Chapter 51
"BILHIN NIYO KAHIT ANO. AKONG BAHALA."
Sabay-sabay naghugis malaking O ang mga bibig nina Hilda, Elvy and Bea. Nagkalabitan at nagsikuhan pa sila, obviously shocked sila. Naninibago bigla na parang hindi nila ako kilala. Hindi na sila nakatanggi dahil nakabook na agad ako ng Grab car. Napa O na lang ulit sila ng makitang sa Greenbelt Makati kami papunta.
Sa Greenbelt 4, first floor kami unang nagpunta. Lahat ng madaanan naming boutique ay pinapasok namin—I mean pinipilit ko silang pasukin namin. From Bottega Venetta, Gucci, Jimmy Choo, lahat binilhan namin—I mean "ko".
Bakit ba ako matatakot manlibre? Mayaman kaya ang asawa ko.
Nothing's wrong with this. I am a rich man's wife, hindi naman masamang waldasin ko ang pera ni Jackson at i-treat ang mga kaibigan ko na naging mabuti sa akin. Hindi ako maluhong tao pero hindi masamang sumubok ng mga bagay na bago katulad nito.
At pagkatapos, gusto ko ring mag-donate ng malaki-laki sa mga pina-follow ko sa Facebook na orphanage.
"Fran, are you really sure about this?" Nanlalaki ang mga mata ni Bea habang hawak ang paper bag kung saan nandoon ang Jimmy Choo shoes na ibinili ko sa kanya. Worth Fifty thousand pesos iyon.
"Bakit gusto mo pa ba ng isa?" Hinila ko siya. "Come on. Pili ka pa."
Nagbutil-butil ang pawis ni Bea.
Binalikan ko sa labas sina Hilda at Elvy. May bitbit na paper bags ang dalawa. "What about expensive cosmetics?" I asked them.
Napansin ko kasi na wala man lang silang kahit anong kolorete sa mukha. Plan ko rin silang ibili ng pang skin care at ipa-salon na rin. Masyado silang mga simple kaya madalas na tuksuhing nerd at makaluma.
Wala silang nagawa nang hilahin ko sila ulit sa kung saan. Kahit tumatanggi ay pinipilit ko pa ring ibili sila ng kahit anong sa tingin ko ay babagay sa kanila. Huminto lang ako nang ibalik na sa akin ng cashier ng isang boutique ang mga cards ko.
"What happened, Fran?" worried na tanong ni Hilda. Sa tatlo ay siya ang pinakakabado. Siya kasi ang talagang hindi sanay sa pagsh-shopping. Hilda came from a poor family at nakapasok lang siya sa DEMU because of her scholarship. Kanina pa talaga siyang pinagpapawisan nang malapot kahit napakalamig ng AC dito sa mall.
Nginitian ko siya. "Maxed out na."
"Hala..."
"Don't panic, Hilda." Kinuha ko ang ATM card ko at niyaya sila sa bangko. Saglit lang ay nakapagwithdraw na ako. "Girls, what about luxury jewelry?"
Napanganga na naman sila.
"Chanel, like niyo?" tanong ko habang naglalakad kami. Hindi na sila magkada-ugaga sa mga bitbit na paper bags.
Unang napalunok si Bea.
But this time ay hindi na ulit ako nakapagwithdraw. Said na lahat ng mga ATMs at kailangan kong gumawa ng paraan para magkapera. Nagpaalam muna ako kina Hilda na aalis lang sandali. Iniwanan ko sila sa isang mamahaling resto at nagpahatid ako sa Grab car papuntang Foresteir tower.
Abot-abot ang kaba ko pero lamang ang determinasyon. Hinaplos ko pa muli ang gilid ng leeg ko bago ako pumasok sa lobby. I was asked for my finger prints on the frontdesk, and just for a few minutes, pinatuloy na ako sa loob. I headed straight to the elevator kung saan naaalala kong sinakyan namin ni Jackson nang dalhin niya ako rito.
Tumindi ang kaba ko na nadagdagan ng takot nang nasa loob na ako ng elevator. What if hindi gumana iyong tattoo ko? Magbubuga raw ng poisonous smoke itong elevator at pwedeng dito na ako mamatay. Hanggang sa tumunog ang elevator bilang tanda na nasa basement na ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. I survived! Hindi ako namatay! Gumana ang tattoo!
Umibis agad ako ng elevator. Walang tao. Saan ko nga pala hahanapin dito iyong vault ng asawa ko?
Dim ang ilaw na kulay pula kaya nanakit ang mga mata ko sa paglingap ng paligid. Mayamaya ay may namataan akong babae na papalapit sa akin. Who's this woman?
Kinusot ko ang mga mata ko hanggang sa unti-unting luminaw sa akin ang bagamat simple ngunit napakagandang mukha ng babaeng nasa harapan ko. Wala ni isang kolorete ang mukha niya, para siyang anghel sa sobrang amo ng kanyang mga mata. "Sinong hanap mo?"
"Uhm..." Nakagat ko ang ibaba kong labi.
Kilala niya kaya ako? Alam niya kayang asawa ako ni—
"Gaia nga pala," pakilala niya.
So kilala niya ako. "Gaia..." I repeated her unusual name.
"It's Galatea Thunderwood."
Nginitian ko siya dahil mukha naman talaga siyang mabait... kahit pa ang dungis niya— Oo madungis siya. Puno ng grasa ang mga kamay at ang suot niyang over sized jumper.
Napangiti siya nang mapansing nakatingin ako sa mga grasang nasa kanyang katawan. "Ah, katatapos ko lang kasing maglinis ng mga makina ng kotse nila kaya ganito ako." Napahagikhik pa siya. "Libangan ko lang magkutingting pag may time ako."
Ah, I see. Swerte naman ng RNS, may sexy at magandang mekanika.
"Ano palang sadya mo rito? Wife ka ni Mayor, di ba?"
"I need money..." kusang nasabi ko. "Sabay sana kaming pupunta rito, kaso nauna na ako. May work pa kasi siya sa munisipyo, Gaia. Sa sobrang busy niya, he forgot na hindi niya pa ako natuturuan kung paano makakuha ng pera from his vault." Pinangatawanan ko na lang bago pa siya makahalata na hindi alam ni Jackson na nandito ako.
"Sisiw!" Ngumisi siya at hinila ako sa pulso.
Nagpatianod ako sa paghila niya. Dinala niya ako sa isa pang basement. Oo bukod dito sa basement na ito, may isa pa palang basement. Sa elevator ay halos himatayin ako sa kaba dahil mas maraming red lines ang sumusukat sa akin. Tuwing tumatama iyon sa balat ko ay para akong kukuryentehin. Si Gaia naman ay chill lang sa tabi ko.
"You'll find his vaul on the third cell." Itinuro niya ang papasok sa hallway kung saan may magkakaharap na selda. Iyong itsura ng prison sa ibang bansa, malinis at grey ang mga rehas at pader.
Lumakad na ako papunta si itinuturo ni Gaia. Sa bawat paghakbang ko papasok sa hallway ay umiilaw ang mga fluorescent sa itaas. Automatic pala na gumagana ang lights sa lugar kung saan may nadedetect na tao. Amazing place. So ganito pala ka-hightech at kayaman ang mga member ng Red Note Society.
Nilingon ko pa si Gaia bago ako pumasok sa selda na tinutukoy niyang kay Jackson. Nakangiti sa akin si Gaia habang nasa bukana lang siya. Nakatayo siya roon at naka-thumbs up sa akin. "Go! May mga money sack sa gilid, you can get one para may lalagyan ka."
Napalunok ako at tumango.
"Your tats on your groin, girl!" sigaw niya pa.
Pumasok na ako sa loob ng selda ni Jackson. Kasing lawak ng banyo sa kuwarto ko ang loob ng selda. Para talaga akong nasa isang pelikula kung saan may katapat akong malaking vault na kasing laki ng dalawang normal na pinto ang bukasan. May maliit na parang tablet na nakakabit sa harapan, pero hindi ko naman alam ang code so useless din.
"How can I open this vault now?" Namomroblemang napabuntong-hininga ako.
Nilingap ko ang paligid. May mga umiilaw na kulay pula sa kisame, ewan kong CCTVs ba iyon or what. Pinagmasdan ko na lang ulit ang pinto ng vault, saka ko napansin na bukod sa parang tablet ay may nakalawit din na bidet sa gilid. Bidet talaga?
Kinuha ko iyon at pinakatitigan. Hindi pala bidet, mukhang bidet lang. Sensor ang dulo at nagbi-blink-blink pa ang tila maliit na flashlight niyon. I think alam ko na kung paano bubuksan ang vault.
I lifted my skirt after placing one of my legs on the vault door. Mabuti at mahaba itong mala bidet na sensor, hindi ako nahirapang puntiryahin ang tattoo ko sa groin area. This tattoo was Jackson's signature, and I couldn't tell if it was just tattoo ink or if he had injected something into it. Might be a microchip or something. As the tattoo was scanned, I heard a click.
Natulala ako nang biglang bumukas ang pinto ng vault.
Binitawan ko agad ang sensor saka ako pumasok sa loob. Hindi nga lang talaga pera ang nasa vault, kundi pati gold bars! Patong-patong ang mga ito, patong-patong na mga ginto!
Damn! I'm really a rich man's wife!
...
NAPANGITI AKO nang makita si Jackson. Ginabi na ako nang uwi. "Nandito ka na pala. Kanina ka pa? Sorry ginabi na ako."
Gusto niya ng kaswal lang, iyong malumanay, iyong kalmado... I'm giving it to him. Ayaw niyang magusap kami about what happened last night? Okay, fine.
"Kumain ka na? Baka di ka pa kumakain?"
Tiningnan niya lang ako at di pinagkaabalahang sagutin. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko. Polo na puti at itim na jeans ang suot niya, wala na siyang sapatos sa paa.
"Pakilapag na lang po diyan," utos ko sa anim na katulong na kasunod kong pumasok ng kuwarto. Lahat sila ay may bitbit na tag-aapat na malalaking shopping bags. Matapos iwan ang mga shopping bags sa carpeted na sahig ay isa-isa na silang lumabas ng pinto.
Hinubad ko ang suot kong pink gold Chanel necklace at ipinatong sa dresser. Sinunod kong hubarin ang hikaw, singsing, at bracelet na pawang mga mamahalin at branded din. Kakabili ko lang ng mga ito ngayong araw.
Tiningnan ko si Jackson na tahimik pa rin. Nakayuko siya habang nakaupo. Ang mga palad niya ay nakapatong sa ibabaw ng kanyang tuhod.
"How's your day, Mayor?"
Wala siyang sagot.
"Ako di mo ba tatanungin kung kumusta ang araw ko? I got bored kaya naisipan kong magshopping sa Greenbelt with my friends. Kilala mo naman iyong mga kaibigan ko, di ba? Sina Hilda? You've met them before. Naku ayaw pa nga nilang sumama kung di ko pa pinilit e. Nahihiya siguro kasi nga ililibre ko sila."
Wala pa rin siyang sagot.
"Max out na nga pala lahat ng credit cards ko, ha? Pati iyong ATM na bigay mo, ubos na. Medyo madami kasi akong binili," kwento ko sa kanya.
Wala pa rin siyang kaimik-imik habang ako ay nagkakakalkal na sa mga shopping bags. Inuna kong i-check ang Hermes bag na nasa orange paper bag tapos isinunod ko iyong Tory Burch, PRADA at GUCCI. Ay, wait! Hindi pala ako nakabili ng Louis Vuitton! Ano ba yan! Di bale bukas na lang, balik ako doon. Bibili ako ng tatlo.
"Actually super kulang pa nga," malungkot na sabi ko. "Aside from shoes, clothes, and jewelries kasi, ibinili ko rin ang mga kaibigan ko ng bags. Tapos naisipan kong ibili rin ng bags ang mga mama nila, kapatid, tita, pinsan. Alam mo na? Baka magkainggitan e."
Wala pa ring sagot. Para lang ako nakikipag-usap sa hangin, pero tuloy lang ako sa pagkukuwento.
"Super bitin talaga ng budget kaya naisipan ko nang pumunta sa underground bank niyo sa Foresteir Tower. I remember kasi sabi mo, as a RNS Member's wife, anytime pwede pumunta roon to get money, right?"
Kahit reaction, wala pa rin akong napapala kay Jackson.
"So ayun, mabuti nandoon din sa underground iyong asawa nung isang bro mo. Galatea Thunderwood daw iyong name niya. She's nice. She helped me with the process. Nakaka-amazed. Itong bar code pala sa groin ko iyong key to open your safe."
Doon na tumayo si Jackson at lumapit sa akin.
Masigla ang boses na hinarap ko siya. "Hay, until now hindi pa rin ako makapaniwala sa laman ng safe vault mo. Grabe ang dami mong gold bars at pera sa loob. Iyong money, iba-ibang currency. Kukuha sana ako ng dollars kaso katamad magpapalit so Philippine money na lang ang kinuha ko. Inilagay ko sa sako. Nagmamadali na kasi ako dahil bumalik pa ako ng Greenbelt."
Humalukipkip siya habang nakatingin sa akin. Blank ang emotion niya.
"Ay, baka pala magulat ka, ha? Twenty million yata iyong kinuha ko. Ibinili ko rin kasi ng sports car sina Hilda. Tag iisa lang naman sila, nasa 5M lang yata nagastos ko each. 'Tapos ako, bumili rin ng for me. Bukas daw ide-deliver."
"Nakamagkano ka the whole day?" kalmanteng tanong niya. Sa wakas, nagsalita rin. Parang gusto kong magpa-party.
Lumabi ako. "Forty M lang yata."
Tumaas ang isa sa makakapal niyang kilay niya.
At may reaction na rin, ha? So kapag usaping pera, active ang braincells niya, is that it?
Nginitian ko siya nang matamis. "Yup! Ay, plan ko palang ipa-renovate 'tong bahay, ah? Sawa na kasi ako sa itsura."
"So what's your plan?"
Hmn, may conversation na... nice.
"Balak kong ipalipat iyong hagdan sa left side, tapos iyong pool sa likod, balak kong ipalipat sa gilid. Iyong garahe naman saka lawn, pagpalitin sana." Napaisip pa ako nang kaunti. "Uhm, okay lang ba na gawing hanggang fifth floor 'tong house? O pabawasan na lang ng floor? What do you think?"
"Baka gusto mo ng gawing building." Nakakunot ang noo ni Jackson pero kalmante pa rin.
"Ay, good idea 'yan! Tutal marami naman tayong money to do that, e." Nagningning ang mga mata ko. "Pero mas type ko iyong mahati sana sa dalawa 'tong mansion."
He raised me his left brow. Damn it! Bakit ba ang guwapo niya pag ganun? No, I shouldn't feel attracted to him.
Nagpilit akong magpaka-cassual. "So ano? Gawin nating dalawa, ganun. 'Tapos doon ka sa kabila, ako sa kabila. Lagyan ko rin sana ng pader, para mas cute! What do you think?"
Tumaas ang sulok ng bibig niya.
"Do you like my idea ba—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong haltakin at durugin nang mainit na halik sa labi.
Sinubukan kong kumawala pero matibay at matigas ang malabakal niyang mga braso na nakayakap sa akin. Hanggang sa namalayan ko na lang na hindi na pala ako nanlalaban, sa halip ay gumaganti na ako sa bawat galaw ng mapagparusa niyang mga labi. Nang bitawan ako ni Jackson ay pareho kaming habol ang paghinga.
"Do anything you want with my money, I don't care..." humihingal na sambit niya.
"Sure..." Kahit namumula ang mukha ay sinikap kong sumagot nang tuwid at tumingin sa kanya nang diretso.
"Do anything and everything..." Lumamlam ang mga mata niya. "Just don't... don't you dare leave me, Frantiska."
"Jackson..." Napalunok ako dahil sa lungkot na bigla kong naramdaman habang nakatingin sa kanya.
Mapait siyang ngumiti. "Iyon lang. Iyon lang ang hiling ko sa 'yo."
Pigil ang mga luhang tumango ako.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz