Promise To A Stardust (Published Under Flutter Fic)
Kabanata 24
Kabanata 24
"REEV, pasensya na kung sa condo muna tayo, hmm?" ani Caspian.
"Bakit? May iba pa ba tayo tutuluyan?" I asked.
"Hindi pa kasi tapos 'yong..." He stared at me and sighed. "Basta, uhm, doon muna tayo sa condo ko mag-stay. I'm sorry if that's what I can do for now."
"It's okay. Ilan lang naman tayo."
He smiled. Bumaling siya kay Riu na natutulog sa hita niya at inayos bago unti-unti at pasimpleng hinuli niya ang palad ko at nakipag-holding hands.
"Walang kwentang manliligaw talaga 'to, mahilig mananching," I muttered.
Tumawa siya at humalik sa panga ko.
"Na-receive mo ba 'yong voice message ko kanina sa 'yo, Reev?"
"Oo,"
"Ano'ng masasabi mo?" he beamed. "Ginandahan ko 'yong pagkanta no'n–"
"Dinelete ko kaagad," I muttered, laughing when his face fell.
"What?" He pouted. "Ilang araw kong pinraktis 'yon!"
"Sa banyo?" I snickered. Bumusangot siya.
"Bahala ka, sesendan ulit kita ibang kanta..."
Nawala ang atensyon ko sa katabi nang mapansing mahinang nagtatalo si Warrion na driver namin ngayon at ang babaeng katabi niya.
"I said I can do it alone!" The woman whined.
"No," mariing sabi ni Warrion. "Your father asked me to keep an eye on you."
"Kaya ko ang sarili ko!" The woman scoffed. "Hindi ko kailangan ng proteksyon mo!"
Hindi umimik si Warrion, I saw his grip tighten on the steering wheel, kunot ang noo.
"Napipilitan ka lang, 'di ba?" The woman said. "Quit! Hindi ko pinipilit na nandito ka, ayaw mo naman, 'di ba? Go!"
Nagtatakang sinulyapan ko si Cas na mukhang naaaliw sa pagtatalo ng dalawa.
"Buti pa tayo, Reev 'no, sweet," entrada niya. Tinuktukan ko na.
Excited na excited si Riu nang makarating kami.
"Papa! Dito po tayo tira po? Ang big dito! Parang 'yong sa TV, Papa!"
"Uh-hmm," Caspian chuckled. "Yes, son, pero hindi pa 'yan. Papa's unit is at the top floor's, magugustuhan mo 'yon."
"Do I get to have my room?" Sirius asked excitedly.
"Yes, little star. We customized it for you," Caspian said sweetly, napangiti lang ako sa usapan ng mag-ama.
Pagbukas ng van ay kaagad na bumaba si Cas. He carried Riu before extending his hand to me.
May mga attendant na dumalo para mag-assist. Napansin kong tahimik si Warrion, kunot ang noo at medyo iritado. Binalingan ko iyong kasama niyang babae na nakikipag-usap sa attendant.
Caspian chuckled, looking at his brother.
Iritado ang mukha ni Warrion nang bumaling sa kapatid at sumimangot.
"What?" He asked hardly.
"Sakit 'no?" Caspian mocked his brother like a kid. "Ayan, gago ka kasi."
"Oh?" Natawa si Warrion sa kapatid at napangiwi. "Mas gago ka, Kuya." Humarap siya sa akin. "'Di ba, Lars?"
Natawa ako at tumango. Suminghap si Cas at nahulog ang balikat.
Pagpasok namin ay nagtaka ko nang mapansing nakalinya ang mga empleyado sa loob. Naalala ko ring sila pala ang may ari ng condominium building na ito.
"Welcome back, Sir Caspian! Sir Warrion!" Sabay-sabay nilang sinabi. Kita ko ang pagkamangha sa mga mata ni Sirius bago bumaling sa ama.
"Thank you for coming, everyone," ani Cas, pormal ang boses.
Marahang kumalas ako sa hawak ni Caspian nang mapansin ang titig sa akin ng iba, gulat at nagtataka pero mas humigpit lang ang hawak nito sa baywang ko at pinirmi ako sa kanyang tabi.
Their curious and confused stares shifted to our son, Sirius, who, with his intense green eyes, is an exact replica of his father.
"I know some of you knew about my Reev," ani Cas.
"Cas..." I nudged. "Y-you don't have to introduce me."
"No," tanggi niya. "I want to."
Hindi na ako umimik.
"Reev will be staying here with me again," he informed.
Nagsitanguan ang mga tao, gulat ang ibang pamilyar sa akin dahil sa pagbabalik ko. We kept it a secret we're together in the past to be safe but some of his employees knew, lalo na dito sa kanyang unit na ito.
"And this is our son," ang kompirmasyon ni Caspian ay nagpasinghap sa kanila. "This is Sirius Alcantara."
My heart pounded. I could hear the pride in his voice to show off his son to everyone.
Sabik na sabik sa anak.
Nang makaalis kami at makadiretso sa elevator ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nasanay ako sigurong pribado kami ni Caspian kaya ngayong kilala na ako ng lahat ay may parteng naninibago.
Amy, Warrion and the woman he's with is in front of us. Sa pagsulyap ko sa mag-ama ay nakita kong humalik si Caspian sa anak at nangiti naman si Riu at humalik din sa pisngi nito.
"Love you, Papa!" He exclaimed.
"I love you too, Riu," he muttered with a gentle smile.
My heart swelled, nakagat ko ang labi. Napasulyap sa akin si Caspian.
He's really dashing. He looked strict and had this intimidating aura if he wasn't smiling but who know's he's cheesy, transparent and a cry baby on the inside?
"I love you, Reev," dagdag niya.
The door opened and I saw a familiar black door. Ibinaba ni Caspian si Sirius kaya tumakbo ang anak sa akin at humawak sa kamay ko.
His door is passcode and fingerprint activated, inantay kong buksan niya ang pinto pero nanatili lang siyang nakatayo roon at bumaling sa akin.
"Open it, Reev,"
"Me?" Nagitla ako. "I can't. I don't know your passcode, and my fingerprint isn't registered–"
"Try it," he encouraged.
Nagtaka ako. Tumango siyang may ngiti kaya unti-unti'y inangat ko ang daliri. To my shock, it opened.
He...didn't change it?
Memories rushed like it only happened yesterday. Looking at his place feels nostalgic. The interior is still the same. The color, the sofa I chose, it was still here.
"It's biggg!" Sirius chirped and ran around his father's house.
"Anak, careful!" paalala ko.
"Opo, Mimi!"
Bumitaw ako kay Caspian nang mapansin ko ang mga frame sa itaas ng piano para puntahan 'yon.
It was the photos we picked together. The photos of us years ago. During our monthsaries, date nights and that time he visited me in the hospital during the graveyard shift.
May humaplos sa puso ko nang makita ang mga dagdag na frame doon. It was our family picture, me, together with Sirius and him way back when he's still pretending to be a driver.
And the last photo stopped me from my tracks, it was a photo of our angel, Castor, noong nasa incubator ang anak ko at nakikipaglaban sa buhay niya. The same photo of my son na mayro'n din ako.
Inabot ko ang frame at marahang hinaplos, my heart is constricting in pain. It made me wonder again what if he's here but there's no point mourning for too long. Malulungkot si Castor. He's one of the stars now.
Nang sumulyap ako kay Caspian ay nakita kong buhat niya ang anak at pinapakita rito ang pinamiling mga laruan. Sirius was really happy, muli akong sumulyap sa frame na hawak at matamis na ngumiti.
"Thank you for guiding us, anak,"
Warrion and the girl stayed with us until dinner.
We entered the familiar room. Dito kami natutulog noon. Sirius wanted to sleep in Cas' room tonight, he probably wanted to stay with his dad.
Inasikaso ko si Riu na pinapalibot ang tingin sa kwarto ng ama.
"Baby, do you love Papa's room?" I asked.
"Opo!" He nodded. "Mimi, ngayon lang po ako mag-sleep dito kay Papa kasi po may sarili naman po akong room."
"Why? You could stay here with him, like with Mimi when we're still in our house."
"Kasi po, big boy na ako!" He said proudly. "And sabi po, ang Mimi at Papa dapat po laging magkasama. P'wede rin naman po na pati ang baby kasama kaso po, 'di na ako baby, e, big na po ako."
"At kanino mo naman nalaman 'yan?"
"Papa..." he whispered.
Natawa ako. Baliw talaga 'yon. Pinaupo ko ang anak sa hita ko't sinuklay ang buhok.
"Pero Mimi, may question po ako."
"What is it, Riu?" I caressed his cheek.
"Mimi... bakit po gano'n, kasi po 'di ba po sabi ni Lolo dati, Tita po kita tapos po Mimi kita sa heart lang po. Bakit ngayon Mimi na kita ng totoo?" He asked curiously.
It will be hard to explain.
"It's a long story, Riu," paliwanag ko. "When you grow up and can understand everything, Mimi will tell you what happened."
"But I'm a big boy na po! I can understand."
"Yes, you are..." I pinched his cheek a little. "But when you grow more, kapag kasing tangkad mo na si Papa, I will explain."
He pouted and blinked at me.
"Matagal pa po iyon, Mimi. Small pa po height ko kay Papa." I chuckled and kissed his cheek.
"Basta anak, I am not just your Tita, I am your real Mimi and Papa Cas is your real Papa. Galing ka sa amin,"
Tumango siya.
"Sige po, Mimi. Sirius is happy because I have my Mimi Lars and Papa Pangit!"
"Sirius..." Nanliit ang mata ko. Bumungisngis na naman ang bibo kong anak at yumakap sa leeg ko.
"Papa Cas pala, secret lang, Mimi, baka kurot ako Papa sa singit. Sshh..."
Do'n na 'ko napabughalit.
Binuksan ko ang T.V. para malibang ang anak ko sa panunuod. Napabaling ako sa banyo at nagsa-shower pa si Caspian. Naririnig ko pa ang lagaslas ng tubig.
Kapag nakatulog na ang bulilit saka ako lilipat siguro sa guestroom. He has plenty of rooms here. I have options.
Kagat ko ang labi ko habang nakatitig sa pintuan ng shower at napaayos ng upo nang bumukas ito. Caspian went out of the shower with his wet hair, tanging puting tuwalya lang ang nakatabon sa pang-ibabang parte ng katawan pero hantad ang dibdib.
My mouth parted watching drops of water dripping from his wet hair down his chiseled chest. Malamig ang nga berdeng mata niya pagkalabas at sinuklay pa ang buhok gamit ang mga daliri. He combed it swiftly and smoothly, nalaglag ang panga ko nang umunat ang braso niya at makita ang muscles niya.
I saw the v-line peeking through the white towel. Sa imagination ko, tumayo ako at nagmartsa sa kanya. Then I'll pull him from the nape to claim his lips while my hands with run down his chest down his towel to rid of it...
He shifted his gaze at me. The blank emotion was replaced with a naughty one. His lip twitched, giving me his arrogant, devilish smirk.
Marahas akong tumikhim at nag-iwas ng tingin.
"Too bad we're just strangers, hmm?" He mocked.
Halos sumabog ang pisngi ko, kumunot ang noo ko at bumaling sa TV habang mahinang nagmumura sa kahihiyan.
Damn you, Polaris! Tigang na tigang?!
I heard the asshole laugh. Halos pigilin ko ang hininga habang nakatulala lang. I can see Caspian striding closer to us through my peripheral vision.
Nagha-hyperventilate naman ang puso ko at hindi ako makagalaw.
Tukso, layuan mo ako!
My breath hitched when Caspian put his other leg on the bed and knelt beside me. Nanlaki ang mata ko at binalingan siya, I saw him put his hand on my leg and lean in to call his son's attention.
"Riu,"
"Po?" Kaagad na lumingon si Riu sa ama.
"Are you sleepy?" He asked, napalunok naman ako at napatitig sa kamay niya na nasa hita ko!
Jusko po, tukso!
Napalunok ako. What is he doing? Sa tingin niya rurupok ako?!
"Medyo po," Riu answered, the jerk has the audacity to caress my leg! Nagsirko tuloy miski ang sikmura ko!
"Alright, Papa will change his clothes then we'll sleep, hmm?"
"Okay po," Riu went back to the television.
Umatras naman ng bahagya si Caspian at pinatapang ko ang mukha ko nang magkatinginan kami.
"Anong... bakit ang lapit mo?" I hissed.
"'Di pa 'yan malapit," he said and moved closer. Mas nagwala ako nang halos ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.
"Ito 'yong malapit." His lips twitched.
"L-lumayo ka nga," I hissed without any conviction. His still wet arm is pressed on me. Sumimangot ako't tinulak siyang naiirita.
"Layo ka..." My voice is unsteady. "Isa..."
The wicked brute licked his lower lip, may naglalarong ngisi sa mukha at nagsalita.
"Dalawa. Ang lamya naman, Reev," asar niya. "'Yan na 'yon?"
"U-umalis ka," I murmured. Tumawa naman siya at ngumuso bago pinagmasdan ang mukha mo.
"Tama na 'yong strangers, i-level-up na natin 'to, Reev," udyok pa ng gago.
"E 'di friends," I considered. Ngumuso siya.
"Isang level up pa?" He negotiated.
"Todo na 'to!" I hissed. He laughed heartily.
I smacked his chest, natatawang inabot niya ang kamay ko at dinala sa labi niya bago pinisil ang ilong ko.
"Mahal talaga kita," he hummed. "Kapag ako nanggigil, kagatin kita."
Heat assaulted my cheek. Sinapok ko siya sa kahihiyan pero tuwang-tuwa lang siyang lumayo't dumiretso sa closet.
The moment he left, napahawak ako sa dibdib na naghaharumentado at napasandal sa headboard ng kama.
"Mimi, nakakakilig 'yon po?" Napabalikwas ako sa sinabi ng anak.
"W-what?"
"You're blushing, Mimi. Sabi po ni Papa kapag kinikilig ka po, nagre-red 'yong cheeks mo." Nasapo ko ang noo at napasinghap.
"Alcantara!" I exclaimed. "Anong tinuturo mo sa anak mo?!"
"Wala, Reev!" He exclaimed back, laughing. "I love you!"
I didn't get the chance to ask for a room when I saw how happy my son was, thinking we were sleeping in the same bed as a family.
"Hug, baby Riu!" He exclaimed.
Nangiti akong lalo. I hugged my son's waist and Caspian did too, nakatihaya sa gitna si Riu at nakatagilid kaming dalawa.
"Yehey! Happy family!" he exclaimed.
"I love you, Riu," I breathed.
"I love you, Mimi! I love you, Papa! Good night!" He exclaimed and closed his eyes.
"Good night, son," Caspian said. "Good night, babe. Mahal ko kayo."
Nang magtagpo ang mata nami'y nanunubig ang mga mata niya. He's happy.
"Naiiyak ka na naman," pansin ko, nangingiti. Namumungay ang mga mata niya.
"M-masaya lang ako," he said shakily. "Sobrang saya ko."
I smiled at him, he smiled back at me.
*ੈ✩‧₊˚༺☆༻*ੈ✩‧₊˚
I'M in a garden. Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa harapan ko. Naririnig ko ang bulong ng mga hangin, ang huni ng mga ibon. Sa pagtingala ko'y nakita ko ang mga bituing nagniningning sa kabila ng madilim na gabi.
I was confused, ipinalibot ang paningin at napansing ako lang ang nag-iisang tao sa hardin.
Then, I was startled when I felt someone tugging my dress, kaagad akong nagbaba ng tingin ar napaawang ang labi nang makita ang isang batang lalaki sa harapan ko.
"Mama..." Malinaw na sinabi niya.
My heart jumped out of my throat and my knees buckled. Kaagad akong umuklo para pantayan ang bata.
It was a young boy, looking like Caspian and exactly like Sirius, only he had soft black eyes, like mine.
"C-Castor?" I murmured. "Anak,"
Hindi ko na napigil ang luha ko. I pulled him softly, caging him on my arms.
"S-saan ka ba nagpunta, anak? I've been looking for you, Castor! Miss na miss ka na namin." I murmured.
I felt his small arms around me.
"Love you, Mama," he hummed. "I miss you po."
Lumayo ako. Nanginginig man ay sinapo ko ang mukha ng anak, nanginginig ang kamay.
He looked so well, so happy. My child grew as handsome as his brother and father.
My star...
"Don't cry," he murmured, his little fingers on my cheek, removing my tears. "Sad po si Castor kapag cry si Mama."
Mas naiyak lang ako, nanginginig ang balikat.
"A-anak, uwi na tayo, anak," I pleaded.
"Hindi na po ako p'wede sama sa 'yo, Mama, e." His red lips protruded. He's the mirror image of his brother.
"B-bakit? Your brother and Papa is at home, baby,"
"Bisita lang po ako, Mama," malambing niyang sabi. "Dito lang po ako, babantayan ko po kayo nila Papa at Sirius."
"A-ako ang dapat magbabantay sa 'yo, anak. Uwi na tayo." Patuloy ang luha ko.
"M-Mama..." His voice broke as tear stained his cheek. Mas nanghina ako nang yakapin ako ng anak, umiiyak na rin at nakahawak sa damit kong mahigpit.
"L-love na love ko po kayo, Mama," he whispered. "H'wag n'yo po sisihin sarili n'yo kasi wala na po ako..."
"C-Castor..." I wailed.
"Ma, please be happy po. Masaya ako kapag masaya kayo," bulong niya. "S-sabi po ni Papa God, kapag may bago po akong life, I will choose Mama, Papa, and Sirius as my family again."
Nanginginig ako. 'Di ako matigil sa pag-iyak.
"F-forgive yourself, Mama, you did everything to save me," he whispered. "It's not yours and P-Papa's fault."
Lumayo siya, his small hands cupped my cheek and caressed it.
"Ingat po kayo lagi, Mama. I love you po," his voice was soothing, like a kiss in the wind.
I took his hand and brought it to my lips.
"H-h'wag mo iwan si Mama, Cas," pakiusap ko.
"'Di naman po ako mawawala, Mama." He smiled at me, genuinely. "Nandito lang po ako palagi." He pointed to my chest.
"C-Cas.. Mahal na mahal ka ni Mama, kami nina Papa at Riu, we love you so much,"
"I love you din po." He smiled. "If you're sad, Mama, tingin lang ikaw po sa sky. Kapag po may star na maliwanag, ako po 'yon."
I smiled and cupped his cheek. I leaned in to kiss his forehead, touching him for I know this is probably the first and last I will get to do this.
"Ingat ka, anak, hmm? Tandaan mo na ang pagmamahal namin sa 'yo'y singliwanag ng bituin. Hindi mawawala."
I closed my eyes, feeling his warmth and finally... it gave me peace.
My star...
I opened my eyes as he slowly faded with the wind, smiling at me. He mouthed his I love you and vanished, spreading like ashes and dust in the wind, dinadala iyon sa itaas kung saan nakita ko ang pagkislap ng maliwanag na bituin.
*ੈ✩‧₊˚༺☆༻*ੈ✩‧₊˚
I woke up with tears in my eyes but somehow it felt serene and peaceful.
Alas-tres pa lang ng madaling araw. Nangiti ako pagkakita kay Riu na tulog na tulog pa rin sa tabi ko. My forehead creased when I didn't see Caspian until I felt the presence behind me.
Nilingon ko si Caspian na malalim ang tulog habang nakayapos sa baywang ko. He's spooning me but his arm extended until his son.
I shook my head.
This man... so clingy.
Nahirapan ako sa pag-alis ng braso niya sa baywang ko at kapit na kapit siya. Inayos ko ang kumot ng mag-ama ko bago dumiretso sa terrace ng kwarto niya.
I let out a sigh of relief as I gazed at the dark skies, the half-moon, and the twinkle of stars above. One stood out the best.
"Castor..." Iniangat ko ang kamay ko at inakmang naaabot ang bituin. "Hi, baby. Thank you for showing yourself to me."
The wind blew, soothing yet warm like an embrace.
Castor is so, so sweet.
May nagpatong ng kung ano sa balikat ko. Sa paglingon ay nakita ko si Cas na ipinatong ang robe sa balikat ko.
"Cas..." I called, halatang bagong gising pa siya. Magulo ang buhok at namumungay ang mga mata, he was wearing a plain white shirt and black pajamas.
"Nawala ka sa tabi ko," aniya. "Nagising ako."
"Nagising lang," I answered and looked up to the skies again.
Pumwesto siya sa likod ko. Ngumuso ako nang unti-unti'y niyakap niya ako mula sa likuran at idinantay ang chin sa balikat ko.
"Ang ganda ng langit, Reev, 'no?" He asked.
I nodded. Itinuro ko ang pinakamaliwanag na bituin.
"Look, Cas. That's our son, Castor."
"He's beautiful. I wish we'd seen him." Hindi nakaligtas sa akin ang lungkot sa boses niya. "I wonder what he looks like kung kasing edad na siya ni Riu."
Nangiti ako. Hinawakan ko ang palad niya sa tiyan ko at nilingon siya.
"I saw him, Cas," masayang kwento ko.
He stiffened. Mapungay ang mga matang hinanap niya ang akin.
"T-talaga? Ano'ng itsura niya, Reev?" He sounded excited. "Nakuha ba niya ang itsura mo? O ako? O..."
"He showed himself in my dream, Cas." I smiled genuinely. "Ngayon lang."
"Kumusta siya, Reev? Is our son fine? Is he happy?" Sunod-sunod niyang tanong, bahagyang kumalas sa baywang ko para ipaharap ako sa kanya.
Sumandal ako sa barandilya at tumitig sa kanyang aligaga, gustong marinig ang kwento.
"Reev..." pakiusap niya.
I caressed his cheek. Idinantay niya ang pisngi sa hawak ko.
"He's handsome, just like you," I hummed, staring at his sharp features. His pointed nose, stubborn jaw, and thick brows, especially those green eyes of his.
"But you said pangit ako." Inarte niya. Natawa ako. I flicked his pouting lips and licked mine.
"Kunwari ka pang naniwalang pangit ka, Alcantara," I snickered. "If you're not handsome, e 'di sana hindi gano'n kagwapo ang kambal mo, 'di ba?"
He blushed and I couldn't stop my giggles. He looked away.
"Why?" Tawa ko.
"H-hiya ako," he mumbled. I laughed more, sinapo ko ang mukha niya at mabilis na hinalikan siya sa pisngi. Kumalat ang pula sa tainga niya.
"Reev!" He exclaimed. "Y-you're naughty! Ang bilis na tuloy ng tibok ng puso ko!" He sulked.
"Sige na, 'di na." I grinned. "I've seen Castor... imagine his twin, Sirius."
Hinawakan niya ang palad ko sa pisngi niya at hinagkan. Nangiti ako at inikot ang braso sa batok niya habang hinahapit niya ang baywang ko palapit sa kanya.
"Hmm?"
"Then, the same face. Only with black eyes,"
He took some time to imagine it and after he visualized, ngumiti siya pero may halong lungkot pa rin iyon.
"I can see him," aniya. "How is he? Is he doing good? N-nasabi ba niya kung kailan siya magpapakita sa 'kin? I want to see him in my dreams, too,"
It tugged my heart. He's longing for him, too.
"Mabilis lang ang panaginip. Nablangko na rin ako kakaiyak kaya 'di na masyadong nakapag-isip ng gagawin. He's so cute, healthy, maayos naman siya. He said he wants us to be happy, he'll be sad if we are."
I noticed the tears forming in his eyes. He closed his eyelids to stop it but failed. It cascaded down his cheek, sinalo ko iyon at hinawakan ang balikat niya.
"I miss him, Reev," he rasped. "I-I'm sorry he wasn't here with us. I'm sorry if–"
"It wasn't your fault," I soothed.
"It is, kung hindi ako–"
"It wasn't yours or my fault," I told him, looking at him in the eye.
His defenses melted, he pulled me for a hug, isinubsob ang mukha sa balikat ko.
"S-sising-sisi ako, Reev," he whispered in agony. "Sising-sisi ako sa lahat ng pagkakamali ko."
"It's a lesson,"
"If that lesson would c-cause you and our sons, h'wag na lang," bulong niya. "Bakit kayo? P'wede namang ako? B-bakit ang mag-ina ko ang nahihirapan para sa aral na dapat ako ang natututo?"
"Y-you know what Castor said, Cas?" Niyakap ko ang leeg niya. "He said it was never our fault, he said we should forgive ourselves so we'll truly gonna be happy and he's not gone, babe. He's always in our hearts. If we're lonely or sad? Look up at the stars, he's watching over us."
"R-Reev, sorry, patawarin mo ako."
"We can't take everything back but you know what I realized? This isn't about fixing something that is broken, kasi ang basag, kahit ayusin mo'y hindi pa rin maibabalik sa dati. Maybe, this is about starting over and creating something better."
He nodded on my shoulder, sighing as he listened to my words.
"I forgive myself, Reev," bulong niya. "To truly free myself again so I can love you and our son better."
"A-and I forgive myself, too," I said and pulled away from the tight hug. I looked him in the eye and finally said the words wholeheartedly.
"I forgive you, Cas. I forgive everything that happened to us."
The heavy weight on my chest disappeared and after a long time, I could finally breathe.
His knees buckled. Umawang ang labi ko nang lumuhod siya, humihikbi pa rin.
"T-thank you..." Ginagap niya ang kamay ko at hinalikan. "Thank you! Thank you, Reev!"
Napangiti ako at lumuhod para pantayan siya.
"Mahal na mahal kita! Thank you!" He exclaimed and hugged me tighter. "I'll be a better man. I'll court you for the rest of our lives. I'll do everything to deserve you and our sons. G-gagawin ko lahat, Reev."
I smiled. Inalalayan ko siyang patayo at hinayaan siyang nakayakap lang hanggang sa pareho nang maayos ang paghinga namin at kumalma siya.
"True love forgives," bulong ko.
Miski ako'y nagulat sa bigla niyang paglayo.
"D-does that mean?" Puno ng pag-asa ang mata niya.
"I love you," I confessed. "Still, it never faded, babe."
"Fuck, yes!" He grunted and squeezed me, napatili ako nang bigla niya akong buhatin at inikot sa ere.
"Caspian! Mahulog naman ako!" I screamed and slapped his arm.
He chuckled and stared at me.
"Ulitin mo..."
"I love you," I said.
"Again?"
"I love you, Caspian Alcantara,"
"Fuck!" He shook his head unbelievably and put his hand dramatically on his chest. "Fuck, sasabog ata 'yong puso ko."
Natawa ako, I smacked his arm and shook my head.
"H'wag mong hayaang sumabog, iba gusto kong sumabog sa 'yo e." I winked.
His jaw dropped, nanlalaki ang mata.
"D-did you just talked dirty to me, Polaris Reeva?" Hindi makapaniwalang sabi niya.
My brow shot up. While looking at him, I pushed the robe off my body, exposing the thin satin night dress I was wearing. I know he could see the red lingerie underneath.
He swallowed painfully and adjusted his pajama. I smirked.
"You liked it much when I talk dirty, hmm?" I teased.
"Reev..." He warned. "I'm fucking having a boner now. If you won't stop then I'll take you here–"
"Who told you to stop anyway?" I smiled.
"Shit!" He shook his head and licked his lip. "Damn,"
He panicked and paced for a moment before looking up to the skies.
"I'm sorry, Castor, but baby," he rasped. "Close your eyes, son. Gagawan namin kayo ng bagong kapatid."
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz