Chapter 28
CHAPTER 28
"BAKIT kasama mo ang lalaking 'yan? Bakit?"
Nataranta ako kaya't agad kong iniharang ang aking sarili sa pagitan nina Papa at Timothy Hugh.
"Pa, huminahon po kayo. Magpapaliwanag ho ako."
Biglang nagkaroon ng tensyon sa loob ng bahay. Si Mama ay napatanga lang sa amin. Hindi alam ang kanyang sasabihin.
"Akala ko ba pagtatrabaho ang inaatupag mo, Zia Lynn? Hindi ka pa rin nagbabago. Baliw na baliw ka pa rin sa lalaking 'yan!"
Napatili kami ni Mama nang biglang sinugod ni Papa si Timothy. Muntik na akong mabuwal sa aking kinatatayuan sapagkat hinawi niya ako.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita rito!"
Nabitawan ko ang hawak-hawak kong trolley at saka agad na pilit pumagitna sa kanila. Hindi umiimik si Timothy Hugh. Hinayaan niyang kuwelyuhan siya ni Papa.
"Rosendo, huminahon ka. Hayaan mong magpaliwanag ang mga bata," pakiusap ni Mama at saka hinawakan si Papa sa braso.
Mariing tiningnan ni Papa nang masama si Timothy Hugh, mata sa mata, bago niya binitiwan ang huli. Halos kapusin ako ng hininga.
"Papa, patawarin n'yo ho ako-"
"Naririndi na ako sa kakahingi mo ng tawad, Zia Lynn! Pero ano? Inulit mo pa rin ang pagkakamali mo! Pinaasa mo kaming nagtatrabaho ka sa Negros, iyon pala nakikipagkita ka sa lalaking 'yan! Ano? Ganyan ka na ba talaga kadesperada?! Wala ka nang ibang iniisip kundi-"
"Papa, siya ho ang amo ko."
Sabay na napasinghap si Mama at Zabelle dahil sa aking sinabi. Tila umalingawngaw sa buong bahay ang aking sinabi dahil maging si Papa ay natigilan. Mahabang katahimikan ang namayani. Ngunit ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod.
Pumaling ang ulo ni Papa saka nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
"Anong sinabi mo? Amo? Tama ba ang pagkakarinig ko, Zia Lynn? Amo mo ang lalaking 'yan?"
Dahan-dahan akong tumango habang ipinagsasalikop ang aking mga kamay, na siyang ikinasinghap nilang lahat. I saw how Papa stunned. Rumehistro ang matinding gulat sa kani-kanilang mga mata. Ngunit para silang tinuklaw ng ahas nang biglang magsalita si Timothy Hugh.
"I came here not as Zia Lynn's boss, but as her boyfriend, Sir." Bagamat may awtoridad ay may bahid ng paggalang ang kanyang pagkakasabi. Naramdaman ko ang pagkakahawak niya sa aking balikat.
"Boyfriend?" sabay na untag nina Zabelle at Zac.
Kagat-labing tumango ako. Sa pagkakataong ito, handa na akong ipaglaban ang nararamdaman ko. Handa na akong harapin ang magiging kahihinatnan, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay tatalikuran ko ang aking pamilya. Pareho ko silang mahal kaya't gagawin ko ang lahat para pareho silang hindi mawala sa akin.
"Nagkabalikan kayo, Ate? Kailan pa?" Si Zabelle na hanggang ngayon ay nanlalaki ang mga mata.
"Mahabang kuwento." I felt Timothy Hugh pressed my shoulder lightly, as if he's telling me that everything's going to be fine.
"Teka, anak, naguguluhan ako. Amo mo siya? Tapos nagkabalikan kayo? Paano nangyari iyon? Hindi ba sa isang hacienda ka nagtatrabaho?"
I smiled weakly at Mama before nodding my head. Sana sa pagkakataong ito ay pakikinggan nila ako. Sana hayaan nila akong maging masaya.
"Ang ibig mong sabihin ay haciendero si Kuya Tim, Ate?" namimilog ang mga matang tanong ni Zabelle. I nodded my head in response. Agad siyang napatakip ng kanyang mga bibig.
Sinulyapan ko si Papa. Hindi na siya nakapagsalita. Bagkus ay nakatulala na lamang siya sa amin.
"Ang ibig sabihin po mayaman si Kuya Tim, Ate?" It was Zac this time.
I just gave him a smile. "May pasalubong ako sa inyo."
"Yes!" sabay na bulalas nina Zabelle at Zac. Napasuntok pa sila sa ere. Nagsipag-unahan sila sa pagkuha ng maleta sa aking kamay.
"Ma?" mahinang untag ko nang mapansing maging si Mama ay hindi na nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Nakakapit ito sa braso ni Papa.
"Ma, Pa, alam kong marami kayong katanungan sa mga isip ninyo. Pero ipapaliwanag ko ho sa inyo ang lahat. Pero sana ho huwag ninyo siyang itaboy. Nakikiusap ho ako."
I felt Timothy's hand on mine. Pinisil niya ito.
"Anak, naguguluhan ako. Paanong naging amo mo siya? Paanong naging haciendero siya? Hindi ba isa siyang construction worker?" tarantang tanong ni Mama. Puno pa rin ng pagkalito ang kanyang mukha.
"Ma, nag-field work lang siya noon sa condo na itinatayo malapit sa bayan. Kaya siya naging construction worker. Sa kanila ho ang condo na itinayo dati sa bayan."
Napasinghap si Mama at napatakip ng kanyang mga bibig. Gano'n din si Zabelle na ngayon ay napatigil sa pagbubukas ng maleta.
"Ang ibig sabihin ay siya rin iyong nagbayad ng utang natin kay-" Mama trailed off.
Sunod-sunod akong tumango kay Mama bilang pagkumpirma. I saw how her eyes started to pool.
"Diyos ko!" bulala ni Mama.
"Wow! Bagong sapatos!" masayang bulalas ni Zac nang mabuksan na niya ang maleta. Napatingin lang kami sa kanilang dalawa ni Zabelle.
"There are more gifts in here," Timothy declared. Iniusog niya ang malaking maleta na dala niya kanina papalapit kina Zabelle. Namilog ako sapagkat akala ko'y mga damit niya iyon.
"Talaga, Kuya Tim?" feeling close na untag ni Zac. Ngayon ko lang nakita na gano'n siya kasaya dahil sa regalo.
"Yes, kiddo." Ginulo ni Timothy ang buhok nito.
"Huwag mong tatanggapin 'yan, Zac!"
Nagulat kaming lahat nang biglang nagsalita si Papa. Napatigil si Zac at saka napabitaw sa handle ng maleta galing kay Timothy.
"Pa?"
Muli akong nilukob ng kaba. Muli nitong nilapitan si Hugh saka kinuwelyuhan.
"Papa!"
Agad kong dinaluhan si Timothy Hugh.
"Papa, please?"
But he just ignored me.
"Ano'ng sadya mo sa pagpapakita mong muli sa anak ko? Sa pamilya ko? Gaganti ka, 'di ba? Puwes hindi kita hahayaan na masaktan mo ang anak ko!"
"Papa!"
Napatili ako nang marahas niyang itinulak si Timothy pagkatapos niyang kuwelyuhan. Walang reaksyon ang huli.
"Hurting your daughter is the last thing that I would do, Sir. Mahal na mahal ko ang anak ninyo," pormal at magalang niyang saad. Nanubig ang aking mga mata. How can I be so lucky to have this man in my life?
"Rosendo, tama na. Mukha naman siyang seryoso sa anak natin," malumanay na untag ni Mama ngunit saganang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Papa, mahal ko po siya. Mula noon hanggang ngayon."
That made Papa stopped. Pumaling ang kanyang ulo saka pinakatitigan ako. Unti-unting nawala ang matigas na emosyon sa kanyang mukha. Lumamlam ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
"Kailangan niya munang patunayan ang sarili, Zia Lynn. Alam mong sa lahat ng ayaw ko ay ang naagrabyado ang ni isa man sa inyo," aniya bago kami nilagpasan.
"Rosendo, saan ka pupunta?" Nasundan siya ni Mama ng tingin.
"Magpapalamig lang."
Agad na isinara ni Mama ang pinto nang mapansing nakikiisyuso ang aming mga kapitbahay.
"Pagpasensyahan mo na ang Papa mo, anak."
Mama held my face and then pulled me unto a hug. Doon ko lang napagtantong miss na miss ko na siya kaya't niyakap ko siya nang mahigpit pabalik.
"Sali kami!"
Naluluhang natatawa ako nang niyapos ako ni Zac saka ni Zabelle. Sa wakas ay nayakap ko na rin sila!
"Grabe! Na-miss ka namin, Ate!" si Zabelle.
Nang lingunin ko si Timothy Hugh ay tumango ito. Pero nakita ko sa kanyang mga mata na masaya siya.
"Na-miss ko rin kayo, siyempre. Pero nakatatampo kayo. Mas inuna n'yo pang buksan ang maleta kanina kaysa salubungin ako ng yakap."
They laughed at my remarks. Sa loob ko'y napakasaya ko na sa wakas ay nakauwi ako. Sa wakas ay nagawa kong ipaglaban ang tunay kong nararamdaman.
"Speaking of pasalubong, maraming salamat sa bagong bag at sapatos, Ate! The best ka talaga!" kinikilig na untag ni Zabelle. Pinisil ko lang siya sa pisngi.
Bumili ako ng mga sapatos, damit at mga bag para sa kanilang dalawa. Alam kong tinitiis lang nila ang mga lumang gamit noong mga nakaraang taon. Kung kasya pa naman ay pinagtitiyagaan na lang.
"Sa wakas hindi na ako magtitis sa eco-bag na malapit nang bumigay ang strap!" halos mangiyak-ngiyak na untag ni Zabelle.
Sumikdo ang puso ko. Ipinagpapasalamat ko na lang na napakamaunawain ng aking mga kapatid. Masisipag din sa pag-aaral kaya hindi naman sila nahuhuli sa klase.
"Kayo talagang dalawa, bukas pa ang Pasko pero binuksan n'yo na ang mga regalo ng Ate ninyo," nailing na untag ni Mama, ngunit napansin ko pa rin ang maluha-luha niyang mga mata.
"It's okay, Ma. Alam mo naman ang dalawang iyan. Isa pa, may mga regalo pa riyan sa isang maleta," untag ko.
"Salamat, anak." Hinaplos niya ako sa pisngi.
"Wala iyon, Ma."
"Ay, teka. Paupuin mo muna ang nobyo mo. Bakit naman tayo nakatayo?" sansala niya. Agad niyang kinuha ang bilaong may lamang mais sa ibabaw ng sofa naming gawa sa kahoy.
"Anong gusto mo, hijo? Pasensya ka na, kape at tubig lang ang maialok namin sa iyo."
"It's okay, Ma'am. I can settle for a glass of cold water," tipid na ngiting untag ni Timothy Hugh. Pareho kaming natigilan ni Mama at nagkatinginan.
"Zac, mamaya na muna iyan. Bumili ka muna ng yelo kay Tising," utos ni Mama sa kapatid ko.
Napangiwi ako. Ang gulo ng bahay namin. Puro kasi mais balat ng mais ang laman ng sako. Idagdag mo pa iyong mga gulay. Maliit pa naman ang space sa sala namin.
"Si Ate Zabelle na lang, Ma." Napakamot sa ulo si Zac. Lumabi sa kanya si Zabelle.
"Ikaw ang inutusan, ikaw ang bumili."
Nasapo ko ang aking noo. "Ako na ho, Ma."
Tumayo ako ngunit agad na hinawakan ni Timothy ang aking kamay.
"Don't bother, Love. It's okay. I'm good with whatever is available."
Si Mama naman ngayon ang napangiwi.
"Sigurado ka ba?"
Bigla akong tinalaban ng hiya. Naalala kong sa mansyon pala ay sanay ang lalaking ito na abot-kamay ang kung anuman ang gusto niyan. Samantalang dito, kahit malamig na tubig lang, hindi ko man lang maibigay.
"Yeah, I'm good." Pinisil niya ako sa baba saka nginitian. Tila sinasabi niyang ayos lang sa kanya.
Napabuntonghininga ako.
"I'm sorry."
He pinched my right cheek this time. "Silly. It's okay, Love."
Nakagat ko ang aking ibabang labi. Mabuti na lamang at nasa mga pasalubong ang atensyon ng dalawa kong kapatid kaya hindi nila narinig ang kanyang sinabi. Malambing pa naman ang pagkakasabi niya. Si Mama naman ay kumuha ng tubig. Kinuha ko ito sa kanyang kamay saka inabot kay Hugh.
"Thanks!" he uttered. Sa tingin ko'y nauhaw siya dahil sa tensyon kanina sa pagitan nila ni Papa.
. . .
"TEKA, totoo ba itong nakikita ko?"
Inikutan ko ng aking mga mata si Divina nang sinipat niya ako ng tingin. Hindi pa siya nakuntento, pinisil pa niya ako sa pisngi.
"Aray!" Napangiwi ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Totoo ka nga! Oh, my God! Bestfriend, nandito ka na!" tumitiling untag niya bago ako niyakap nang mahigpit.
Niyakap ko na rin siya pabalik. Na-miss ko ang lukaret na 'to kahit na madalas niya akong tawagan.
"Baliw ka, na-miss kita!" bulalas niya.
Pinuntahan ko siya rito sa kanilang bahay para sorpresahin siya. Wala rin kasi siyang ideya na uuwi ako. Mamayang gabi na ang Christmas Eve kaya minabuti kong ihatid na rin ang mga ipinadalang regalo ni Nanay Sol.
Si Timothy ay sa hotel nagpalipas ng gabi, pero ang sabi niya ay babalik siya mamayang gabi para dito sa bahay namin mag-Pasko.
"Na-miss din kitang bruha ka! May dala akong regalo galing kay Nanay Sol."
Inginuso ko ang tatlong paperbag na dala ko. Ang dalawa ay galing kay Nanay Sol, at ang isa ay galing sa akin.
"Oh my! Thank you, bestfriend!"
Agad niya iyong kinuha at inilagay sa ilalim ng Christmas tree nila.
"Nasaan ang mga kasamahan mo? Bakit mag-isa ka lang rito?" Nagpalinga-linga ako.
"Naku, huwag mo na silang hanapin dahil wala sila rito. Abala ang mga iyon kakahanap ng regalo. Last minute shopping."
Natawa ako.
"Infairness, parang blooming ka ngayon. At saka, hindi ka na mapayat kagaya ng dati. Medyo may laman ka na. Bagay sa 'yo. Lalo kang sumeksi," untag ko.
I saw how her smile faded. Napangiwi rin siya kaya't kinunutan ko siya ng noo.
"Oy, no offense meant. Hindi ko naman sinasabing tumaba ka. Ang sabi ko dati kasi ang payat-payat mo, pero ngayon ang seksi mo na. Bagay nga sa 'yo, eh."
Napakurap siya't ngumiti nang malapad. Maganda si Divina. Bilog na bilog ang kanyang mga mata at ang pilik-mata niya'y parang barbie doll. Mapipilantik.
"Siyempre, sa lahi!" she made face.
I just rolled my eyes. Nang may maalala ako ay bigla ko siyang tinampal.
"Oy, akala mo hindi ko na alam ang ginawa mo! Matagal mo na palang alam ang pagkatao ni Timothy Hugh, bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"
Nanlaki ang kanyang mga mata at napasinghap. Naging mailap ang kanyang paningin.
"Hindi, ah. Paano mo naman nasabi-"
"Huwag ka nang magkaila, alam ko na ang lahat. You set us up. Hindi mo man lang sinabi sa akin na siya pala ang magiging amo ko roon!" Halos mag-hysterical ako.
Tumawa siya sabay hampas sa akin.
"Ang galing ko, 'di ba? Papasa na ba akong Cupid?"
"What?" I eyed at her. Ngunit tumawa lang siya nang malakas.
"Seriously? Pinag-trip-an mo ako! Nakipagkuntsaba ka ba kay Timothy Hugh?"
Muli na namang umilap ang kanyang mga mata.
"H-hindi, ah. Ginawa ko lang naman iyon dahil gusto ko kayong tulungang dalawa. Matagal na akong kinukulit ni Timothy tungkol sa nangyayari sa 'yo. Alam niya lahat. Pero iyong pagtatrabaho mo sa Bacolod ay ideya ko lang iyon. Nagkataon lang na umuwi rito si Tiyang Sol kaya kinuha kong pagkakataon iyon para pagtagpuin kayong dalawa na walang iniisip na panganib."
I stared at her unbelievably.
"Sigurado ka niyan? Eh, ang tungkol sa totoong pagkatao niya? Bakit hindi mo man lang binanggit sa akin ni isang beses noon? Two years, Divina. Sa dalawang taong iyon wala akong ideya na ang nobyo ko ay isang haciendero pala."
Napakamot siya ng ulo. "Hindi ako ang tamang tao para tanungin mo ng ganyan. Siya kaya ang kausapin mo."
I gaped at her. "K-kasama ko siyang umuwi rito."
"Oh my! Talaga?!" hindi-makapaniwalang untag niya. Agad akong tumango.
"Oo nasa hotel siya ngayon pero babalik din daw siya mamayang gabi para sumama sa Noche Buena namin."
Napatili si Divina sabay hampas sa akin sa braso. Pareho naming gawain iyo kapag kinikilig kami.
"Ang haba ng buhok mo! Grabe!"
Naiiling na lamang akong tinawanan ang bestfriend ko. Ang totoo'y malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi dahil sa ginawa niya'y hindi kami muling magkikita ni Timothy Hugh.
Marami pa kaming napagkuwentuhan. Ikinuwento ko sa kanya ang mag narasanan ko sa hacienda ng mga Bustamante. Pati na rin ang tungkol sa mga kasamahan ko.
Mag-a-alas sais na nang magpaalam ako. Kailangan ko na rin kasing matulog muna saglit dahil pupunta si Timothy Hugh mamayang gabi. Baka kasi antukin ako at hindi ko siya maaasikaso.
Naglakad lamang ako pauwi dahil malapit lang naman ang bahay. Mabuti na rin at madilim kaya walang masyadong nakakapansin sa akin.
Nagulat ako nang pagkarating ko sa kalsadang malapit sa pilapil patungo sa bahay ay may naka-park na kotse. Iyon ang sasakyan na gamit namin kahapon!
Nandito na si Timothy Hugh?
Nagmadali akong maglakad sa gitna ng pilapil patungo sa bahay.
"Uy, Zia Lynn! Saan mo nabingwit ang mayamang nobyo mo? Siguro ginamit mo talaga ang katawan at ganda mo, 'no?"
Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ng kapitbahay naming si Aling Minda.
"Mawalang-galang na ho, pero wala pong katotohanan ang mga pinagsasabi ninyo."
"Sus, halata naman. Sino ba naman kasing matinong mayaman ang papatol sa kagaya mo? Siguro may ginamit ka sa kanya."
Nanlaki ang aking mga mata kaya't nilagpasan ko na lamang siya. Hindi na ako sumagot dahil baka makapagsalita pa ako ng hindi maganda.
Pagkarating ko sa bahay ay abala sina Mama at Zabelle sa pagluluto. Nakikitulong din si Zac. Tulong sa pagtikim.
"Ate, buti umuwi ka na. Susunduin ka pa san ani Kuya Tim sa bahay nina Ate Divina," untag ni Zac nang mapansin ako.
Agad namang bumaling ang mga tingin nila sa akin.
Walang sere-seremonyang tumayo si Timothy Hugh saka nilapitan ako. Hinalikan niya ako sa noo.
"Hi, Love."
Namilog ako sapagkat ngayon ko lang napansin na magkatabi pala sila ni Papa na nakaupo sa sofa naming gawa sa kahoy.
"Teka, uminom ka ba?" untag ko nang maamoy kong kakaiba ang kanyang hininga.
"Hoy, lalaki. Huwag mo akong tatalikuran. Hala, inom pa! Kapag natalo mo ako sa inuman, papayagan kitang pakasalan ang anak ko," untag ni Papa. Medyo lasing na rin ito.
Ngunit ang nagpawindang sa akin ay ang kanilang iniinom.
"Papa, hindi sanay si Timothy sa lambanog."
Papa groaned. "Zia Lynn, hayaan mo siya. Kailangan niya akong talunin, kung hindi, walang kasalang mangyayari," untag niya.
Namilog ang aking mga mata. Inabot ni Timothy ang baso mula kay Papa saka inisang lagok ang lambanog.
Mahabagin! Mukhang hindi na siya aabot sa Noche Buena, tiyak bulagta na siya mamaya!
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz