ZingTruyen.Xyz

Reckless Love

Chapter 27

greatfairy

CHAPTER 27

"HINDI na ba talaga magbabago ang mga isip ninyo? Iiwan n'yo talaga kami?" nakalabing tanong ni Milagros. Kagabi pa siya nangungulit na dito na lang kami magpa-Pasko.

"Kaya nga, eh. Kami na naman ang magpa-Pasko rito," segunda ni Dionesa. May bitbit pa siyang pamaypay. Nang makita nila akong pababa ng hagdan kanina ay agad silang nagsitigil sa kanilang mga ginagawa.

"Sayang. Paano na iyong exchange of gifts natin?" Si Susana

"Sira, babalik naman kami pagkatapos ng Pasko. Dito kami magbabagong taon."

"Talaga?" sabay nilang wika.

Nagliwanag ang kanyang mukha nang tumango ako. Hugh and I agreed that we will be celebrating Christmas with my family. Pero dito namin sasalubungin ang bagong taon.

"Puwede pa naman tayong magpalitan ng mga regalo sa New Year's Eve. Pero kung hindi na kayo makapaghintay, puwede n'yo namang buksan ang mga regalo ko sa inyo. May mga pangalan na iyon." Inginuso ko ang mga regalong nasa ilalim ng Christmas tree.

Nagpasama ako kahapon kay Timothy Hugh na bumili ng mga regalo. Maging siya ay namili rin ng mga regalo para sa lahat ng mga kawaksi at guwardiya.

"Anak, huwag mong kalilimutan 'yong bilin ko, ha?" Si Nanay Sol. May ipinadala kasi siyang mga regalo para kina Divina. Ang sabi niya, dito na lang siya magpa-Pasko para may kasama naman sina Milagros.

"Oo naman, Nay. Tiyak na matutuwa 'yon dahil may regalo kayong ipinadala."

"Teka, aalis na ba kayo? Nasaan na si Senyorito?"

Napatingin kami sa hagdan nang marinig namin ang mga yapak ng sapatos.

"Oh, ayan na pala siya," ani Nanay Sol.

Halos matulala ako sa lalaking bumaba sa hagdan. He's wearing khaki shorts paired with signature loafers. Pinaresan niya ito ng puting long-sleeved polo na nakatupi hanggang sa siko. May nakasabit na aviator sunglasses sa kanyang dibdib.

Ang unfair. Kung iisipin ang simple lang ng suot niya, pero bakit ang lakas ng kanyang dating? Napatingin ako sa aking sarili. Simpleng puting blouse lang kasi ang suot ko na pinaresan ko ng maong na pantalon. Magmumukha talaga akong katulong kapag nagtabi kami!

"Ang guwapo ni Senyorito, 'no?" humahagikhik na bulong ni Milagros.

Natauhan ako kaya't napakurap ako. Nakatingin na pala silang lahat sa akin at nanunukso ang kanilang mga tingin. Nag-iwas ako ng tingin saka tumikhim.

"Mauna na ho kami, Nay Sol," paalam ko.

Lumapit sa akin si Timothy Hugh saka inakbayan ako. Agad ko naman narinig ang mga kinikilig na hagikhik ng tatlong Maria.

"Bye, Zia Lynn. Bye, Señorito! Mag-enjoy kayo, ha?" Nangingiting untag ni Milagros. Tila makahulugan pa ang kanyang pagkakasabi. Inikutan ko siya ng aking mga mata.

"Siya nga, hijo. Mag-iingat kayo sa biyahe." Si Nanay Sol ulit.

"We will, Nay. Kayo na muna ang bahala rito. You may open the gifts I prepared for you."

"Naku, sa pagbalik na lamang ninyong dalawa para masaya. Basta tumawag naman kayo sa Pasko mismo para alam naman namin ang nangyayari sa inyo roon."

"Makakaasa kayo, Nay. Salamat po. Maligayang Pasko po sa inyo," ani ko.

"Maligayang Pasko rin, anak. Siya, sige na. Baka ma-late pa kayo sa biyahe n'yo."

"Let's go, Love? Wala ka na bang nakalimutan?" malambing na untag ni Timothy Hugh sabay halik sa gilid ng aking noo. Nagtilihan naman ang tres Marias at biglang nagkaroon ng mga ubo.

"W—wala na."

One thing that I've discovered about him, masyado siyang affectionate, tipong kahit alam niyang may nanonood sa amin ay hindi siya nag-aatubiling yakapin ako o halikan.

"Merry Christmas, Señorito! Merry Christmas, Zia Lynn! Ingat kayo sa biyahe," tumitiling untag ni Milagros.

Imbis na matuwa sa pagbati niya'y napangiwi pa ako. Hindi pa rin talaga sila nakaka-get over sa mga kaganapan dito sa mansyon. Hanggang ngayon tinutukso pa rin nila ako.

I just waved goodbye at them. Pasimple kong kinuha ang kamay ni Timothy Hugh na nakaakbay sa aking balikat ngunit pinadausdos niya lang iyon sa aking baywang. Napalabi ako.

Napaka-clingy talaga!

Pinagbuksan niya ako ng pinto saka inalalayang makapasok. Tinakpan niya ng kanyang kamay ang aking ulo para hindi ako mauntog. Nasa trunks na ng sasakyan ang aming mga dala dahil nauna nang ipinasok nina Milagros at Ismael kanina.

Mas malayo rito ang airport kaya FastCraft daw ang sasakyan namin para mahigit dalawang oras lang ay doon na kami. Kapag kasi nag-eroplano pa, malayo rin ang biyahe mula airport sa Iloilo hanggang sa bahay namin.

"You sure wala ka nang nakalimutan?" muli niyang tanong nang makapasok na siya sa sasakyan.

Agad naman akong tumango. Nasa backseat kami. Si Ismael ang magda-drive para sa aming dalawa papuntang pier.

"I'm all good."

Napahinga ako nang malalim nang binuhay na ni Ismael ang makina ng sasakyan.

Wala nang atrasan ito. Ang totoo'y kinakabahan ako dahil wala silang kaalam-alam sa bahay na uuwi ako ngayon. Nakapag-usap na kasi kami ni Mama noong isang araw na dito ako magpa-Pasko.

Timothy grabbed my hand and intertwined our fingers. I suddenly felt at ease.

Inaalala ko ang magiging reaksyon ni Papa kapag muli silang nagkaharap ni Timothy. Ipinagdarasal ko na sana sa pagkakataong ito ay matanggap niya na ang aming relasyon.

Noong sinabi ni Timothy na sasama siya sa pag-uwi ko'y hindi ako nag-atubiling pumayag kahit may takot at pag-aalangan sa puso ko. I feel like this is the best time for us to mend the past.

"You okay?" malambing niyang tanong saka dinala ang aking kamay sa kanyang bibig para halikan.

Agad akong tumingin sa harap. Baka nakita ni Ismael!

"Oo naman. Ayos lang ako," I lied.

Binabagtas na namin ang palabas sa hacienda. Umusog siya nang kaunti para magdikit ang aming mga kawatan. Pinasandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat.

"You can sleep. I know you didn't get enough sleep last night," he teased. Tinampal ko siya sa dibdib.

Paano naman ako makakatulog e na sa kuwarto ko siya kagabi. Doon siya natulog.

Kahit magkatabi kaming natulog ay wala namang may nangyari sa amin. Iyon nga lang, panay halik at yakap siya sa akin. Kaya imbis na makatulog ako'y mulat na mulat ako hanggang hatinggabi.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang maayos na kaming dalawa. Kahit na sabihing may mga bagay pa kaming dapat ayusin, pero kahit papaano ay nabawasan na iyong mabigat na dinadamdam ko. Pakiramdam ko ngayon ay kaya kong harapin ang anumang hamon basta kasama ko siya.

Nagising ako nang maramdaman ko ang manaka-nakang halik sa aking noo. Napaungot ako.

"Ano ba—"

Agad akong napaayos ng upon ang mapagtanto kong nasa loob pala kami ng sasakyan.

"Glad you're awake. We're here," he declared.

Napatingin naman ako sa labas. Totoo nga! Nasa pier na kami.

"Kanina pa ba tayo?" Napansin ko kasi ang oras. Napahaba yata ang tulog ko.

"Not really. We're here about 30 minutes ago."

"Ano? Bakit hindi mo agad ako ginising? Baka maiwan tayo ng barko!" sansala ko. Tumawa siya nang mahina.

"I'm not that cruel to wake an angel up in her peaceful sleep. Besides, they can wait for us."

Napakunot ako. Wala na si Ismael sa driver's seat.

"Nasaan na si Ismael?"

"He's taking our luggage to the fastcraft."

Napatango-tango ako.

"'Yong ticket?"

Ngumiti lang siya sa akin.

"Shall we?"

Tumango ako. I was about to open the window beside me, but he grabbed my nape and gave me a smack. Nanlaki ang aking mga mata.

"Timothy Hugh!" singhal ko sa kanya.

Humalakhak lang siya bago lumabas. Umikot siya't pinagbuksan ako ng pinto. Inirapan ko siya. Napakahilig niyang humalik.

Pinisil niya ako sa ilong saka binulungan. "I love you!"

Nahigit ko ang aking hininga. Sa tuwing maririnig ko iyon sa kanya ay gano'n pa rin ang epekto niya sa akin. Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko. At batid ko ring namumula ang aking pisngi dahil ramdam ko ang pag-iinit nito.

Nagdire-diretso kami sa loob. Medyo marami ang mga pasahero. Marahil ay naghahabol para makasama ang kani-kanilang mga pamilya sa Christmas Eve bukas.

"Teka, aalis na ba tayo?" takhang tanong ko nang dumiretso kami sa departure area. Hawak-hawak niya ang aking kamay. Sumaludo pa sa kanya ang mga security. Mukha kilala siya ng mga ito.

Namilog ang aking mga mata nang dire-diretso kaming lumabas. May barkong naghihintay!

Binati siya ng dalawang unipormadong mga lalaki. Mukhang mga crew ng barko.

Inalalayan niya ako paakyat ng fastcraft. Binati kami ng iba pang crew pagkaakyat namin sa itaas. Mukhang kilala nga siya ng mga ito.

Bumati ako pabalik sa kanila kahit na medyo awkward dahil nakalingkis sa akin si Timothy Hugh.

"Nasa loob na po ang mga gamit n'yo, Senyorito." Si Ismael. Galing siya sa loob.

"Good."

"Ingat po kayo sa biyahe," ani Ismael. Nginitian ko siya saka tumango.

"Let's go, Love."

Nagpatianod lang ako kay Timothy Hugh. Hawak-hawak niya ang aking kamay habang hinihila niya ako papasok sa loob mismo ng barko. Pansin kong kami palang ang umaakyat na pasahero. Wala pa iyong iba.

Nagpahila ako sa kanya. Nadaanan namin ang tourist class na mga upuan. Pero hinila niya pa ako't pumasok sa unahan.

Napaawang ako. Business class pa talaga ang kinuha niya. Agad na nanuot ang lamig sa aking balat kaya't napayakap ako sa aking sarili. At dahil hawak niya ang aking kamay ay napabitaw siya sa akin nang hinatak ko iyon.

Sa pinakaharap kami pumuwesto. Malapit sa TV. Ang gara ng mga upuan kasi may lamesang nakakabit sa mga armrest nito. Kaya puwedeng pumatong ng pagkain.

May dalawa pang crew na bumati sa amin. Itong kasama ko biglang nag-transform dahil puro tango lang ang itinutugon niya sa mga bumabati sa amin.

Nagulat ako nang biglang umandar ang barko.

"Teka, hindi ba kayo magpapaakyat ng ibang pasahero?" bulalas ko.

Ngumiti ang crew. "This is a special trip, Ma'am. Binayaran po ni Mr. Bustamante."

Napatakip ako ng aking bibig. Namimilog ang mga mata kong binalingan si Timothy Hugh. I eyed at him questioningly, but he just raised his brows playfully.

"What?" patay-malisyang untag niya.

"Seryoso? Gumastos ka pa talaga nang malaki para lang sa biyahe natin? Puwede nama tayong sumakay sa regular trip lang. Bakit ka pa nagpa-book ng special trip?"

The crew excused himself when he noticed that I am almost hysterical.

"It's not really a big deal, Love..." kibit-balikat lang niyang sagot. Pinandilatan ko siya.

"Hindi naman porke't may pera ka kailangan mong magpa-special lagi. Diyos ko! Sayang ang pera."

"Love, please? I don't want to argue about this with you. Gusto lang naman kitang ma-solo."

Natameme ako.

As if naman may magagawa pa ako. E umaalis na ang barko sa pantalan. Napairap na lamang ako sa kawalan.

"Sorry," mahinang bulong niya. Tinanggal niya ang armrest sa pagitan namin saka hinapit niya ako sa baywang.

"May magagawa pa ba ako?"

I rolled my eyes. Kahit na hindi niya ako nakikita. Naramdaman ko ang kanyang mga labi sa aking tuktok. Ang hilig niyang gawin iyon.

Saglit siyang nanahimik. Ako naman ay itinuon ang pansin sa TV. May pelikula na ipinapalabas doon. At kahit papaano ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko dahil nakapulupot sa akin ang braso niya.

Habang lumalayo kami sa pantalan ay nilulukob ako ng matinding kaba. Sana ay magiging maayos ang pagkikita nila ni Papa mamaya sa bahay. Gagawin ko ang lahat para magkaayos sila. Kahit iyon man lang ang magagawa ko para sa kanya sa Pasko. Hindi ko naman maatim na magsaya kung sakaling magpa-Pasko siyang mag-isa sa hotel.

Buong biyahe yata ay iyon na ang iniisip ko. Kahit medyo inaantok pa ako'y hindi ako nakatulog. Nauwi ako sa pagtitig sa kanyang mukha habang natutulog siyang nakasandal sa backrest ng upuan.

Magdadalawang oras nang dumating kami sa pier sa Iloilo. Iyong mga crew na ang nagbaba ng aming mga gamit. Katulad kanina ay pinagsalikop niya ang aming mga kamay habang pababa ng barko. Todo alalay siya sa akin.

Pagkababa namin ay naglakad lang kami nang kaunti papuntang sakayan. Ngunit nagulat ako nang may lalaking nakauniporme rin ang lumapit sa amin.

"Sir!"

Sinalo ni Timothy ang susi mula sa lalaki. Nakasunod sa amin ang dalawang crew ng barko, dala-dala ang aming mga bagahe. Sinenyasan sila ng lalaking nagbigay ng susi kay Timothy.

Napaawang na naman ako nang lumapit sila sa pulang sasakyang nakabukas sa aming harapan. Inilagay ng mga crew sa trunks ang mga bagahe.

May kotse rin siya rito sa Iloilo?

Napatanga lang ako sa kanila nang mag-usap sila. Pagkatapos mailagay ng mga crew ang mga gamit sa likod ng sasakyan ay agad sila nagpaalam. Nagpasalamat naman ako sa kanila.

"Let's go, Love."

Hinila niya ako saka pinagbuksan ng pinto ng sasakyan sa harapan. Inalalayan niya rin ako makapasok. Agad akong nagkabit ng seatbelt pagkapasok ko.

Mga trenta minutos lang naman ay nasa bahay na kami.

Agad siyang umikot saka pumasok sa driver's seat. Marahil ay sa kanya nga ang kotseng ito. Naalala kong may kompanya pala sila rito sa Iloilo, kaya malamang isa sa mga tauhan niya ang nag-abot ng susi kanina. Grabe, hindi naman siya handa sa pag-uwi rito sa Iloilo sa lagay na 'yan.

"I need an energizer," he murmured before giving me a peck on the lips. It was just supposed to be a quick kiss, but he deepened it when I gasped. Napahawak ako sa kanyang balikat.

Habol-habol ko ang aking hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Nag-init ang aking pisngi.

"Thank you, Love." He winked at me. Abot-tainga ang kanyang ngiti. Napaungot na lamang ako.

Parang wala man lang mababanaag na takot sa kanyang mukha gayong magkikita sila ni Papa. Diyos ko! Baka habulin siya ng itak ng tatay ko!

For a second, I thought of going back to Negros. Mukha kasing ako pa ang mas natatakot sa aming dalawa. Habang papalapit kami nang papalapit ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Nang humimpil ang kotse niya sa tapat ng pilapil patungo sa bahay namin ay para akong nabato sa aking kinauupuan. Paano kung hindi siya matanggap pa rin ni Papa? Paano kung galit na galit pa rin si Papa sa kanya?

"We're here, Love. Are you okay?" he queried. Hinaplos niya ako sa pisngi.

Alanganin akong tumango saka ngumiti nang peke. Bahala na.

"S—sige. Baba na tayo."

Agad na may lumabas na kapitbahay para tingnan kung sino ang bagong dating. Marahil nagtataka sila kung bakit may magarang kotse na nakahimpil sa gilid ng kalsada.

Kinuha ni Timothy ang mga bagahe sa likod. Kinuha ko ang maliit na maleta saka hinila.

"Love, mamaya na 'yan. Balikan na lang natin," aniya. Umiling ako.

"Magaan lang naman ito. Hihilahin ko lang naman, hindi ko naman bubuhatin. Trolley naman kasi ito."

He groaned. Pinisil niya ako sa ilong. "As you say so," pagsuko niya. Napangiti ako kahit papaano.

"Zia Lynn? Ikaw ba 'yan? Sino 'yang kasama mo?" biglang tanong ni Aling Minda. Ang kapitbahay namin. Malapit sa kalsada ang kanilang bahay.

"Maligayang Pasko ho, Aling Minda."

Inignora ko ang kanyang katanungan. Malamang mamaya buong baranggay na ang makakaalam na umuwi ako rito. Mabilis pa naman lumipad ang balita ngayon.

Nilagpasan ko siya at tinunton ang aming bahay. Nakasunod naman sa akin si Timothy. May hila-hila rin siyang malaking maleta. Hindi ko alam kung anong laman. Kung makapagdala ng gamit akala mo naman magtatagal kami rito, e tatlong araw lang naman.

Hindi na ako kumatok pagkarating ko sa bahay. Tiyak kasi na kompleto sila dahil araw ng Linggo ngayon.

"Merry Christmas!" deklara ko nang makapasok ako.

Si Mama na nagtatahip ng bigas ay napatigil. Si Zabelle na naghuhugas ng plato ay nanlaki ang mga mata. Si Zac na nagpapaikot ng bola sa ibabaw ng kanyang hintuturo ay napanganga. At si Papa na nakaupo sa sofa naming gawa sa kahoy ay napatanga sa akin.

"Zia Lynn?"

"Ate!"

Halos sabay-sabay silang bumulalas. Ngumiti ako nang pagkalapad-lapad.

"Hi, Ma." Agad akong lumapit sa kanya at humalik. Gano'n din kay Papa. Si Zac naman ay lumapit saka niyakap ako. Si Zabelle ay gano'n din.

"Umuwi ka? Akala ko ba sabi mo hindi ka pinayagan ng amo mo?" naguguluhang untag ni Mama.

"Mabuti naman at nagbago ang isip ng amo mo, anak." Si Papa. Sa tono ng boses niya'y tila natuwa rin siya.

Napalunok ako. "Uhm, kasi po kasama ko ang amo kong umuwi rito."

"Ha?" Napanganga silang lahat.

Dahan-dahan akong lumingon, na siyang sinundan nila ng tingin.

"Ano ang ginagawa ng lalaking 'yan rito?!"

Biglang dumagundong ang boses ni Papa na parang kulog kaya't napapiksi ako.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz