Chapter 29
CHAPTER 29
"MUKHANG masaya diyan sa inyo, Senyorita!" tili ni Milagros sa kabilang linya. Napairap ako. Consistent na talaga siya katatawag sa akin ng senyorita.
"Milagros, ilang beses ko ba dapat sabihin sa 'yo na huwag mo akong tawaging ganyan? Ang sagwa, at saka hindi bagay sa akin."
"Sus, masanay ka na nga kasi doon din naman patungo ang lahat." Narinig ko ang paghagikhik nilang tatlo.
Trenta minutos na lang mag-a-alas dose na ng gabi. Sina Zabelle at Zac ay abala sa kakaayos ng mga regalo sa ilalim ng maliit na Christmas tree. Hindi ko nga maintindihan kung bakit pa nila inaayos, eh maayos naman na. Hindi lang talaga sila makapaghintay na buksan ang regalo sa kanila ni Timothy Hugh. Si Mama naman ay inihahanda ang lamesa para makakain kami ng Noceh Buena.
"Teka, kakausapin ka raw ni Nanay Sol."
Narinig ko ngang nagsabi si Nanay Sol sa kabilang linyang. Siyempre tinupad ko iyong pangako ko sa kanilang tatawag ako sa kanilang sa Pasko.
"Anak, kumusta? Naibigay mo ba sa pamangkin ko ang regalo ko?"
"Oo naman, Nay. Ayon, tuwang-tuwa nga si Divina."
"Salamat, anak. Merry Christmas sa inyo diyan."
"Merry Christmas din, Nay," bati ko pabalik ko. Narinig ko naman ang pagbati ng tatlong Maria dahil naka-loudspeaker yata ang cellphone ni Milagros.
"Nasaan nga pala si Senyorito Timothy?" pagkuwa'y tanong ni Nanay Sol.
Napabuntonghininga ako pagkatapos kong sulyapan si Timothy Hugh. Napasulyap din sa akin si Mama saka napailing.
"Ayon, Nay, knocked out."
"Ha? Bakit? Ano'ng nangyari?"
Nahilot ko ang aking sentido. "Nakipag-inuman po ng lambanog kay Papa."
"Ha?" malakas na bulalas ni Nanay Sol. Narinig ko naman ang malakas na tawanan ng tatlong Maria.
"Susmaryosep na batang 'yan, hindi pa naman sanay iyan sa lambanog!" Halos mag-hysterical si Nanay Sol.
"Kaya nga, Nay, eh. Hindi na yata ito makapag-Noche Buena."
Maging si Nanay Sol ay napabuntonghininga rin. "Hayaan mo na, anak, minsan lang naman iyan. Ang mahalaga ay maayos siya sa pamilya mo."
Saglit akong natahimik. Si Papa ay nagawa pang makapasok sa kuwarto nila ni Mama at doon natulog pagkatapos nilang mag-inuman. Pero si Timothy Hugh nasa sofa namin na gawa sa kahoy. Sa laki ng katawan at sa tangkad niya'y nakabaluktot na siya roon. Nakalaylay rin ang isang kamay niya sa sahig. Hindi ko naman siya kayang buhatin dahil ang bigat niya. Kahit yata pagtulungan namin ni Mama ay hindi namin kakayanin.
"Zia Lynn, nandiyan ka pa ba?"
Napakurap ako. "Oho, Nay. Pasensya na. Sige ho, sasabihin ko kay Timothy na nagkausap tayo kapag nagising na siya."
"Sige, anak. Maligayang Pasko ulit sa inyo riyan."
"Maligayang Pasko, Zia Lynn!" rinig kong sigaw nina Milagros sa background.
"Maligayang Pasko rin sa inyo, Nay. Maraming salamat po ulit."
Nang maibaba ko ang tawag ay agad akong lumapit sa sofa. Kanina ko pa sinusubukang gisingin si Timothy Hugh ngunit tulog na tulog talaga siya. Paano kasi dalawa lang sila ni Papa ang uminom ng dalawang pitsel na lambanog.
"Uy, gising. Paano ka makababalik niyan sa hotel mamaya?" mahinang untag ko. Tinapik-tapik ko siya sa pisngi.
"Naku, anak, huwag mo nang pabalikin iyan sa hotel pagkatapos ng Noche Buena mamaya, baka kung ano pa'ng mangyari sa kanya sa daan," untag ni Mama. Narinig niya yata ang sinabi ko.
Nasapo ko aking noo. Wala kasi siyang tutulugan dito. Dalawa lang ang kuwarto namin. Sina Papa, Mama, at Zac ay magkakatabi matulog sa isang kuwarto. Sa kabila naman ay kami ni Zabelle.
"Oo nga, Ate. Sa kuwarto na lang nina Mama ako matutulog para doon na si Kuya Tim sa kuwarto natin," sabat ni Zabelle.
"Ha? Kasya pa ba kayo ro'n?"
"Kasya 'yan, sa payat ni Zabelle, eh," natatawang sagot ni Mama.
"Paano ako, Ma? Saan ako matutulog? Dito sa sofa?"
"Saan pa ba? Mahiya ka naman sa nobyo mo. Hindi yata sanay iyan sa matigas na higaan."
Napalabi ako. Ang sarap din kutusan nitong si Timothy. Ang lakas ng loob uminom ng lambanog, knockout naman. Parang gusto ko tuloy pagsisisihan na isinama ko pa siya rito.
Sa kabilang banda ay may nararamdaman naman akong kasiyahan dahil mukhang maayos na sila ni Papa.
"Grabe si Kuya Tim, Ate. Hindi niya pala ipinaalam sa 'yo na anak siya ng haciendero," turan ni Zabelle. Napabaling ako sa kanya sabay tango. Ang totoo'y hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit hindi niya ipinaalam sa akin ang tunay niyang pagkatao noon pa man.
"Ma? Bakit n'yo naman pinayagan uminom si Papa? Alam n'yo namang may gamot 'yang iniinom, 'di ba?" pag-iiba ko ng usapan.
Napatigil si Mama sa paglalagay ng mga plato sa lamesa. "Alam mo naman ang Papa mo, matigas ang ulo. At saka, hayaan mo na, ngayon lang naman iyan, anak."
I heaved out a sigh. Hindi ko rin kasi maiwasang mag-alala lalo na't may utang pa kami kay Timothy Hugh. Hindi naman ibig sabihin na nobyo ko siya ay wala na iyon, babayaran ko pa rin siya siyempre.
"Nga pala, anak, salamat kasi umuwi ka ngayong Pasko. Akala ko talaga hindi na tayo makukompleto."
Ngumiti ako kay Mama. "Akala ko nga rin, Ma. Pero kay Timothy po ideya ang umuwi kami rito."
Napasulyap si Mama kay Timothy. She looked like she was impressed by him.
"Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na isang haciendero pala iyang nobyo mo, anak. At ang dami niyang dalang regalo para sa amin. Ito ngang mga niluto ko e mga dala niya rin kanina."
Napailing ako. Kaya pala ang laki ng maleta niya kanina. Puro pala pasalubong ang dala niya. Samakalawa ay babalik din naman kami kaagad sa Negros dahil may trabaho pang naiwan si Timothy roon.
"Tapos may kotse pa pala si Kuya Tim, Ate. Kaya pala nagkakagulo ang mga kapitbahay natin kanina," untag ni Zac.
Nakahimpil lang kasi sa dulo ng pilapil ang kotseng ginamit namin kahapon.
Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Mama. "Alam mo, anak, kung may iba sana tayong mapupuntahan, ayaw ko na rito sa lugar natin. Ang gulo. Pero ayaw ko namang iwan itong bahay natin kasi ito lang ang naiwang alaala ng lolo at lola mo."
Pareho kami ng iniisip ni Mama. Kaya kapag nakaipon na ako ay kukuha ako ng bahay na malayo rito. Kahit sa kabilang barangay na lang.
Napabaling ako kay Timothy nang bahagya itong gumalaw. Bilib din ako sa lalaking ito, walang karekla-reklamo sa katawan. Ang totoo'y nahihiya ako sa kanya. Ngayon ko lang din napagtantong hindi nga pala siya sanay sa buhay-mahirap. Kahit na sabihing minsan siyang nagtrabaho sa construction.
"Uy, lipat ka sa kwarto," mahinang sabi ko sa kanya. Patagilid siyang nakahiga para magkasya ang kanyang katawan sa sofa. Naupo ako sa maliit na bakanteng space.
"Uy..." Tinapik-tapik ko siya ngunit hindi man lang siya dumilat. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ipinulupot sa aking baywang ang kanyang kamay.
"Uy, gising!"
He just groaned. Pasimple kong kinuha ang kamay niya sa aking baywang. Ang bigat, Diyos ko!
"Naku, anak, hayaan mo na. Magigising din iyan mamaya. Si Papa mo na lang ang gisingin mo doon at kakain na tayo."
"Ako na ang gigising kay Papa, Ma!" sansala ni Zac sabay takbo sa kuwarto nila Papa. Palibhasa marami siyang regalo mula kay Timothy kaya nagsisipag-sipagan.
Pagkalipas ng ilang minuto ay pupungas-pungas si Papa na lumabas sa kanilang kuwarto. "Pasko na ba?" untag niya. Natawa kaming lahat.
"Magkape ka muna nang mahimasmasan ka." Si Mama. Inabutan niya si Papa ng kape na bagong timpla.
"Zabelle, mamaya na iyang mga regalo. Kumain muna tayo."
Napakamot ng kanyang ulo si Zabelle bago tumayo. Kanina pa iyan nawiwili kakahawak ng mga regalo. Kating-kati na talaga siyang buksan. Nakaramdam ako ng bahagyang kurot sa aking puso. Ngayon lang kasi sila nakatanggap ng maraming regalo.
Binalingan ko si Timothy, tulog na tulog pa rin talaga siya. Wala na talagang pag-asang makapag-Noche Buena ito.
"Ang dami naman nating handa," untag ni Papa.
Punong-puno kasi ang aming lamesa. Dati nga'y hindi namin kayang bumili ng keso de bola, ngunit ngayon ay dalawa pa. May pasta ding inuluto si Mama, seafood, at kung anu-ano pa.
"Nagbigay ng budget kahapon ng hapon si Timothy, eh."
Namilog ako sa biglang tinuran ni Mama. Natigilan din si Papa.
"Ma? Bakit n'yo naman tinanggap? Nakakahiya naman, may utang pa nga tayo diyan sa tao."
"Eh, mapilit. Nahiya naman akong tumanggi, baka kasi sumama ang loob."
Malalim akong bumuntonghininga. Kahit kailan talaga ma-desisyon itong si Bustamante.
"Kumain na lang tayo." Si Papa. Mukhang nahimasmasan na siya sa pagkalasing. Medyo mataas din kasi ang tolerance niya sa lamabanog dahil palagi siyang umiinom niyon noon.
Pagkatapos naming magdasal ay sabay-sabay kaming kumain kagaya ng dati. Si Papa naman ay panay tanong tungkol sa naging trabaho ko sa Hacienda Bustamante. Napilitan na lamang akong ikuwento sa kanila ang lahat, maliban siyempre sa mga kalokohang pinaggagawa ni Timothy sa akin.
"Dahan-dahan lang sa pagsubo, Zac. Marami tayong pagkain, hindi tayo mauubusan niyan," saway ni Papa kay Zac. Natawa kami dahil punong-puno ang kanyang bibig.
"Naku, Pa, nagmamadali 'yan na makatapos ng pagkain para mabuksan niya ang mga regalo ni Kuya Tim," untag ni Zabelle. Pinandilatan ko siya.
"Isa ka pa, huwag kang nagsasalita nang puno ng pagkain 'yang bunganga mo."
Nag-peace sign lang siya sa 'kin sabay subo ulit. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaasar sa dalawang ito.
"Kayong dalawa, magpasalamat kayo sa Kuya Tim ninyo dahil binigyan kayo ng regalo," paalala ni Papa. Kahit medyo amoy lambanog pa siya ay mukhang straight na siya ulit magsalita, hindi katulad kanina noong lasing siya.
"Nga pala, anak. Naisip ko lang, kung gusto mong mag-retake ng board exam. Puwede naman akong pumalit sa 'yo sa pagtatrabaho sa Negros. Nang sa gano'n ay makapokus ka sa pag-re-review mo," biglang singit ni Mama. Naibaba ko ang kubyertos.
"Oo nga naman, anak." Si Papa.
"Ayos lang, Ma, Pa. At saka hindi naman talaga ako aabutan ng dalawang taon doon dahil pumalit lang ako kay Manang Inday. Baka sa susunod na taon na lang ho ako ulit mag-board."
"Sigurado ka ba, anak?"
Tumango ako saka ngumiti kay Papa at Mama. Pakiramdam ko ay bumalik ang dating sigla ng aming pamilya. Noong mga bata pa kami ay ganitong-ganito kami sa tuwing Pasko, masayang nagsasalo-salo kahit kaunti lamang ang aming handa. Ang pinagkaiba lang ngayon ay maraming nakahain sa lamesa.
Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si Mama sa paghuhugas ng mga plato. Sina Zabelle at Zac ay agad na dumiretso sa ilalim ng Christmas tree. Napailing na lamang ako.
Si Timothy Hugh, ayon tulog pa rin. Wala siyang kamuwang-muwang na tapos na kaming kumain. Kawawang nilalang, nalasing ng lambanog.
"Wow! Bago uling sapatos!" bulalas ni Zac nang mabuksan ang regalo para sa kanya.
"Woah! Cellphone!" tili naman ni Zabelle. Nagtatalon-talon pa ito.
"Yes! Thank you, Kuya Tim!" untag niya sabay baling kay Timothy na nakabaluktot pa rin sa sofa.
"Ang gara! At Zabelle, pahiramin mo ako minsan, ha?" hirit ni Zac.
"Uy, Zac, bawal ka pa sa cellphone. Ang bata-bata mo pa, cellphone ka agad. At saka sino naman ang kokontakin mo?" sita ko sa kanya. Napakamot ito ng gilid ng kanyang ulo sabay ngiwi.
"Ate naman!"
"I didn't know you want cellphone, too. I'll buy you one tomorrow."
Namilog ang aking mga mata nang biglang sumabat si Timothy. Gising na pala siya. Agad ko siyang nilapitan. Bumangon ito sa sofa saka naupo.
"Talaga, Kuya?" excited namang untag ni Zac.
"Oo naman." Pinandilatan ko siya.
"Subukan mo lang siyang bilhan!" agad siyang napangiwi sabay hawak sa kanyang ulo.
Tiningnan ko si Mama saka sinenyasan. Tumango naman ito at dali-daling nagtimpla ng kape na walang asukal.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" mahinang tanong ko at naupo sa tabi niya. Sinigurado kong may sapat na espasyo sa pagitan namin.
"I'm fine, Love. Merry Christmas!" malambing niyang sabi.
Malakas naman na tumikhim ang mga tao sa bahay kaya't napabaling ako sa kanila. Napangiwi ako nang mapatingin ako kay Papa. Blangko kasi ang kanyang mukha.
"M—merry Christmas din. Magkape ka muna."
Kinuha ko sa lamesa ang tinimpla ni Mama saka iniabot ito sa kanya.
"Kuya Tim, maraming salamat sa cellphone, ha? Hindi na ako makikigamit sa cellphone ni Mama kapag kokontak ako sa mga classmates at sa adviser ko. Touch screen pa!" tuwang-tuwa na untag ni Zabelle.
"Don't mention it. You deserve something like that. I heard you're doing well in school."
In fairness, kahit lasing siya, straight pa rin ang pananalita niya.
"Salamat ulit, Kuya! Merry Christmas!" Halos halikan ni Zabelle ang cellphone na hawak niya. Napairap ako.
"Naku, hijo, ang mamahal naman ng mga regalo mo sa kanila. Nakakahiya na. At saka, sayang hindi ka nakasabay sa pagkain namin kanina, tulog na tulog ka kasi." Si Mama. Sumang-ayon naman ako.
"That's totally fine, Ma'am. Besides, it's Christmas."
"Naku, huwag mo na akong tawaging Ma'am, Tita na lang..." awkward na untag ni Mama.
"Sure, Tita. Maraming salamat. Merry Christmas."
Sinulyapan ko si Papa. Nakamasid lang ito sa amin. Nakikinig siya ng kanta sa FM station sa radyo.
"Maligayang Pasko rin sa 'yo, hijo. Kumain ka na muna kaya?"
Pagkasabi na pagkasabi niyon ni Mama ay agad na tumayo si Timothy Hugh patungong lamesa. Confident pa siyang naghila ng upuan para makaupo ngunit muntik na siyang matumba. Mabuti na lamang at sa upuan dumiretso ang puwetan niya. I sighed in relief.
Ipinaghain ko siya ng kanyang makain pagkatapos ay kinuha ko ang regalo ko saka ibinigay kay Papa at Mama.
"Merry Christmas, Pa, Ma."
"Aba'y meron din pala ako!" masayang untag ni Mama.
"Siyempre naman, Ma. Buksan mo na po kaya."
Binalingan ko si Papa, nabuksan na niya ang kanyang regalo. Nakita ko ang pasimple niyang pagpahid ng kanyang luha.
"Salamat, anak. Mukhang mamahalin na polo ito, ah..." untag niya. Napangiti ako. Kahit kasi estrikto si Papa sa amin ay kami pa rin ang inuuna niya palagi pagdating sa pangangailangan. Tipong kahit butas-butas na ang damit niya'y wala siyang pakialam. At wala akong masyadong maalala na bumili siya ng damit para sa kanyang sarili.
"Wow! Ang ganda naman ng bestida na 'to, anak. Bagay kaya ito sa akin?" namamanghang untag ni Mama.
"Oo naman, Ma. Kahit ano naman bagay sa inyo. Gusto kong gamitin ninyo iyan ni Papa bukas sa pagsisimba natin."
"Wow, Ma, Pa, bagay sa inyong dalawa 'yan. Mukha kayong mga teenager," bulalas ni Zabelle. Natawa si Mama pero pansin kong nag-blush siya.
"Eh, pasensya ka na, anak. Wala kaming regalo para sa 'yo," nahihiyang wika ni Mama. Agad ko siyang inakbayan.
"Wala 'yon, Ma. Marami na kayong nairegalo sa akin dati pa. Kung tutuusin kulang pa nga iyang ibinigay ko."
Niyakap ako ni Mama.
"Kami rin, Ate, wala kaming regalo para sa 'yo. Akala rin kasi namin hindi ka uuwi. At saka wala kasi kaming ipon." Si Zac. Ginulo ko ang kanyang buhok.
"Ayos lang 'yon. Dahil kayo naman ang pinakamagandang regalo sa akin ng itaas."
Napangiti si Mama. Nakiyakap sa amin sina Zac at Zabelle.
Nang sinulyapan ko si Timothy ay tapos na itong kumain. Nakatulala lang ito sa kawalan kaya agad ko siyang nilapitan.
"Ayos ka lang ba?"
He flashed a smile. "I'm good, Love. Thank you."
Parang kinurot ang puso ko dahil hindi man lang umabot sa mga mata niya ang kanyang ngiti. Siguro'y naalala niya ang kanyang mga magulang.
"M—may regalo rin ako para sa 'yo."
Inabot ko sa kanya iyon. Mabilis namang nagbago ang mood niya. Agad niya iyong binuksan.
"Wow! Couple shirt!" tili ni Zabelle. Sinamaan ko siya ng tingin dahil may bahid ng panunukso ang kanyang boses. Agad naman itong nag-zipper ng kanyang bunganga.
"P—pasensya ka na, 'yan lang kasi ang nakayanan ko." I smiled awkwardly.
"Nope, this is actually cute!" nakangising untag niya. Tila tuwang-tuwa siya. Inabot niya sa akin ang kapares na t-shirt.
"Let's wear this tomorrow as well," he declared. He traced the printed words at the back of his shirt.
I'm hers. Iyon ang nakasulat. I'm his naman ang nakalagay sa akin.
"I also have a gift for you."
Tumayo siya't kinuha ang kanyang backpack na nakalagay sa gilid ng sofa. May kinuha siya roon. Nangunot ako dahil envelope ang kanyang bitbit nang lumapit sa akin.
"For you, Love."
Natuon sa akin ang atensyon ng buong pamilya ko habang binubuksan ko ang envelope. Gano'n na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ang loob niyon.
"Registration form ng isang Review Center?"
Tumango siya. "Bakit? Paano 'yong—"
"Shhh..." Pinisil niya ako sa pisngi.
"I want you to review for your board exam. Consider it a scholarship from me," he winked.
Napaiyak ako. Gano'n din si Mama. This is just too much.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz