Chapter 3
"L-LEON..." Tumikhim ako. "Y-your brother is dead." Pinalamlam ko ang mga mata ko. "D-Dipen Psyche is dead–" Natigilan ako. I rolled my eyes as I was staring at the mirror.
Until now ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Iyon lang kasi ang naiisip kong plano, that I will dump Dipen but not now, maybe sooner. He had to make me pregnant before I do that to him. Para saan pa't kilalang may topak ang angkan na pinagmulan ko kung 'di ko iyon pangangatawanan, like duh!
Then I will tell Leon that his brother was dead. I will make myself a damsel in distress by having Dipen's baby in my womb.
Taong bato si Leon pero hindi naman siguro niya ako pababayaan. At ang ending, he will be the acting father to my baby. Idagdag pa iyong kalungkutang mararamdaman niya dahil sa pagkawala ng kapatid niya. Believe me, he will find someone to lean on, and it's gonna be me.
That's what I was talking about! That's a fabulous plan!
Pero kaya ko ba?
Kinuha ko ang aking cellphone. Tinawagan ko si Zantha. Sumagot naman agad ang bruha. "Tell me that you already dumped his body."
Napapikit ako. "Yes, I did," pagsisinungaling ko.
Narinig kong napabuga siya ng hangin. "Oh, thank God."
"I need a favor."
"Spill."
"Set me a meeting with Leonardo Saavedra." Maraming kilala si Zantha sa alta society dahil madaldal siya at epal, I was sure magagawan niya ng paraan na mahagilap si Leonardo.
Narinig ko siyang napalunok. "We know that guy, we all do."
"And so?"
"Baka pagtawanan lang ako ng lalaking 'yon kapag nag-set ako ng meet up para sa inyo."
"Then tell him about Dipen."
"Are you sure about this? Paano kung hanapin niya ang katawan ng kapatid niya?"
"Tell him I know. That's why we need to talk."
Napabuga siya ng hangin. "I'll do my best."
"You should." Pagkasabi ko ay pinatay ko na ang liniya. I threw my phone somewhere else and went inside the room—the room where Dipen could be found lying on a bed.
Bakit kaya ganito ang pakiramdam ko? Bakit sa tuwing titingnan ko ang kanyang mukha ay tila ba may nararamdaman akong mali? Hindi kaya naiinis siya sa akin dahil sa masama kong plano? Natatakot tuloy ako dahil baka multuhin niya ko.
Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ako takot sa multo dahil wala naman talagang multo.
...
FOUR HOURS HAD passed, pero palakad-lakad pa rin ako. Kung lupa lang itong nilalakaran ko ay baka nahukay na ito gamit ang mga paa ko. Ito ang unang beses na nalito ako nag ganito.
Ako iyong uri ng tao na walang pakialam sa mundo...walang pakialam sa opinyon o kalagayan ng ibang tao. I was raised this way. Pinalaki ako ng lolo ko na kilala bilang isang mafia lord. And being his only granddaughter, I was a mafia heiress.
Walang nagawa ang biological parents ko para ayusin ang aking pag-uugali. Lumaki akong self-centered, brat, at selfish. Aminado ako na walang kwenta ang mga katangiang meron ako. Aminado rin ako na bukod sa ganda, at yaman ng aking angkan ay wala na akong ipagmamalaki pang iba.
Matalino man ako pero mangmang naman ako sa tunay na buhay. Gayunpaman ay wala akong pakialam. Gagawin ko pa rin ang lahat ng gusto ko na hindi iisipin ang kung ano ang naghihintay na consequences.
Pero ito ang unang pagkakataong naguguluhan ako. Gulong-gulo ako. Ito rin ang unang beses na natatakot ako. Hindi ko alam ang tamang gawin. Ang unang plano ko ay na-realize kong kalokohan lang at nagdesisyon ako na wag na iyong ituloy pa.
And now, hindi ko na alam ang sunod kong gagawin. Maldita man ako at galing sa isang marahas na angkan ay hindi pa ako dumating sa point na magtatapon ako ng isang bangkay. Lalo na't kilala ko ang bangkay.
Nasa gitna ako ng pag-iisip nang mag-ring ang phone ko. It was my mom, Ruby Montenegro. Nasa Spain siya ngayon with daddy para sa isang business conference. Next week pa ang uwi nila sa Hacienda Montenegro.
Agad kong sinagot ang tawag. "M-mommy?"
"Is everything all right, Kia?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya. Siguro naramdaman niya na may something. Malakas ang pakiramdam ni mommy.
"Y-yes..." sagot ko at pinilit na pasiglahin ang tono.
Ayaw kong idamay pa sila ni daddy sa gusot na kinasusuungan ko ngayon. Hindi sila dapat madamay.
Matapos niya akong kumustahin kung okay lang ba ako ay natapos na rin ang pag-uusap namin. Itinabi ko na ulit ang phone saka ako nagbukas ng bote ng alak. I needed a drink to calm my mind.
Habang nakatitig sa walang buhay na katawang nasa ibabaw ng aking kama ay tinutungga ko ang alak na straight mula sa bote nito. Nang maubos ko ay mahilo-hilo ako. Init na init din ang pakiramdam ko.
Isa-isa kong hinuhubad ang mga damit ko. Ang tanging natira sa aking katawan ay ang underwear. Inaantok na ako at ganito ako matulog. Pupunta na ako sa kama para mahiga nang maalalang may tao nga pala roon.
Matagal akong tumitig muna sa lalaking nakahiga sa aking kama bago humiga sa tabi niya. Tabi lang naman, wala naman sigurong masama. Nahihilo na talaga ako at inaantok at ayaw kong matulog sa sofa at lalo naman sa lapag. Pipikit na sana ako nang maramdaman na parang bahagyang gumalaw ang kama.
Nilingon ko si Dipen at pinakatitigan. Nakapikit pa rin siya at walang buhay. Imposibleng siya ang dahilan ng pag-alon ng kama. Siguro ay dahil lasing lang talaga ako kaya kung ano-ano ang nai-imagine ko.
Nakatitig pa rin ako kay Dipen sa sumunod na mga minuto. Pinagsawa ko ang aking mga mata sa kabuuan niya hanggang sa lumalim na ang gabi. Sa pagod at kalasingan ay hindi ko na namalayang kinain na ako ng antok at tuluyan nang nakatulog.
Hindi ko alam kung imahinasyon ko na naman ba o parte ng isang panaginip na parang may mainit at mabangong mga braso ang nakayakap sa akin. Kung totoo man iyon o hindi, basta isa ang aking sigurado...na ang magdamag na ito ang pinakapayapang magdamag sa buong buhay ko.
...
WHAT TIME WAS IT? NAPADILAT AKO.
Bumangon ako at agad na tinabingan ang aking sarili gamit ang kumot. Dipen was beside me. I stood up.
Masakit ang ulo ko at ang buong katawan dahil siguro sa paglalasing ko kagabi. Pero parang bukod pa roon ay may ibang weird sa aking pakiramdam. Hindi ko matukoy kung ano.
Ipinilig ko ang aking ulo at iginala ang paningin sa paligid. Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang katabi ko sa kama si Dipen. Nanlaki ang aking mga mata at napatili ako. Mabuti na lang at sound proof ang buong kwarto kaya walang makaririnig.
Oh, damn it! May katabi akong patay!
Pinagtatadyakan ko siya para mahulog siya sa kama pero natigilan ako nang maramdaman ng aking talampakan ang init ng kanyang katawan. He was wearing a white shirt and jeans. Nakapagtataka rin na bakit bukas ang zipper ng jeans niya.
Lumapit ako sa kanya at pinisil ang kanyang makinis na pisngi. Oh, he was really warm.
I think there was something wrong with his body. If he was really dead, he should be cold by now. Matigas na sana siya at nangangamoy.
Pero iba ang nangyayari. Mainit pa rin ang katawan niya at tila ba tulog lang nang amuyin ko siya. Pero wala akong makapang pulso. Hindi ko rin marinig ang tibok ng kanyang puso. Hindi kaya may nainom siyang drugs or something sanhi para magkaganito ang kanyang katawan kahit patay na siya?
Napabitaw ako ng malalim na paghinga.
Nagbihis ako at lumabas upang uminom ng wine. Subalit bago pa lang ako kukuha ng kopita nang mapahinto ako.
There's someone at my back!
"Who are you?" I asked.
"It's me."
Kilala ko ang tinig na iyon kaya mabilis ko itong nilingon. "Quiro?"
Quiro Saavedra's my cousin—and also my partner-in-crime. Pero madalas na kinokontra niya ako kapag sumusobra na ang kamalditahan ko. May hawak siyang champagne flute at lumapit siya sa akin. Sinalinan niya ang hawak kong flute.
"How the hell–"
"The door is unlocked."
Tumikwas ang isang kilay ko. "I don't believe you."
He smiled. "I know that guy."
Dumagundong ang dibdib ko. "H-ha?"
Nilingon ni Quiro ang kwarto kung saan nandoon si Dipen. "He's my cousin, too. Ano na namang gulo ang pinasok mo, you little brat?"
Patay!
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz