ZingTruyen.Xyz

Reckless Love

Chapter 34

greatfairy

CHAPTER 34

NAALIMPUNGATAN ako nang biglang bumuhos ang malamig na tubig sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata'y bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Raquel. Kumurap ako nang ilang beses para kumpirmahin kung namamalikmata lang ba ako o hindi. Ngunit hindi nagkakamali ang aking paningin.

"Raquel, nasaan tayo?"

Inilibot ko ang aking paningin. Kaming dalawa lang ang narito. Tila nasa isang bodega kami dahil may nakikita akong mga kahon sa gilid.

"Sa wakas gising na rin ang nagrereyna-reynahan sa hacienda!" aniya. Itinapon niya sa gilid ang timba na sigurado akong may lamang tubig kanina na siyang ibinuhos niya sa akin.

Humalikipkip siya't ngumisi sa akin. Sinubukan kong tumayo mula sa upuan ngunit nakatali ang aking mga paa, maging ang aking magkabilang kamay sa aking likod.

Hindi ako makapaniwalang magagawa ito sa akin ni Raquel. Ang buong akala ko ay totoo ang mga ipinakita niya sa akin at ang lahat ng kanyang mga sinabi.

"Raquel, pakawalan mo ako rito! Bakit mo ba ito ginagawa?"

Sinubukan kong kalasin ang tali sa aking likod ngunit tila lalong humigpit ang lubid. Naramdaman ko ang hapdi sa aking palapulsuhan.

"At talagang nagtanong ka pa!" Nanlisik ang kanyang mga mata.

"Inagaw mo sa akin ang lahat, Zia Lynn! Magmula nang dumating ka rito sa hacienda, naetsapuwera na ako! Higit sa lahat, inagaw mo sa akin si Timothy! Malandi ka!"

Napaigik ako nang ginawaran niya ako ng malutong na sampal. Pumaling ang aking ulo.

"Wala akong inagaw sa 'yo, Raquel. Bakit ko naman aagawin sa 'yo ang mga bagay na sa simula pa lang ay akin na?"

Agad kong pinagsisihan ang aking mga sinabi dahil muli niya akong ginawaran ng malakas na sampal. Pakiramdam ko'y bumakat ang kanyang palad sa aking pisngi.

"Walang sa 'yo, Zia Lynn! Ang sabihin mo mang-aagaw ka at napakaplastik mo! Ang akala ko ay kaibigan kita, iyon pala sa loob ang kulo mo!" Dinuro niya ako.

Diyos ko! Sana maisipan nilang hanapin ako. Hindi ko alam kung paano ko matatakasan si Raquel. Ibang-iba na siya sa Raquel na nakilala ko.

"Pero hindi ako makapapayag na magwagi ka, Zia Lynn! Isinusumpa ko, hinding-hindi mo na maaagaw sa akin si Timothy!"

Napangiwi ako. Tila nababaliw na siya.

"Tama na, Raquel. Nakikiusap ako, pakawalan mo na ako! Walang patutunguhan itong ginagawa mo. Sa tingin mo ba mamahalin ka ni Timothy kung sakaling gawin mo sa akin ang mga binabalak mo?" Umiling ako. "Hindi. Hinding-hindi ka niya mamahalin, Raquel. Dahil kung totoong mahal mo siya, hahayaan mo siyang maging masaya sa totoong mahal niya."

Bagama't natigilan ay lalong tumalim ang kanyang mga mata.

"Mamahalin niya ako kapag nawala ka na sa landas naming dalawa!" singhal niya sa akin. Humalakhak siya nang malakas. Kinilabutan ako.

"Raquel, hindi sa ganitong paraan mo makukuha ang gusto mo. Alam kong mabuti kang tao kaya nakikiusap ako, pakawalan mo na ako. Pag-usapan natin ito nang maayos."

Saglit siyang natahimik dahil sa aking sinabi. Nabuhayan na sana ako ng loob ngunit bigla na namang nag-iba ang kanyang timpla. Nanlisik ang kanyang mga mata.

"Para ano? Para bilugin mo na naman ang ulo ko? Para paniwalain mo na naman ako na kaibigan kita pero sinasaksak mo na pala ako sa likod? Nagtiwala ako sa 'yo, Zia Lynn! Pero ano'ng ginawa mo? Inagaw mo sa akin ang kaisa-isang lalaking pinangarap kong makasama habang buhay!"

Nahintakutan ako sa galit na nakikita ko sa kanyang mga mata. Nilukob din ako ng konsensya sa aking dibdib. Ang hirap isipin na ako ang dahilan kung kaya nabigo siya sa pag-ibig.

You cannot choose the person to love. Kusa lang itong darating at kakatok sa puso mo. At hindi ko masisisi si Raquel kung gano'n na lang ang galit niya sa akin. Nagmahal siya nang labis kay Timothy. Siguro'y kailangan niya lang ng mas malawak na pang-unawa mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"Raquel, nagmamahalan kami ni Timothy. Alam mo 'yan."

"Tumahimik ka!"

Napatiim na lamang ako ng bagang. Her anger is beyond control. Kinakabahan ako sa maaari niyang gawin sa akin. I looked around once again. Isa nga itong abandonadong bodega. Hindi ko alam kung nasa loob pa rin kami ng hacienda. Hindi ko pa naman napapasukan ang mga bodega rito dahil sa laki ng hacienda.

"Mabuti naman at binantayan mo nang maayos ang bihag natin."

Napasinghap ako nang makilala ang pigurang biglang pumasok sa pinto. Nakasuot ito ng gusot na T-shirt at sumbrero. May sigarilyong nakaipit sa kanyang bibig, ngunit kinuha niya iyon saka itinapon sa gilid. Inapakan niya para maapula ang sindi. Sa kabilang kamay niya ay may bitbit siyang baril!

"Tamang-tama ang dating mo, Kuya Victor. Gising na siya," deklara ni Raquel.

Halos mapugto ang aking hininga nang hinagod ako ni Victor ng tingin. Diyos ko! Tulungan Ninyo akong makalabas dito!

"Bakit ba ninyo ito ginagawa?" mahinang untag ko.

Sabay silang tumawa. "Maliban sa malandi ka, boba ka rin pala, Zia Lynn, 'no? Paulit-ulit lang? Kasasabi ko lang kanina, 'di ba?" Si Raquel.

Umikot siya sa kinauupuan ko't humarap sa akin. Hinawakan niya ako sa panga saka marahas na binitiwan.

"Well, maliban sa pang-aagaw mo kay Timothy, malaki rin ang kasalanan mo kay Kuya Victor. Dahil sa 'yo nawalan siya ng trabaho, nabugbog, at higit sa lahat, muntik pang makulong!"

"Siya ang may gawa sa sarili niya niyon, Raquel. Alam mo 'yan!" matapang kong sagot.

"Ang sabi ko, tumahimik ka! Boba ka talaga kahit kailan!" Raquel glared at me. Hindi pa siya nakuntento, nilapitan niya ako't ginawaran muli ng sampal sa kabilang pisngi.

Tila namamanhid na ang aking pisngi dulot ng pananampal niya kanina. Dumura ako sa aking gilid saka tiningnan siya nang masama.

"Sino ngayon sa atin ang trayidor, Raquel? Ako ba o ikaw? Alam mo sa sarili mo ang totoo pero pilit mong pinaniniwalaan ang gusto mo lang paniwalaan. Sa tingin mo ba hindi ka makukulong sa ginagawa mong ito?"

Sabay silang nagtawanan na tila mga demonyo. Napaluha ako. Kailangan kong makagawa ng paraan para makaalis sa bodegang ito.

"Iyon ay kung mahuhuli kami. Dahil mabubura ka sa mundong ito nang walang makahahanap sa 'yo. Mamamatay kang mag-isa, Zia Lynn!" She declared while laughing. Lalo akong napaluha. Hindi ako makapapayag sa nais nilang mangyari.

Pumikit ako't piping nagdasal na sana mapansin ng mga tao sa mansyon na nawawala ako. Sana rin ay bumalik na sina Timothy at Papa sa mansyon. Nang sa gano'n ay hanapin nila ako. Hindi ko rin alam kung ilang oras na ako rito dahil nakatulog ako dulot ng gamot na ipinaamoy ni Raquel sa akin kanina.

"Nakikiusap ako, Raquel. Tigilan mo na ito bago pa mahuli ang lahat para sa 'yo. Huwag kang magpadaig sa galit mo."

"Sinabi nang tumahimik ka, eh!"

Napaigik ako nang bigla niya akong sinampal ulit nang pagkalakas-lakas. Halos mawalan ako ng ulirat. Tila dumoble rin ang paningin ko. Napangiwi ako nang malasahan ko ang dugo sa aking labi. Dumugo ito!

"Tama na 'yan, Raquel. Ipagawa mo na ang gusto mong gawin sa kanya nang sa gano'n ay ma-solo ko na siya," biglang singit ni Victor. Naninindig ang aking balahibo sa tuwing hinahagod niya ako ng tingin.

Saglit na lumabas si Raquel. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik siya na may dalang papel at ballpen.

Nilapitan ako ni Victor saka kinalas ang tali sa isa kong kamay. Ngunit muli niyang itinali ang kaliwa sa upuan. Hinila ni Raquel ang maliit na lamesa gilid saka dinala sa aking harapan. Ipinatong niya ang papel at ballpen saka iniusod sa harapan ko.

"A-anong gagawin ko rito?"

Ngumisi siya. "Ang gusto ko ay sulatan mo 'yan. Makipaghiwalay ka kay Timothy. Sabihin mong ayaw mo na sa kanya at si Kuya Victor na ang gusto mong makasama."

Namilog ako't bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. Sunod-sunod akong umiling.

"Hindi! Hinding-hindi ko gagawin 'yan! Kahit patayin n'yo pa ako, hindi ako makikipaghiwalay kay Timothy!"

Tinabig ko ang papel papunta sa harapan ni Raquel. Muling nanlisik ang kanyang mga mata sa akin.

"Susulat ka ba o gusto mong pati ang kapatid mo ay ipapadukot ko rin kay Kuya Victor? Pumili ka, susulat ka ba o ipadudukot ko ang nakababata mong kapatid?" She laughed devilishly.

Fear crippled my heart. Hindi maaari! Hindi ko kayang may mangyari kay Zabelle o kay Zac!

"Huwag na huwag ninyong idadamay ang mga kapatid ko!" Nagkatinginan silang dalawa saka tumawa.

"Puwes, sumulat ka. Huwag mo na kaming pahirapan pa!" singhal ni Raquel. She's getting impatient.

Mariin akong napapikit. Kailangan kong makagawa ng paraan para makatakas dito.

Nanginginig ang mga kamay kong dinampot ang ballpen na muling inilapit sa akin ni Raquel. Sana kung anuman ang magiging laman ng papel na ito ay hindi agad paniwalaan ni Timothy. Sana ay maisipan niyang hanapin ang katotohanan.

"Ayusin mo ang pagsulat!"

Napapiksi ako nang hinampas ni Raquel ang lamesa. Tumawa naman si Victor. "Relax ka lang, Raquel."

"Subukan mo lang akong suwayin, Zia Lynn. Isang pagkakamali mo lang ay pagsisisihan mo. Tinitiyak ko sa 'yo! Ayusin mo ang pagsulat! Kailangan maniwala si Timothy na ayaw mo na sa kanya dahil sobrang in love ka kay Kuya Victor." She laughed mischievously.

I inhaled painfully. Kahit labag sa aking loob ay sinimulan kong magsulat. Saka ko na iisipin ang ipaliliwanag ko kay Timothy pagkatapos kong makatakas dito. Sa ngayon ay pagbibigyan ko muna si Raquel at hayaan siyang isipin na sinusunod ko lahat ng gusto niya.

Timothy,

Sa mga oras na ito'y maaaring nakalayo na ako kasama si Victor. Patawarin mo ako kung hindi ko agad nasabi sa 'yo. Siya ang totoo kong mahal at hindi ikaw. Huwag mo na rin akong hanapin dahil hindi na ako babalik diyan. Maraming salamat sa lahat.

-Zia Lynn

Pinahid ko ang aking mga luha pagkatapos kong sumulat. Kahit hindi naman totoo ang mga nakasaad sa papel ay tila sinasaksak pa rin ang aking puso.

"Magaling!" Pumapalakpak si Raquel saka kinuha ang papel.

"Madali ka pa lang kausap, e." Tiningnan ko siya nang masama. Sa isip ko'y isinusumpa kong hindi siya magtatagumpay.

"Nakuha mo na ang gusto mo, Raquel. Ako naman." Nanginig ako nang bigla na naman akong pinasadahan ng tingin ni Victor.

"Relax ka lang, Kuya Victor. Magiging sa iyo siya nang lubos kapag natapos ko na ang kailangan ko kay Zia Lynn. Maliban sa sulat, kailangan ko pa ng mas matibay na ebidensya para madali kong mapaniwala si Timothy na totoo ang mga nakasulat sa papel na ito."

Isinuksok ni Raquel ang papel sa kanyang bulsa saka kinuha ang cellphone na sa tingin ko'y ipinabili noon ni Timothy kay Ismael nang masira ang nauna niyang cellphone.

"Kalagan mo siya ng tali, Kuya."

"Ano?"

"Sundin mo lang ako."

I took a deep breath to calm my raging heartbeat. Kailangan kong maging maingat. Hindi ako umimik nang kinalagan ako ni Victor ng gapos. Ngunit naninindig ang balahibo ka sa tuwing nasasagi niya ang aking balat. Pulang-pula na ang aking palapulsuhan matapos niyang kalagin ang lubid.

"Huwag na huwag kang magkakamaling kumilos nang masama, Zia Lynn." Natigilan ako nang biglang itinutok sa akin ni Raquel ang baril na hawak kanina ni Victor. Kasalukuyang hinuhubad ng huli ang tali sa aking mga paa.

"A-anong gagawin ninyo sa akin?"

Muling tumawa si Raquel. "Madali lang, Zia Lynn. Kailangan lang nating paniwalain si Timothy na sobrang mahal na mahal ninyo ni Kuya Victor ang isa't isa kaya sige na, Kuya. Yakapin mo na siya habang kinukuhan ko kayo ng magandang anggulo."

Nanlaki ang aking mga mata nang biglang itinutok sa akin ni Raquel ang kanyang cellphone. Si Victor naman ay bigla akong niyakap. Sa gulat ko'y naitulak ko siya.

"Talaga bang gusto mong iputok ko ito sa ulo mo, Zia Lynn?" banta ni Raquel sabay muling tutok sa akin ng baril.

I cried inwardly. Kahit na nanginginig ako sa takot ay hinayaan kong yapusin ako ng maduming mga braso. Halos mapugto ang aking hininga sa kapipigil ko.

Nang makuntento na si Raquel ay inabot niya kay Victor ang baril saka muling isinuksok sa kanyang bulsa ang cellphone.

"'Yan nga. Kapag marunong kang sumunod ay walang mapapahamak, Zia Lynn."

Raquel laughed again. "Kuya, bahala ka na sa gusto mong gawin sa kanya. Aalis na ako at pupunta sa mansyon para magbigay ng napakagandang balita kay Timothy," aniya sabay muling halakhak.

Nang makalabas na si Raquel ay humakbang papalapit sa akin si Victor. Umatras ako.

"A-anong gagawin mo?" Nanginig ako.

Ngumisi siya. "Huwag kang mag-alala. Pareho naman tayong liligaya sa gagawin natin. Sisiguraduhin kong makakalimutan mo ang gagong Bustamante na iyon kapag natikman mo ang mga halik ko."

"Huwag kang lalapit!" Dinuro ko siya sabay atras. Ngunit tumawa lang siya.

"Iyan ang gusto ko sa 'yo, maliban sa napakakinis mo, pakipot ka rin. Lalo mo lang akong pinapasabik sa 'yo, Zia Lynn!" Nilukob ako ng matinding takot.

"Kahit magsisigaw ka pa ay walang makaririnig sa 'yo dahil wala nang pumupunta sa bahaging ito ng hacienda. Wala ka nang takas ngayon sa akin, Zia Lynn." Tumawa siya nang malademonyo. Napaiyak ako, lalo na nang maramdaman ko ang pader sa aking likod.

"Nakikiusap ako, Victor. Huwag mong gawin ito!"

"Pagkatapos ng lahat-lahat sa tingin mo ba ay hahayaan pa kitang makawala ngayon? Huwag kang mag-alala, ipinapangako kong masasarapan ka." He laughed again. Napapiksi ako nang hinawakan niya ako sa leeg.

"Huwag ka ring magkakamaling tumakas dahil ipuputok ko ito, hmm?"

Diyos ko! Bigyan Ninyo ako ng sapat na lakas para makatakas dito! I held my eyes close. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking balat. Nandidiri ako sa kanya.

I uttered Timothy's name several times in my mind. Na sana bigla na lamang siyang dumating at iligtas ako.

Ngunit wala. Pagdilat ko ng aking mga mata'y bumulaga pa rin sa akin ang nakangising mukha ni Victor. Ang lapit-lapit na ng kanyang mga labi sa aking leeg.

Wala na akong maaasahan ngayon kundi ang aking sarili. Huminga ako nang malalim saka umatras bago sinipa nang buong lakas ang kanyang bayag.

Napasigaw siya sa sakit. "Putangina ka!"

Nataranta ako. Tumakbo ako sa pintuan nang mapaluhod siya sa sahig dulot ng sakit.

Tumakbo ako nang mabilis. Wala akong pakialam kung anu-ano nang naaapakan ko. Ang mahalaga ay makalayo ako rito.

"Hinding-hindi ka makatatakas sa akin, Zia Lynn!"

Nanlaki ang aking mga mata nang makitang paika-ikang sumusunod sa akin si Victor. Nagpaputok siya ng baril kaya't napatakip ako ng aking tainga. Hindi ako tumigil sa pagtakbo. Medyo masukal ang bahaging ito ng hacienda. Hindi ko na rin naabutan pa si Raquel, marahil ay sa ibang direksyon siya dumaan.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa pamilyar na bahagi ng hacienda. Nabuhayan ako ng loob.

Hindi ako tumigil.

"Zia Lynn!"

Nanlaki ang aking mga mata nang muli kong marinig ang boses ni Victor. Tumatakbo na siya pasunod sa akin. Mas binilisan ko ang pagtakbo.

Diyos ko! Sana may makasalubong man lang akong mga tauhan ng hacienda.

"Hinding-hindi ka makatatakas!"

Napasigaw ako nang bigla akong natalisod dahil sa nakausling bato. Napahiga ako sa lupa.

"T-tulong! Tulong!" I shouted at the top of my lungs.

Bago pa man ako makabangon ay naabutan na ako ni Victor. He aimed his gun against me. Napapikit na lamang ako ng aking mga mata.

"Tarantada ka! Pinahirapan mo pa ako!" Nanlisik ang kanyang mga mata. Marahan akong tumayo saka itinaas ang magkabila kong kamay.

"Subukan mong tumakbo ulit, at pasasabugin ko na ang bungo mo."

"N-nakikiusap ako, Victor. Hayaan mo na akong makauwi."

Tumawa siya. "Pagkatapos mo akong bayagan at takbuhan? Sa tingin mo ba pagbibigyan pa kita?"

Mariin akong napapikit.

"Don't you dare pull that trigger!"

Napasinghap ako nang marinig mula sa aking likod ang pamilyar na boses.

Timothy. Lumingon ako. Siya nga! Nanlaki ang kanyang mga mata nang magtagpo ang aming paningin.

"Love?"

Umigting ang kanyang mga bagang saka kumuyom ang kanyang mga kamao. "Ano'ng ginawa mo sa kanyang hayop ka?!" diretsong Tagalog na bulyaw niya. Nanlilisik ang kanyang mga mata kay Victor.

"Anak!" Si Papa. Agad niya akong nilapitan.

Nabuhayan ako ng loob. Ang buong akala ko'y katapusan ko na.

"O, nandito na pala ang dati kong amo," mapang-uyam na untag ni Victor. Nakatutok pa rin sa akin ang kanyang baril.

"Ano'ng ginawa mo sa anak ko?!" Dumagundong din ang boses ni Papa.

"Huwag kang mag-alala, tanda. Wala pa akong ginagawa sa kanya. Ngunit pagkatapos ko kayong patayin lahat ay tutuparin ko ang nasa isip ninyo."

Napasigaw ako nang biglang dinamba ni Timothy si Victor. Nag-agawan sila ng baril. Pumutok ito sa ere.

"Timothy!" Nanginig ang aking mga tuhod. Nilapitan ako ni Papa saka dinala sa kanyang likod. Kumuha siya nang kahoy sa gilid.

"Dito ka lang, anak." Tumango ako kay Papa.

Nag-aagawan pa rin ng baril sina Timothy at Victor. At naghahanap ng anggulo si Papa para mahampas ang huli.

"I will fcking kill you, son of a bitch!" nanggagalaiting untag ni Timothy.

Akmang hahampasin na ni Papa si Victor nang biglang umalingawngaw ang isang putok. Naestatwa ako.

"Timothy!"

Napahiga sa lupa si Victor nang sinuntok ito ni Timothy sa ilong.

"A-anak..."

Ngunit nagimbal ako nang pagbaling ko kay Papa ay sumuka ito ng dugo. Napasigaw ako.

"Papa!!!"

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz