ZingTruyen.Xyz

Reckless Love

Chapter 35

greatfairy

CHAPTER 35

"PAPA!"

Nataranta ako't nanginginig na dinaluhan si Papa. Sinalo ko siya bago pa man bumulagta sa damuhan. Napaluhod ako.

"Papa!"

Parang binabayo ang aking dibdib habang sumusuka siya ng dugo. Nang balingan ko si Timothy Hugh ay napabagsak na niya sa lupa si Victor. Wala na itong malay na nakabulagta.

"Timothy, tu-tulungan mo ako! Dalhin natin si Papa sa ospital!"

I was shaking in fear. Ni hindi ko na nabigyan ng atensyon ang mga bodyguard na bagong dating. Agad na kaming dinaluhan ni Timothy pagkatapos nitong manduhan ang mga ito na tumawag ng ambulansya at igapos si Victor.

"Hu-huwag na, anak. Hindi na ako aabot."

Napaluha ako nang saganang bumulwak ang dugo sa bibig ni Papa. "Huwag n'yong sabihin 'yan, Papa! Dadalhin ka namin sa ospital. Kumapit ka lang, ha?"

Inalalayan ako ni Timothy sa pagsapo sa likod ni Papa. Nanlalabo ang aking paningin dulot ng mga luha. Dinig ko ang mabibilis na yabag na palayo para kumuha ng masakyan.

Ngumiti sa akin si Papa. Pinilit niyang buhatin ang sariling kamay para maabot ang aking mukha, kaya ako na humawak niyon saka dinala sa aking kanang pisngi.

"Ingatan mo lagi ang sarili mo. Alagaan mo ang Mama mo at mga kapatid mo."

Sumikdo ang aking puso. Umiling ako. "Papa, huwag kayong pipikit!"

Tumingala ito kay Timothy na ngayon ay namumula ang mukha. "Ma—ngako ka, Bustamante. Mangako kang mamahalin mo ang anak ko. Alagaan mo siya."

"I will definitely do with no doubts, Sir. Pero gagawin ko 'yon pagkatapos mo siyang ihatid sa akin sa harap ng altar."

Papa smiled despite the blood dripping from his mouth. Tila sinasabi ng kanyang ngiti na natuwa siya sa narinig mula kay Timothy. Muli siyang tumingin sa aking mga mata.

"Papa, malapit na sila. Huwag kang mag-alala. Huwag ka lang pipikit, ha?"

Parang pinipiga ang aking puso nang makitang ngumiti lang si Papa. Ngiting matagal ko nang inaasam na mamasdan mula sa kanyang mga mata. Ngiting nagpapahiwatig ng labis na tuwa at tila sinasabi niyang proud siya sa akin.

Ngunit kabaliktaran ang nararamdaman ko. Imbis na maging masaya ay tila tinutusok ng milyun-milyong karayom ang aking dibdib.

"Lagi mong tatandaan, a—anak. Ikinararangal kita."

Napatili ako nang umubo si Papa at muling bumulwak ang dugo sa kanyang bibig. Napamura si Timothy.

Mga ilang sandali'y dumating na ang ambulansya. Kasunod ng sasakyan mula sa mansyon. Kinuha nila sa amin si Papa saka isinakay sa stretcher.

"Papa!"

Susunod na sana ako ngunit hinila ako ni Timothy papasok sa sariling kotse. "Si Papa—"

"Let them take care of him, Love. Susunod tayo, okay?"

Kinintalan niya ako ng mabilis na halik sa noo saka inalalayan papasok sa sasakyan. Parehong may mantsa ng dugo ang aming mga suot na damit. Ngunit wala nang panahon pa para bumalik pa ng mansyon para magpalit. Ang alam ko lang kailangan naming dalhin si Papa sa ospital.

My body was shaking as soon we arrived at the hospital. Halos hindi ko maihakbang ang aking mga paa sa sobrang panginginig. Mabuti na lamang at nakaalalay sa akin si Timothy. Sumunod kami hanggang sa tapat ng emergency room.

I called Papa's name as soon as he's being admitted to the emergency room. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hinuli ni Timothy ang aking baywang nang akmang papasok ako roon. Nanghina ako't napahagulgol nang malakas. Hinayaan niya ako't niyakap. Sunod-sunod niya akong hinalikan sa tuktok ng aking ulo.

"Love, you need to be checked, too. Halika, dadalhin kita sa—"

"Ayos lang ako," mabilis kong pagtanggi. Hindi ko maaaring iwan si Papa.

"But—"

"Okay sabi ako. Hindi ko iiwan dito si Papa."

Sunod-sunod akong umiling. Mahapdi ang aking pisngi pati na rin ang aking talampakan. Hindi ko alam kung may naapakan akong bubog kanina. Ngayon ko lang din napansing nakapaa pa rin ako mula nang tumakbo ako kanina habang hinahabol ni Victor. Ngunit balewala ang sakit na nararamdaman ng aking katawan. Balewala sa akin kung gulong-gulo ang aking buhok at madumi ang aking suot, ang mahalaga ay mailigtas si Papa.

I heard Timothy's heavy sigh. Ngunit hindi niya pa rin ako binibitiwan. He's still hugging me as if he wanted me to draw some strength from him. Makalipas ang ilang minuto'y humahangos na dumating si Mama at ang aking mga kapatid. Kasunod nila si Ismael at Kuya Ramon. Marahil ay sila ang nagdala sa kanila rito.

"Ano'ng nangyari? Nasaan ang Papa mo?" Nanginginig ang boses ni Mama. Sina Zabelle at Zac ay parehong may bahid ng takot sa kanilang mga mukha.

Nanghihina kong itinuro kay Mama ang pinto ng emergency room sa pamamagitan ng pagsulyap doon.

"Diyos ko! Rosendo!"

Mabilis kong dinaluhan si Mama bago pa man siya mapaupo sa sahig. Agad naman akong binitiwan ni Timothy. Makaraan ang ilang minuto ay may lumabas na doktor mula sa emergency room.

Agad kaming napaayos ng tayo. Pagkahubad ng dokto ng kanyang surgical mask ay bumaling ito sa amin saka nagtanong.

"Kamo ang pamilya sang pasyente?" Kayo ho ba ang pamilya ng pasyente?

"Ye—yes, Doc. Kumusta ang Papa ko?"

Halos gumuho ang aming mundo nang dahan-dahang umiling ang doktor. His eyes glinted sympathy.

"Dead on arrival ang pasyente."

I've heard the loud gasps from behind. Tila tumigil nang ilang segundo ang pagtibok ng aking puso. Si Mama ay napatulala bago ito kumapit sa pader.

"Doc. . ." nanghihinang untag ni Mama.

"I'm very sorry; we did everything but, too late. Naglapos ang bala sa kurason niya. "

"I'm very sorry; we did everything but, too late. Tumagos ang bala sa puso niya."

Halos mabingi ako sa aking narinig. Nawalan ako nang lakas at napaupo sa sahig. Hindi ko na ala mang ilan pang mga sinabi ng doktor kay Timothy. Ang tanging umaalingawngaw lamang sa isip ko'y wala na si Papa.

"Papa!"

"Rosendo!"

Niyakap ni Zabelle at Zac si Mama. Samantalang ako'y tila nalalantang sumandal sa pader. Naubos ang aking lakas. Dumaloy sa isipan ko ang imahe ng huling ngiti sa akin kanina ni Papa. Ang kanyang mga salita. Ang mga panahong pinagagalitan niya ako dahil pagtatago ko sa relasyon namin ni Timothy. Ang mga panahon pinaghigpitan niya ako. Higit sa lahat, ang mga pagkakataong binigo ko siya bilang anak.

Tinawag ko ang kanyang pangalan ngunit walang lumabas na boses sa aking lalamunan. Mama's cry even floated in my ears. Ang huli kong naalala ay ang pagtawag nila ng aking pangalan bago nandilim ang aking paningin.

NAGISING ako sa isang puting kuwarto. Muli pa akong pumikit nang masilaw ako ng liwanag mula sa kisame. Nang tuluyan nang luminaw ang aking paningin ay bumaling ako sa aking gilid. Hawak-hawak ni Timothy ang aking kamay habang nakapikit na hinahalikan ito. Naramdaman niya yatang gumalaw ako kaya napatingin siya sa aking mukha.

"Love? Thank, God! You're awake."

"Na—nasaan ako?"

"You're here at the hospital. You fainted earlier." Punong-puno ng pag-alala ang kanyang boses. Pumikit ako't inalala ang mga nangyari kung bakit ako napadpad dito. Muling bumalatay ang sakit sa aking puso nang maalala si Papa.

"Gaano ako katagal nakatulog?" mahinang tanong ko.

"It's been more than three hours," Timothy responded patiently. Nakamasid siya sa bawat galaw ko.

"How are you feeling?" pagkuwa'y tanong niya.

"Ayos lang ako. Nasaan si Papa?"

Akmang babangun na ako nang agad niya akong pinigilan. Nakita ko ring nakabenda ang kaliwa kong paa.

"Natanggal na ang mga bubog mo sa paa. But, the doctor said you need to rest."

"Hindi. Kailangan kong puntahan si Papa." I tried getting up again.

"Love, please? May umaasikaso na sa Papa mo. You need to rest. Besides, nando'n na ang Mama mo at ang mga kapatid mo."

I inhaled deeply. Diretso akong tumingin sa kisame. "Narinig mo ba ang sinabi ko, Timothy? Ang sabi ko, gusto kong puntahan si Papa. Gusto ko siyang makita," malamig kong bulalas na nagpatahimik sa kanya. Napabuntonghininga siya.

Wala na akong lakas pa na makipagdebate sa kanya. Gusto ko lang namang puntahan si Papa. Kailangan ko siyang makita. May sasabihin pa ako sa kanya.

"I will just call a nurse. Magpapakuha ako ng wheel chair."

Hindi ko na siya sinagot. Blangkong tumingin lamang ako sa kisame. Nagbabakasakaling magbago ang anyon niyon at magising na lamang ako sa isang masamang panaginip. Na sana hindi totoo ang mga nangyari. Na sana nandito pa si Papa.

I want to make Papa proud. Gusto ko pang ipakita sa kanya na kaya kong marating ang pangarap namin para sa pamilya. Gusto ko pa siyang makasama sa bawat tagumpay na maaabot ko. Higit sa lahat, gusto ko pang maranasan niya ang buhay na dati niyang pinapangarap para sa aming mga anak niya. Gusto ko pa siyang makasama sa oath-taking ko sakaling pumasa na ako ng board. Nais ko pa silang dalhin ni Mama at ng aking mga kapatid sa mamahaling restaurant, at ipasyal sila sa magagandang lugar.

Ngunit nakakasama ng loob na hanggang pangarap na lang ang mga pangarap kong iyon. Ngayon ko lang lubos naintindihan na wala rin palang kabuluhan ang tagumpay kapag hindi mo kasama ang mga mahal mo sa buhay. Napakadaya naman ng pagkakataon sa pamilya namin. Dahil kung kailan na maayos na ang relasyon naming magpamilya, saka naman kami nalagasan.

"Lagi mong tatandaan, a—anak. Ikinararangal kita."

Napahikbi ako nang malakas.

Ang huling ngiti ni Papa. Muling dumaan ang imahe ng kanyang huling ngiti sa aking isip. Iyon ang una at pinakahuling ngiti na nakita ko sa kanya dahil sa nagawa ko. For the last time, he made me feel like he was proud of me.

Libu-libong tanong ang umuukilkil sa aking utak habang pinagmamasdan ko ang kabaong ni Papa. Dinala siya sa isang memorial chapel. Gabing-gabi na ngunit hindi pa rin ako tinatablan ng antok. Ni hindi ko rin batid kung ano ang ginawa ni Timothy para maayos ang lahat nang gano'n kabilis. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na gano'n na lang kabilis ang pangyayari.

Wala na si Papa.

Paano na kami ngayon? Paano kami makakaahon na apat kung wala na ang taong pinaghuhugutan namin ng lakas?

"Alam n'yo ba, kahit gano'n ka-strikto ang Papa n'yo sa inyong tatlo, lagi niyang ipinagmamalaki na may mga anak siyang matatalino, responsible, at may mga prinsipyo," lumuluhang untag ni Mama. Nasa tabi ko siya. Nasa kabilang gilid naman sina Zac at Zabelle.

Nang sulyapan ko ang mga mukha ng aking kapatid ay muling nadurog ang aking puso. Napakabata pa nilang dalawa. Namamaga ang mga mata ni Zabelle habang bahagyang nakayakap kay Mama. Si Zac ay walang imik na nakatingin sa kabaong ni Papa. Hindi siya umiiyak ngunit nawalan ng buhay ang kanyang mga mata.

"Napakataas ng pangarap niya para sa inyo, dahil naniniwala siya na malayo ang mararating ninyong tatlo. Gusto niya kasing magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. Ayaw niyang matulad sa naging buhay niya ang buhay ninyo. Ayaw niyang maulit sa inyo ang mga paghihirap niya."

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Oo nga't napakasakit sa amin ang nangyari, ngunit alam kong sa pakakataong ito'y si Mama ang pinakanasasaktan higit kanino man. At wala akong ibang pamimilian kundi ang maging matatag para sa aming apat.

"Ma, magpahinga na muna kayo, gabi na. Ako na ang magbabantay dito." Hinawakan ko siya sa balikat.

"Kaya ko, anak. Ayos lang ako. Gusto kong bantayan ang Papa ninyo hanggang sa makauwi tayo bukas."

I heaved out a sigh. Iuuwi namin si Papa bukas sa Iloilo para doon siya ilibing pagkatapos ng ilang araw na lamay. Ang sabi ni Zabelle kanina'y naabisuhan na ang aming mga kamag-anak sa malalayong bayan.

Pinalis ko ang mga preskang luhang bumagsak sa aking mga mata. Ayaw kong makita ni Mama na nasasaktan ako dahil baka lalo siyang manghina. Kailangan niyang humugot ng lakas sa aming mga anak niya. Sinenyasan ko si Zabelle.

"Ma, tara na," mahina nitong sabi pagkatapos niyang maintindihan ang ibig kong sabihin.

Pagkatapos ng ilang beses na pangungumbinsi ay pumayag din si Mama na umalis. May mga bodyguard sa paligid. Kaaalis lang din nina Nanay Sol. Bumalik sila ng mansyon kasama sina Dionesa.

Naiwan kaming dalawa ni Timothy sa harap ng kabaong ni Papa. Nasa likod ko lang siya't hinahayaan akong magluksa. Gustuhin ko mang magpasalamat sa kanya sa lahat ng mga itinulong niya't pag-alalay sa pamilya ko'y hindi ko magawa.

"Nasaan na ang kriminal na pumatay sa Papa ko?" mapait kong tanong.

I heard him breathe heavily. Sinalakay ng poot ang aking dibdib nang maalala ang mga nangyari kaninang umaga.

"He's detained," mahinang tugon niya. Ramdam ko ang pagod sa kanyang boses.

Bukas na bukas din ay magbibigay ako ng statement sa mga pulis. Hindi ko na nagawa kanina dahil sa bilis ng pangyayari. Nahimatay rin ako kaya't hindi ko alam ang mga nangyari. Pero naisalaysay ni Timothy sa akin na lumapit daw sa kanya si Raquel para ibigay ang sulat na ipinagawa niya sa akin. Para daw itong baliw na tumatawa.

Naghinala na sila kaya't no'ng nalaman nilang wala ako sa mansyon ay tumawag sila ng pulis at sinuyod nila ang hacienda. Raquel has gone crazy for thinking that her evil stunt can trick Timothy. Nawala na siya sa tamang pag-iisip sa sobrang pagkabaliw sa kanya. Hindi ko lubos kung ano ang magawa ko sa kanyang sakaling makaharap ko siya.

"Si Raquel? Nakuha na ba siya ng mga pulis?"

Tumayo siya't umupo sa tabi ko. Nakaupo pa rin ako sa swivel dahil hindi ko mailakad ang aking paa.

"She's detained as well. Umamin na siya sa ginawa nila sa 'yo." Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.

Marahas akong huminga nang malalim. Gusto kong sugurin sina Raquel at Victor. Gusto kong iparamdam sa kanila ang aking poot ngunit nawawalan ako ng lakas sa tuwing sulyapan ko ang kabaong sa aking harapan.

"Let's not talk about them, Love. I will deal with those assholes."

Tumiim-bagang ako. Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa nagawa nila. Sila ang dahilan kung bakit nawala sa amin si Papa. Lalong-lalo na ang Victor na 'yon.

"At bakit hindi? Kung hindi nila ako dinukot at pinagtangkaan, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Kasama pa namin dapat si Papa. Dapat silang mabulok sa kulungan. Sisiguraduhin ko 'yon!"

Timothy held my hand. "I will make sure they will pay for what they did, don't worry. But, let me take you home for the meantime, please?" he begged.

Muli akong umiling. "Dito lang ako, Timothy. Kung inaantok ka na, umuwi kang mag-isa. Hindi ko naman hawak ang mga paa mo."

May kuwarto naman dito sa chapel at doon sila ni Mama natulog. Ang totoo'y tinatablan na ako ng antok dahil sa pagod ngunit hindi ko magawang makatulog dahil gising na gising ang aking diwa.

"You need to rest," pinal niyang sabi.

Ginagamitan na naman niya ako ng boses na tila hindi siya puwedeng suwayin. Kung sa ibang pagkakataon siguro'y natameme na ako, ngunit nangingibabaw sa akin ngayon ang pagdadalamhati at poot.

"Ang sabi ko, dito lang ako, Timothy. Huwag mo na akong pilitin. Baka nakakalimutan mo, partly kasalanan mo rin kung bakit nangyari ito kay Papa. Kung hindi mo sana sila kinumbinse na pumunta rito sa Negros, hindi na sana nangyari ito."

Bumikig ang aking lalamunan. "Alam mo ba kung ano ang masakit? Iyong napagtanto kong parang inihatid lang ni Papa ang buhay niya rito sa Negros!"

Natigalgal siya sa aking sinabi, ngunit wala na akong pakialam kung ano'ng isipin niya. Dahil pagbabaliktarin man ang sitwasyon, hindi sana nangyari ito kung nasa Iloilo lang si Papa.

Isinusumpa kong hindi na ako muling aapak sa hacienda ng mga Bustamante, dahil maaalala ko lang ang mapait na kapalarang sinapit ng pamilya ko.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz