ZingTruyen.Xyz

Reckless Love

Chapter 23

greatfairy

 CHAPTER 23

LIMANG araw nang hindi umuuwi dito sa mansyon si Senyorito Timothy. Mukhang importante nga talaga ang ipinunta niya sa Maynila. Ang sabi ni Nanay Sol ay tungkol iyon sa kanilang negosyo at sa kanilang bunsong kapatid na si David.

Sa halip na matuwa ako dahil naging matiwasay ang buhay ko rito ay kabaliktaran naman ang nararamdaman ko. Kaunti na lang talaga at mababatukan ko na ang aking sarili. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit parang naiirita ako habang tumatagal na hindi siya umuuwi. At saka hindi ko rin maintindihan kung saan nanggagaling ang mga masasamang iniisip ko. Paano kung babae pala ang totoong ipinunta niya roon? Paano kung hindi pala totoo ang mga sinasabi niya sa 'kin na mahal niya pa rin ako? O 'di kaya paano kung pag-uwi niya rito ay may bitbit na siyang babae?

E 'di pagbuhulin ko sila!

Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba itong naiisip ko?

Pero hindi naman kasi talaga malayong may iba siyang babaeng minamahal. Mahigit isang taon din kaming hindi nagkita. Tiyak na naka-move on na siya. Higit sa lahat, para kasing ang hirap paniwalaan na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin ay hindi man lang siya nagtanim ng galit sa akin. He's just too good to be true.

Pero kung sakaling magdadala nga siya ng babae pag-uwi niya, wala naman akong karapatang kumontra, 'di ba? Kasi una sa lahat, hindi naman malinaw kung anong meron kami ngayon. Oo nga't sinasabihan niya akong mahal niya ako pero hindi pa kami opisyal na magkarelasyon.

What if he's just plotting a revenge against me? What if—

"Ayos ka lang ba talaga, Zia Lynn?"

Natigilan ako nang bigla akong tinanong ni Raquel. Napabaling ako sa kanya. Ngayon ko lang napagtantong malayo na pala ang nalalakad namin mula sa mansyon. Rest day ko kasi ngayon at wala naman akong gagawin kaya nagpasama ako sa kanya rito ngayong umaga. Nag-volunteer kasi siyang ililibot niya ako. Mas maganda raw kasing maglibot habang maaga pa para hindi mainit. Tulog pa sina Milagros bago kami umalis ng mansyon.

"Ayos lang naman. Pasensya ka na, may naalala lang kasi ako."

I stared at her apologetically.

"Sigurado ka? Kanina pa kasi ako nagsasalita pero parang wala ka sa sarili mo. May problema ka ba?" aniya.

"Wala. Wala naman. Naalala ko lang kasi ang pamilya ko sa Iloilo." Napayuko ako. "Nangungulila na ako sa kanila."

Raquel held my hand. "Huwag kang mag-alala, mababait naman ang magkakapatid na Bustamante. Bakit hindi ka magpaalam na uuwi ka muna sa Pasko para makasama mo ang pamilya mo?"

Napabuntonghininga ako. Iyon nga rin ang iniisip ko. Gusto kong makasama sina Mama sa Pasko pero nahihiya akong magpaalam na uuwi ako. Isa pa, wala naman ang mga amo namin rito kaya hindi rin ako makakapagpaalam.

"Sa totoo lang nahihiya akong magpaalam, Raquel. Alam mo namang baguhan pa lang ako rito. Sina Nanay Sol nga parang hindi ko narinig na uuwi sila ngayong Pasko."

Tipid na ngiti lang ang itinugon sa akin ni Raquel.

"Naiintindihan kita, pero ako na mismo ang nagsasabi sa 'yo, kilala ko ang pamilya nila dahil matagal na nanilbihan ang nanay ko sa mansyon. Lalo na si Timothy, alam kong papayagan ka niya."

Kahit papaano'y nabuhayan ako ng loob. Siguro'y makikiusap ako mamaya kay Nanay Sol na tawagan si Senyorito para ipagpaalam ako. Gusto ko na rin kasi talagang makita ang sitwasyon nila sa bahay. Kahit pa na sinabi ni Zabelle na may nagbayad daw ng utang namin ay hindi pa rin ako mapalagay.

"Salamat, Raquel. Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi mo. Hindi talaga maikakailang kilalang-kilala mo ang magkakapatid."

Raquel stopped walking and gazed at me. Napatigil din ako sa paghakbang.

"Kilalang-kilala, Zia Lynn, lalo na si Timothy..." aniya.

Kiming tumango ako at ipinagpatuloy ang paglalakad para sabayan siya.

"Mga bata pa lang kami noon palagi ko na silang kalaro. Lalo na si Timothy. Lagi kaming naghahabulan noon sa burol na 'yon," turo niya sa burol sa 'di kalayuan. Nasundan ko ng tingin ang kanyang itinuro.

The greenery is a fresh breath of air for me. Mahigit dalawang linggo na rin akong nakakulong lang sa mansyon kaya ngayon ko lang talaga nasilayan ang kagandahan ng hacienda. Sa totoo lang ay napakalawak nito. At duda akong matatapos ko itong libutin ng isang araw lang.

"Palagi pa nga kami pinapagalitan ng Donya Adeline noon. Kasi kung hindi may sugat sa tuhod ay tagatak kami sa pawis sa tuwing umuuwi. Kaya nga nagkaroon ako ng pneumonia noon dahil madalas akong natutuyuan ng pawis. Kaya laging pinapagalitan ng mommy nila si Timothy."

Lihim akong napangiwi nang maramdaman ko ang kaunting kurot sa aking puso. Naiinggit ako kay Raquel dahil ang dami niyang masasayang memories kasama si Hugh. Samantalang ako, ni hindi ko man lang alam noon ang tunay niyang pagkatao. Ni hindi niya nagawang mag-open up sa akin noon tungkol sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ay hindi naman ako gano'n kahalaga sa kanya.

"Kaya lang simula nang magkasakit ang kanilang ama ay panay ang luwas ng kanilang pamilya sa Maynila para magpagamot sa espesyalista. Kaya naisipan ni Donya Adeline na ilipat na lang ng eskuwelahan sina Timothy roon para hindi na sila pabalik-balik. Hindi kasi kaya ng Donya na malayo siya sa kanyang mga anak."

Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Raquel nang sulyapan ko siya. There was also a hint of bitterness in her voice.

"Pero nakakausap ko pa rin si Timothy noon sa telepono sa mansyon dahil tinatawagan ko ang bahay nila sa Maynila, pero hindi pa man sila nag-iisang taon sa Maynila ay lumipad na sila sa States kasi malubha na talaga ang kalagayan ng kanilang ama kaya kailangang operahan. Kaya nawalan na talaga kami ng communication no'n. Doon na rin niya tinapos nag pagko-kolehiyo niya sa States. Gano'n din si Senyorito Gaston, doon na nag-masteral. Si Senyorito David naman ay doon na tinapos ang elementary at high school niya."

I gulped several times to contain my emotion. My insecurity grew bigger after hearing those things from her. Iyong pakiramdam na mas marami siyang alam sa lalaking mahal ko kaysa sa akin ay isang malaking sampal sa akin na sampid nga lang ako.

"Mabuti naman magkaibigan pa rin kayo ni Senyorito kahit na matagal kayong hindi nagkita, 'no?" kaswal kong komento.

"Oo naman. Marami nga siyang pasalubong para sa akin noong umuwi sila. Mahigit tatlong taon na rin ang lumipas simula nang umuwi sila rito galing States pero silang dalawa lang ni Senyorito Gaston ang madalas na nandito. Ang bunso nilang si Senyorito David, sa Maynila na pumirme dahil sa pag-aaral ng dalawang kurso."

Tumango ako. Naikuwento nga iyon ni Nanay Sol sa akin. Hindi ko pa nakikita nang personal ang kanilang bunsong kapatid.

"Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Timothy talaga ang pinakamalapit sa akin dahil maliban sa magkababata kami ay siya rin ang tanging lalaki na malapit sa puso ko. Ako ang karamay niya noong mga panahong malungkot na malungkot siya. Kung 'di ko pa nakukuwento sa 'yo, namatay kasi ang Don at Donya sa States. At umuwi lang ang magkakapatid dito dala ang mga labi ng kanilang mga magulang."

That almost took my breath away. Iyon pala ang pinagdaanan ni Hugh? Hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit sa kanya ang mawalan nang sabay ng mga magulang. Oo nga pala, isa pa sa nagpapakirot sa puso ko ay ang posibilidad na may mas malalim pa silang pagtitinginan ni Hugh.

"Kaya gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako, Zia Lynn. Naniniwala akong mamahalin din ako ni Timothy bilang isang babae, hindi bilang isang kaibigan lang."

Her eyes squinted at me. Kahit na parang dinudurog ako'y naipakita ko sa kanya ang aking malawak na ngiti.

"Masaya ako para sa 'yo, Raquel."

Itinuon ko ang aking pansin sa paligid habang naglalakad. "Salamat, Zia Lynn..." aniya.

"Ah, Zia Lynn, huwag mo sanang mamasamain pero may pagtingin ka ba kay Timothy?"

My eyes grew bigger and I almost heard myself gasping for air. I was taken aback by her sudden question. Natigilan na naman ako sa paglalakad. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"A—ano bang klaseng tanong 'yan, Raquel?" Hindi ko naitago ang aking pagngiwi.

She smiled at me. Tinapik niya ako nang bahagya sa balikat.

"Ano ka ba? Naiintindihan ko naman kung type mo nga talaga siya. Sino naman kasing babae ang hindi magkakagusto sa kanya, 'di ba? Pero sana hanggang doon lang iyon, Zia Lynn. Ayaw kong makaaway ka nang dahil kay Timothy."

Bumara ang aking lalamunan. Batid kong namumutla na ako kaya't umiwas ako ng tingin. I bit my lower lip.

"Huwag kang mag-alala, Raquel, alam ko kung ano ang kalalagyan ko sa mansyon kaya makakaasa ka. Isa pa, wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. Mas mahalaga sa akin ngayon ang pamilya ko. Pero hindi ba mas maganda kung hahayaan natin si Senyorito na magmahal ng babaeng gusto niya? Hindi naman kasi natuturuan ang puso."

She slightly gaped at my remarks.

"Natututunan ang pagmamahal, Zia Lynn. Kailangan ko lang iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko nang sa gayon ay mahulog din siya sa akin," she responded dreamily. I nodded in agreement.

I wanted to chastise myself because I lied for the nth time. Sana huwag akong lamunin ng sarili kong mga salita gayong hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang nararamdaman ko para kay Senyorito Timothy.

"Kung gano'n ipagdadasal ko na sana maliwanagan na si Senyorito Timothy para makita niya na ang babaeng talagang nagmamahal sa kanya," I responded out of the blue. Huwag lang sana akong tamaan ng kidlat sa pinagsasabi ko.

"Salamat, Zia Lynn. Sabi ko na nga ba, mabait ka talaga. Naimpluwensyahan ka lang nina Milagros noong nakaraan. Salamat, ah? Dahil naiintindihan mo ako."

Alanganing napatango ako sabay pilit na ngiti.

"Oo nga pala, doon banda ang rancho. Alam mo ba na marami silang baka at mga kabayo?"

Napatango ako. Naikuwento nga nina Milagros sa akin na maraming mga kabayo rito. Pero hindi ko pa kailanman naranasan ang makasakay sa kabayo.

"Sayang wala rito si Timothy, magpapaturo sana ako sa kanya mangabayo."

Inilibot ko ang aking paningin. Halos hindi na maabot ng aking tanaw ang ibang mga puno ng manga. Sa kanang bahagi ay taniman ng mga tubo.

"Raquel, sa mansyon ka na naman ba galing?"

Sabay kaming napalingon sa likod nang may magsalita.

"Kuya Victor, nandiyan ka pala." Si Raquel.

Mula sa isang gazebo ay sumulpot ang lalaking halos kasingtangkad ni Senyorito. He's a typical tall and handsome guy. May bitbit siyang cane knife. Sa 'di kalayuan ay may traktora na nagha-harvest ng mga tubo.

"Zia Lynn, pinsan ko nga pala, si Kuya Victor," pagpapakilala ni Raquel. Nginitian ko ang kanyang kapatid.

"Kuya Victor, siya si Zia Lynn, siya ang bagong katulong sa mansyon."

Tiningnan ako ni Victor mula ulo hanggang paa kaya bigla akong nailang.

"Sigurado ka bang katulong 'yan? Mukha naman siyang artista na nagsuot ng damit pangkatulong," bulalas niya. Napangiwi ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. Naaasiwa kasi ako sa knayang mga titig.

Tumawa si Raquel. "Mukha ba akong nagsisinungaling, Kuya? Bago palang kasi siya kaya inililibot ko siya sa hacienda. Para naman maging pamilyar siya rito."

The guy nodded and gave me a smile. Mukha naman siyang mabait kaya lang hindi ako komportable sa kanyang mga titig.

"Alam mo, hindi talaga ako makapaniwala na may magandang katulong sa mansyon," komento niya. Pinasadahan niya ulit ako ng tingin.

I faked a smile. "S—salamat."

"Loko ka talaga, Kuya Victor. Sige na, mauna na kami. Pupunta pa kami sa banda roon," ani Raquel, sabay turo sa mga nakahilerang mga puno ng mangga sa 'di kalayuan.

"Kung gusto ninyo samahan ko na kayong maglibot. Para naman makilala ko nang lubos itong bago mong kaibigan, Raquel."

"Uhm, sa totoo lang kailangan ko nang bumalik ng mansyon, Raquel," agap ko.

"Ha? Bakit? Hindi pa naman natin nalilibot ang buong hacienda, ah?"

"H—hindi kasi ako nakapagpaalam kay Nanay Sol na magliibot ako. Tiyak na hinahanap na nila ako. Sa ibang araw na lang tayo maglibot."

I smiled to convince her. Sumusukong nagkibit siya ng balikat.

"Sige, kung iyan ang gusto mo. Marami pa naman tayong pagkakataon."

"Babalik kayo kaagad?" Biglang parang nalugi ang mukha no'ng Victor.

"Natutuwa akong makilala ka, Victor." Pilit akong ngumiti.

"Paano kapag sinabi kong mas natutuwa ako kasi nakilala kita?" aniya na siyang nagpangiwi sa akin.

Tumawa ako nang pilit sabay hila kay Raquel sa kamay. "Tara na, Raquel."

Mabibilis ang aking hakbang papalayo. Hindi ko maintindihan ang aking sarili ngunit parang gusto kong lumayo sa Victor na 'yon.

"Teka lang, Zia Lynn, dahan-dahan naman sa paglalakad. Para kang hinahabol ng mga kabayo," natatawang saad ni Raquel. Nakahinga ako nang maluwag nang makalayo na kami nang kaunti sa Victor na iyon.

Binagalan ko na ang aking paglalakad. Puro puno lang ang sa paligid. Natanaw ko na sa 'di kalayuan ang malaking gate na may naka-engrave na Bustamante.

Pagdating sa mansyon ay saktong nasa kusina silang lahat. Sabay-sabay silang napatayo nang mapansin nila ang presensya namin ni Raquel.

"Naku, saan ka ba galing, Zia Lynn? Naiwan mo cellphone mo rito sa lamesa," bulalas ni Milagros. Kunot na kunot ang kanyang noo.

"Saan ka ba galing, hija? Nag-alala kami sa 'yo," malumanay na untag ni Nanay Sol.

"Ah, ipinasyal ko lang ho si Zia Lynn sa hacienda, Nanay Sol." Si Raquel ang sumagot.

"Aba'y sana man lang nagpaalam kayo nang hindi kami naghahanap."

Napayuko ako. "Pasensya na ho, Nay Sol. Hindi na ho mauulit."

"Aba'y dapat lang. Pati sina Ramon at Ismael pinaghahanap ka tuloy."

Namilog ako. Gano'n sila ka nag-aalala?

"At saka 'di ba may usapan tayo ngayon na aalis tayo, Zia Lynn? Magpapasko na sa susunod na linggo. 'Di ba bibili tayo ng mga regalo?"

Ngayon ko lang naalalang may palitan pala ng regalo sa darating na Pasko. Masyado akong nag-isip tungkol sa pag-uwi ko sa Iloilo kaya't nakalimutan ko na.

"Oo nga pala. Sige, alis tayo pagkatapos kong magpalit ng damit. Pero wala pa akong naisip na bibilhin, eh."

Kakasahod lang namin kahapon. Balak ko rin magpadala mamaya sa Iloilo. Pero naalala kong wala pa pala akong naiisip na regalo sa kanila. Pati na rin sa mga amo. Ano kayang puwedeng ibigay.

"Hay naku, kahit ano naman tatanggapin ko. Nga pala, may naisip ka na bang regalo para kay Senyorito Timothy? Baka kasi makahabol siya sa Pasko," ani Milagros. Mabilis akong umiling.

"Wala pa nga, eh." Nanlumo ako.

"Hindi mo namang kailangang bigyan ng regalo si Timothy, Zia Lynn. Nasa kanya na ang lahat kaya hindi niya rin ma-appreciate," sabad ni Raquel. Napaisip ako. May punto kasi siya, hindi ko naman kasi afford ang mga mamahaling panregalo kaya parang ang awkward naman kung bibili ako ng regalo sa ukay-ukay.

"Alam mo ikaw, bida-bida ka talaga!" bulalas ni Milagros sabay duro kay Raquel kaya agad akong pumagitna.

"E bakit? Totoo naman, ah. Wala ka bang pambili ng sarili mong suka, Milagros? Ang hilig mong makisawsaw sa usapan ng may usapan!" Raquel countered. Tumaas ang tensyon sa kusina.

"E ikaw, ano ka? Pader ka ba, ha? Ang hilig mong mangbakod ng hindi mo pagmamay-ari! Akala mo naman may gusto sa 'yo si Senyorito Timothy. Napaka-assuming mong bida-bida ka!" balik-singhal ni Milagros. Rinig ko ang mahinang hagikhik nina Dionesa at Susana.

"Milagros at Raquel, tama na 'yan! Nagsisimula na naman kayo," saway ni Nanay Sol. Marahas na nag-ayos ng kanyang bangs si Raquel.

Nakahinga ako nang maluwag ako. I stared at Raquel apologetically. Ngunit umismid lang siya.

"Tara na nga, Zia Lynn. Magbihis na tayo." Nagpahila naman ako kay Milagros. Sumunod sina Dionesa at Susana na parehong natatawa. Masaya pa silang halos magsabong na naman sina Milagros at Raquel. Nakakaloka ang mga bakla.

Pumanhik ako sa kuwarto sa itaas para magpalit. Sina Milagros, Dionesa, at Susana ay dumiretso sa kani-kanilang kuwarto para magpalit. Sasaglit lang naman kami sa mall para mamili. Sasamantalahin na namin habang wala pa ang mga amo. Kapag nandito kasi sila kailangang may maiwan sa amin para may mapag-utusan sila. Hindi kami puwedeng sabay-sabay na lumabas.

Isang simpleng puting blouse lang ang isinuot ko saka tinernuhan ko ng mahabang palda. Hinubad ko muna ang kuwintas saka itinago sa drawer. Kitang-kita kasi sa leeg ko dahil medyo mababa ang neckline ng damit.

Pagkababa ko'y nando'n na sina Milagros sa sala. Nakaupo. Ngunit kaharap nila si Raquel. At para silang nagdidigmaan sa pamamagitan ng matatalim na tingin. Hindi sila makapagsagutan dahil nandiyan lang si Nanay Sol, nagbubuklat ng kung anu-anong folder sa sala. I wonder kung bakit hindi pa umuuwi si Raquel. Baka dito na naman siya manananghalian.

"Tara na?" aya ko sa kanila nang makarating ako sa sala. Nabaling sa akin ang kanilang atensyon.

"Wow! Ang ganda mo talaga, Zia Lynn! Kahit ano yata ang isuot mo, bagay sa 'yo. Hindi katulad ng iba diyan, kahit sampung beses pang maligo mukha pa ring aswang," bulalas ni Milagros. Pinandilatan ko siya pati na rin sina Susana at Dionesa na ngayo'y nagpipigil ng tawa.

"Nanay Sol, alis na po kami. May ipabibili ka ho ba?" I asked Nay Sol, ignoring Milagros' statement.

"Wala naman. Mag-iingat kayo at bumalik kayo kaagad. Ipagda-drive kayo ni Ismael."

Natuwa naman ako. Marami kasing sasakyan diyan sa garahe. Nakatambay lang. Buti naman at naisipan nila kaming ihatid.

"Sige ho—"

"Ah, Zia Lynn..." Napatigil ako't napabaling kay Raquel nang bigla itong tumayo. Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone.

"Oh? May ipabibili ka ba?" untag ko. Siniko ako ni Dionesa.

Umiling si Raquel. "Wala naman. Nag-text kasi si Kuya Victor, hinihingi niya 'yong numero mo. Puwede ko bang hingin at ibigay sa kanya?"

This time si Susana naman ang sumiko sa akin. Samantalang si Milagros ay parang papatayin sa tingin si Raquel.

"Uhm, para saan daw, Raquel?" alanganing tanong ko.

"Alam mo na, textmate. Type ka yata ni kuya kaya hinihingi ang number mo," aniya. Tila kinikilig pa. Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ni Milagros.

"Uhm, kasi Raquel, ano e..."

"Please?" she stared at me—with puppy eyes. Iniabot niya sa akin ang kanyang cellphone. Bumagsak ang balikat ko. Wala naman sigurong masama kung ibibigay ko. Isa pa, wala naman akong laging load. At para matigil na rin si Raquel.

"Okay. Sige..." Nginitian ko siya sabay kuha ng cellphone sa kanyang kamay.

Akmang magtitipa na ako ng numero nang biglang dumagundong ang boses sa buong bahay.

"Don't you dare, Zia Lynn!"

My eyes went wide. Napatili sina Milagros, Susana, at Dionesa.

"Senyorito! Nandito ka na!" anila. Naestatwa ako. Si Raquel ay nanlalaki ang mga mata.

"S...enyorito!" I stuttered. His eyes fixed on me. Nakasunod sa kanya sina Mang Ramon at Ismael na pawing may bitbit na mga maleta.

Gano'n na lang ang pagsinghap ko nang sa isang iglap ay nawala sa kamay ko ang cellphone ni Raquel. Wasak iyon nang bumagsak sa sahig. Natulala ako sa kanya. Napatili naman ang mga babae.

"I should have guarded you better. Damn! Nalingat lang ako sandali may pumoporma na sa 'yo." He closed the distance between us.

"And why the hell did you take the necklace off your neck?" his voice thundered while looking straight to my eyes.

"Uhm...ah, k..asi...ah—"

Diyos ko! Nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang kaba. Windang ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

"Damn it! I missed you so much!" he exclaimed.

Kasunod niyon ay ang malalakas na singhap na pumuno sa sala.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz