Chapter 21
CHAPTER 21
"RAQUEL, are you okay?" nag-alalang tanong ni Senyorito kay Raquel at agad itong sinaklolohan para makatayo nang maayos. Nataranta na rin ako dahil mukhang napuruhan siya sa noo.
"Diyos ko! May sugat ka sa noo, Raquel! Ano ba'ng nangyari?" tarantang tanong ni Nanay Sol saka sinipat ang noo ni Raquel.
"Timothy, itinulak ako ng babaeng 'yan!" duro sa akin ni Raquel habang sapo ang kanyang noong nagkabukol. Nilukob ako ng aking konsensya.
"Hindi ko naman sinasadya, Raquel. Pasensya ka na. Halika na, gagamutin natin ang noo mo," mahinahong tugon ko. Akmang hahawakan ko siya ngunit iwinaksi niya ako.
"Anong hindi sinasadya? Pinagtulungan n'yo ako ni Milagros!" Nanlisik ang kanyang mga mata.
Nagkatinginan kami ni Milagros at sabay na napailing.
"Timothy, nananahimik lang naman ako rito sa gazebo pero bigla nila akong nilapitang dalawa saka sinabunutan. Kaya wala akong nagawa. Kita mo na ang ginawa nila sa akin?" ani Raquel sa aming amo.
Napasinghap ako sa kanyang itinuran. Hindi ako makapaniwalang nagawa niyang baliktarin ang kuwento. Pagbaling ko kay Milagros ay halos umusok na ang ilong nito.
"Teka lang, Raquel. Wala akong ginagawa sa 'yo. Halika na, lalapatan natin ng first aid ang sugat mo." Sinubukan ko siyang hawakan ulit ngunit iwinaksi niya na naman ako saka humawak sa braso ni Senyorito.
Pansin ko ang pananahimik ni Senyorito Timothy. Higit sa lahat ay pansin ko ang malamig niyang tingin.
"Kasalanan mo ito, Zia Lynn! You pushed me!" singhal niya sa akin.
"Ano'ng itinulak? Hindi niya naman talaga sinasadya dahil inaawat ka lang niya sa pagsasabunot mo sa akin! Inggrata ka kasi! Buti nga sa 'yo, nagkabukol ka!" balik-singhal ni Milagros.
"Milagros ang bunganga mo!" saway ni Nanay Sol. Hinawakan ko na lang si Milagros at tinulungang ayusin ang kanyang sarili na ngayon ay gulong-gulo na. May kalmot din siya sa kanyang pisngi, marahil ay kagagawan ni Raquel.
"Eh, siya naman talaga ang nauna, Nanay Sol. Naabutan ko siyang sinasabunutan si Zia Lynn kaya inawat ko," diin ni Milagros.
"Sinungaling ka talaga, Milagros!" singhal ni Raquel.
"Timothy, palayasin mo 'yang dalawang iyan dito," aniya kay Senyorito na siyang nagpanganga sa akin. Bumaling ako sa aming amo na ngayon ay blangko pa rin ang mukha. Hindi ko mawari ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Sinalakay ako ng kaba kaya't napahigpit ang paghawak ko kamay ni Milagros. Akmang sasagot pa siya ngunit agad kong pinisil ang kanyang kamay para pigilan siya sa kanyang balak na pagsugod kay Raquel.
"Tama na, Raquel. Halika na sa loob, gagamutin natin ang sugat mo."
"No, Nanay Sol. Pakitawag na lang si Ismael. Ihatid niya kamo si Raquel sa clinic ni Dr. Lucas para matingnan siya," ani Senyorito bago tumalikod.
Nahigit ko yata ang aking hininga nang biglang nagsalita ang aming amo. Kinakabahan din ako para sa aming dalawa ni Milagros. Paaalisin niya ba talaga kami?
"Pero, Timothy, gusto kong ikaw mismo ang sumama sa akin. Baka may mangyaring masama sa akin," eksaheradang untag ni Raquel habang nakakapit pa rin sa braso ng aming amo. Naglalakad na pabalik sa loob ng mansyon. Palihim niya rin akong tiningnan saka inikutan ng kanyang mga mata.
Napabuntonghininga ako. Kaya pala mainit ang dugo ng mga kasamahan ko sa kanya dati pa. Ngayon ay napatunayan ko nang medyo may ugali siyang hindi maganda.
"Ismael can take you to the clinic safe and sound, Raquel."
Hindi pa rin nagbabago ang lamig sa boses ng aming amo. Marahil ay dismayado siya sa naabutan niyang eksena kanina. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung ano'ng nilalaman ng kanyang isip ngayon.
"But, Timothy—"
"No more buts, Raquel."
May pinal ang huling sinabi ni Senyorito bago siya tuluyang tumalikod, kasunod niya si Nay Sol. Naiwan kaming tatlo sa kusina.
"Timothy, please!"
Raquel stomped her foot frustratedly. Bahagya akong siniko ni Milagros sabay ngiti sa akin nang makahulugan.
"Sayang, noo lang ang napuruhan. Sana mas nilakasan mo pa ang pagtulak para pati nguso niya dumugo," pabulong na untag ni Milagros sabagay hagikhik. Tinakpan ko ang kanyang bibig.
"Baka marinig ka!" pabulong ko ring babala.
Biglang bumaling sa amin si Raquel matapos niyang maupo sa harap ng lamesa sa kusina.
"Oh? Ano'ng tinitingin-tingin ninyong dalawa riyan?" mataray niyang singhal sa amin.
"Wala naman, iniisip ko lang baka gusto mo ng round two? Dagdagan natin ang bukol mo sa noo para may kapares," ani Milagros sabay ngisi ng nakaloloko. Pinandilatan ko siya ng aking mga mata.
"War freak ka talaga, Milagros!"
Tumayo ito sa kanyang kinauupuan saka pinalo ang lamesa gamit ang kanyang palad. Hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagya niyang pagngiwi nang makaramdam ng sakit.
"Raquel, tama na. Baka lalong magdugo ang sugat mo," paalala ko.
Kahit naman gano'n ang pakikitungo sa akin ni Raquel ay hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. Namumula kasi ang kanyang bukol. Kahit na hindi naman gano'n kalala ang pagdurugo pero sa noo kasi. Baka may naalog sa utak niya.
"Shut up, Zia Lynn! Huwag ka nang magkunwaring concerned ka sa 'kin dahil halata namang masaya ka dahil sa nangyari sa akin. Sinadya mo nga, 'di ba?" maanghang niyang akusa na siyang ikinabigla ko. Napaawang ako sa kanya.
"Raquel, nagkakamali ka. Hindi ko sinasadya ang nangyari. Pasensya ka na kung naitulak kita. At kahit kailan hindi ko kayang manakit ng iba."
"Huwag kang huminga ng dispensa sa kanya, Zia Lynn. Ang sabihin mo, buti nga sa kanya. Sayang, hindi pa siya nangudngod, napuruhan sana ang makapal na pagmumukha niya," ani Milagros. Nanlaki ang aking mga mata.
"Walang hiya ka!" Naapatras ako nang akmang susugurin kami ni Raquel.
"Raquel! Milagros!"
Napalingon kami sa bungad ng kusina nang biglang dumating si Nanay Sol. May itong bitbit na first aid kit.
"Hindi pa ba kayo titigil? Mahiya naman kayo sa may-ari ng bahay na ito," sermon ni Nanay Sol. Pareho kaming napayuko ni Milagros.
"Raquel, halika na. Gagamutin natin ang sugat mo bago kayo pumunta ng clinic para ipa-check ang ulo mo." Ipinatong ni Nanay Sol ang first aid kit sa ibabaw ng lamesa.
"Ikaw naman, Milagros. Umakyat ka sa library. Ipinapatawag ka ni Senyorito."
Napasinghap kami ni Milagros at biglang nagkatinginan. Nabasa ko ang takot sa kanyang mga mata. I nodded at her to cheer her up. Pinisil ko rin ang kanyang kamay. Diyos ko, mukhang mapapalayas pa kami nang wala sa oras sa pamamahay na ito.
Nang balingan ko si Raquel ay nakangisi na ito sa amin na tila sinasabi niyang may naghihintay sa aming hindi magandang pangyayari.
"Umakyat ka na." Sumenyas ako.
Sinundan ko siya sa paglabas niya sa kusina papasok sa komedor hanggang sa sala. Naabutan namin si Susana na nag-aayos ng Christmas balls sa Christmas tree.
"Zia Lynn, ano'ng gagawin ko? Baka galit sa akin sa Senyorito? Patay na, naisahan tayo ng demonyitang Raquel na 'yon," aniya.
I smiled at her weakly. "Humingi ka na lang ng paumanhin sa nangyari, tayo na lang ang magpakumbaba. Saka, huwag kang mag-alala, kung may dapat man palayasin dito ay ako 'yon, dahil ako naman talaga ang dahilan kaya ka sinabunutan ni Raquel." Bumaba ang aking boses. Nakokonsensya rin ako dahil pati si Milagros ay mukhang madadamay pa sa magulong buhay ko.
"Hindi ako makapapayag na mapaalis ka rito, Zia Lynn. Wala ka naman talagang kasalanan. Kung may dapat man paalisin dito, hindi ikaw 'yon, kundi ang bruhildang Raquel na 'yon."
"At hindi rin ako makapapayag na mapaalis ka nang dahil sa gulong nangyari, Milagros. Wala kang kasalanan dahil ipinagtanggol mo lang naman ako. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko si Senyorito na ako na lang ang paaalisin niya kung sakali."
Siguro kaya rin ito nangyari para magkaroon ako ng dahilan para umalis. Mukhang wala akong magagawa kundi ang makipagsapalaran sa Maynila para mabayaran ko ang utang namin.
Hindi na ako magugulat kong paniniwalaan man ng aming amo ang lahat ng mga sinabi ni Raquel. Lalo na naabutan niya kami sa hindi magandang eksena.
"Pero, baka ito na ang huling araw ko sa mansyon," alalang untag ni Milagros.
"Kaya mo 'yan. Ano ka ba?"
I pushed her lightly to start going up to the stairs.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaakyat sa itaas. Ipinagsalikop ko ang aking kamay, Piping nagdasal n asana ay hindi humantong sa iniisip ko ang nangyari.
"Ano'ng nangyari sa inyo dalawa ni Milagros? Bakit mukha kayong nakipagdigmaan?" biglang tanong ni Susana matapos isabit ang huling Christmas ball na hawak niya.
"Galit yata si Senyorito sa amin," mahinang tugon ko.
"Ha? Bakit naman?"
Naupo kami sa sofa. Ikinuwento ko kay Susana ang nangyari sa gazebo. Marahil ay hindi niya narinig. Sa kapal pa naman ng pader ng mansyon.
Ikinuwento ko sa kanyang ang nangyari. Mula sa biglang paglapit sa akin ni Raquel at pagkompronta niya sa akin at pagsampal bago niya ako sinabunutan. Maging si Susana ay nanlaki ang mga mata.
"Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yon! Kung ako si Milagros, hindi lang sabunot ang ginawa ko sa kanya. Sayang, wala ako roon kanina."
Kinuha ni Susana ang aking kabilang kamay saka pinisil ito.
"Pasensya ka na, ha? Hindi man lang kita naipagtanggol," aniya. Nginitian ko na lang siya nang tipid. Napakabuti talaga nila sa akin kaya hindi ko lubos-maisip sakaling mapaalis si Milagros dito nang dahil sa akin.
"Huwag mo nang isipin iyon. Naintindihan ko naman kung bakit nagawa iyon ni Raquel. Nagmamahal lang siya, Susana."
"Pero hindi tama ang ginawa niya, Zia Lynn. Nagtataka talaga ako kung paano niya nalaman na sinamahan tayo ni Senyorito kahapon. 'Di kaya sinundan niya tayo? Siguro sobrang selos na selos siya sa 'yo." Napangiwi ako nang biglang humagikhik si Susana.
"Pero seryosong tanong, Zia Lynn. Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Senyorito? Nanliligaw ba talaga siya sa 'yo? Iyon kasi ang dating ng mga ikinikilos niya. Alam mo ba, nakakakilig kayong dalawa! Lalo na sa tuwing nahuhuli ko si Senyorito na tinitingnan ka nang hindi mo alam. Grabe! Ang lalim ng mga titig!"
"Susana!" Halos takpan ko ang kanyang mga bibig.
"Baka may makarinig sa 'yo."
"E ano naman? Totoo naman ang sinasabi ko, ah. Kaya nga siguro galit na galit sa 'yo si Raquel. Alam naman nating lahat na patay na patay 'yon sa amo natin. Hay naku, kung hindi lang siya kababata at kaibigan ng amo natin, matagal ko nang pinahalik sa lupa ang babaeng iyon!"
Lalo akong napangiwi. Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Ayaw kong sagutin ang mga katanungan ni Susana at baka lalong gumulo ang sitwasyon. Tiyak kasi na pag-uusapan lang nila ako rito sa mansyon. Baka makarating pa kay Raquel at lalo akong pag-initan.
Inayos ko na lamang ang nagulo kong buhok. Sinuklay ko ito gamit ang aking kamay. Napatingin ako sa itaas ng hagdan. Mahigit sampung minuto na si Milagros sa itaas ngunit hindi pa siya nakababa. Mukhang mahaba ang pinag-usapan nil ani Senyorito Timothy.
"Tingin mo, Susana, paaalisin kaya kami ni Senyorito dahil sa ginawa namin?"
Doon na natigilan si Susana at malungkot akong tiningnan.
"Hindi naman siguro. Mabait naman si Senyorito. Baka pagsasabihan ka lang, gano'n." Pumitik siya sa ere.
"Naku, baka bawiin niya ang dagdag pasahod. Sayang naman!"
Namilog ako.
Panay ang aking tingin sa hagdan. Hinihintay na bumaba si Milagros. Kinabahan ako habang tumatagl. Hindi para sa sarili ko kundi sa posibilidad na mawalan ng trabaho ang mga inosenteng tao nang dahil lang sa pagtatanggol sa akin.
"Ang tagal namang bumaba ni Milagros," bulalas ni Susana.
Dumaan na rin sa likod namin si Ismael na mukhang dadalhin na sa clinic si Raquel. Naku, lagot na kapag ibabawas pa sa sahod namin ang gastos sa pagpapa-checkup sa kanya. Baka wala na akong sahurin sa kinsenas.
Makaraan ang panibagong sampung minuto ay bumaba na si Milagros sa hagdan kaya't napatayo kami ni Susana.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang may nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.
"Ayos ka lang, Milagros?"
Tumango siya at pilit na ngumiti.
"Ano'ng sinabi sa 'yo ni Senyorito?" usisa naman ni Susana ngunit tanging iling lang ang itinugon ni Milagros. Tila nagpipigil itong maiyak.
Bumagsak ang aking balikat. Kailangan kong kausapin ang aming amo!
"Zia Lynn, p—pinapatawag ka rin ni Senyorito. Puntahan mo raw siya sa library."
Nakagat ko ang aking ibabang labi nang gumaralgal ang boses ni Milagros. Agad itong inalo ni Susana.
"Huwag kang mag-alala, Milagros. Gagawan ko ng paraan na hindi ka mapaalis sa pamamahay na ito," mahinang sabi ko sabay talikod sa kanila.
Dala ang katiting na lakas ng loob ay umakyat ako ng hagdan at dire-diretsong tinunton ang library kung saan naghihintay ang aming amo.
Dalawang katok muna ang aking ginawa bago ko pinihit ang pinto para pumasok.
Naabutan ko siyang abala sa pagtitipa sa keyboard ng kanyang laptop. Marahan kong isinara ang pinto saka sumandal. Hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin kaya't tumikhim ako para kunin ang kanyang atensyon.
Napatigil siya sa pagtitipa ngunit hindi pa rin ako binabalingan ng tingin. Ngunit batid kong nakuha ko na ang kanyang atensyon. Bagama't nakatagilid siya sa aking direksyon ay kitang-kita ko pa rin ang blangko niyang mukha. Na tila kay hirap basahin.
Ipinagsalikop ko ang aking mga kamay.
"Uhm, sana ho huwag n'yo nang paalisin si Milagros. W—wala naman siyang kasalanan sa nangyari. Kasalanan ko ho lahat. Ipinagtanggol lang naman niya ako," panimula ko.
Hindi pa rin siya umaangat ng tingin.
"Patawarin n'yo ako kung nasaktan ko si Raquel. H—hindi ko talaga sinasadya. Hihingi po ulit ako ng tawad sa kanya, huwag n'yo lang paalisin si Milagros. Kahit ako na lang ho. Ayos lang sa akin. Makakahanap naman ako ng panibagong trabaho. Pasensya na ho ulit sa nangyari kanina."
Tila may bumikig sa aking lalamunan kaya't napalunok ako.
"Come here."
I was taken aback when he suddenly spoke. His voice was rough. Hindi agad ako nakapagsalita. Natulala lang ako sa kanya.
"I said, come here."
Isinara niya ang laptop saka tumayo sa kanyang kinauupuan. Umikot siya't tumayo sa tapat ng mahogany table. He leaned his thighs against the edge of the table.
"Uhm... Senyorito—"
"Don't wait for me to do something again with you behind the door," he uttered.
Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang kanyang mga sinabi kaya't malalaki ang aking hakbang papalapit sa kanya. Sa isang iglap ay nasa harapan na niya ako.
"Uhm, Senyorito, sana ho huwag n'yo nang paalisin si Milagros. Wala ho talaga siyang kasalanan," sansala ko.
Tumayo siya nang matuwid saka sinara ang katiting na distansya sa pagitan naming dalawa. He was already towering me with his six feet height.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang hinawakan niya ako sa braso. Magkabila pa. It's as if he's checking me out.
"S—senyorito?"
"Were you hurt?" he asked softly. Napatingala ako sa kanya. His eyes met mine. I was stunned by the emotion I've seen in his eyes.
Nag-aalala siya?
I held my breath when he cupped may face and lowered his gaze. Napatulala lang ako sa kanya lalo na at magkalapit na magkalapit ang aming mga mukha.
"H—hindi ho kayo galit?" I stuttered.
He didn't respond. He just stared at my face ang gently stroke my cheeks using his thumb. Nagkarerahan ang mga kabayo sa loob ng aking dibdib. Napahawak ako sa kanyang braso.
"I wanted to get mad at you but I can't," mahinang sabi niya. Kinunutan ko siya ng noo.
"How could you cover up for Raquel when she did something bad to you? Huh? You little hard-headed temptress."
I gasped in surprise that I wasn't able to utter a word. Nakatulala lang ako sa kanyang mukha na nakatunghay sa akin.
"Your eyes hold so much power," he trailed off, looking at me straight to my eyes.
"You know why?" He looked at me like I'm the most important creation above the earth.
"Because you can make my world stop spinning by just staring back at me," he continued, then I felt his lips on my forehead.
Kusang napapikit ang aking mga mata.
"I'm sorry about what Raquel did to you. I'm sorry I wasn't there to protect you," he whispered before pulling me into a tight hug.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz