ZingTruyen.Xyz

Savaged

Chapter 4

JFstories

"SO YOU and Dipsy are fucking, huh?" Nakasandal siya sa kinauupuan niya habang pinagmamasdan ako. Nandito kami sa isang coffee shop, di kalayuan sa aking condo kung saan ko dinala si Dipen.


Pinamulahan ako habang nilalaro ko ang straw na nakasawsaw sa aking drinks. "Nakita mo lang natutulog sa kama ko, fuck agad. 'Di ba pwedeng lasing lang yung pinsan mo?"


Pinaningkitan niya ako ng mata. "Cut the crap, Kia. I know you when you're lying."


Napasipsip na lang ako sa aking drink. Gumagana ang isip ko para makalikha ng palusot. Hindi niya pwedeng malaman ang tunay na nangyayari sa amin ni Dipen. Higit sa lahat ay hindi niya pwedeng malaman na patay na ang lalaking iyon.


Pinsan ko si Quiro pero pinsan niya rin si Dipen. Pinsan ko siya sa mother side. Magkapatid ang mga mommy namin habang magkapatid din ang daddy niya at ang daddy nina Dipen.


Tumikhim ako. "Listen, Q." Sinikap kong ngumiti at maging kaswal. "We're just—"


"Experimenting?" Hindi na niya ako pinatapos.


Kandalunok ako.


"I know you, Kia." Ngumisi si Quiro. "Wala ka namang pakialam sa ibang mga lalaki maliban kay Leon. And since wala ka talagang pag-asa kay Leon, siguro naisipan mong tiyagain na lang iyong kapatid."


Napalabi ako. "Ah... Uhm... Yes?" Naisip kong sang-ayunan na lang siya para matapos na ang usapan.


Pero hindi pa pala matatapos dahil umiling-iling si Quiro. "You must stop playing with that man, Kia. Baka kaka-experiment mo, masaktan ka lang sa huli."


"So what are you saying? That I should stay away from him? As if hindi ko kaya ang sarili ko. Damn it, Q, kilala mo ba kung sino ang kausap mo? May amnesia ka ba? I am Kiana Louise Montenegro, in case you forgot, cousin."


Hinawi ni Quiro ang ilang pirasong buhok na bumagsak sa kanyang sintido. Ang kulay tsokolate niyang mga mata ay bumabagay sa blonde at curly niyang buhok. Malayong-malayo sa hitsura ko si Q, sa mata kong kulay karagatan at sa buhok kong kasing itim ng gabi ay walang mag-aakalang magpinsan kami, na magkapatid ang aming mga ina.


Ngumiti ang mapulang labi niya. "I'm just concerned about you. I know you. You're a madly-crazy-bitch when you're in love."


Sinasabi niya bang may posibilidad na ma-in love rin ako kay Dipen? Na mabaling sa lalaking iyon ang feelings ko kay Leon?!


Tumayo siya at humugot ng pera sa wallet. Inilapag niya iyon sa mesa. "I'm just concerned." Pagkuwan ay humalik na siya sa pisngi ko. "Hindi kay Dipsy, kundi sa'yo. Pareho ko kayong pinsan. Pero alam mong mas matimbang ka sa puso ko kahit na saksakan ng sama ang ugali mo."


Nilingon niya ako bago siya lumabas sa sliding door.


"Dipsy has the most dangerous dick in the planet. Be careful." Pagkasabi ay nawala na siya sa aking paningin.


Really? Paano niya nalaman? Weird. Kahit kailan ay weird si Quiro Saavedra. Buwiset na kulot na iyon, ginulo pa ang utak ko.


Nasapo ko ang aking mukha at napasalampak sa mesa ng wala na si Quiro sa paningin ko.


...


HABOL KO ANG aking paghinga matapos kong mailagay si Dipen sa bathtub. Grabe, ang bigat niya. 


What to expect, Kia? Na kasing gaan siya ng bulak? 


Like, duh! He was a big man kaya natural na mabigat siya. Hindi ko na rin maisip kung paano ko ba siya nabuhat papunta dito sa bathroom.


Actually, kinabahan ako kanina. Akala ko kasi talaga ay nangangamoy na ang bangkay niya. Buti na lang pala ay dahil hindi ko lang kasi siya nalilinis. Sa tingin ko lang ay obligasyon ko siya at hindi ko siya pwedeng pabayaan na mamaho na lang dito sa condo ko.


Gamit ang sabon ay pinunasan ko ang katawan niya. Gumamit din ako ng towel dahil hindi ko yata kaya na maka-skin to skin siya.


Naisip ko rin na 'di ba ang mga patay ay kailangang alisan ng dugo para hindi mamaho? Siguro magre-research ako sa Internet kung paano iyon gagawin. Pero kakayanin ko ba? Duh, keri ko bang mag-embalsamo?


Ah, saka ko na iisipin. Mukha namang okay pa rin si Dipen. Nakapagtataka at nakagugulat pero okay pa talaga siya. Siguro sa ngayon, linis-linis na lang muna ang gagawin ko sa kanya.


Inalis ko na sa aking katawan ang hiya, pag-aalinlangan, at pag-aalala. Kargo ko na si Dipen ngayon kaya kailangang maging responsable ako sa katawan niya. Kailangan malinis ko siya at mapanatiling fresh at mabango.


Hindi na ako nagpatumpik-tumpik, pati boxers niya ay hinubo ko na rin. Kailangan kong masiguro na talagang malinis siya kaya pikit-mata kong nilinis pati ang maselang parte ng katawan niya. Gumamit din ako ng towel para doon. I think I'm gonna shave it later para clean cut siya.


Hindi ko na rin matandaan kung paano ko siya nailipat sa sofa matapos paliguan. Basta pakiramdam ko ay malalaglag ang matris ko sa sobrang bigat niya nang hilahin ko siya. Mabuti na lang talaga at umorder ako ng wheelchair online kaya medyo bawas ang aking trabaho.


Matapos punasan ng tuwalya ay nilagyan ko siya ng deodorant at pinabanguhan. Pinulbusan ko siya at sinuklayan ng buhok na para bang may buhay. Pinagmasdan ko siya habang nakasandal siya sa kinauupuan.


Bakit ganito? Bakit habang tumatagal na nakakasama ko sya ay para bang palalalim nang palalim ang nararamdaman kong panghihinayang? 


...


"BITCH, we need to talk," bungad sa akin ni Zantha nang sagutin ko ang tawag niya sa aking cellphone. "Where are you?"


"Mall. Pero pauwi na rin ako. Nasaan ka ba?"


"In your condo."


Naibagsak ko ang aking cellphone. Dali ko itong dinampot kahit puno na ako ng kaba. "What the hell are you doing in my condo?"


"Hello? You gave me a dup key card, remember?"


"What are you doing there?"


"Please, help me. Nandito ako sa parking. Listen to me. Please, don't freak out."


"Okay."


"I saw Dipsy."


"W-what?" 


"I know, it's sounds crazy! But I saw him sitting on your sofa. He's in your condo!" napaiyak na siya. "Minumulto niya ako!"


"Calm down, Zantha. I'm on my way to you." Binaba ko na ang linya pagkatapos. Nag-drive na ako papunta sa parking ng aking condo. Napapaisip ako kung paano ko ipapaliwang kay Zantha.


Ilang sandali pa'y kaharap ko na siya. Yumakap siya sa akin na umiiyak. "I saw him, I swear! I saw him!"


"Shhh..." alo ko sa kanya.


Kumalas siya sa akin. "He was just sitting there. His eyes were closed, but he was sitting there —"


"Calm down, bitch."


"Paano ko kakalma, eh nakita ko nga siya!" kumapit siya sa mga braso ko. "Minumulto niya ako, Kia! Galit siya! Minumulto niya ako!"


"He's not."


"How can you be so sure–"


"Because I kept him!"


Napatigagal siya. "W-what?"


Napayuko ako. "I'm sorry I didn't dump him. I just...can't."


...


KULANG NA lang ay takpan ko ang aking tainga habang sinesermunan ako ni Zantha. Daig niya pa si Mommy kung manermon. Aakalain ngang siya ang ate ko dahil galit na galit siya.


"Paano kung malaman ng angkan niya ang tungkol dito? Na namatay si Dipsy nang hindi mo sa kanila sinasabi? Ang ending niyan ay war clan sa pagitan ng mga Montemayor-Saavedra at mga Montenegro. Kaya ba ng konsensiya mo?"


Nanahimik ako dahil alam kong iyon nga talaga ang mangyayari kapag lumabas ang tungkol sa pagki-keep ko sa katawan ni Dipen. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kayang pakawalan. Hindi ko na rin talaga maintindihan ang sarili ko.


Nababaliw na ba ako? Tuluyan na ba akong tinakasan ng bait?


"I know how weird you are, Kia. But still, nakakagulat na hahantong ka hanggang sa pagtatago ng isang taong wala nang buhay."


Humakbang siya patungo sa kwarto kung saan naroon si Dipen. Lumapit siya sa kamang kinahihigaan ng lalaki. Sinipat niya ito.


"What the hell?!"


"Why?" Sumunod naman ako agad sa kanya.


Sa kama ay nakahiga si Dipen. Ang suot ng lalaki ay itim na t-shirt at grey sweatpants. Para lang siyang mahimbing na natutulog. He was fresh as the morning and no one would think that he was already dead—four days dead at that.


Hindi napakali si Zantha at hinawakan pa ang kamay ng lalaki. "It should be cold by now. Bakit ang init pa rin nito?"


Binaklas ko naman ang pagkakahawak niya kay Dipen. "I don't know. Something's wrong with him. Dapat nga ay matigas na siya at nangangamoy na."


"I think may paliwanag ang science rito." Humawak muli siya roon. How I wish na sana ay 'wag siyang magkwento tungkol sa medicine.


Oo, balahura ang bunganga ni Zantha at nilulumot sa pagkaberde ang utak niya, but believe it or not, kagalang-galang siya kapag nasa loob ng ospital. Med ang course niya, at science nerd siya. Bukod pa roon, mayamang negosyante ang parents niya.


Inalis ko muli ang kamay niya. "I hope so. But one thing is for sure — he's dead."


"I see. Hindi na nga siya humihinga." Bigla niyang inangat ang shirt ni Dipen.


"What are you doing?" Nagtagis ang aking mga ngipin.


"I wanna see his abs."


Inawat ko siya. "You know what, you have to go. Kailangan mo na kong maiset-up ng meeting kay Leon, remember? Nasa bansa na siya kaya mas madali mo ng magagawa ang utos ko. Use your goddamn company's name!"


Napailing siya. "That guy is the real deal. I don't I can do that."


"Do something. 'Wag kang susuko! Kailangan kong makausap si Leonardo!"


"Paano, eh mukhang busy nga siya? But what if sabihin ko na patay na ang kapatid niya? Baka 'dun magka-interest na siyang kausapin ka."


"Wag muna. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya."


"Fine. By the way," bigla siyang ngumiti habang nakatingin kay Dipsy na nasa likuran ko. "Did you fuck him?"


Kandautal ako. "A-ah..."


Napahalakhak siya nang hindi ako makasagot.


"Could you just go!" itinulak ko siya palabas ng pinto.


...


THE NEXT day ay dumating si Zantha kasama ang dalawang lalaking nakasuot ng hospital gown na may mga bitbit na attache case. Galing si Zantha sa pamilyang dalubhasa sa medisina. Ang mga kasama niya ay staff daw na mula sa laboratory nila. Binayaran niya ang loyalty ng mga ito.


"We're going to help you, bitch." 


Napalunok ako at gustong umurong bigla.


"Miraculously, Dipen's body is still okay," pagbibigay-alam niya sa akin. Hindi niya na ipinaliwanag ang ilang medical terms dahil alam niyang hindi ko rin naman iyon iintindihin.


Sabog na sabog ang utak ko at wala talaga akong maisip na matino. Ngayon lang ako nablangko nang ganito. Hanggang sa i-perform na nila sa akin ang experiment ay wala pa rin akong masabi na kahit ano.


"Don't worry, this is safe," ani Zantha. "Hindi nga lang sigurado kung magiging successful. But at least, we tried, right?"


Tumango lang ako habang pawisan. Kinalma ko ang aking sarili at inisip na lang na malabong magtagumpay ang nangyari ngayong araw na ito. Yeah, there was no way that the In Vitro Fertilization would be successful.


The was no way...


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz