Chapter 22
CHAPTER 22
"ANG ibig bang sabihin nito e naniniwala kang hindi ko talaga sinasadya ang nangyari kay Raquel?" mahinang tanong ko habang nakapaloob sa kanyang mga bisig.
Hindi siya umimik, bagkus ay hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin, kasunod no'n ay naramdaman ko ang kanyang mga labi sa aking tuktok.
Gusto ko lang naman kumpirmahin na hindi siya naniniwala sa mga ibinintang ni Raquel sa amin ni Milagros. Hindi naman kasi ako sigurado kung gaano kalalim ang pagkakaibigan nila ni Raquel kaya maaaring maniwala siya ro'n.
"Hindi ka ba talaga galit?"
He chuckled softly. Sounds like he just heard a funny question coming from me.
Hindi kasi ako kumbinsido na hindi siya galit kasi base sa mukha kanina ni Milagros mukhang hindi maganda ang kanilang naging pag-uusap. Baka pinapaalis na niya si Milagros!
"You're asking too much question, Love. Why don't you just hug me back and make me happy instead?" he teased.
Nang-init ang aking pisngi nang mapagtanto kong hinayaan ko siyang yakapin ako. Hindi ako pumalag katulad noong mga nakaraan.
"Uhm..." I stuttered.
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking paningin pagkatapos kong kumalas mula sa kanyang pagkakayakap. I just realized that he called me with that call sign again. Na kahit anong pilit kong itago ang epekto niyon sa akin ay mas nauunang mag-react ang puso. I felt my cheeks burning red.
"You're blushing," he teased again.
I looked away but he grabbed my hand. Iyong kamay kong may suot na singsing. Hindi ko na rin iyon hinubad dahil baka totohanin niya iyong banta niya sa akin.
"How long are you going to hold back? Hmm?" he queried while playing the ring on my finger.
"Uhmm... Senyorito, 'yong kamay ko ho."
Sinubukan kong hilahin ang aking kamay ngunit hindi niya iyon binitiwan. Bagkus ay dinala pa niya sa kanyang mga labi saka hinagkan. Napangiwi ako.
"You know what, I've been tempted to abduct you and do everything in my power to keep you for myself," he uttered while tracing the ring on my finger.
A gulped hard.
"But that would be too selfish of me, and you don't deserve it. I don't want to be hated by the only woman I devoted myself to love."
Natulala ako sa kanya.
"Even if it feels like you want me to punch the moon for you, I'm willing to wait until you learn to love me again the way you did in the past. Until you will look at me again, just like how you did before."
Nataranta ako sa kanyang pinagsasabi kaya't nahila ko nang buong lakas ang aking kamay. Nakita ko ang pagdaan ng pait sa kanyang mga mata. Napayuko ako.
"Uhm, hindi ho ganyan ang ipinunta ko rito. Narito ako para makiusap na huwag ninyong paalisin si Milagros dahil wala siyang kasalanan. Ipinagtanggol niya lang ho ako."
He blew and deep breath and inserted his hands on his pockets.
"Yeah, right..." he uttered, uhm... bitterly.
"Milagros will stay. For the record, I did not ask her to leave," he confirmed.
Namilog ako. Kung gano'n bakit parang pinagbagsakan ng langit ang mukha kanina ni Milagros?
"Gano'n ba? S—salamat kung gano'n. Salamat dahil kahit bestfriend mo si... si Raquel, pinaniwalaan mo ako na hindi talaga namin sinadya ang nangyari."
Ngumiti ako nang tipid kahit hindi na siya nakatingin sa akin. Diretso lang ang kanyang paningin habang nakapamulsa at bahagyang nakaupo sa lamesa. He smiled back at me, but I noticed that it didn't reach his eyes.
"This thing knows you well that it will only believe to whatever you say." He pointed his chest.
Natigilan ako. I suddenly felt the urge to throw myself unto him and wrap my arms around him as tight as I could.
"Uhm, sige. Mauna na ho ako, Senyorito."
Tumalikod ako. Ayaw kong bigyan ng kasagutan ang kanyang mga sinasabi dahil natatakot ako na baka maulit ang mga pagkakamali ko noon. Paano kong hindi ko pa pala siya kayang ipaglaban? Masasaktan ko lang siya. At masasaktan ko rin ang mga magulang ko kung sakaling makipagbalikan ako sa kanya. Sa ngayon ay kailangan ko munang patunayan ang aking sarili.
Kapag dumating na ang tamang panahon at nandiyan pa rin siya para sa akin ay hindi ako magdadalawang isip na muling buksan ang sarili ko para sa kanya.
Mabibigat ang aking mga hakbang papalapit sa pinto para lumabas ng library. Ngunit akmang pipihitin ko iyon nang may maalala ako.
Muli akong humarap sa kanya. Nakatingin pa rin siya nang matiim sa akin kaya't napaiwas ako ng tingin.
Nakagat ko ang aking ibabang labi.
"Uhm, Senyorito, huwag n'yo ho sanang mamasamain. Alam kong bago pa lamang ako rito pero—"
Humugot ako nang malalim na hininga. Nakakahiya pero ito lamang ang naiisip kong paraan.
He nodded his head and gestured me to continue talking. Napapikit ako para mag-ipon ng lakas ng loob.
"P—puwede ho bang bumale?"
Mahabang katahimikan ang namayani pagkatapos kong sabihin iyon. Diyos ko, parang gusto ko na lamang lumubog sa aking kinatatayuan ngunit wala na akong ibang naisip na hihingan ng tulong.
"H—handa ho akong dumoble ng trabaho para mabayaran kayo kaagad. Alam ko ring pansamantala lang ako rito habang naka-maternity leave si Manang Inday, pero sana ho hayaan n'yo akong tumagal para mabayaran ko nang buo. Kung mamarapatin n'yo, Senyorito."
Napalunok ako nang ilang beses. Hindi ko kayang tumingin sa kanya nang diretso. This is so awkward, and I just wanted to melt down right where I stand.
Hindi siya umimik, bagkus ay namulsa lang siya saka tumingala sa kisame. Tila tinitimbang ang kanyang isasagot sa akin. Ramdam ko na ang pang-iinit ng aking magkabilang pisngi. Parang gusto kong pagsisihan na sinabi ko pa sa kanya.
"Uhm, ayos lang naman ho kung tatanggihan n'yo ako. Naiintindihan ko naman dahil bago pa lang ako rito. Gagawa na lang ho ako ng ibang paraan para mabayaran namin ang utang namin. S—sige ho."
Nakayukong tumalikod ako sa kanya saka pinihit ang pinto ngunit bigla siyang nagsalita.
"How much?"
Napatayo ako nang tuwid. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko tila may nagkakarerahan sa loob.
Pigil-hiningang nilingon ko siya. Namilog ako nang mapagtantong nakalapit na siya sa akin.
"S—senyorito?"
Kandautal ako. Paano'y nasa harapan ko na siya't nakapamulsa habang ang kanang kamay niya'y nasa uluhan ko na, nakatukod sa pinto.
"S—sigurado ho ba kayo? Uhm, kasi—magagawan ko naman ho siguro ito ng paraan."
"No," he cut me off.
"I actually like it. I like what I've heard," he whispered.
Naramdaman ko na naman ang kanyang mga labi sa aking tuktok.
"I like it when you're asking a help from me," he uttered.
Hindi na ako magkadaugaga sa kakaiwas ng aking mukha. Paano'y nararamdaman ko na ang kanyang hininga sa aking pisngi. Naaamoy ko rin ang kanyang pabango na siyang lalong nagpapahurumintado ng puso ko.
"Kahit sa ganitong paraan lang, Zia Lynn, maramdaman ko man lang na kailangan mo ako."
Nahugot ko ang aking hininga nang muli niya akong hinagkan sa tuktok.
"So, much does my queen needs, hmm?" he asked. Pero iyong boses niya tila naglalambing?!
"S—senyorito...Uhm, k—kasi... Ano... Pasensya ka na. Wala lang kasi akong ibang naisip na paraan. Ginigipit kasi nila ang pamilya ko."
Natigilan siya bago dahan-dahang tumango.
"Why didn't you tell me right away? Hmm?"
I forced a smile. Ang totoo'y naaasiwa na ako sa aming distansya. He's too close that I could barely breathe. Maling galaw lang ay magtatagpo na ang aming mga labi.
"Uhm, Senyorito..."
His breathing hitched.
"I'll take care of your family's debt, but there's one thing that I wanted you to do for me in return," he whispered against my ear.
My legs went stiff. Tila nakabaon na ang aking mga paa sa sahig.
"No matter what happen, I want you to stay..." he stated as if I didn't have the choice but to agree.
"S—sige ho."
Wala sa sariling sumang-ayon ako. Gusto na talagang makatakas sa library dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Lalo na at nasa likod kami ng pinto!
"Good."
He planted a soft kiss on my forehead before he stepped back, giving me few inches of the distance from him. Agad naman akong tumalima.
"M—maraming salamat, Senyorito. Mauuna na ho ako."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot, bagkus ay dire-diretso akong lumabas ng pinto. Halos takbuhin ko ang hagdan paibaba.
I was panting the moment that I reached the last step downstairs. I held my chest while catching my breath.
"Uy, ayos ka lang, Zia Lynn?"
Nilapitan ako ni Susana. Ngayon ko lang napansing nakaabang pala silang ni Milagros at Dionesa sa akin.
"Bakit para kang hinahabol ng anaconda kung makatakbo sa hagdan. Sira ka talaga! Paano kung nahulog ka?" sansala ni Dionesa.
Napangiwi ako. Inalalayan nila akong paupo sa sofa.
"Ano? Kumusta ang pag-uusap n'yo ng prince charming mo?" usisa ni Milagros. Maaliwalas na ang mukha niya ngayon, kabaliktaran kanina noong bumaba siya mula sa library.
"Tigilan mo ako, Milagros. Baka ikaw nga ang dapat na magkuwento tungkol sa pag-uusap ninyo ni Tim—ni Senyorito. Alam mo bang alalang-alala ako kanina na baka pinapaalis ka?" Pinandilatan ko siya ng aking mga mata.
Agad siya nag-peace sign sa akin saka tumawa nang malakas.
"It's a prank!" she declared devilishly. Tila tuwang-tuwa pa siyang pinag-alala niya ako.
"Sinubukan ko lang naman kung mag-alala ka nga sa 'kin. Nakakatwa ka talaga kanina. Shet!"
Napahawak pa siya sa kanyang tiyan habang tumatawa. Inirapan ko siya. Hindi ko naiwasang maasar sa kanya. Para pala akong timang kanina sa harapan ng aming amo. Kung anu-ano pa tuloy ang nasabi ko.
"Uy, pero sa totoo lang masaya ako na nag-alala ka talaga sa akin kanina. Napakabait mo talaga, Zia Lynn. Alam mo bagay talaga sa 'yo maging Señorita sa mansyon na 'to."
I gaped at her. "M—may sinabi ba sa 'yo si Senyorito noong nag-usap kayo?"
Kinabahan ako nang unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Oo. Bakit? Gusto mo bang malaman ang sinabi niya sa 'kin?" nakalolokong tanong niya. Sunod-sunod akong umiling.
"H—hindi naman."
"Biro lang. Tinanong niya lang naman ako ng totoong nangyari. Tapos, ayon ikinuwento ko sa kanya ang nasaksihan ko. Kaya nandilim ang paningin ko't sinugod ang kababata niyang hanggang ngayon parang isip-bata pa rin," bulalas niya.
Nakahinga ako nang maluwag.
"W—wala ba siyang ibang sinabi sa 'yo?" I queried suspiciously.
"Bakit? May kailangan bang sabihin sa akin si Senyorito?" ngiting-asong tanong niya.
Nanlaki ang aking mga mata kaya't sunod-sunod akong umiling.
"Wala, ah. Wala naman," mariing tanggi ko. Ngunit nanunudyong tiningnan nila ako.
"Sige, ah? Alis na ako. May tatapusin pa akong trabaho."
Mabilis akong tumalima bago pa man nila ako paulanan ng maraming katanungan. May pagka-imbestigador pa naman ang mga iyon.
Nilinis ko na lamang ang master's bedroom kahit wala namang gumagamit. Ang sabi ni Nanay Sol ay paminsan-minsan ginagamit ito ni Senyorito Timothy kapag naiisipan niya. Sa laki ng bahay na ito ay nakakatwang wala halos gumagamit ng mga silid.
Lumulusot na ang sikat ng araw sa glass door ng terrace nang magising ako kinaumagahan. Napahikab ako. Dalawang kuwarto lang naman ang lilinisin ko ngayong araw.
Bumangon ako't nag-inat. Ngayon ko lang napagtantong bukas nga ang kurtina sa glassdoor. Tiyak akong nakapinid nag mga iyon bago ako natulog kagabi. Pero bakit bukas na?
Napakunot ako't napailing. Minsan nagiging makakalimutin na ako.
Tiningnan ko muna ang cellphone ko na nasa ibabaw ng vanity table. Nagulat ako nang makitang may limang missed calls at tatlong messages galing kay Mama.
Binuksan ko ang unang mensahe.
Anak, maraming salamat sa ginawa mo. Hindi namin alam kung paano mo nagawan ng paraan na mabayaran ang utang natin pero sana mag-iingat ka riyan.
Natutop ko ang aking mga bibig, Gano'n kabilis?
Ate! Bayad na raw ang utang natin. At may puwesto na ulit si Mama sa palengke.
Sigurado akong si Zabelle ang nagpadala ng mensahe.
Agad ko naman pinindot ang call button para matawagan sila ngunit nadismaya ako nang bigang mag-check operator services na ito.
Napabuntonghininga ako. Nakalimutan ko palang magpa-load kahapon. Mayamaya rin ang magpapaload ako kay Dionesa. Maliligo na muna ako para masimulan ko na ang trabaho ko.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ng uniporme ko'y bumaba na muna ako sa kusina para malagyan ng mainit ang aking tiyan. Napansin ko kasing naka-todo rin ang aircon sa kuwarto. Ang alam ko nga'y mahina lang iyon kagabi.
Hindi naman siguro nag-sleepwalk ako tapos tinodohan ang aircon.
Napailing ako saka bumaba na. Umiilaw pa ang Christmas lights sa baba nang maabutan ko. Si Susana ay nagpapalit na ng kurtina. Ang aga niya ngayon nagising, himala.
Alas siyete pa lamang ng umaga. Binati ko siya saka dumiretso na sa kusina.
Naabutan ko roon si Milagros, Dionesa, at si Nanay Sol na kaharap si Raquel. Nangunot ako. Nandito na naman siya.
"Mabuti at bumaba ka na, Zia Lynn." Si Nanay Sol.
Napatango ako at pilit na ngumiti bilang paggalang sa matanda. Pansin ko ang maliit na benda sa noo ni Raquel. Bigla na naman akong nakonsensya.
"Magandang umaga ho, Nay Sol."
"Good morning, Zia Lynn," bati sa akin ni Milagros. Nakangiti siya ngunit halatang masama ang kanyang timpla. Gano'n din si Dionesa. At alam ko na kung bakit. Kaharap ba naman nila si Raquel na ngayon ay nakayuko.
"Uhm, magandang umaga, Raquel." I faked a smile. Umangat siya ng ulo.
"Magandang umaga rin, Zia Lynn." Nagulat ako nang makitang parang kagagaling lang niya sa iyak. Ano'ng nangyari sa kanya?
"Ayos na ang sugat mo?" naiilang na tanong ko. Napaawang ako nang inabutan ako ni Nanay Sol ng isang baso ng kape. Tinanguan niya akong tanggapin iyon.
"Salamat ho, Nay Sol..." saglit kong sabi bago muling ibinaling ang aking tingin kay Raquel. Naupo ako sa katabi niyang upuan.
Agad kong naramdaman ang mahinang pagsipa sa akin sa paa. Nang mag-angat ako'y pinandidilatan na ako ni Milagros.
"Ayos na ako, Zia Lynn. Salamat sa pag-alala mo sa 'kin kahit na ang dami kong kasalanan sa 'yo."
Natigilan ako sa tinuran ni Raquel. Nakita ko ang sabay na pag-ikot ng mga mata nina Milagros at Dionesa.
"Ang totoo niyan, nandito ako para humingi ng tawad. Napag-isip-isip ko kasing mali talaga ang ginawa ko. Sana mapatawad mo ako." I can sense the remorse in her eyes. Hinawakan pa niya ako sa kamay.
I forced a smile. Ang totoo'y nagugulat pa rin ako sa mga ipinakita niyang ugali nitong mga nakaraang araw.
"Ayos na iyon, Raquel. Kalimutan na natin iyon. Patawarin mo rin sana ako sa nagawa ko." Inginuso ko ang kanyang noo. Atleast I can stay in this house at peace now.
"Salamat. Sana ay puwede na ulit tayong maging magkaibigan."
Mahina akong napadaing nang sabay na sinipa nina Milagros at Dionesa ang aking paa sa ilalim ng lamesa. Pinandidilatan nila ako.
"Zia Lynn?" Raquel queried awkwardly. Wala sa sariling tumango ako.
"Oo naman. Walang problema," agarang sagot ko't tiningnan nang mariin ang dalawang babaeng nanggagaliti sa aming harapan.
"Kung gano'n maraming salamat, Zia Lynn!"
Hindi na ako nakahuma nang bigla akong niyakap ni Raquel mula sa gilid. Napangiti sa amin si Nanay Sol, tila nasiyahan na nagkaayos na kami ni Raquel, kabaligtaran sa mukha ng dalawang babaeng kasama namin.
"Mabuti naman at nagkabati na rin kayo. Naku, matutuwa si Senyorito pagbalik niya," untag ni Nanay Sol.
"Ah, kailan ho ba babalik si Timothy, Nanay Sol? May nabanggit ho ba siya sa inyo?" pasimpleng tanong ni Raquel.
Doon naman nangunot ang aking noo. Umalis si Timothy Hugh?
Kaya pala ang agang nagising ng tatlo. Naunahan nila ako.
"Aba'y alam mo naman ang magkakapatid na iyon. Bigla-biglang aalis, pero bigla-bigla rin dadating. May emergency daw sa Maynila at kailangan niyang puntahan ang kapatid niya. Pero babalik din daw siya agad. Kung kailan, 'yan ang hindi ko alam," salaysay ni Nanay Sol.
Napahawak ako sa aking dibdib. Nakadama ako ng biglang lungkot. Bumalik sa isipan ko ang kanyang sinabi kahapon.
No matter what happens, I want you to stay.
May pa-stay-stay pa siyang nalalaman, siya naman pala ang aalis nang walang paalam!
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz