Chapter 50
DID HE REALLY DO THAT?
Kay Lolo? Kay Mama? Sa akin?
Nasa kuwarto na kami kanina pa at nabibingi na ako sa sobrang katahimikan. Nakapamulsa si Jackson sa suot na pants habang kalmadong nakatingin sa kung saan.
"Why?" Matapos ang ilang minuto, kusa na lang akong nakapagsalita. Sa iisang salita naipon lahat ng tanong ko.
He didn't answer me. Wala lang, like he didn't hear anything.
Pinilit kong huwag mautal sa pagsasalita. "Iyong mga sinabi ni Calder, totoo ba iyon?" Inilapag ko sa dresser ang brown envelope. Heto na nga iyong ebidensiya, pero gusto ko pa rin marinig ang side niya.
Kanina pa ako parang sasabog. Sana man lang may gawin siya o sabihing kahit ano para mawala ang lahat ng bumabangong pag-aalala at sakit sa dibdib ko. Sana man lang magpaliwanag siya at sabihin ang side niya para naman maintindihan ko siya. Gusto ko lang namang malaman ang totoo galing sa kanya, dahil gusto kong sa kanya pa rin sana maniwala.
I've waited for him to talk. Naghintay ako ng ilang minuto pa para lang madisappoint na wala siyang pakialam kahit nababaliw na ako sa harapan niya.
Naiinis na nilapitan ko siya. Inabot ko ang pisngi niya at pilit na hinarap sa akin ang kanyang mukha. "Jackson, magsalita ka naman!"
He just looked at me with his calm eyes.
Hinaplos ko ang pisngi niya. "Jackson, please tell me everything that I need to know. I deserve to know the truth..."
Wala pa rin siyang imik.
"Jackson, please..." Napaiyak na ako. Hindi ko na kinaya, bumagsak na ang mga luha ko. "Hindi ko na alam saan ako maniniwala, pero gusto ko sana na sa 'yo pa rin... sa 'yo pa rin..."
Ito ang unang pagkakataon na tiningnan niya lang ang mga luha ko na wala man lang siyang reaction.
"Bakit mo ako pinapirma ng kontrata na nagsasabing sa 'yo na ang lahat ng sa akin? Bakit mo rin itinago sa akin ang tungkol sa trustfund ko? At iyong tungkol kay Mama, gusto kong sabihin mo sa akin ang totoong nangyari sa kanya. Hindi ako naniniwalang ikaw ang reason kaya namatay siya. She killed herself, nandoon ako at ako ang unang nakakita sa kanya noong wala na siyang buhay. At hindi ako naniniwalang kaya mong gawin iyon sa mama ko kaya please, magpaliwanag ka sa akin. Sige na naman... please..."
Nanatili pa rin siyang kalmado. Anong iniisip niya? Bakit ganito siya? At bakit parang wala lang sa kanya ang lahat?
"Anong nangyayari sa 'yo?" Napahagulhol na ako nang wala pa rin siyang reaction. "Anong lahat ng ito? Natatakot na ako sa mga nalalaman ko, nalilito na ako... Please! Don't do this to me!"
Para akong kumakausap at nagmamakaawa sa hangin. Sa lahat ng ito, nakamasid lang sa akin si Jackson.
"How can you look at me like that?" nadudurog na tanong ko. "Hindi mo ba nakikita? Nahihirapan ako... Nahihirapan na ako..."
I'm still waiting for him... baka maawa siya. Baka hilahin niya ako, yakapin. Baka may sasabihin siya na magpapawala ng bigat sa dibdib ko. But instead ay tinalikuran niya ako. Nahiga si Jackson sa kama ko.
Ipinatong niya ang isang braso sa noo saka pumikit. "You should rest too."
Ang mga hikbi ko ay nauwi sa mahinang hagulhol. Para akong batang sinaktan. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa manakit ang aking lalamunan at maubos ang luha sa mga mata ko.
Paanong nauwi ako sa pagpapakasal sa lalaking ito?
Paano ko siya minahal nang sobra-sobra at higit pa sa sarili ko? Paano?
Humakbang ako palapit sa kama. Nakapikit na siya habang nakapatong ang isang braso sa kanyang noo. Hindi ko masabi kung tulog na nga ba talaga siya, kung paano niya nagawang matulog knowing na nandirito ako at nahihirapan. Pero nakapikit na siya, pantay ang paghinga.
Napatitig ako sa maamo niyang mukha na hindi ko akalaing kayang magsinungaling. Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako habang nakatingin sa kanya. Pinagmasdan ko siya, mula sa makinis niyang balat, magaganda at makakapal na pares ng itim na itim na kilay, malalantik na pilik-mata, matangos na ilong, at mamula-mulang labi... He was so perfect... so perfect...
Halos sambahin ko siya. Bakit kailangang masira iyong pagkakakilala ko sa kanya?
...
PAGISING ko kinabukasan ay wala na si Jackson. Ang huli kong naaalala ay sa sahig ako magdamag na umiiyak hanggang sa doon na rin makatulog. Naaalala ko pang nakasandal ako sa gilid ng sofa, pero ngayon nasa kama na ako.
Marahan akong bumangon. Masakit ang ulo ko pero kailangan kong tumayo dahil may pasok ako ngayon. Tumingin ako sa relo na nasa side table, 4:30 am pa lang pala. Sobrang aga pa, at ang aga ring umalis ni Jackson. Siguro siya ang magbubukas ng munisipyo.
Mapait akong napangisi. Tumakas siya. Tinakasan niya ako ganoon?
I've waited for him to talk and to explain himself, pero wala. Wala akong napala. Mabuti pa nga siya nakatulog nang maayos samantalang ako— Napatingin ako sa kinahihigaan ko, maayos na maayos ang pagkakakumot sa akin. Natulog nga ba talaga si Jackson o nagpanggap lang siya at naghintay na mapagod ako sa pag-iyak at makatulog?
Bumangon na ako. Ayoko muna siyang isipin. Ayokong isipin ang iniisip niya dahil baka mabaliw ako. Nagmadali na akong maligo at magbihis. Gusto ko na ring umalis, malibang sa school para sandaling makalimot bago pa ako tuluyang mabaliw.
"Parang masama yata ang gising mo, Ganda," bungad sa akin ni Ate Minda. Siya agad ang nakasalubong ko sa pagbaba ko ng hagdan. "Paakyat palang sana ako para gisingin ka e."
Lumabas ng kitchen si Mrs. Cruz. As usual, very formal na naman ang mukha ng mayordoma. Sa akin siya diretsong nakatingin. "Kumain ka bago umalis," pagkasabi'y bumalik siya sa kanyang pinanggalingan.
Nakangiti si Ate Minda nang lumapit sa akin. "Fiesta na naman sa kusina, anong meron?"
"Ha?"
"Aga na naman ni Mayor nangalampag kanina. Pang isang baranggay na naman ang ipinahanda para almusal mo." Kinikilig-kilig na may pahampas pa si Ate Minda.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Katulad noon kapag alam ni Jackson na masama ang loob ko, magpapaluto siya ng maraming pagkain. Kung noon nasisikmura kong kaninin ang mga pinahanda niya, ngayon ay maski tingnan ang mga nakahain sa mesa ay hindi ko magawa. Wala akong panlasa. Wala akong gana.
"Huy, Ganda!"
Napakurap ako at napalingon sa kanya. "Ate, sabi mo namatay si Donya Jacqueline noong ipinanganak niya si Jackson, di ba?"
Tumango siya. "Bakit?"
"Wala lang. Sige aalis na ako." Tinalikuran ko na at iniwang nagtataka sa sala si Ate Minda.
Si Kuya Tarek ang naghatid sa akin sa DEMU. Buong biyahe ay tulala lang ako, nag-iisip. Nababaliw sa kakaisip. Paulit-ulit iyong mga tanong na bakit? Bakit nangyayari ito? Bakit ginawa ni Jackson?
Noong nakaraan, masaya ako na malamang may iniwan sa akin si Lolo, na hindi pala totoong walang-wala ako. Ngayon, walang-wala na talaga ako. Wala na akong karapatan sa pera ko dahil sa pinapirmahan sa akin ni Jackson. Sinadya niyang walang matira sa akin maliban sa kanya. Pero bakit?
"Okay lang po ba kayo, Miss Fran?"
Napatingin ako sa unahan ng kotse. Hindi ko napansing pumapatak na pala ang mga luha ko. "H-hindi, Kuya."
Nakatingin si Kuya Tarek sa reflection ko sa rearview mirror.
"Hindi po ako okay. Gusto kong i-report mo sa boss mo na hindi ako okay." Nang dumating na kami sa tapat ng gate ng university ay bumaba na ako. Katulad ni Ate Minda ay iniwan ko ring nagtataka si Kuya Tarek.
Magsumbong siya sa amo niya na buong biyahe akong umiiyak. Kung may pakialam si Jackson o wala, bahala siya sa buhay niya!
"Fran!"
Nahinto ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa akin. "What is it this time?"
Napakamot siya ng batok. Puting polo, puting pants, at puting sneakers. So anghel ang peg niya ngayon? Nasa gilid ng kalsada ang Ducati motor bike niya na kulay puti rin.
"I'm sorry." Hinawi ni Calder ang ilang hibla ng buhok niya na tumabing sa kanyang mga mata. Mukhang nakakalimutan niya nang magpagupit ng buhok, medyo mahaba na.
"Bakit ka nagso-sorry? Dahil ba nagsisinungaling ka lang?"
"Of course not!" Nagusot ang matangos niyang ilong. "Bakit? Ano bang sinabi niya sa 'yo? Ikinaila niya ba?"
Umiling ako. "Wala siyang sinabing kahit ano."
Napa-tsk siya.
"Gusto kong malaman lahat, Calder."
"Ask Vice."
"At anong sasabihin niya sa akin?"
"Siguro iyong totoo." Nagkibit siya ng balikat. "Gigil na gigil din iyon noong malaman ang mga pinagagagawa ni Jackson. Akala niya ang tino ng anak niya, mali naman ang akala niya."
Akala ko rin...
"Umalis ka na sa poder niya."
Napatingala ako sa kanya. "Calder..."
"Leave him, Fran." Seryoso ang mga mata niya.
"How can I leave him? Walang-wala ako..." At hindi ko alam kung kaya kong iwan si Jackson, piping dugtong ng puso ko.
Nakalutang pa rin ako hanggang ngayon. Wala pa rin akong nabubuong desisyon. Maski isiping umalis ay hindi ko pa naiisip man lang. Natatanga pa rin ako at umaasa na baka may dahilan lahat ng ginawa ni Jackson, at kailangan ko lang hintayin iyong time na ready na siyang magpaliwanag.
Pero hanggang kailan ko kayang maghintay? Kailan pa? Kapag nabaliw na ako nang tuluyan?
Nagulat ako nang hulihin ni Calder ang pulso ko. "You don't deserve this, Fran."
Napapasong hinila ko ang kamay ko. "P-papasok na ako."
"Wait!" habol niya.
"Calder, mahuhuli na ako sa first class ko." Kahit maaga pa naman talaga.
"Wait lang." Kinuha niya ang bag ko ay binuksan ang zipper nito.
"Ano ba?!"
May inilagay siya roong maliit na cell phone, iyong basic. Nokia yata. "May load 'yan. Nakasaved na rin ang number ko diyan. Itago mong mabuti, ko-contact-in din kita diyan."
"Hindi ko kailangan nito." Aalisin ko sana ang cell phone pero nai-zipper na agad ni Calder ang bag ko.
"You need it. Believe me, you need it."
"Calder, ayoko ng gulo..."
"Sino ba ang nanggugulo? Itong nangyayari, hindi ba ito magulo?" Malamlam ang mga matang ngumiti siya. "Sorry. Sorry kung nasira ko kung anong pinapaniwalaan mo."
"Ang totoo, hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko. Gusto kong makinig pa sa sasabihin mo, pero ayokong maniwala sa 'yo. Hindi ko alam pero naguguluhan ako. Saka na muna siguro tayo mag-usap." Nilampasan ko na siya.
"Fran, palagi lang akong nandito. Hindi na ako aalis, Fran!" sigaw niya.
Hindi ko na siya pinansin. Tuloy-tuloy ako sa paglalakad papasok sa gate.
"Fran, wala namang nagbago sa akin. Ganoon pa rin. Fran, hindi na talaga ako aalis!"
Napapatingin na ang ibang estudyante sa gawi ni Calder pero ako, hindi ko na talaga siya nilingon.
...
"Wala sa sarili ang muse natin," narinig ko ang boses ni Hilda.
Nang tumingala ako ay patabi na siya sa akin. Kasunod niya sina Elvy at Bea. Tapos na pala ang klase na ni hindi ko man lang namalayan. Kanina ilang beses akong tinawag ng prof namin, ilang beses din akong walang naisagot. Mabuti na lang at mabait si Professor Ruiz, kahit nagmukha akong boba kanina na maski ang tanong niya ay hindi ko maalala, hindi pa rin siya nagalit. Kung ibang prof siguro, baka ipinahiya na ako.
"Katamad..." Nakaupo na si Elvy sa tabi ko, sa may left side. Si Bea naman sa right side, katabi niya si Hilda sa kabila.
"Fran, wala tayo prof sa next subject," kalabit ni Hilda sa akin.
Napapalakpak si Elvy. "Wala rin akong prof sa next subject. Library na lang tayo?"
"Pwede ba, Hilda, nabasa mo na yata lahat ng libro sa library," nakabungisngis na ani Bea. "Pwede stop muna? Kahit ngayon lang? Kaya tayo natatawag na nerds eh, wala tayong ibang tambayan kundi ang library. Itsura mo pa, onti na lang mukha ka ng libro."
Library? Kung ang itinuturo ng mga prof na nagdaan sa maghapon ay wala akong naintindihan, magbabasa pa ba ako ng libro?
"Eh anong gagawin? Wala naman tayong ibang magagawa kundi iyon." Si Hilda.
Iritable ang boses ni Bea nang muling magsalita. "Kaumay na nga mag-library, promise! Iba naman."
"Bea is right," sabat ko bigla. "Tama na muna tayo sa library."
Napatingin sila sa akin.
"Let's do something else..." Wala sa loob na nahaplos ko ang gilid ng aking leeg, sa gawi kung saan may markang itinatago ng nakalugay kong buhok. Hindi naman talaga totoong walang-wala ako. Siguro wala na talaga akong karapatan sa pamana ni Lolo sa akin, pero sa pera ng asawa ko, meron.
Ang akin ay kanya, at ang kanya ay akin. Hindi niya ba naisip kung sino ang lugi sa aming dalawa? Kasi ngayon ko lang narealized, hindi naman pala ako ganoon kakawawa.
"Hmn..." Tumingala pa si Elvy para mag-isip. "Magpahangin sa bench? Magkutuhan? Ay, wala pala tayong kuto. So kwentuhan na lang? Di pa natin nata-try magchismisan, magandang pamatay oras daw iyon sabi ng kapitbahay namin!"
"Alam ko na!" Napapadyak pa sa excitement si Bea. "Pagkwentuhan natin si Mayor!"
Tiningnan ko sila isa-isa. "No, girls. May iba tayong gagawin."
"Ano naman?" halos sabay-sabay na tanong nina Hidla, Elvy at Bea.
Muli kong nahaplos ang gilid ng aking leeg. Nginitian ko sila. "Magsh-shopping tayo, and it's my treat."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz