Chapter 33
CHAPTER 33
MAMAYANG hapon na ang uwi nila Papa sa Iloilo. Ayaw pa nga sanang umuwi ng mga kapatid ko dahil gustong-gusto talaga nilang manatili rito, pero hindi naman sila puwedeng magtagal dahil parehong may pasok ang dalawa samakalawa.
Naglibot sila kahapon sa hacienda kaya napagod sila. Sinamahan sila ni Milagros at ni Timothy Hugh. Hindi na ako sumama dahil hindi ko kinayang maglakad nang diretso. Nagdahilan na lamang ako na masama ang aking pakiramdam kaya gusto kong magpahinga muna. Mabuti na lamang at hindi na nagtanong pa si Mama.
Si Timothy Hugh naman ay nagpapatay-malisya sa tuwing kaharap ang aking mga magulang. Ang galing magkunwari ng lokong iyon. Mukhang inosente at kagalang-galang sa harap ng iba pero kapag kami lang dalawa ang magkasama parang nag-iibang tao siya.
Nakagat ko ang aking ibabang labi nang maalala ko ang unang gabing pinagsaluhan namin. Wala naman akong pinagsisihan, ngunit nahihiya ako sa tuwing naaalala kong ako pala ang nag-initiate noon. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kapal ng mukha.
"Zabelle, umahon ka na diyan! Hindi ka pa tapos mag-ayos ng gamit mo," sigaw ni Mama habang papalapit dito sa amin sa pool. Sinamahan ko kasi sina Zac at Zabelle dito dahil nagyaya. Nag-e-enjoy ang dalawa dahil walang ganito sa amin. Pero sanay silang lumangoy sa dagat.
"Mamaya na, Ma!" balik-sigaw ni Zabelle sabay lusong muli sa ilalim ng tubig. Napailing ako sa katigasan ng kanyang ulo. Kanina pa sila nagpapatagalan ni Zac sa paghinga sa ilalim ng tubig pero lagi naman siyang natatalo.
"Zabelle, isa!"
Namaywang na si Mama. Muli akong lumusong sa tubig saka hinila paahon si Zabelle.
"Umahon na kayong dalawa. Doon na kayo lumangoy sa dagat natin," natatawang untag ko.
"Ate!" she stomped her foot.
"Zabelle, dalawa!"
"Ayan na nga, Ma!"
Sinabuyan ko ng tubig si Zabelle nang umahon na. Sinabuyan niya rin ako pabalik kaya napalangoy ulit ako. Dumiretso ako sa kabilang dulo ng pool para doon umahon.
Napangiwi ako nang pagkaahon ko'y sumalubong sa akin ang madilim na mukha ni Timothy Hugh. Napahilamos ulit ako ng mukha nang tumulo ang tubig mula sa aking buhok papunta sa aking mga mata.
"What the hell are you wearing?"
Napatingin ako sa aking kabuuan. "One-piece swimsuit," I responded in as-a-matter-of-fact tone.
His jaw clenched. Dali-dali niyang hinablot ang tuwalyang iniwan ko kanina malapit sa pool, saka ibinalot niya iyon sa aking katawan. Hinigit niya ako sa kamay pagkatapos.
"Sandali, dahan-dahan naman!" Tumigil siya sa paghila sa akin saka hinarap ako. Madilim pa rin ang kanyang mukha. Tila asar na asar sa akin. E, siya nga itong bigla-bigla na lang nawawala. Pagkagising ko kanina'y hindi ko siya mahagilap.
"Don't use that tone on me, Zia Lynn." May pagbabanta sa kanyang boses.
"Ay, wow! Anyare, kuya? Masama na bang lumangoy ngayon sa pool? Tapos naman na ako sa trabaho ko, ah. At saka kung mga kapatid ko, okay lang sa 'yong gumamit sila ng pool, tapos ako nagagalit ka?"
"Look at what you're wearing! Damn it!"
Napapiksi ako. Mabuti na lamang at nakaalis na sila Mama kaya hindi niya nakita ang aming pagtatalo. Nagtatlong linya ang aking noo.
"Alangan namang mag-pajama ako sa pool. Para ka namang timang diyan." Inirapan ko siya sa nilagpasan. Hinawakan ko ang pagkabuhol ng tuwalya sa aking katawan.
"Don't walk out on me, woman!"
Napabalik ako paharap sa kanya nang bigla niya akong hinigit sa braso. Umalon ang kanyang lalamunan nang magtama ang aming mga mata.
"Ano ba'ng problema mo at ang sungit-sungit mo na naman? Pati swimsuit ko pinagdidiskitahan mo," nagtitimping untag ko. Gumalaw ang kanyang panga.
"Bakit habang tumatagal nagiging matigas ang ulo mo? Huh?" tila hindi-makapaniwalang untag niya. Nagsukatan kami ng tingin.
"Ikaw nga habang tumatagal lalo kang nagsusungit. Paiba-iba ng timpla. Daig mo pa 'yong babaeng naglilihi," hindi ko napigilang bulalas. Huli na para mapagtanto ko ang aking sinabi dahil lalong dumilim ang kanyang mukha.
"Marunong ka na rin sumagot nang pabalang," aniya. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin kaya't napalunok ako.
"Don't you still realize what you are doing, hmm? You're showing too much skin! Paano kapag nakita ka ng mga guards?"
Saglit akong natigilan. Hindi naman kasi gano'n ka-daring ang suot kong one-piece. Kasi hindi nga halos kita ang dibdib ko. Sa baba nga lang. Pero masyado lang siyang OA mag-react. Dito lang naman kami sa mansyon.
"Hindi naman mababawasan ang balat ko kung makita man nila ako—Uhmp!"
Napaawang ako nang bigla niya akong inatake ng halik sa labi. Hindi ko iyon napaghandaan. Napaungol ako nang maramdaman kong ipinasok niya ang kanyang dila sa aking bibig.
I was about to kiss him back, but he let me go. Sayang.
"One more sarcastic word from you and I'm gonna make sure you won't be able to walk the next morning," deklara niya saka tiningnan ang aking kabuuan. Nanindig ang aking mga balahibo nang mapagtanto ko ang kanyang sinabi.
"Bastos!" Hinampas ko siya sabay karipas ng takbo papasok sa mansyon. Narinig ko pa ang malutong niyang tawa.
Dumiretso ako sa kuwarto sa itaas saka naligo. Nagsuot ako ng pink na pajama at plain na puting blouse na hapit sa aking katawan. Loko-lokong Bustamante na iyon, naisahan ako. Bago ako bumaba ay tiningnan ko muna sina Mama sa guest room ngunit nasa banyo siya kaya bumaba na lamang ako.
Naabutan ko si Zac na mag-isang nanonood ng TV sa sala. Hindi ko na siya inistorbo, bagkus ay dumiretso ako sa kusina para tumulong na lamang sa pagluluto kina Nanay Sol.
"Pasalamat na lamang siya at hindi itinuloy ni Senyorito Timothy ang kaso. Naku, kung si Senyorito Gaston ang nandito malamang nagkikitkit na ng rehas na bakal si Victor."
Napatigil ako sa bukana ng kusina nang marinig ko ang sinabi ni Dionesa. Nakatalikod sila sa aking direksyon kaya hindi nila ako napansin.
"Malala naman kasi talaga ang ginawa niya. Sinira niya ang kanyang sarili sa buong hacienda. Wala pa namang ibang alam na trabaho iyon maliban sa pagtulong sa pag-aani at pag-alaga ng mga hayop. Hindi kasi nakapagtapos ni High School man lang iyong si Victor dahil bulakbol daw. Tapos ngayon wala na siyang trabaho, saan sila kukuha ng makakain nila?" untag naman ni Susana.
"Naku, huwag n'yo nang problemahin iyong si Victor dahil siya naman ang gumawa no'n sa sarili niya. Sinira niya ang tiwala ni Senyorito kaya nararapat lang na parusa iyon sa kanya," si Nanay Sol habang tinitikman ang kanyang niluluto.
"Tinanggal ho sa trabaho si Victor?" hindi ko na napigilang sumabat sa kanilang usapan. Sabay-sabay naman silang napalingon sa direksyon ko.
"Nandiyan ka pala, hija." Tumango ako kay Nanay Sol.
"Tama ho ba ang narinig ko? Tinggal sa trabaho si Victor?" pagkukumpirma ko. Agad naman siyang tumango.
"Oo, hija. Siyempre, inagrabyado ka niya kaya hindi iyon pinalampas ni Timothy. Mabuti na nga lang at nagbago pa ang kanyang isip. Hindi na niya itinuloy ang kaso."
"Pero hindi naman niya kailangang tanggalin 'yong tao sa trabaho, Nanay Sol. Ayos na ako kung humingi man ng dispensa sa akin si Victor."
"Ang tanong, hihingi ba siya ng sorry?" kontra ni Susana.
"Korek! At saka, isa pa malabong makalalapit na iyon muli sa 'yo. Binantaan kaya iyon ni Senyorito Timothy na huwag na huwag nang lalapit sa 'yo o magpapakita man lang sa hacienda kundi ay makukulong siya," segunda naman ni Dionesa.
"Hay naku, wala iyong pinagkaiba sa pinsan niyang si Raquel. Nasa lahi na yata nila 'yan. Diyos ko, buti na lamang at hindi na dumadayo ang babaeng iyon dito," si Susana ulit.
"Natakot yata iyon kay Senyorito Timothy. Ikaw ba naman masigawan at masakal ni Senyorito, pupunta ka ba rito?"
"Ano? Sinakal ni Timothy si Raquel?" nanlalaki ang mga matang untag ko sa sinabi ni Dionesa.
"Nagawa niya lang iyon dahil sa galit niya, hija. Pero kinausap ko na ang batang iyon," si Nanay Sol.
That rendered me silent. Napatakip ako ng aking bibig dahil sa aking mga narinig mula sa kanila. Hindi ako makapaniwalang umabot sa gano'n ang nangyari.
"Uhm, maraming salamat mga impormasyong ibinigay ninyo. Hahanapin ko lang si Timothy."
Hindi ko na hinintay pa na makasagot sila. Iniwan ko sila sa kusina saka hinanap si Timothy para kausapin.
Una ko siyang pinuntahan sa pool ngunit wala na siya roon. Pumasok ako pabalik ng mansyon para tingnan siya sa kanyang kuwarto ngunit wala rin siya roon.
"Oh, anak? Ano'ng iniikot-ikot mo?"
Napabaling ako kay Mama nang makitang papalabas siya ng guest room. Magkasunod sila ni Zabelle.
"Ma, nakita n'yo ho ba si Timothy?"
"Hindi, anak. Hindi ba kayo ang magkasama kanina sa labas?" nakakunot-noong balik-tanong ni Mama.
Tumango na lamang ako't nagpaalam na maunang bumaba. Saan na naman kaya nagpunta ang lalaking iyon? Kung ako ang aalis kailangan talagang magpaalam sa kanya tapos kapag siya parang wala lang tao rito sa bahay. Nakakagigil ng lalaking 'yon, ah.
"Ate? Bakit kanina ka pa pabalik-balik?" tanong ni Zac nang makita akong kabababa lang ng hagdan.
"Zac, nakita mo ba ang Kuya Timothy mong pumasok dito?" balik-tanong ko.
"Umalis ho, Ate. Kasama si Papa."
"Ha? Saan sila nagpunta?"
"Hindi ko alam, Ate."
Napailing na lamang ako saka lumabas ng mansyon. Saan kaya nagpunta ang lalaking iyon? Pagka talaga nakita ko iyon susumbatan ko na talaga siya.
"Kuya Ramon, nakita n'yo ho ba si Timothy?" untag ko sa guwardiya.
"Ah, sumaglit lang siya sa kuwadra kasama ang Papa mo, pero babalik din iyon kaagad, Senyorita."
Napangiwi ako. Nahawa na nina Milagros pati ang mga guwardiya. Amo na rin ang turing nila sa akin kahit na labag sa aking kalooban.
"Sige ho. Maraming salamat, Kuya Ramon."
Tumalikod na ako't lumabas ng mansyon. Nadaanan ko pa sa Ismael sa gate at tinanong ako kung saan ako pupunta ngunit sinabi ko na lamang na susundan ko lang si Timothy.
"Sasamahan ko na kayo, Senyorita."
"Huwag na, Ismael. Babalik din naman ako kaagad. At saka ang lapit-lapit lang ng rancho, hindi ako imbalido na kailangan pang samahan kung saan magpunta."
Napaatras naman siya nang mapansing nagsusungit ako. Nakakasama lang kasi ng loob ang lalaking iyon. Hindi nagpapaalam kung aalis. Parang tanga tuloy ako sa kahahanap sa kanya. Porke't siya ang may-ari ng bahay hindi na nagpapaalam.
May mga golf cart naman dito sa hacienda na puwedeng gamitin kapag gusto mong maglibot pero dahil hindi ako marunong magmaneho no'n ay naglakad na lamang ako. Baka hindi pa man ako makakarating sa pupuntahan ko ay natanggalan na iyon ng mga gulong. O 'di kaya ay baka mag-wrestling pa kami sa lupa. Mahirap na. Besides, malapit lang naman dito ang kuwadra ng mga kabayo.
Siguro ay ipinakita niya kay Papa ang kanyang mga kabayo. Huwag niyang sabihing balak niya irng bigyan si Papa? Naku, ang lalaking iyon talaga.
"Zia Lynn!"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses. Bumaling ako sa likuran.
"Oh, Raquel?"
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng skinny jeans at jacket na itim sa itaas, Nag init-init nag-jacket.
"Puwede ba kitang makausap?" malumanay niyang sabi.
Humakbang siya papalapit sa akin ngunit umatras ako ng tatlong hakbang.
"Kung tungkol ito sa nangyari noong huling pagkikita natin, sana katulad ko ay kalimutan mo na rin iyon, Raquel. Pasensya ka na sa nagawa ko. Hindi ko napigilan ang bugso ng damdamin ko."
She smiled at me weakly. "Wala na iyon sa akin, Zia Lynn. Ako nga ang dapat na humingi ng patawad dahil sa mga nagawa ko sa 'yo."
Napatitig ako sa kanya. Nakikita ko ang matinding lungkot sa kanyang mga mata. At batid ko na kung ano ang dahilan.
"Naintindihan ko rin kung bakit mo nagawa ang mga bagay na iyon, Raquel. Nagmahal ka lang. Pero patawarin mo rin sana ako dahil isa ako sa dahilan ng kasawian mo. Hindi ko naman sinasadyang pareho tayo ng lalaking minamahal."
Napayuko siya't namulsa sa suot niyang jacket. Pansin kong tila lalo siyang pumayat, parang hindi kumakain. Siguro ay dinamdam niya masyado ang pagsumbat sa kanya ni Timothy.
"Pero sa ating dalawa, iakw pa rin ang masuwerte, Zia Lynn. Alam mo kung bakit?" she trailed off. Natahimik ako nang bigla siyang nagpahid ng luhang nalaglag mula sa kanyang mga mata.
"Kasi kahit gaano pa kalaki ng pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya, hindi iyon makakasapat dahil hindi ang pagmamahal ko ang kailangan niya. Matagal akong nagbulag-bulagan at pinaasa ang sarili ko na maaari kaming magkaroon ng relasyong higit pa sa pagkakaibigan. Hindi ko man lang napansin na hindi ako tunay na makapagpapasaya sa kanya."
Napaiyak na rin ako. "Raquel..."
"Hindi mo kailangang humingi ng patawad sa akin, Zia Lynn. Dahil tanggap ko nang hindi para sa akin si Timothy. Tanggap ko nang ikaw talaga ang mahal niya."
Hinawakan niya ako sa magkabilang kamay. Mabuti na lamang at nasa Ilalim kami ng puno kaya hindi mainit. "Darating din ang panahon na makakalimutan ko siya. Alam kong hindi perpektong tao si Timothy pero sana ay huwag mo siyang sukuan. Sana ay mahalin mo siya nang higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya."
Tumango-tango ako't nagpahid ng sariling luha. "Raquel, bakit mo ito ginagawa?"
Malungkot niya akong nginitian. "Na-realize ko kasing wala talaga akong pag-asa, lalo na noong pinagalitan niya ako nang matindi nang inaway kita. Halos isumpa niya ako, Zia Lynn."
Namilog ang aking mga mata. "Hindi ko alam na may gano'n palang pangyayari."
"Mahal na mahal ka niya, Zia Lynn. At tanggap ko na iyon. Ang hiling ko na lang ay mahalin mo siya nang wagas."
Sunod-sunod akong tumango. "Hindi mo na kailangang hilingin iyan dahil mahal na mahal ko siya. Raquel."
Naluluhang hinigit niya ako payakap. Hinaplos ko ang kanyang likod bilang pakikiramay sa kanyang nararamdaman. Hindi ko akalain na kaya palang magpaubaya ni Raquel.
"Maraming salamat, Zia Lynn."
Tila nabunutan ako ng tinik sa aking puso. Mabuti na lamang pala at naisipan kong sundan si Timothy sa kuwadra. Kung hindi ay hindi siguro kami nagkita ni Raquel sapagkat ang dinig ko sa mga kasamahan sa bahay ay matindi raw ang galit sa kanya ni Timothy. Kaya siguro ilang araw na siyang hindi nagpapakita roon.
"Maraming salamat, Raquel." Pinisil ko ang magkabila niyang kamay nang kumalas na kami sa yakap.
"Maraming salamat din, Zia Lynn. Ang buong akala ko ay galit ka rin sa akin katulad ni Timothy."
Mabilis akong umiling. "Kahit kailan hindi ako nagtatanim ng galit sa kapwa ko, Raquel."
Pareho kaming tumawa at nagpahid ng kanya-kanyang luha. "Teka, saan ka nga pala patutungo?" untag niya.
"Ah, sa kuwadra sana. Susundan ko si Timothy."
Napangiwi siya dahil sa aking sinabi. "Gano'n ba? Sige, kung gano'n mauna na ako."
Tumango naman ako at kumaway na sa kanya. Magaan ang loob kong tumalikod dahil sa wakas maayos na kami ni Raquel.
"Ah, Zia Lynn!"
Napatigil ako sa akmang paghakbang nang tinawag ako ni Raquel. Napalingon ako sa kanya.
"Ano 'yon?"
Bigla siyang tumawa. "Napakatanga mo, Zia Lynn! Naniwala ka naman sa mga sinabi ko!"
"Uhmm!"
Nanlaki ang aking mga mata nang biglang may nagtakip sa aking bibig at ilong. Nagpumiglas ako ngunit bigla akong nahilo nang may maamoy ako sa panyong itinakip sa aking ilong.
Narinig ko pa ang malademonyong tawa ni Raquel bago nagdilim ang aking paningin.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz