ZingTruyen.Xyz

Promise To A Stardust (Published Under Flutter Fic)

Kabanata 26

heartlessnostalgia

Kabanata 26

MASAMA ang pakiramdam ko.

I woke up with a throbbing head, a churning stomach, and a dry mouth after I vomited nonstop. Huminga ako ng malalim nang mapatitig sa salamin pagkatapos magsepilyo, sinuklay ang buhok at tinitigan ang mukha sa salamin.

I am so pale, namumutla ang labi ko at pakiramdam ko ang pangit-pangit ko kaya nangunot ang noo ko. My forehead creased and I scratched my arm in annoyance.

Ang dami ko kasing kinain kagabi! Damn, siguro sira 'yong kinain kong Avocado?

Paglabas ko'y naamoy ko kaagad ang nilulutong agahan. Sa pagbaba ko'y nasalubong ko kaagad ang masayang ngiti ni Riu.

"Morning, Mimi!" he beamed, waving his hand. Suot-suot niya ang school uniform at nakaupo sa stool.

"Morning, anak," bati ko, niyayakap siya't hinahagkan sa noo. "Ang bango-bango naman ng baby ko,"

"Mimi! Naligo na po ako mag-isa kasi big boy na ako!" He proudly said, natawa naman ako at hinaplos ang buhok niya.

"Good boy!" I chuckled. "Mimi is so proud of you,"

Nang mapansin ko ang titig sa 'kin ay inangat ko ang tingin sa lalaking nakasandal sa may sink, may hawak na spatula, naka-shorts lang at hubad-baro.

Tinaasan ko ng kilay.

"Oh?"

"Morning, ganda. Wala ba 'kong mwuah-mwuah d'yan?" ungot niya.

Ngumuso ako at umirap bago lumapit sa kanya.

He opened his arms widely when he saw me approaching, ngiting-ngiti pa, feel na feel na yayakapin ko siya pero nilagpasan ko at dumungaw sa niluluto niya.

"Walang fried dumplings?" I asked.

"Walang morning kiss?" Irit ni Caspian.

"Walang dumplings?" I asked again.

He sighed.

"Ubos na, babe." Naramdaman ko siya sa likod ko at yumakap sa baywang ko, ibinabaon ang mukha sa balikat ko. He kissed my shoulder blades. "Gusto mo ba ulit? Naubos na 'yong kagabi, Reev."

Tumango ako. "Dumplings, saka soup. Or p'wede ring soup na may dumplings?" Natakam ako!

"Okay, pero mamayang dinner na lang? Your tummy can't wait for it. Kailangan mo ng pagkain ngayon.."

I shrugged. "Okay, basta dumplings ko, na may soup, ah?"

Hinarap ko siya. Nangiti siya nang magkatitigan kami. Inabot niya ang baywang kong muli papalapit kaya niyakap ko ang leeg niya at tumingkayad para singhutin siya.

"Bango mo, Cas," I breathed.

"I haven't taken a bath yet," aniya. "Nagluto muna ako. Mamaya pa 'ko maligo."

"Hmm," I hummed, running my nose on his skin.

"Mabango pa rin?" bulong niya.

"Yeah," I hummed. He chuckled and caressed my waist.

"Maliligo ako mamaya,"

"H'wag na," I murmured. "Mas mabango kapag walang ligo."

"No." He kissed my head. "Mas mabango ako kapag bagong ligo, babe."

"No," laban ko rin. "Mas gusto kong wala kang ligo."

Lumayo siya at sinapo ang mukha ko. "You okay? Namumutla ka."

"Sama pakiramdam ko."

His forehead creased, kaagad niyang inabot ang noo ko at ang noo niya pagkatapos ay nakiramdam.

"Hindi ka naman mainit," he said and touched my neck. "Pahinga ka? P'wede namang h'wag ka muna pumasok."

"Hindi," I yawned. "I need to work, masama lang nakain kong Avocado kagabi."

"Sira?" Kumunot ang noo niya at sumulyap sa istante ng prutas sa may counter. "Aba't sabi sa palengke fresh 'yon–"

"Nagkataon lang," agap ko. "Ayos lang ako, okay na rin 'yan kapag nag-agahan. At bakit napadpad ka na naman sa palengke?"

"Ah," tumawa siya. "'Di ba kahapon nangisda ulit ako?"

Nanlaki ang mata ko. "Nangisda ka?! Kaya ka maagang umalis? 'Yong ulam natin kahapon..."

"Oo. S'yempre, fresh na isda lang para sa mag-ina ko." He even winked.

Nasapo ko ang noo. Tawang-tawa na naman siya. I thought when we reconciled, titigil na siya sa sideline pero tuloy pa rin talaga!

Nang naghain siya'y binalikan ko ang anak na nakangiting nanunuod lang sa 'min ng Papa niya. He's glowing. We've seen improvements in his sleeping patterns and as per his therapist, he's doing so much better.

"Hi, baby, ready for school?"

"Opo!"

"How's your assignment? You need help from Mimi?"

He shook his head. "Good na po, Mi! Help po ako ni Papa yesterday..."

I chuckled. Nilingon ko si Caspian na Master Chef na naman do'n sa harapan ng stove niya.

"Hoy, Alcantara?"

"Yes, mahal?" Nilingon niya 'ko.

"'Yong totoo, pumapasok ka pa ba sa hotel? Parang palagi kang lumilitaw kung saan, e. Kabute ka ba?"

Natigil siya at natawa. "I go there if they need me. I can always work remotely. Give me your schedule this week, makiki-night shift ako sa 'yo."

Binato ko ng pot holder na nakita ko.

"No. You need to be here for your son."

Nagkatingin sila ni Caspian na dalawa. "Hmm, hindi, mag-night shift kaming dalawa ni pare ko."

"Night shift!" Riu beamed excitedly.

"Nope," agap ko at umiling bago nilapitan si Caspian para kurutin at nangunguna pa sa kalokohan, dinadamay pa ang anak.

Iniwan ko sila saglit para hanapin ang aso at mapakain. I chuckled when I saw him in the living room, playing with his ball. He's jumping back and forth.

While he's engrossed, naglagay ako ng pagkain sa bowl niya. Natigil siya nang kumalampag ang bowl niya at nag-angat ng tingin.

"Cas, baby, come on..." I called.

Lalapit sana siya pero biglang nagdalawang-isip at ayaw iwan ang bola niya.

I chuckled.

"It's alright. Mom won't take your toy, come here." Ulit ko. He didn't bulge, natatakam pero ayaw bitawan ang laruan.

"Caspian," I called loudly. "Baby, come here,"

Finally, he ran closer. Natawa pa ako nang ipatong niya sa bowl ang bola niya bago kumain, ang buntot ay gumagalaw.

"Yes? Babe, tawag mo 'ko?" Caspian, the boyfriend's voice echoed. Nakadungaw siya sa kusina, hawak ang sandok at plato na may kanin.

"I mean, my dog," I cleared and smirked at his face.

"Bakit kasi pareho," inarte niya pero may ngiti pa rin. "Buti na lang gwapo kami pareho, 'di ba, Cas, 'nak?" he called.

The dog, hearing his name looked at him and barked, wagging his tail.

"See? He approves," ani Cas.

"Oo, gwapo kayo pareho, kulang na lang sa 'yo 'yong balahibo." I cackled when he glared at me.

Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako, I was massaging my scalp when the bathroom door opened. I was startled but then I saw the culprit.

"Alcantara!"

He smirked, nanliit ang mata at pinagmasdan ang kabuuhan ko.

He was already naked, only a white towel covering his lower part at nang tanggalin niya iyon ay napatili ako.

"Nakadalawa ka kagabi, Caspian!" I hissed. He chuckled, marahang lumapit at niyakap ako sa likuran.

He joined me in the shower, nag-angat ako ng tingin sa kanya at sinamaan siya ng tingin pero tumawa lang ang loko at humalik.

I gasped and melted in his hold, rubbing my ass in him.

"My horny babe," he muttered.

"Ang kapal mo, ako pa?" I snorted.

"I love you, Reev. Bend for me," he mumbled, slowly urging me to bend as the shower filled with the sounds of our muffled breaths and moans.

*ੈ✩‧₊˚༺☆༻*ੈ✩‧₊˚

NAKAUPO kami sa sofa ni Riu habang inaantay si Caspian na kunin ang gamit niya sa kwarto namin. I am ready for my duty today and my Riu for his classes. Tabi kami ng anak ko habang magkahawak ang kamay.

"Ready!" Caspian informed as he strode down the stairs. Sabay kaming natawa ni Sirius nang makababa si Caspian ay kaagad siyang tumakbo sa amin sa sofa at ibinagsak ang sarili roon.

He sat beside me and hugged my waist, napagitnaan ako ng mag-ama ko kaya nangiti ako at sabay na hinaplos ang mukha nila.

"Tara na ba?" I asked them.

"Kiss!" I stopped when they both said that.

"Hmm..." Umayos ako ng upo at pinagmasdan silang dalawa, I can't believe I am looking at two identical eyes right now!

"Alright, who among you would kiss me first?" I asked at natawa ako nang hawakan kaagad ni Riu ang noo ng Papa niya para pigilan ito sa paghalik.

"Me first!" Riu exclaimed.

"No, Papa first!" Hindi nakipaglaban si Caspian pero hindi niya rin hinayaan ang anak na maitulak ang noo niya.

I was laughing hard nang magpaligsahan sila sa paghalik sa akin.

"Me first!" Sirius eventually managed to push his father's face away to kiss my cheek first.

Caspian's face fell, ngumuso siya at akmang hahalik pa pero umiling si Sirius habang nakangisi.

"No! No kissing Mimi!" He exclaimed.

"Isa lang, 'nak!" Hirit ni Cas at umabante na naman. Riu glared at him.

"No, you stop kissing my Mimi now!" he demanded.

"Should I?" Nakita ko ang aliw na sumayaw sa mga mata ni Cas.

"Yes! No kissing Mimi, Sirius only!" He snorted, embracing my nape.

Inalis ko ang kamay ni Caspian sa kamay ko at niyakap si Sirius. Caspian groaned, niloko naman siya ng anak na nakayakap sa akin at paulit-ulit na humalik sa pisngi ko at nagsalita.

"Mimi is mine!" He exclaimed and we both laughed, looking at his father's miserable face.

We went to take Sirius at school first with Amy, sa hapon rin ay may session si Riu sa psychiatrist kasama ang Papa niya at si Daddy.

After our son, Cas took me in the hospital for my duty, magkahawak ang kamay namin habang papasok ng ospital.

"Let's date later tonight," anyaya niya.

I stared at him, my Caspian looked good in his dark blue suit and black necktie. His cleanly shaved and well-groomed. Miski ang buhok ay nakaayos, dagdag pa ang ganda ng mga mata niya.

"Eight ang out ko, Cas." Humilig ako sa kanya. "Saka ang dumplings ko with soup?"

"I'll fetch you," he whispered. "And we'll get you your dumplings this lunch."

"Okay. Saan tayo kakain?"

"Hmm, anywhere you like. I'm rich today. Bagong sweldo 'ko, Reev," yabang pa niya.

Inabot niya ang wallet sa bulsa at ipinakita sa akin. Kinurot ko ang baywang niya nang makita ang lilibuhin roon.

"Ang dami mong pera 'di ka makapagbayad ng utang mo kay Lucian,"

He chuckled, ibinalik ang wallet at humalik sa ulo ko.

"Bayaran ko mamaya, wala kong barya, e." He said. "I will buy you udon later,"

Nanlaki ang mata ko at napapalakpak.

"Can I eat two bowls?" Nagliwanag ang mukha ko.

"Make it three." He grinned. "I'll buy you dumplings, too."

"Yehey!" I cheered. Niyakap ko siya at humalik sa pisngi niya. "I'm excited!"

Tumatawang hinigit niya ako ng yakap.

"Love you, Reev," he murmured.

*ੈ✩‧₊˚༺☆༻*ੈ✩‧₊˚

MAGAAN naman ang naging araw ko pero I noticed I'm extra tired these days. Mas gusto kong kumain o matulog. Parang ang bigat-bigat ng katawan ko.

The past few weeks are light, hindi na rin nagparamdam si Cheska at Claude pero 'di pa rin tumitigil sa paghahanap ang mga tauhan. Minamanmanan nga miski ang tatay nitong politician pero malinis daw gumalaw at sinasabing hindi niya alam.

It became a big news. Kilalang pamilya rin kasi ang mga Estrada at dahil nasa politika'y matunog. Nang mabalita ang kinasangkutan ng anak ay nabahiran ang pangalan ng ama hanggang sa nagsilabasang mga issue tungkol sa pangungurakot.

Which isn't shocking. Ang politika'y family business na nga.

No'ng lunch na-inform nina Pearl na may padala raw ang boyfriend. It made me happy, lalo na no'ng nando'n nga ang dumplings at soup na request ko!

Here's your request, my love! Nagdala rin ako ng pagkain kay Sirius. I love you.

-Cas mo <33

"Woah, sana all may boyfriend na naghahatid ng favorite food," parinig ni Monica kaya natawa ako at umiling.

I opened the lunchbox, anticipating my mouth salivating but what happened was the other way around. The moment I smelled the sauce, my stomach churned.

Napatakip ako sa bibig, tumayo at tinakbo ang banyo.

"Lars! Okay ka lang?!" Pahabol ni Pearl pero 'di ko na siya nasagot at sumusuka na ako.

"Gosh!" Monique ran behind me and lifted my hair until I was done.

Hindi umalis ang mga kaibigan hanggang sa matapos ako't inalalayan pa pabalik sa station.

"Ayos ka lang? Ano'ng nangyari?"

"Masama lang siguro ang pakiramdam ko,"

"Magpahinga ka muna," Pearl said. "Kami na ang magsasabi kay Ma'am."

"I'm alright," I reassured. "Pahinga lang ako ng kaunti, medyo pagod rin siguro."

"Pero sasabihin pa rin namin, Lars." Monique insisted.

"Salamat, pasensya na, huh? Sobrang pagod lang siguro."

"Naku, ganyan rin ako no'ng nakaraang linggo nakalimutan kong time na pala ng mens ko kaya pagod na pagod ako."

I stiffened, dali-dali kong inabot ang calendar sa gilid at napatulala nang makita ang date.

"Shit..." I cursed, staring at the date today.

"Bakit?"

"I-I'm delayed," I murmured.

"Oh my God!" They exclaimed, nanlalaki ang mata.

"Tatay na ulit si pogi?!" Pearl exclaimed happily but my mouth was still parted, bewildered.

"M-magpapatingin ako sa OB," I said and stood.

"OMG! Congratulations, Lars!"

"Hindi pa sure..." Napahawak ako sa tiyan ko at nakagat ang labi, nangingiti.

"Samahan ka namin!" They excitedly came with me. Halos magtatatalon ako sa saya at hindi pumalya ang luha nang sabihin sa sa akin ang magandang balita.

I'm pregnant, five weeks.

Hindi na ako umalma nang pinilit niya akong umuwi na kaya dumiretso ako sa Casa Amara para sabihin kay Cas ang mabuting balita!

I was so excited, hindi ako mapalagay habang inaayos ang nagusot kong dress habang inaantay ang turn ko sa reception para bumisita kay Caspian.

"Good afternoon, Ma'am! Ano pong kailangan nila?" The familiar lady said, ito rin 'yong pumunta ako rito no'ng nakaraan.

"Hi! P'wede kaya matawagan si Caspian Alcantara?"

Her eyes widened, eyeing me again.

"Uhm... may appointment po ba?"

"No but you can tell him it's Polaris, he'll get it."

"Ta-try ko po." She dialled the telephone, habang ginagawa niya iyon ay kagat ko naman ang labi ko habang inaantay siya habang may kausap.

"Uh, Ma'am?" aniya. "Wala kasi si Sir sa itaas kaya hindi mo masabi kung p'wede–"

"Reev ko!" Sabay kaming natigilan nang may sumigaw.

Sa paglingon ko ay nakita si Caspian na nanlalaki ang mata. He left the business partners and ran like a kid towards me.

"Cas..." Hindi pa ako nakakapagsalita ng maayos ay hinapit na niya ako at niyakap ang baywang ko.

I chuckled, sumubsob naman siya sa balikat ko at humalik sa leeg ko.

"Bakit ka nandito? Mamaya pa kita susunduin, a?"

Marahang tinulak ko siya at natawa.

I caressed his cheek, napansin kong tahimik ang paligid habang nakikita ang istriktong boss nila na parang bata sa harapan ko.

"May sasabihin kasi ako," I said. He nodded, bahagyang humiwalay at nagpamulsa. His both hands are inside his pocket, habang nakatitig ay pinantayan ako ng tingin.

He looked innocent as he stared at me, interested.

"Uhm," I cleared my throat.

"Kiss." He pouted. Nakagat ko ang labi ko, I heard gasps. Iiling sana pero humaba lang ang nguso sa akin nitong isa.

"Kiss, Reev..." He pouted.

Kumalabog ang puso ko, I slowly tiptoed and gave him a peck. Nakita ko ang pagpula ng pisngi niya at umayos ng tayo, kinikilig ata.

"Ano 'yon, babe?" He took my hand and smiled.

"Uhm, mamaya na lang." Inilibot ko ang tingin. Lahat sila'y tulala, miski ang nasa front desk ay nagulat!

"Ngayon na," aniya.

Sumulyap ako sa mga business partners niya.

"Your partners, baka mainip."

He snapped when he remembered he's with other people. Hawak-hawak ang kamay ko'y bumaling siya sa kanila.

"My apologies, gentleman. I got preoccupied. Thank you for your time today," magaan pero pormal niyang sinabi.

Nagsitanguan sila. Bumaling kaagad sa 'kin si Cas, nag-aantay. Pero 'di pa rin umaalis ang mga business partner niya't parang nakakita ng aparisyon.

"What is it, babe?"

"Sa office mo na lang," I murmured.

"Dito na, I'm curious. Tapos akyat tayo sa office ko, tapos na rin naman ako kaya date na tayo kaagad para mahaba." He smiled.

"D-dito talaga?" bulong ko, inililibot ang tingin.

"Hmm." He squeezed my hand.

I let out a shaky breath, nervous and excited at the same time. I will be a hypocrite if I say this doesn't make me nervous since the first time I did this, it shattered us.

Nangunot ang noo niya nang matanto ang reaksyon ko.

"Parang kinabahan naman ako," Caspian murmured. "Are you okay?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Sorry, sige, kung 'di ka komportable sa office na lang–"

"Cas." Tinitigan ko siya. "H'wag kang mabibigla..."

Napatakip siya sa bibig, nanlalaki ang mata.

"Ang OA! Wala pa nga!" I exclaimed, laughing. Gumaan ang pakiramdam ko sa kalokohan niya.

"Alright, you sure? Sa opisina na lang ba?" I shook my head. Tumango siya.

I cleared my throat. "Kasi kanina, you gave me lunch, right?"

"Hmm,"

"No'ng binuksan ko, bigla akong nasuka."

His smile faded. "Masama ba ang lasa? I tasted it, maayos naman. You didn't like it?"

"No, not that..." I smiled. "Kasi, ayon nga, nagsuka ako sa amoy ng sauce. Then I realized, wala pa pala akong period."

"Nagkaroon ka bigla?" He asked.

"No, silly." I chuckled. "Kasi... I went to the doctor to get checked."

Umawang ang labi niya. Mas umayos ang tayo niya't namungay ang mata.

"A-and?" He stuttered, tila may nabubuo ng sagot. I smiled, he heaved a breath. "Don't leave me hanging." Nanginig ang boses niya.

"Cas..." I bit my lip. "Natupad na 'yong wish mo."

"S-saan do'n?" he asked. "Marami 'yon..."

"I'm pregnant," I said softly.

Napigil niya ang hininga at mukhang hihimatayin. Napahawak siya sa ulo.

"Cas...?"

"T-totoo, Reev?" the tremble was very audible. "Magiging Papa na ako ulit?"

"Yes, Cas," I confirmed. "Kuya na si Riu."

Natulala siya.

"F-fuck..." he whispered and looked around. "Fuck! I'm going to be a father again!" He announced and raised his fist like a champion.

Nagulat ako at napatawa sa lakas ng hiyawan at palakpakan. I screamed when Cas carried me by my waist and lifted me.

"Fuck!" He exclaimed happily. "I'm going to be a Dad!"

"Cas!" Natawa ako.

"Congratulations, Sir, Ma'am!" bati nila.

Ibinaba ako ni Cas, sinapo ang pisngi ko bago mabilis na hinalikan ang labi ko at biglang lumuhod sa harapan ko.

I gasped as he embraced my stomach and pressed a kiss. His falling tears do not escape my gaze.

"H-hi, baby," his voice broke as he caressed my stomach. "This is Daddy..."

Doon ay 'di ko na napigilan ang pagiging emosyonal, napalitan na ang masasamang alaala ng kagalakan. I brushed his hair, urging him to stand.

"I-I'm happy," bulong niya pagkayakap sa 'kin.

"I am too," I breathed.

He squeezed me, still catching his breath before cupping my cheek to look me in the eye.

"Thank you..." He kissed me. "Thank you. Thank you."

Nang humiwalay siya at humawak sa kamay ko ay napansin ko pang nagulat siya nang dumami ang taong nakikinuod sa amin.

"Congrats, Ma'am! Sir!" Ulit nila.

"Congrats, Sir Caspian! Magiging Daddy ka na ulit!"

"Yeah, right." He smirked, nagliliwanag ang mukha niya bago pasimpleng pinunasan ang luha niya.

"Thank you, everyone." Inilibot niya ang tingin, may ngiti. "I may not have formally introduced her to everyone yet but this is Polaris, my girlfriend."

My cheeks flushed with everyone's attention. Lalo na nang sunod-sunod silang mag-congrats sa 'kin.

"Thank you..." I muttered and touched my stomach, my heart calm and happy.

"As a treat and celebration for me and my family, lahat ng empleyado today, double pay."

My jaw dropped at the same time his employees did! Nagsitilian sila.

"And for our lovely guests, you can visit Polaris," aniya kaya nangunot ang noo ko. "The restaurant." Kinindatan niya ako. "Everyone is free. All food and drinks are on me."

Masayang-masaya si Caspian, 'di mapuknat ang ngiti sa balita. Nang makarating sa elevator ay niyakap niya akong muli.

"I'll be a good father," he promised. "Mas pagbubutihin ko, Reev. I may not be there when you are carrying Riu but I promise I will be now, every step of the way."

Ingat na ingat niya akong inalalayan palabas ng elevator. He even asked his secretary to go home early to his family today.

"Maaga ka mag-out ulit, Sir?" aniya na parang sanay na absent lagi ang boss niya.

"I'm going to be a father again!" He grinned.

"Wow!" His eyes widened. "Congrats, Sir, Ma'am! Thank you!"

"Thanks." I smiled genuinely.

"No, thank my girlfriend. Without her news, I won't be like this." He chuckled. "Anyway, before you go, inform Mandy na free ang restaurant today. Also, feel free to order food for your family."

Pagkapasok at pagkaupo ko sa sofa ay hindi na siya mapakali at lumuhod pa sa harapan ko para haplusin ang impis kong tiyan.

"Come on, Cas, maliit pa 'yan."

"Kahit na," angil niya. "My baby is here, shit, I still can't believe it."

"Me too, nagulat rin ako kanina."

"Pero may part na medyo expected ko na rin." Muling hinaplos-haplos niya ang tiyan ko.

"Bakit?"

"Sinadya ko kasi talagang hindi tanggalin no'ng nakaraan para sure." He smirked.

"Cas!" Binatukan ko siya. Humalakhak siya.

"Sus, kunwari pang ayaw niya sa loob," pang-aasar niya. "Admit it, you like it when I cum inside you–"

"Bibig mo!" My cheeks heated. Humalik-halik siya sa tiyan ko hanggang sa umangat 'yon sa dibdib ko.

"Hoy, lalaki!" I laughed. "That's my breast! Hindi ko na tiyan 'yan!"

"Ay, hindi ba?" Tumitig siya sa dibdib ko at ngumuso. "Kaya pala lumalaki." He nodded.

"Tarantado," I scoffed.

"My Sirius will be so happy, Kuya na siya. Nakaka-excite ipamalita," he beamed.

"He probably will,"

Nagkatitigan kita.

"I love you, Reev ko. Napagod ka ba? Date na sana tayo mas maaga para mahaba pero if pagod ka..."

"Basta, three bowls ng udon with dumplings!"

"Alright, boss!" Sumaludo pa siya.

*ੈ✩‧₊˚༺☆༻*ੈ✩‧₊˚

SOBRANG saya ko habang nasa mall kami ni Caspian at kumakain ng udon at dumplings na ipinangako niya sa akin. He bought every food I craved. Natawa pa ako sa kanya nang pagpilitan niyang mamili na ng damit pang-baby pero napigilan ko lang nang sinabi kong wala pang gender at baka madoble ang bili namin.

When I craved for milktea, walang pagdadalawang-isip na pumila si Caspian kahit mahaba habang ako'y nakaupo lang at pinagmamasdan siya.

He waited in line patiently kahit pinagtitinginan na siya at naka-suit and tie pa!

I checked on Amy kung nasundo na ba si Riu bago nilingon si Cas at gusto ko sanang magbanyo.

Should I wait for him? I tapped my foot on the ground, 'di na mapakali at naiihi na.

Tumayo ako at nasalubong ang bodyguard na nagtataka.

"Nakakagulat ka naman!" I gasped.

"Sorry, Ma'am." Napakamot siya sa batok. "Saan ka po?"

"Banyo lang," I informed.

"Nasabi n'yo po ba kay Sir–"

"Nand'yan lang naman." Turo ko sa halos katapat lang na banyo. "Ikaw na lang magsabi, please!"

Before he could say a word, I was strutting my way to the bathroom. Nga lang, kung minamalas ay under maintenance daw!

Lumabas ako at may tinuturo ang maintenance na ibang banyo sa kabilang dulo. I glanced at Caspian and the guard talking while falling in line. Kumaway ako para magpaalam pero hindi nila ako napansin.

I sighed and couldn't stop it any longer kaya nagtatatakbo na 'ko sa banyo sa kabila. Thankfully, there is no line!

I quickly finished. Dumiretso ako sa sink at ako na lang mag-isa ang naiwan do'n.

I fixed myself with a smile on my face.

I'm going to be a mother again, still, with Caspian.

May pumasok na tao pero 'di ko pinansin at naghugas ng kamay. I saw her went to the sink through my peripheral vision. Nakasuot siya ng hoodie kaya 'di ko nakita ang mukha no'ng bahagya akong lumingon.

"Pregnant, huh?" My back straightened when I heard that familiar and terrifying voice.

I quickly looked beside me, my heart racing when she pulled the hoodie off, revealing the face I loathed.

Cheska...

"Miss me?" She smirked.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz