Promise To A Stardust (Published Under Flutter Fic)
Kabanata 23
Kabanata 23
WHEN I say Caspian is a crybaby, I mean it.
"You m-mean..." Lumunok siya. "Because I'm his Papa? And you're his Mimi... or..."
"Yes, or..." I trailed.
His lips parted in disbelief. Nailing siya.
"Huh? H-how?" Nanginginig na ang boses niya. "Si Castor–"
I smiled. "They're twins, Cas," I confirmed.
One by one, his tears fell. He was still looking at me, still processing everything. I nodded in confirmation.
Hindi ko na siya napigil sa biglaan niyang pagtayo sa kama, hatak pa rin ang dextrose, at halos takbuhin ang pwesto ng anak na nakatutok sa telebisyon.
He kneeled. Niyapos niya ito at napuno ng pagtataka ang mata ni Riu nang humikbi si Caspian habang yakap-yakap siya.
"A-anak," Caspian gasped and hugged Riu closer to his body. "I-I'm so sorry... I'm so sorry..."
My heart melted. Sirius' lips protruded, his confused green eyes softened. Tears formed in his eyes and I bit my lip when Sirius encircled his little arms on his father's nape to embrace him.
"P-Papa po kita, Papa Caspian?" Sirius asked.
Caspian nodded, sinapo ang mukha ng anak at hinalikan ang noo nito, paulit-ulit.
I couldn't stop the tears from falling any longer. It was an emotional moment. With my son on the couch and his father, looking like a lost kid kneeling and weeping on his feet.
Kaya pala sobrang magkamukha. I always thought they looked alike coincidentally but then, it was all because they're father and son.
Nasasaktan ako sa lahat ng nangyari pero habang nakatitig sa dalawa'y naliliwanagan at nabibigyang pag-asa lalo ang puso ko.
I walked towards them. Umiiyak na rin si Riu.
Naupo ako sa tabi nila't hinayaan lang sila. It's painful to hear the agony in Caspian's voice.
"I-I'm so sorry, baby. P-Papa failed you," he chanted repeatedly.
Napatingin sa akin si Sirius, ang namumungay na mata ay mas lumambot.
"M-Mimi, 'di ba po, baby mo ako? Galing po ako sa heart mo?" Ang pahikbing tanong ng anak ko.
I tried supressing the tears but couldn't.
"N-no, baby..." I shook my head. "You're my real baby, not just from the heart. You... you came from Mimi."
Humikbi si Sirius, ang maliit na braso ay ipinamunas sa mukha.
"S-si Papa Cas po? From heart?"
"Y-you came from Papa Cas too, baby," paliwanag ko. "Like a real baby, not just from heart,"
He was so young but he seemed to understand. Muli niyang niyakap ang ama, pareho silang walang tigil sa pag-iyak.
My cry babies...
They stayed like that. I watched them quietly. Ganyang-ganyan rin ako nang mapag-isa kami ni Sirius pagkatapos namin siyang mailigtas. Muntik na rin akong mahimatay sa kakaiyak habang yakap ang isa sa kambal ko kaya naiintindihan ko ang panginginig ni Cas.
Nang humiwalay siya sa anak ay hinaplos niya ang pisngi nito at pinunasan ang mga luha.
"I love you, anak," he whispered.
"Love po kita, Papa!" Riu exclaimed and dried his cheek. "H'wag ka po iyak, sakit po ng heart ko, Papa."
"Really?" Masuyong sabi niya. "I'm sorry." Caspian smiled despite his tears.
Caspian moved his gaze to me. Our gazes clashed. Halo-halo ang emosyon doon. He whispered something to Riu, he nodded and I was confused when Caspian crawled closer to me habang ang anak ang humahatak pasunod no'ng dextrose niya.
I chuckled. "W-what are you two doing?"
His bloodshot eyes remained on me. He knelt and held my hand until he was reaching for my waist and burying his face on my stomach.
"I-I'm so sorry, Reev. Sorry," he whispered.
His tears were drenching my shirt. Umangat ang kamay ko't hinaplos ang ulo niyang marahan, iniingatang 'di masagi ang parte na may sugat.
"I love you, Mimi Lars!" Riu chanted and embraced my neck. I chuckled and kissed his cheek.
"Mahal na mahal rin kita, anak,"
Riu stayed beside me while we watched his weeping father.
"Riu, anak, p'wedeng pakuha ng tubig para kay Papa?"
"Opo!" Tumayo siya at tumakbo.
"Tahan na, iyakin," I mumbled.
"T-thank you, Reev. Kasi kahit 'di ko deserve malaman, sinabi mo,"
"You deserved to know. This is our son, hindi lang naman ako ang gumawa nitong makulit na 'to, 'di ba?" I joked to lighten up the mood.
"S-sa bagay." Nag-angat siya ng tingin sa akin at napangiti ako at pinunasan ang luha niya. "Ginalingan ko rin, no'n, Reev kaya nabuo."
I stiffened. Tinaliman ko siya ng tingin. He chuckled.
"Perv," I hissed.
"You started it first." He pouted, namumula na ang mukha.
"May bata, manahimik ka," sita ko. Mas umusog siya sa akin.
Pagkaabot ng tubig sa 'kin ng anak ay nakisuyo naman ako ng towel na bibo niyang sinunod.
Caspian caught my fingers. He kissed every digit while staring at me.
"Mahal na mahal kayo, Reev," he breathed.
Before I could say anything, my son's back with the towel. Umakyat siya sa couch at humalik ulit sa pisngi ko. I grinned. Caspian watched us, his gaze soft, naluluha na naman.
"Papa don't cry na po! You look pangit na!" sikmat ni Riu.
I laughed. Caspian pouted.
"Ang swerte mo magkamukha tayo, kung pangit si Papa, pangit din si Sirius," pagpatol pa niya.
"No!" Riu pouted. "Riu is pogi, Papa is pangit."
"No, magkamukha lang tayo–" Nang mapansing mukhang magsasabong na naman ang mag-ama ay inawat ko na.
"Sshh, tama na, pareho kayong gwapo. Magkamukha lang kayo, nag-aaway pa kayo,"
"Talaga, Mimi?"
"Really, babe?" Halos magkasabay na sinabi no'ng mag-ama.
Nagtinginan sila ng matalim. Umiling ako at inabot si Riu at hinalikan ang pisngi bago itinapon sa mukha ni Caspian ang face towel kaya natakpan ito.
"Reev!" Caspian whined. Binalingan ko ang anak.
"Baby, do'n ka muna sa kabilang couch, okay lang? Watch T.V. first. Usap lang kami ni Papa."
"Opo, Mi!" He chirped and followed.
Sa pagbaling ko kay Caspian ay hindi pa rin gumagalaw ang loko at nakatabon pa rin ang tuwalya sa mukha. I smiled, took the towel off his face and saw him pouting.
"Pangit mo," I said.
"Bully," he whined.
Inabot ko ang mukha at pinunasan. "Tara nga rito, nagdudugo na naman ang sugat mo."
Naupo siya sa tabi ko. Habang inaayos ko ang sugat niya'y nahuli niya ang tingin ko.
"I love you, Reev."
"Thank you," I said.
His lips protruded.
"Sakit no'n, a." Madramang humawak siya sa dibdid. "Parang mas masakit pa sa baril sa akin, Reev."
"Dapat, ginawa mong dalawang beses 'yong baril sa 'yo para mas masakit,"
"Wala talaga kong laban sa'yo." Napahawak siya sa batok.
"H-how did you find out, Reev?" aniya. "About our son,"
"Dad," I confessed. "Hindi ko rin alam. I thought we only had Castor. Wala akong ideya na kambal sila."
"Bakit... bakit daw itinago?" He tried his best for it to sound light but I could hear the weight in it.
"It's okay to be frustrated, Cas," I soothed. "I felt the same way. But Dad said it was for Riu's safety. I was targeted before kaya inilayo ako. Kung may makakaalam na kambal ang anak ko, o kung may anak ako, mas mahirap. They might target Riu too, just like what happened now. 'Di ko gusto ang ginawa ni Dad pero naiintindihan ko."
"I'm sorry for not asking you but I tried to have a DNA test with him," he confessed. "I'll accept it if you're mad but when I saw him, I felt it. I know the eyes are a giveaway."
I smirked. "Dapat doon pa lang, ano?"
"I want to make sure, ramdam ko pero s'yempre, gusto kong patunayan. I had nightmares of you and our child for years. I want to prove to myself that our child's alive, na ligtas din siya."
"Hinarang ni Dad ang resulta. He knew what you did."
"Figured it," he breathed. "It's negative. I accepted it, baka nga kamag-anak pero siguro, alam ng puso ko na anak natin si Riu. Mas nagulo lang ako no'ng nalaman ang tungkol kay Castor. After years of investigating, finally, I was informed na nahanap na ang anak natin pero..."
"Iiyak na naman siya." Pinisil ko ang kamay niya. "Mabibinat ka sa ginagawa mo, Caspian."
"Hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa inyo ng mga anak natin," he murmured. "Ang laking gago ko. Siguro kung 'di kita iniwan, kung 'di ako naniwala, kung nagpakalalaki ako't masinsinan kang kinausap kaysa maniwala sa kung sino siguro ang saya na natin, 'no? Sana 'di kayo napahamak, s-sana nandito rin si Castor."
"Hindi na natin mababalikan, Cas. The only thing we could do now and do better and not make the same mistake twice."
Tumango siya at humawak sa kamay ko.
"I have a request, Reev, only if you allow me to."
"What is it?" I asked curiously.
"Please..." He sighed. "Please live with me."
Natigilan ako.
"W-why?"
"I want you both to be safe."
"P-p'wede mo naman kaming protektahan kahit nasa bahay lang kami," I muttered, ignoring the sudden jump of my heart.
Us? Living together?
We basically lived together in the past! Kung wala ako sa Casa Amara ay nando'n siya sa bahay ko't nakikitira na. He had clothes all over!
But now? Oh, God.
Muling nagwala ang puso ko.
"Reev, please consider?" Inabot niya ang kamay ko. "Gusto kong bumawi, gusto ko kayong protektahan. We'll have boundaries, I swear, 'di kita guguluhin kung ayaw mo."
Tumaas ang kilay ko.
"M-medyo," tumikhim siya. "Kasi 'di ba, p'wede kong baguhin ang isip mo? S'yempre, Reev, paano ka naman mai-in love ulit sa 'kin kung tahimik lang ako?"
"Ano pa nga ba? Ikaw tatahimik?" I frowned. "Kung ano'ng kinaseryoso mo sa trabaho, siya namang kinalaki ng bunganga mo kakadaldal."
Ngumiti lang siya. "Please? Please? Please? Kung aayaw ka, maglalako na rin ako ng gulay at prutas sa may inyo."
"Jusmiyo," suminghap ako. "Itigil mo na nga."
Napaisip pa siya. "Hmm, p'wede rin, para mas humaba iyong job experience ko!"
Tinulak ko ang noo niya. Natawa siya. Sumulyap ako kay Riu na tutok na tutok sa T.V.
We were alone and separated for years. I want to give him a good childhood as much as possible. Ipagkakait ko ba sa kanya ang magkaroon ng Papa dahil lang sa pansarili kong hinanakit?
I looked at Cas. Alam kong magiging mabuting ama siya.
"I-I won't promise myself but for Sirius," I muttered. "I want to give him a family. Para kay Sirius."
Masayang-masaya siya. Paulit-ulit na hinagkan niya ang noo ko bago lumapit kay Riu.
"Son, Mimi and you will stay at Papa's house, is that alright with you?" he asked.
Riu's face brightened.
"Together po? Like family?" He asked.
"Yes, baby, family," ani Caspian.
Excited na excited si Riu, excited siyang bumaling sa 'kin.
"Mimi! Papa! Riu! Family!" he beamed.
I smiled genuinely.
Just for you, Sirius.
*ੈ✩‧₊˚༺☆༻*ੈ✩‧₊˚
WE stayed in the hospital for weeks while waiting for the doctor's clearance kung p'wede nang lumabas si Caspian. Habang naroon din ay sinamantala naming maipatingin ang anak sa child specialist.
It was tough. During the early sessions, takot na takot siya. He'd pretend he's alright but he wasn't. The nightmares continued, madalas ay sensitive siya sa ingay. Pinatingin din namin kung magkakaroon ng problema ang pandinig niya't sa awa ng Diyos ay maayos naman.
Thankfully, our star's adjusting. Hindi na siya umiiyak kapag nasa therapist ngayon na ayon sa feedback nito'y maganda so far ang progress ng anak.
Nailipat na rin ang mga gamit namin sa unit ni Caspian at do'n muna kami mag-stay.
Nang mapag-isa kami sa hospital room ay nasabihan niya kong nagdagdag ng security para sa amin.
Though, I'm not comfortable with guards. Pero wala naman akong magagawa. Para sa amin naman ito.
"Sorry, Reev. We have to," bulong niya at humalik sa pisngi ko.
"I understand,"
"Hmm..." He kissed me again, pulling me more to his body. I rolled my eyes and smacked his leg.
"Teka nga, bakit ka nanghahalik?" Pilit akong kumawala sa kanya pero natawa lang siya at mas niyakap ako.
"I miss you," he whispered.
"Ano ka ba?" I looked at him.
"Manliligaw," aniya.
"May manliligaw bang nanghahalik? Hindi 'yan kasama sa job description mo, hoy." Siniko ko siya.
"P'wede rin," aniya at mas niyakap ako. "Naalala mo dati, Reev, niyaya nga lang din kita mag-dinner tapos no'ng pauwi na tayo may kissing scene tayo sa parking lot."
A scene flashed on my mind, I remembered how we made out that night in his car! Nag-init ang pisngi ko at nang marinig ko ang halakhak niya ay suminghap ako at pinilit na lumayo.
"Alcantara!" I hissed.
He chuckled, amusement playing in his eyes as he stole another kiss on my cheek.
"Reev ko, ano'ng ginawa mo ro'n sa flowers na binigay ko kanina?"
"Pinadala ko sa sementeryo," I snorted. "Umayos ka nga, ang dami nang bulaklak wala na 'kong mapaglagyan nagiging flower shop na 'yong bahay mo!"
"Bahay natin," he corrected.
"Whatever. Tama na ang bulaklak, nagsasayang ka lang."
"Alright. Teka, nag-iisip pa ako ano'ng next kong pakulo."
I rolled my eyes. "Baliw. Bitawan mo nga 'ko, may manliligaw bang parang tarsier makalingkis?"
"Lalambing lang..." ungot niya at bumitaw. "Love you, Reev."
"Love you mo mukha mo." I rolled my eyes. "I still can remember how you lied to me being a tricycle driver! May pa-Uber ka pa, ikaw naman pala ang may-ari!"
"It was a fun experience," kwento niya. "Akalain mo 'yon, may naging pasahero ako na ang sama ng ugali. Feeling gwapo, damn, mas gwapo pa nga ako do'n! Yabang pa! Nasiraan lang daw ng sasakyan kaya nagtraysikel!"
"Ano bang ginawa?"
"Ang baba ng tingin niya sa akin, I know I am really not a driver but how he talked, it was fucking annoying! Siningil ko s'yempre, pang buko pandan ko 'yon, e, tapos binigyan ako ng lilibuhin."
"And?
"I only asked him a small amount, nine pesos lang, Reev, and you know what he told me? Tanggapin ko na raw, ako pa ba daw ang maarte, e, limos na niya sa akin 'yon?"
"What?!" Namilog ang mata ko. "Ang yabang?"
"Drivers might not be earning that much pero marangal iyon! Nagtatrabaho sila ng maayos para sa pamilya at hindi para insultuhin! I was honestly offended!"
"Ang yabang nga." Suminangot ako at nairita. "Then?"
Hinuli niya ang kamay ko at nilaro ang daliri ko.
"You know what? Destiny might be playing because the next morning, he turns out to be the man I'm meeting for a business deal. Imagine how the asshole's face paled when he saw me?" He laughed mockingly.
"Anong ginawa mo?"
"He begged and I rejected him!" He answered. "I don't want ill-mannered investors in my company."
Natigil ang pag-uusap naming dalawa nang bumukas ang pinto at halos mapaubo ako nang makita ang pagpasok ng kapatid at mga pinsan ni Caspian sa kwarto.
Vioxx, Warrion, Lucian, and Wave with his girlfriend, Zirena.
Natulala kaming lahat nang magkitaan at nagitla ako sa biglaang pagsipol ni Lucian at ang pagngisi ni Wave at Warrion.
"Muling ibalik ang tami ng pag-ibig!" Vioxx suddenly sang.
I blinked at that.
"Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal," I gasped when Lucian sang too.
Biglang nagpagitna si Lucian at itinaas sa ere ang kamay at pinaikot ang dalawa bago iginalaw ang balakang.
"Gusto mo, Vioxx, turuan na rin kita mag-macho dancer? 'Di ba, gusto ng bebe mo mga gano'n?" ani ni Lucian na nagpasimangot sa huli.
"Nagkabalikan na kayo?" Warrion asked.
I froze when I realized it. Hinatak ko ang palad sa hawak ni Cas.
"Reev..." Caspian whined. "Ayan tuloy! Nilalambing na nga ako ng babes ko!" Reklamo ni Caspian at sumama ang tingin sa mga kararating. "Ano bang kailangan n'yo? pangit ng timing!"
"Linggo ka na rito, Alcantara, huh? Hindi ka pa magaling?" ani Vioxx.
"Hindi pa, e. Nanghihina pa 'ko, kailangan ko pa ng aruga ni Reev."
"Arte." Warrion made a face.
Naalala ko tuloy 'yong pagiging Waze niya. I chuckled.
"Anyway, hello, thank you for visiting!" I chirped. Doon na sila napangiti.
"We actually went here to see you," ani Lucian.
"Hi, Lars!" Napatawa na ako't lumambot ang puso nang nilapitan nila ako para sa group hug.
"We missed you, Lars! Alam mo ba parang menopause 'yang si Caspian 'nung wala ka!" ani Vioxx.
"Yes, that man is annoying the hell out of me!" Wave groaned.
I chuckled, niyakap ko ang mga lalaking naging malapit na rin sa buhay ko. I remember them now. These days, mas naging madalas at smooth ang pagbalik ng mga alaala.
"Tang ina," mariing mura ni Caspian. Tumayo siya sa kama at nagmartsa palapit sa amin habang nakasimangot. "Hello! Ako ang pasyente rito! Sa 'kin kayo mag-alala! Ako ang nabaril! Bakit n'yo niyayakap ang Reev ko!"
One by one, Caspian pulled his brother and cousins by their collar to drag them away from me. He look annoyed and pissed.
"Bilis! Kumustahin n'yo ako!" Caspian demanded pero sabay-sabay na nag-iwas ang mata ng apat. Lumapit sa akin si Lucian at umakbay.
"Lars, may utang sa akin si Caspian," ani Lucian.
"What?" I chuckled.
"'Yan sila ni Warrion!" Sumimangot ito at tinuro ang magkapatid. Warrion was just smirking while Caspian is throwing a death glare.
I smirked at him and raised my brow.
"Ano bang binili? Bakit?"
"Nag-food trip kasi kami, Lars," ani Wave na inaalalayan ang girlfriend sa couch.
"Ano'ng kinain n'yo ba?" I asked.
"Hindi food, bumili kasi kami ng tigpipisong Mikmik sa tindahan do'n sa may amin," ani Vioxx.
"Mikmik?!" 'Di ko alam kung magugulat ako o matatawa. "You're still into that powdered milk?"
"Yup," ani Wave.
"Mga baliw na 'to," natawa ako. "Thought you got over it?"
"Never," ani Lucian sabay ngisi. "Gaya-gaya kasi 'tong mga 'to ng favorite. Anyway, back to the utang. Marami kaming binili."
"Bakit? Ano'ng ginawa n'yo ro'n?"
"Bonding. Nagbugahan, unang maubo magbabayad ng lima," Lucian said. "'Yang ex mo, pabibo, ini-straw kaagad, parang mamatay na tuloy kakaubo."
Napatawa ako kasabau ni Lucian. Caspian pouted, glaring. Dumiin ang tingin ni Cas sa braso ni Lucian kaya napaubo ang huli't inalis ang akbay.
"Joke lang, Cas." Tumikhim siya. "Gago baka 'di pa bayaran 'yong utang," bulong-bulong niya.
We spent our time talking and having fun in the room. Naaliw akong kausap si Zire na masayang kausap at palaging buhay na buhay.
We found ourselves opening up as if we've known each other for a long time. She's an amazing woman, kind and cheerful. Not shocking na she was able to capture the quiet Wave's attention.
Napagkwentuhan namin ang tungkol sa kanila ni Wave at 'di ko na rin napigilan mag-share. S'yempre, sa totoo lang ay wala akong kaibigang babaeng napagsasabihan ko tungkol sa lovelife struggles kaya ngayong nand'yan si Zire, ang sarap mag-confide.
We went to the cafeteria, nag-order kami ng kape at ibinalita niya sa akin ang engagement nila ng boyfriend na si Wave.
"Ano'ng plans mo ngayon?" she asked.
"Kami?" I sipped on my coffee. "I don't know. Sobrang gulo pa, Zire. May anak kami at ayaw kong madamay ang bata sa problema naming dalawa. I want what's best for my son. Ilang taon kaming 'di magkakasama, ayaw kong ipagdamot ang mag-ama sa isa't-isa."
"I understand," aniya. "But how 'bout you? Ano'ng sinasabi ng puso mo?"
"He wanted a chance. Kayo ba ni Wave, paano noon? You said you two grew separately?"
Tumango siya.
"We distanced ourselves from each other–so we could grow individually before we do together," aniya. "But if you're gonna ask me, this is just my opinion, a? Pero ang tagal n'yo kasing nagkahiwalay. Ang daming taong nasayang."
I nodded, agreeing to it.
"Ayon nga ang naisip ko. He wants a chance with me but I'm still scared to give him another. Paano kapag nagkasakitan na naman kami? Ang anak namin... this isn't just about us anymore. In every decision, we must consider Sirius. P'wede 'yong mag grow din kami individually like what you and Wave had been through before pero... kaya ba? Kaya ba namin? Paano si Riu?"
"Growth doesn't always need for you two to part ways, Lars," aniya. She smiled. "Some growth could happen together–that's if you two chose to and worked together for it. If you want to, it will happen. You can grow together, with your family."
Her words soothed a part of my heart.
"You think so?"
"Desisyon kasi iyan ng magkarelasyon. If they set their mind to it and dedicate themselves to achieving it then it's possible. Communicate, forgive, and start anew."
I smiled.
"You think we can find each other again? You think we can fall in love that way again?"
"Love does not go away, Lars. Nand'yan 'yan, nakatago lang. Natabunan ng sakit at sugat pero kung desidido kayong maghilom, mahahanap n'yo ulit ang isa't isa."
"Thank you, Zire," I said softly. "Thank you for the advice."
She smiled genuinely. "Minsan lang 'yang ganito ako mag-advice, madalas kasi bangag lang ako."
Nagkatawanan kami.
"I wish we could be strangers again, you know?" 'Di ko maiwasang pangarapin. "So we can meet again and replace the sad and bad memories with a good one."
Zirena did not answer, her eyes remained behind me kaya sinundan ko 'yon pero wala namang nakita.
Marami pa kaming napag-usapang dalawa. Nga lang ay kailangan nang umalis ni Zire kaya naiwan ako ro'n.
Inaliw ko ang sarili sa pagbabasa ng magazine nang may naglagay ng tray ng pagkain sa harapan ko.
I was confused for a while, napatitig ako sa kanin at sa tokwa't-baboy sa plato. I glanced up and saw Caspian.
Kumunot ang noo ko, pinapanuod niya lang ako, walang imik.
"Uhm, Miss, p'wede bang makishare ng upuan?" He started.
"Miss?" Takang tanong ko. "Huh?"
"Uhm, I can't find any available seats other than yours," aniya Inilibot ko ang paningin ko at marami namang bakante!
"Anong wala? Marami pa–"
"So, s'yempre, umpisa ng love story kaya papayagan mo ako," he narrated. "Kunwari kang walang pakialam pero kinikilig ka inside."
I snorted.
"Huh? Baliw ka ba?"
"Tapos, uupo ako," aniya sabay upo. "Thanks, Miss," he said smoothly.
May question mark na ang ulo ko.
"I saw you not eating anything so I included you in my order. I guess, this is your favorite?" Inilapag niya ang pagkain mula sa tray sa harapan ko.
"What are you doing, Cas?" I asked him weirdly.
"Uhm, by the way, I'm Caspian," he introduced and extended his hand.
A light bulb lit. Oh... strangers! He probably heard it!
Siya ata 'yong tinitignan ni Zire kanina!
"Uh..." Umayos ako ng upo at tinanggap ang kamay niya. "Polaris,"
He squeezed my hand softly, nangingiti pa ang loko dahil sinakyan ko ang kalokohan niya. I bit my lip, natatawa sa ginagawa namin.
"Nagagandahan ako sa'yo, Miss, pwede manligaw?" hirit niya agad.
Nabitawan ko ang kamay niya. Nasapo ko ang noo at pagod siyang tinignan.
"Are strangers supposed to be asking about courtship too soon?" I asked him and sighed.
He froze.
"Oo?" I eyed him seriously. "Ay, hindi pala? Love you, Reev. He-he!" He chuckled awkwardly.
Nanliit ang mata ko, napapailing. Napatitig naman siya sa akin at unti-unting ngumuso.
"P-palpak?" he asked.
"Palpak," I confirmed.
Nahulog ang balikat niya.
"Okay, take two!" deklara niya, biglang tumayo at umunat ulit bago binalik ang pagkain sa tray. Bumalik siya sa pinagbilhan niya bago naglakad ulit sa akin, mukhang nagulat pa kunwari pagkakita sa kagandahan ko.
"Uhm, Miss, can I share the seat with you?" He asked carefully, trying his best not to mess up and honestly did a great job the second time around.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz