Chapter 11
"Bahay ito ng kapatid ko. You're safe here," aniya sa akin ni Wolf. Tinulungan din niya ako alagaan si Sky. Pangalawang araw na namin dito sa safe house ng kapatid niya.
"Si Drake lang ba ang kapatid mo?" tanong ko rito.
"Nope. Si Gaia, kapatid namin siya sa ina."
Napanganga naman ako. Kilala ko si Gaia. Asawa siya ni Roice Walton na anak ng Senador.
"Salamat, Wolf."
"I'm not sure kung hanggang kailan ko kayo maitatago. Kilala mo naman ang asawa mo. Hindi titigil si Geller, hangga't hindi niya kayo mahahanap."
Yumuko naman ako.
"Kailan ang due date mo?" tanong ni Wolf na nakatingin sa aking tiyan.
"N-Next week."
"So anytime puwede ka na manganganak?"
Tumango naman ako. Pakiramdam ko rin malapit na ako manganganak.
"W-Wolf? Bakit iba ang kulay ng mga mata ni Drake, I mean kulay abo iyong sa kan'ya at kulay asul naman sa'yo."
Nakatitig naman ito sa akin. "Yes, kay Mommy siya nagmana which is, ganoon din ang kulay ng mga mata ni Gaia. Ako naman, kay Daddy."
Napatango naman ako.
"Oo nga pala, kung may kailangan ka pa sabihin mo lang. Lalabas ako bukas, ilista mo lahat ang kakailanganin para sa baby mo."
"S-Salamat."
Tumayo ito at pumunta sa kusina. Sumunod naman ako at tinulungan itong gumayak ng aming hapunan. Si Sky, maaga itong nakatulog.
"Umupo ka na lang. Kaya ko na ito," aniya na inalalayan akong umupo.
"Boss, nandito sila Sir Drake at kasama ang mga kaibigan niya," aniya ng tauhan ni Wolf.
Bigla naman ako kinabahan. Kaibigan? Hindi kaya kasama si Tristan?
"Papasukin mo."
"Okay, boss."
Nanginginig naman ang katawan ko.
"Don't worry, sila Javi at Tres ang kasama ni Drake," aniya sa akin ni Wolf na hinawakan pa ang aking kamay.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng binata.
"Putang-ina, Lobo! Ang gago mo!" bungad na sigaw ni Javi kay Wolf.
Nakatingin naman silang tatlo sa akin.
"Nasaan si Sky?" mahinahong tanong ni Tres sa akin.
"T-Tulog na siya," mahinang saad ko kay Tres. Ngumiti naman ang binata sa akin at tinapik lang ako sa balikat.
"Kath, nagwawala ang asawa mo. Pinagbabaril niya ang kan'yang mga tauhan," aniya ni Drake sa akin.
Napabuntonghininga naman ako. Naalala ko si Manang Precy. "Drake, si Manang Precy?!"
"Don't worry, hindi siya sasaktan ni Dos. Parang Nanay na niya si Manang Precy."
"Hindi ka talaga nag-iisip, Lobo. Oras malaman ito ni Dos. Mapapatay ka talaga niya," diin na saad naman ni Tres.
Nag-alala naman ako. "A-Ako ang humingi ng tulong sa kan'ya. A-Ako ang may kasalanan."
"Tama na. Wala na tayong magagawa. At ikaw naman, Lobo. Hindi porke't kapatid kita, basta ka lang gumawa ng desisyon na hindi ko nalalaman!" aniya naman ni Drake.
"Kath, kailan ka manganganak?" tanong naman ni Javi sa akin.
"A-Anytime. Due date ko next week."
"Okay. May mga gamit ka ba? May gatas? Diaper?" aniya naman ni Tres.
"Lalabas ako bukas. Ako na ang bibili," agad naman na saad ni Wolf.
Napabuntonghininga naman ang tatlong lalaki.
"Kaibigan namin ang asawa mo, Kath. Kung malalaman niya na alam namin kung saan ka, damay-damay na. Si Dos, malayo sa ugali ng mga magkakapatid na Geller. Dahil nandito kayong mag-ina sa poder ng kapatid ko, paninindigan na namin na itago ka," saad naman ni Drake.
"M-Maraming salamat," mangiyak-ngiyak na saad ko sa kanila.
Araw-araw, pumupunta si Tres at Drake para bisitahin ako. Si Javi naman, tinutulungan ako minsan mag-alaga kay Sky.
"Wolf, tulungan na kita," nakangiting saad ko kay Wolf na nagluluto ito. Sina Drake, Tres at Javi nasa sala sila at kasama si Sky.
"Ako na. Pumunta ka na sa sala."
"Salamat, Wolf. Malaki ang utang na loob ko sa'yo."
Ngumiti lang ito sa akin. Napangibit ako na nakaramdam ako ng pananakit sa aking tiyan. Napatingin ako sa aking binti na may umaagos na tubig.
"Manganganak na ako!" natatarantang saad ko kay Wolf.
"What?! Pigilan mo!" saad sa akin ni Wolf.
"Lalabas na!" umiiyak na saad ko sa kan'ya.
"Dammit! Saglit!" aniya na tinawag sila Javi, Tres at Drake.
"Kath?" agad naman lumapit si Tres sa akin. "Hindi natin siya puwede dalhin sa hospital, lalo ngayon hinahanap na siya ni Geller."
"Punyeta ka talaga, Lobo! Anong gulo ang binigay mo sa amin!" sigaw ni Javi kay Wolf na buhat-buhat si Sky.
"Sinasaktan ni Geller ang asawa niya, nakikita niyo naman ang sitwasyon ni Kath! Saka akala ko ba okay na, bakit sinusumbat niyo na naman sa akin!"
"Kath, pakihubad ng underwear mo," Utos ni Tres sa akin na binatukan naman ito ni Drake.
"Gago ang puta! Marunong ka ba magpaanak?" tanong ni Drake.
Nakangisi naman si Tres. "Nagpaanak na ako ng baboy."
"Putang-ina mo talaga, Smith!" sabay-sabay na saad nila.
"Ahh..lalabas na!" umiiyak na saad ko sa kanila. Agad naman ako binuhat ni Tres at dinala sa silid. Nakabuntot naman sila Drake.
"May bagong gunting ba? Magpakulo kayo ng tubig. Kailangan ko rin ng bagong towel at clip," aniya ni Tres. Siya na ang nagtanggal ng underwear ko.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko. Panay ang agos ng mga luha ko sa aking mukha. Sobrang sakit talaga ng tiyan ko.
"Kumpleto ang gamit ko dito. Binigay ito ni Gaia," aniya naman ni Wolf.
"P-Punyeta, Tres! M-Marunong ka ba?" nanginginig ang boses na tanong ni Javi.
Nakikinig lang ako sa kanila. Gusto ko sumigaw sa sobrang sakit ng tiyan ko.
"He is a Doctor, bastard!" sigaw naman ni Wolf kay Javi.
"D-Doctor ng hayop?" tanong ulit ni Javi.
"Gago! Siya nga nag-opera kay Kenjie Alcantara ng naaksidente! Kaibigan niyo ba talaga itong si Tres?!" galit na sigaw ni Wolf.
Hindi naman umiimik si Tres. Abala ito sa pag-aayos ng mga gamit.
Kahit ako nagulat din. Ang daming lihim ng bawat isa sa kanila. Nakakagulat na isang surgeon si tres.
"Ahh..lalabas na!" umiiyak na saad ko. Naramdaman ko ang sobrang sakit ng pagkababae ko.
"Spread your legs," utos sa akin ng binata.
Nahihiya pa ako ibuka ito. Lumapit sa akin si Wolf at hinawakan ang kamay ko. Humawak ako rito ng mahigpit.
"Ahh! Hmmm!"
"Don't use your force so much. Nakikita ko na ang ulo," mahinahong saad sa akin ni Tres.
Panay naman ang punas ni Wolf ng pawis ko sa aking mukha. Si Javi at Drake sa labas sila.
"Ahhhh!"
"Okay. Kaunting ire pa, Kath."
"A-Ayoko na!" umiiyak na saad ko. Nanghihina na rin ako.
"Damn! Mamamatay ito! Naiipit ang leeg niya!" sigaw naman ni Tres sa akin.
Inubos ko ang lahat na natirang lakas ko. "Ahhhh!"
Lupaypay ang buong katawan ko pagkatapos kong ilabas ang unang kambal.
"Bro, okay lang ba ang baby?" tanong ni Wolf.
Kinakabahan rin ako. Nanginginig pa rin ang katawan ko.
"W-Wait. Damn!" aniya ni Tres. Nakita kong pinunasan niya ng tela ang buong katawan ng baby ko at binigyan niya ito ng hangin sa bibig. Nakahinga kami ng maluwag na umiyak na ito.
"Fuck! Thanks, God!" aniya ni Tres at pinatong niya ito sa aking tiyan.
"It's a boy," mahinang saad naman ni Wolf.
Umiyak naman ako na nakatingin sa anak ko.
"Kath, may isa pa. Just relax, okay?" aniya sa akin ni Tres.
Umiiyak naman akong tumatango. Nakaramdam na ulit ako ng paghihilab.
"Ahhhh...ahmm!"
Hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang aking ulo.
"Nakikita ko na ang ulo, Kath. Come on. Push mo pa."
"Hmmmm! Ahhhh!" sumigaw naman ako ng malakas kasabay ng paglabas na anak ko.
Isang matinis na iyak ang agad na narinig namin.
"It's a boy again!" nakangising saad ni Tres.
Mabagal ang akong paghinga habang nakatingin sa dalawang baby ko.
"Nakuha na naman ang mukha ni Geller," nakangising saad ni Tres. Naramdaman ko na nilinisan ni Tres ang pagkababae ko. At parang kung ano ang kan'yang ginagawa sa aking pagkababae.
"Tintahi ko lang. Baka magtaka si Dos kung bakit maluwag."
"Gago!" sigaw naman ni Wolf.
Humalakhak naman si Tres. Hindi na lang ako umimik. Pagod at inaantok na rin ako.
"May pangalan na ba sila? Kailangan natin i-register bukas," saad naman ni Wolf sa akin.
"Hunter and Heath," mahinang saad ko naman.
"Nice name," nakangiting saad ni Wolf. Kahit si Tres nakangiti rin ito.
Pumasok rin sila Drake at Javi.
"Congrats," aniya ni Javi na hinalikan ako sa noo. Si Drake ganoon din ang ginawa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa sobrang saya.
"Oh, men. Kay Dos pa rin ang mukha. Nakuha na nga ni Sky ang mukha ng ama, pati pa ba naman sa kambal," natatawang saad ni Javi.
"Congrats," bulong ni Wolf sa akin.
Nilagyan ako ni Tres ng diaper. At binigyan rin ako ng gamot.
"Ipagluluto ko lang si Kath ng soup," aniya ni Drake at binigay niya si Sky kay Javi.
"Pahinga ka muna, Kath. Maya maya humigop ka ng mainit na sabaw, para makadede ang kambal," saad ni Tres sa akin. Siya na rin ang nagbihis sa mga anak ko at nilagyan ito ng diaper.
Tulong-tulong sila niligpit ang mga gamit na ginamit ni Tres. Binuhat naman ako ni Wolf para mapalitan ni Tres ng bago ang kubre ng kama.
Hindi ko napigilang umiyak. Hindi ko akalai na ganito ako alagaan ng magkakaibigan.
Alam kong hindi habang buhay , magtatago kami kay Tristan.
Still. May karapatan pa rin siya sa mga anak namin.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz