ZingTruyen.Xyz

Obey Him

Chapter 49

JFstories

NANG mahimasmasan ako ay sumunod ako kay Jackson palabas ng kuwarto. Akala ko hindi ko na siya maaabutan kaya nagulat ako nang makitang kalalabas niya lang sa study room. Isinara niya ang pinto at sa isang kamay niya napako ang aking mga mata. He was holding a gun in his left hand!


"Jackson!" tawag ko.


Kalmanteng tinungo niya ang hagdan na parang hindi man lang ako nakita o narinig.


"Jackson, ano ba?!" Wala akong pakialam kahit nakayapak akong humabol sa kanya. Sa pagkataranta ko, hindi ko na pala nasuot kahit ang aking home slippers. Naabutan ko siya sa braso ngunit tuloy lang siya sa pagbaba.


Hindi niya ako pinapansin hanggang makarating kami sa sala. Siguro galit siya dahil nalaman niyang sinuway ko siya, ibinigay ko ang number ko kay Calder, pero may paliwanag naman ako na ayaw niya lang pakinggan.


"Jackson, please..." Humihingal na humarang ako sa harapan niya bago pa siya makalabas ng main door. "Bakit ba may baril ka? What are you going to do with that?!"


Doon niya lang ako tiningnan, at parang ngayon niya lang narealized na nakasunod ako sa kanya. "I told you to stay in your room," malamig na sabi niya.


"Paano ako mag-stay e ganyang para kang wala sa sarili!" Kumapit ako sa braso niya. "Please let's talk at ibaba mo 'yang baril mo!"


"He's outside." Tumingin siya sa nakabukas na pinto.


"Please, magusap na lang tayo... Please, please..." Takot na takot na ako.


"Didn't you hear what I've said? There's a man outside and he's waiting for my wife." Malamlam ang mga mata niya. Oo kalmado siya pero mas natatakot ako sa pagiging kalmado niya.


"Wala akong balak lumabas," matigas na sabi ko. "Hindi ko alam kung anong sadya niya, baka may itatanong lang or nakalimutan dito sa mansiyon."


"How did he get your number?" kunot ang noong tanong niya.


"Hindi ko ibinigay... Siguro nga hihingi lang siya ng favor kaya kinuha niya ang number ko sa school. Nag-iiwan kasi ako ng number sa library kapag nanghihiram ako doon ng libro." Wala akong balak ipahamak si Calder kaya hindi ko sinabi ang nangyari kanina.


"Go back to your room," malumanay na ang boses niya.


"Tara..."


Ayoko siyang iwan dito magisa dahil alam kong lalabas pa rin siya. At tama ang hinala ko dahil pinagpag niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Walang salita siyang lumabas ng pinto at kahit anong tawag ko sa kanya ay hindi niya ako pinansin.


Wala akong nagawa kundi sumunod na rin. Sinenyasan ko ang mga guwardiya sa labas na sumunod para in case na magkagulo, may aawat. Pero ni hindi man lang ako sinunod ng mga guwardiya palibhasa walang utos na galing mismo kay Jackson.


Nakangisi si Calder nang lumabas kami ng gate. Nakatayo siya sa tabi ng kulay pulang Ducati big bike. Nakapatong sa upuan niyon ang kulay itim niyang helmet. Iyon pa rin ang suot niya nang puntahan niya ako sa DEMU kanina. Meron siyang hawak ngayon na isang color brown envelope.


"Si Fran lang ang natatandaan kong itinext ko, hindi ka kasali."


"Calder, stop..." saway ko sa kanya. Hindi niya ba nakikitang may hawak na baril si Jackson?


"Hindi ikaw ang sadya ko. Si Frantiska."


Ikinasa ni Jackson ang baril.


May kinuha mula sa likod si Calder at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang baril na hawak niya sa kaliwang kamay. Tuwid ang titig niya kay Jackson habang naglalaro ang isang ngisi sa kanyang mga labi.


"Calder, please... Umalis ka na..." makaawa ko. Para akong nakatakdang maipit sa dalawang naglalakihang mga bato. Batong ubod ng titigas.


"Hindi ako aalis hanggat hindi ko nasasabi sa 'yo ang gusto kong sabihin."


"Get inside the house," mahina at mahinahong utos ni Jackson sa akin.


Pumalatak si Calder. "I didn't know that the mayor of this city is a coward."


Pumagitna na ako sa kanila. "Calder, ano ba?! Umalis ka na nga sabi!"


Ngumiti si Calder sa akin. "You'll thank me after this, Fran. Believe me."


"Ano ba kasing kailangan mo?"


"I just wanna tell you something." Saka siya tumingin kay Jackson. "But since he's here too, bakit hindi na lang siya mismo ang magsabi sa 'yo? Malamang mas alam niya ang buong info."


"Frantiska." Napatingala ako kay Jackson na nasa tabi ko. Binanggit niya ang pangalan ko, mahinahon pero may kakaibang lamig. Alam kong disappointed siya na hindi ako sumunod sa utos niyang pumasok ako sa bahay.


Kung kanina ay ayaw kong bumalik sa loob dahil sa natatakot akong magkagulo sila, ngayon ay ayokong bumalik sa loob dahil may kung anong humihila sa akin dito para mag-stay.


"You've been living in lies all your life, Fran."


"Anong sinasabi mo, Calder?" malakas ang kabog ng dibdib na tanong ko. Hindi ko na inalala na baka ikagalit ni Jackson ito.


"It took me years just to have this." Itinaas ni Calder ang envelope na hawak-hawak. "Nakikita at naririnig ko lang noon, but now I already have proof. Hindi lang ako makakilos nang malaya noon dahil may pinoprotektahan ako, pero ngayon wala na akong dapat protektahan." Kay Jackson siya nakatingin. "Wala ng dahilan para manahimik ako sa mga katarantaduhan niyan."


Naguguluhan ako. Gusto kong isipin na nangti-trip lang si Calder pero sa nakikita kong pamumula ng mukha at leeg ni Jackson ay mukhang alam niya kung ano ang pinupunto ng lalaki.


"Ayaw mong sabihin? Fine. I'll tell her for you." Bumalik ang tingin sa akin ni Calder. "That man conned your grandfather into giving him money."


It doesn't make sense. Anong pera ang sinasabi ni Calder? Wala ng pera ang lolo ko noon kaya ano pa iyong ibibigay niya kay Jackson.


"That man manipulated your whole life, Fran. Plinano niya ang lahat. Kung paano ka magiging malayo sa ibang tao, walang ibang nakakakita, at kulang sa kaalaman sa mundo. His goal was to keep you hidden forever because for him, you were just a possession. But then you grew up into a fine young lady, and it was the time when he realized that you are a living person, and not just a mere object that he could keep. That was also the time when his plan changed; to make sure that he wouldn't really lose you, he made you fall in love with him."


Nang tingnan ko ulit si Jackson ay wala siyang reaction habang nakatayo sa tabi ko. Ni hindi siya mukhang bothered sa mga pinagsasasabi sa akin ni Calder.


"That's not all, Fran. Marami pa siyang ginawa at ginagawa na hindi mo alam."


Calder continued, "nang iwan niya kayo ng mama mo sa Davao after the wedding, umalis siya. Hindi dahil sa ayaw niyang makisama sa mama mo, kundi dahil may iba siyang gustong gawin. Gusto niyang ipamukha kay Vice na kaya niyang yumaman ng triple pa sa yaman nito."


I know that. Kahit batang-bata pa ako noon, natatandaan ko pa rin na after mismo ng kasal ay umalis nga si Jakcson at ilang taon ding hindi nagpakita. Bumalik siya noong mga huling linggo na ni Mama sa mundo.


"There's an elite underground fraternity kung saan kakailanganin mo ng one hundred million to join. There susugal ka, susukatin ang talino mo sa pagmamanipula ng tao at pera, and once you passed, magiging official bro ka nila. At sa mismong brotherhood na iyon isinangla ni Jackson ang kaluluwa niya, doon mismo kung saan ang members ay mga demonyong may sayad din na katulad niya."


Was he talking about the Red Note Society? The Red Note Society Brotherhood...


"He joined that fraternity para pagyamanin ang perang hindi kanya. Do you know kung kaninong pera ang dala niya? Of course hindi galing kay Vice, dahil maski piso ay hindi siya humihingi sa ama niya. Galit siya kay Vice mula pa noon kasi iniisip niyang nagpakamatay ang mommy niya because of his own dad. Kaya lumayas siya at bitbit ang huling pera ng mga Justimbaste! Pera ng lolo mo, Fran!"


"Are you crazy?" nanginginig na pala ako na ni hindi ko man lang namalayan.


"Pera ng lolo mo, Fran, ang totoong nagpayaman sa taong 'yan," maanghang na turan ni Calder.


"What the hell are you saying, Calder?!" Napipikon na ako, gulong-gulo na ang isip ko. "Paanong pera ni Lolo? Wala na kaming pera noon! Kaya ipinakasal ni Lolo si Mama kay Jackson kasi wala na nga kaming pera! Lugi na ang negosyo namin noon!"


"Iyon ang akala mo at ni Vice. Pero hindi iyan ang totoong nangyari noon."


Tumulo na ang mga luha ko. "Jackson, ano iyong mga sinasabi niya... Naguguluhan ako..."


Malungkot na tiningnan ako ni Calder. "This is the truth, Fran, and you need to know this. Your mom was a drug addict. Walang tiwala ang lolo mo sa mama mo, at totoong palugi na ang kompanya niyo noon, pero kaya pang maililigtas. May pera pa kayo."


"Then bakit hindi iniligtas ni Lolo ang kompanya? Mahal na mahal niya ang kompanyang iyon!"


"He's sick and old, that's why."


"I don't get it!" hiyaw ko. Nafr-frustrate na ako.


"Sumuko na ang lolo mo. Alam niyang hindi niya maaasahan ang mama mo. Ang tanging gusto ng lolo mo ay siguraduhin na lang ang kinabukasan mo kaya naman nakipag-negotiate siya kay Vice na ipakasal ang mama mo kay Jackson. Akala niya matutulungan ng mga Cole ang kompanya niyo, pero hindi nila kayo tinulungan hanggang sa tuluyang malugi ang kompanya niyo."


Napailing ako habang lumuluha.


"Walang alam si Vice at ang mama mo tungkol sa pera na nakay Jackson noon. Nakuha ni Jackson ang perang iyon ng kompanya after ng kasal nila ng mama mo. At imbes gamitin iyon para isalba ang kompanya niyo as he promised, hindi niya ginawa. He used that money for his own sake!"


Napahikbi na ako. "Why are you making stories..."


"Why don't you ask Jackson, Fran? Paano siya nakasali sa elite fraternity na sinalihan niya? He needed that money to join that brotherhood. Dala niya ang one-hundred million nang umalis siya. At bumalik lang siya noong malago na ang pera."


Ayoko. Ayokong tanggapin ang mga naririnig ko.


"Makinig ka sa akin, Fran. Pagbalik niya noon ay para gawin ang plano niya. To have your full custody, ang kailangang mangyari ay mawala ang mama mo, at iyon naman ang sinunod niyang asikasuhin, ang itulak ang mama mo sa kamatayan nito."


"I refuse to believe that!" luhaan nang sigaw ko. "Tama na, Calder! Please..."


Hindi magagawa ni Jackson sa mama ko ang ibinibintang niya. Hinding-hindi talaga.


Tinalikuran ko siya at hinarap si Jackson. "H-halika na sa loob..."


"Fran, maniwala ka!" habol ni Calder. "I am telling you the truth! Noong nawala ako, hindi ako basta umalis lang! Nasa paligid pa rin ako, binabantayan pa rin kita! At inaalam ko ang totoo para matulungan ka. Kahit noon pa man kasi, ramdam ko nang may kakaiba sa pagkupkop niya sa 'yo. I am his bodyguard ng ilang taon, alam ko na kung anong klaseng tao siya, at naniniwala akong walang puso at kaluluwa ang taong 'yan!"


"Calder, tama na sabi..."


"Open your eyes, Fran. Hindi ka ba nagtataka kung bakit umabot sa ganito ang lahat? Wala ka man lang bang naramdamang kakaiba sa kanya?"


Natigilan ako at napatingala kay Jackson na nakatayo pa rin sa kinatatayuan mula kanina. Formal ang maamo niyang mukha at hindi kababakasan ng kahit anong emosyon. Parang wala siyang pakialam sa mga sinasabi ni Calder.


"Fran, kung ayaw mong maniwala sa sinasabi ko lang, fine! Pero may proof ako! I have papers to prove my claim! Matagal kong nilikom ang mga ebidensiya na isasampal ko kay Vice para malaman niya ang kagaguhan ng anak niyang 'yan! Lahat kayo, Fran, biktima rito!"


Nang lingunin ko ulit si Calder ay napatingin ako sa kanina niya pang hawak na brown envelope. Mabilis siyang lumapiat at inabot iyon sa akin.


"Those are the papers na magpapatunay na hiningi niya ang one-hundred million pesos sa lolo mo. Iyon ang natitirang pera ng kompanya niyo. Nandiyan din ang photo copy ng written letter ni Don Francisco Justimbaste kung saan sinasabi niya kay Jackson na ingatan ka kapalit ng perang iyon. Ang akala ng lolo mo, gagamitin ni Jackson ang perang 'yan para idagdag sa pag-ayos ng kompanya niyo, at para masecure ang future mo. Walang kaalam-alam ang lolo mo na after niyang mamatay, umalis din si Jackson bitbit ang pera."


"S-saan mo ito nakuha?" Pati ang mga palad ko na nakahawak sa envelope ay ramdam ko na ang panginginig.


"Sinabi ko na sa 'yo, habang wala ako, gumagawa ako ng paraan para alamin ang totoo. Galing mismo 'yan sa abogado ng lolo mo na sinesante ni Jackson."


Nang buksan ko ang envelope ay una kong nakita ang nasa harap na papel kung saan mababasa ang photocopy ng letter ni Lolo. Kahit bukana palang ang nakikita ko ay natitiyak kong penmanship nga ito ni Lolo.


"About sa pagamit niya ng perang 'yan, may proof din ako. May mga papers ako na nakuha ko sa office ni Vice na magpapatunay na during the years na wala si Jackson ay nakafreeze ang mga accounts niya, meaning maski piso ay wala siyang natatanggap sa daddy niya. At ang perang ginagamit niya during those years ay ang pera nga ng lolo mo. He used that money to gamble sa brotherhood nga na sinalihan niya."


Mapait akong ngumiti kay Calder. "Salamat..."


His mouth fell open. "Fran..."


"Thank you, Calder. Pero umalis ka na, mag-uusap kaming dalawa," malumanay na sabi ko.


"Pagisipan mo, Fran. Hindi kita papabayaan sa kung ano man ang magiging desisyon mo."


"Sige na, Calder, salamat... Umalis ka na..."


"Babalikan kita, Fran. Mag-isip ka. Pag-isipan mo ang lahat." Hindi niya na binawi sa akin ang brown envelope.


Napa-tsk pa siya bago tumalikod. Sumakay siya big Ducatti bike at nagsuot ng helmet. Paharurot niyang pinasibad palayo ang dina-drive na motor. Nang makaalis na siya ay nilingon ko si Jackson.


Kahit hirap akong makapagsalita dahil sa emosyon ay pinilit ko pa ring mabitawan ang tanong. "Ang papeles na padala ni Manang Nora from Davao, nasaan?"


Napakurap si Jackson at parang ngayon lang nagkaroon ng pakiramdam sa paligid. "I don't know."


Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi. "Paanong you don't know? Alam mo bang pera ko iyon? May trust fund ako at rest house. Alam mo ba ang tungkol doon?"


"Those are no longer yours, Fran," he said in a flat tone.


Napamulagat ako. "Pero para sa akin iyon. Bigay ni Lolo!" Nagsimula na akong maghysterical. "Kaya anong sinasabi mo na hindi na sa akin iyon?!"


Ang mga ni Jackson na kanina'y kalmado, ngayon ay naging madilim. "Remember the contract that you've signed? Aside from not leaving me, it was also written there that you are legally giving me everything you own."


Windang at durog ako sa sagot niya.


"But you don't have to worry about what you've lost because you still have me."


Napaurong ako at bigla ay parang hindi ko na siya kilala. "You bastard..."


Masuyo niyang ginulo ang buhok ko saka siya kalmadong ngumiti. "Tara na sa loob, mahamog na. Baka sipunin ka."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz