Tres, alam kong nangungulila ka lang kay....-."

Mahina itong napatawa. "Who?" aniya na nakangisi ito.

"Dra. Luz. I knew you love her. Ma pride ka lang."

Napabuntonghininga naman ito. "I'm serious, Kath. Gusto kita."

Mahinang sinampal ko ito. "May asawa ako," ngumiti ako rito,  kinuha ang ulam at iniwan itong nakatulala.

Napabuga naman ako ng hangin. Napatigil ako saglit nang may narinig akong nag-uusap.

"So, kayo pala ang may pakana kung bakit nawawala ang mag-iina ni Geller? Magaling. Naitago niyo ng isang taon. Pero, huwag mo diligan kung  hindi mo halaman. Huwag mo kainin kung hindi mo ulam. Kilalanin mo kung sino binabangga mo, Lobo. Baka matutuloy ang world war 3," aniya ni Ziena kay Wolf.

"Hindi ako natatakot, Ziena. Kasalanan niya kung bakit lumayo ang kan'yang mag-iina."

"Yes. May kasalanan ang gago na iyon. Pero si Kath ay para lang kay Geller. Maghanap ka ng iyo. Kahit si Tres, pasimple rin dumidiskarte. Mga putang-ina talaga! Maraming babae, huwag si Kath! Pero, sige lang. Pahirapan niyo muna ang putang-ina na iyon!"

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at tumalikod na. Nandito rin ang kapatid nila Drake at Wolf na si Gaia Walton. Sobrang bait niya at nakangiti lang ito lagi.

Huling dumating sila Jenny at Zia. Wala akong masabi sa mga kaibigan ni Tristan. Napakabait nila.

"Kamukha ni Dos. Damn! Paglaki ng kambal, pipilahan ng mga babae din ito," aniya ni Zia at buhat-buhat si Heath.

Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan na may dumating na sasakyan.

"Late na naman siya. Patapos na ang birthday party saka naman dumating," aniya ni Ziena.

Napangiti naman ako. Si Doc. King Levi Kingston. Ang boyfriend ni Attorney Ziena Cortez.

"I'm sorry. May pasyente pa ako inasikaso," aniya ni King na lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Kinuha niya si Hunter na buhat-buhat ni Jenny. Si King ang Ninong ni Hunter.

"Mahal ko, ang guwapo ng kambal. Gawa na rin tayo," aniya ni Ziena.

"Then,tigilan mo ang paggamit ng pills," aniya ng guwapong Doctor.

Napatawa naman kami. Nakikita ko kung gaano kamahal ni King si Ziena. Kahit minsan may pagkaisip-bata ang abogadang ito.

Nairaos naman ang kaarawan ng kambal. Hindi pa rin tumitigil si Tres at Wolf sa pagpaparamdam sa akin. Kumuha ng dalawang katulong si Wolf para makasama ko sa bahay habang wala sila.

"Aling Mina, pakibantay po muna ang tatlong bata. Bibili lang po ako ng diapy at gatas nila."

"Sige, Ma'am Kath."

Marunong naman ako magmaneho. Ang iniwan sa akin ni Worlf na kotse, iyon ang gagamitin ko. Halos isang oras din bago ako nakarating sa bayan. Medyo nanibago pa ako dahil ang tagal din nasa loob lang ako ng bahay.

Pinark ko muna ng maayos ang sasakyan at pumasok na sa loob ng malaking mall.

"Love, bagay ito kay Nuxen," aniya ng babae na napatigil naman ako.

Dahan-dahan akong lumingon. Agad nagsalubong ang tingin namin ng lalaking may buhat-buhat itong baby.

Napalunok naman ako at agad ko tinulak ang cart. Umiikot ako sa kabila. Napahawak pa ako sa aking dibdib.

"Do you think, you can hide and run again?"

Napasinghap ako nasa likuran ko na  ito.

"T-Tristan?!"

Lumapit ito sa akin. Umigting ang panga niya nakatitig sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit  ang braso ko.

"P-Please, l-let me go," nanginginig ang tuhod ko sa sobrang takot.

"You're mine.The minute I told you to spread your legs and you did it, you were mine. I owned you already. I'll want you to look at me, so you know exactly who's doing this to you. Do you really  think you can get away from me, Kath?"

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Isa-isa nagsibagsakan ang mga luha ko.

"S-Still, niloko mo pa rin ako. Nagkaanak ka sa ibang babae. Bakit ang dali sa'yo na angkinin ang buong pagkatao ko, samantala may ibang pamilya ka kinakasama," pagsusumbat ko sa kan'ya.

Hinigit niya ako palapit sa kan'ya at mariin akong hinalikan.

"Kayo lang ang pamilya ko," diin na saad niya.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz