ZingTruyen.Xyz

Obey Him

Chapter 33

JFstories

NAPADILAT AKO NANG lumapat ang likuran ko sa malamig na pader. Nang tingnan ko ang paligid ay nasa ikalawang palapag na pala kami ng mansiyon. Nandito kami sa hallway malapit sa pinto ng kuwarto niya. Naiakyat ako rito ni Jackson nang hindi ko namamalayan. Smooth.


Hindi na pala magkadikit ang mga labi namin pero kanina pa ako nakapikit. Siya naman ay nakamasid sa akin. Kanina lang hinahalikan niya ako sa sala tapos dinala niya na ako rito. Napahiwalay siya sa akin nang kaunting espasyo at parang nagwala ang lahat ng laman-loob ko sa pagtutol.


"Hahalikan mo ba ako ulit?" mahinang tanong ko.


Kumibot-kibot ang labi ko at doon siya napatingin. He groaned, leaning forward and pressing his forehead against mine.


Ang init-init ng magkabila kong pisngi nang iiwas ko ang mga mata ko sa kanya. Yumuko ako kaya ang bibig niya ay napunta sa bandang ulo ko. "Hindi mo ako dapat hinahalikan kasi hindi mo naman ako girlfriend. Nililigawan mo palang ako..."


"May balak ka bang bastedin ako?" halos bulong lang ang boses niya. May masuyong paghingal.


Napapikit ako sa init ng mabango niyang paghinga na tumatama sa aking noo.


"Wala di ba?" Siniksik niya ako sa pader.


Kusa akong tumango.


"Good." He kissed my forehead, eyelids, my nose, the side of my mouth, but never dared to claim my lips again.


"Bakit ayaw mo akong halikan sa labi?" nakapikit pa rin ako nang magtanong.


"Kumain ka na ba bago ako dumating?"


Tumango ako. Nagmeryenda ako kanina at marami-rami iyon. Busog na ako. Hindi na rin yata ako makakaramdam ng gutom dahil sa mga nangyayari ngayon.


"Are you tired?"


Medyo. Sagot ko sa isip.


"Ikaw pagod ka ba? Galing ka pa sa munisipyo at marami kang trinabaho..."


"Do you want to sleep with me tonight?" sagot niya na malayo sa tanong ko.


Hindi niya ako hinintay na makasagot dahil siguro alam niyang hindi ako makakasagot. Blangko ang utak ko sa nangyayari. Parang sasabog naman ang puso ko sa kaba at antisipasyon.


Hinila niya ako papasok sa kanyang kuwarto niya at pinaupo sa gilid ng malaki niyang kama. Hindi siya tumabi sa akin sa halip ay pumasok siya sa banyo bitbit ang isang malaking kulay itim na tuwalya. Nakahabol lang ang mga mata ko sa kanya hanggang sa maisara niya na ang pinto. Ang kasunod kong narinig ay ang tunog ng bumubuhos na tubig mula sa shower.


Tulala ako ng ilang minuto bago natauhan. Ipinikit ko ang aking mga mata at idinilat ulit. Parang hindi totoo ang nangyayari. Nandito ako sa kuwarto ni Jackson at ngayon lang ako nakapasok dito. Iginala ko ang aking paningin sa paligid ng malaki at malinis niyang kuwarto.


Siyang siya ito. Katulad niya ang kuwartong ito—malinis, minimal ang mga gamit, dark at presko sa paningin at pakiramdam.


Gumalaw ang kamay ko sa ibabaw ng mattress. Makinis ito. Parang ang sarap higaan dahil mukhang mabango at napaka-komportable.


Bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa niyon ang topless na si Jackson. Nakasuot siya ng silk black pajama at ang dala niyang black towel kanina ay nakasampay sa balikat niya.


Iniwas ko ang aking paningin sa patag niyang tiyan at malapad na dibdib. "D-doon na ako sa kuwarto ko."


Ibinaba niya ang tuwalya sa monoblock chair na malapit sa kama. Medyo basa pa ang buhok niya pero hindi naman tumutulo. Ang bango-bango niyang tingnan at ang presko-presko.


Lumakad siya palapit sa akin at inalalayan akong maupo ulit sa gilid ng kama. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinahawi niya ang buhok ko na nagulo. Ang sinop at ang lambing ng mga daliri niya habang ginagawa iyon.


"Dito ka matulog sa tabi ko ngayong gabi."


Napalunok ako.


"Gusto kitang katabi."


"P-pero..."


"Natatakot ka sa akin?"


Umiling ako.


Tipid siyang ngumiti na sapat na para magwala ang puso ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil nang magaan. Nahiga kami nang magkatabi sa gitna ng malaki niyang kama.


"Payakap..."


Nakahubad pa rin siya sa pang-itaas nang yakapin niya ako sa bewang. Hinalik-halikan niya ang balikat ko bago siya sumubsob dito.


Gusto lang ba niyang matulog kami nang magkatabi?


Hindi ako makahinga nang maayos dahil nararamdaman ko ang init na isinisigaw ng katawan niya. Medyo mabigat din siya kahit pa hindi naman siya totally nakadagan sa akin. Natataranta rin ako dahil nga sa halos hubad siya. Kumalma lang ako nang ilang sandali lang ay pantay na ang kanyang paghinga.


"Jackson?" Nakatulog na ba siya agad?


Sinilip ko ang kanyang mukha. Nakapikit na nga siya at ang payapa ng kanyang anyo habang nakayakap sa akin. Napangiti na lang ako at yumakap din sa kanya. Siguro gusto niya lang talaga ng makakatabi kaya niyaya niya ako dito.


Nakatulog na rin ako matapos ang ilang minuto. Naaalimpungatan lang ako kapag humihigpit ang yakap niya sa akin sa tuwing napapalayo ako nang kaunti sa kanya. At bago siya mawala sa tabi ko ay naramdaman ko pa ang paglapat ng mainit at mabango niyang hininga sa mga labi ko.


...


TANGHALI na ako nagising. Magaan ang pakiramdam ko dahil kompleto ang aking tulog sa magdamag. Masarap ang tulog ko. Pagbangon ko ay wala na akong katabi sa kama. Nasa munisipyo na siguro si Jackson ngayon.


Natulog kami nang magkatabi, magkayakap. Napangiti ako nang maalala siya. 


Bumalik ako sa kama para higaan ang hinigaan ni Jackson kagabi. Nandito pa ang amoy ng men's shampoo na gamit niya. Ang bangu-bango ni Mayor.


Tumunog ang phone ko na nasa mesa kaya kinailangan kong tumayo para abutin iyon. Kay Jackson galing ang text message.


Jackson:
May breakfast na hinanda si Mrs. Cruz. Kumain ka. Walang pasok ngayon dahil sa bagyo.


Kusang bumungisngis ang mga labi ko. Saan pa ako? Diretsong nag-aannounce sa akin ang mayor na walang pasok dahil sa bagyo. I feel so special!


Sumilip ako sa labas ng bintana. Madilim ang langit at malakas ang bugso ng ulan. Mukhang may bagyo nga. Paano kaya sila Hilda kung ganitong nag-uuulan. Malapit na ang tour at mahirap magbiyahe kapag masungit ang panahon. Muling nagbeep ang phone ko.


Jackson:
Still asleep?


Magtatype palang sana ako ng reply nang biglang mag-appear ang name niya sa screen. He's calling!


"Hello?" sagot ko.


"Hey. Did I wake you?" parang natataranta ang tono niya.


"Naku, hindi. Kanina pa ako gising. Nag-almusal ka ba bago ka umalis?"


"Just a cup of coffee."


"Kumain ka diyan."


"Yes."


"Wag kang magpapaulan ha?" Normal na normal ang palitan namin ng salita.


Saka ko na lang aalalahanin si Vice. Kagabi ay takot ako rito, ngayon ay hindi na gaano. Natatabunan na ng feelings ko kay Jackson ang lahat ng aking mga pangamba. Hindi naman siguro masama na maging masaya ako. Kami. 


"Wag kang lalabas."


"Syempre hindi. Naulan nga e."


"See you later."


"Sige. Bye."


"Bye."


"Bye, Fran."


"Oo. Bye."


Nakarinig ako nang mahinang "Tsk" sa kabilang line. Nangingiting ako na ang naunang magbaba ng call dahil baka abutin kami ng alas-dose ng tanghali sa kakaba-bye sa isa't isa.


Madilim man ang langit sa labas ay napakaliwanag at napakalinaw naman ng nararamdaman ko. Mahal ko si Jackson. Mahal ko siya. Mahal ko ang mayor ng Quezon City!


...


KAKAIBA ang mga tingin sa akin ni Ate Minda. Kung hindi lang ako maingat at mabilisang lumabas ng kuwarto ni Jackson kanina ay baka isipin kong nalaman niyang doon nga ako nagpalipas nang magdamag.


Pero mukhang iba ang nakita ni Ate Minda. Baka nakita niyang hinahalikan ako ni Jackson kagabi. Based sa mga ngiti niya ay mukhang iyon nga ang nakita niya. Minsan nahuhuli ko siyang nangingiti habang nagwawalis, at minsan ay namimilipit pa siya na parang kinikilig. Nasa patio ako at nakasunod na naman siya sa akin habang bitbit ang walis niya.


"Nawalisan ko na po ito rito kanina, Ate Minda."


"E di walisan ulit." Ngiting-ngiti pa rin siya.


Napalabi ako. "Bakit po ang saya mo?"


"Kasi boom na boom ang mga lovelife natin, Ganda!" impit pa siyang napatili. Lumapit siya sa akin. "Bati na kami ni Tarek. Umeeffort na rin siya. Ibibili niya rin daw ako ng bulaklak kapag nagpabili ulit si Sir sa kanya."


"Ang sweet pala ni Kuya Tarek." Hindi ko maimagine kasi super seryosong tao nun.


"Mas sweet ang bebe mo!" Pabiro niya na naman akong kinurot sa tagiliran. "Alam mo bang mga sampung beses yata kaming pinaalalahanan ni Sir na ipaalala sa 'yong mag-almusal ka, kumain ka ng tanghalin, magmeryenda ka at wag kang palalabasin dahil baka magkasakit ka sa ulan. Jusmio, Frantiska! Kulang na lang irecord niya ang mga habilin niya bago siya lumayas kanina! Umay kaming lahat dito!"


"Ate, marinig ka ni Mrs. Cruz, yari tayong dalawa!" saway ko sa kanya.


"Mainggit siya!" ingos niya. "Pero ano na ba talaga ang lagay niyo ni Sir? Malapit ng gumuho tong bahay sa dami ng langgam e!"


"Ate, okay lang ba talaga kami?" nakalabing tanong ko sa kanya.


"Oo naman. Ano bang tanong iyan?!"


"E mas ahead siya sa akin. 'Tapos ampon ako dito sa bahay niya..."


"So? Sampung taon lang ang tanda niya sa 'yo. Uso iyang ganyan. Saka hello? Pogi siya, maganda ka. Anong problema?!"


Hay, hindi nagi-gets ni Ate Minda ang punto ko.


"Wag mong isipin ang ibang tao. Isipin mo ang kaligayahan mo. Hindi ka ba napipilitan lang? Talaga bang natutunan mo na siyang mahalin?"


"Ate, kahit naman noon gusto ko na siya. Crush ko na siya. Nasa kanya ang lahat ng dapat magustuhan kahit pa masungit at seryoso siya. Humahanga na ako sa kanya kahit noong bata pa ako..."


At ngayon, mas malalim na ang nararamdaman ko kay Jackson. Hindi lang dahil malaking parte siya ng buhay ko, kundi dahil parang normal na lang sa akin ang matutunan siyang mahalin. And I had a hunch that my feelings for him would only get stronger as I got older.


"Nasa hustong gulang ka na ngayon."


"Pero ang ugnayan namin ang inaalala ko... Si Mama... Si Vice..."


"Ikaw at siya lang ang isipin mo para hindi ka ma-stress."


"Minda! May tumatawag bingi ka ba?!" sigaw mula sa loob ng mansiyon.


"Ay sus! Ayan na si Thunder!" Sumimangot si Ate Minda. "Andon naman siya e bat di pa siya ang sumagot ng tawag! Kaimbyernang matanda! Papatulan ko na talaga 'yan e!"


"Hayaan mo na, 'Te. Sige na sagutin mo na iyong tawag."


Nagmamartsang pumasok sa loob ng mansiyon si Ate Minda. Ilang minuto siyang nawala at nang bumalik ay tahimik na siya habang titig na titig sa akin.


"Sino iyong tumawag sa landline natin, Ate Minda?"


"Ikaw daw ang kailangan," parang alanganin pang sabi niya.


Ako? Pero wala naman akong pinagbibigyan ng landline number dito. Kahit sina Bea ay hindi alam ito.


Nagkibit siya ng balikat at maliit na ngumiti. "Siguro wrong number lang, Ganda."


Wrong number pero ako ang hinahanap?


"Sige, balik na pala ako sa kusina at baka gigil na naman si Mrs. Cruz." This time nakangiti na talaga siya kaya umokay na ako. "Wag mo na isipin iyon. Focus ka sa lovelife mo kay Mayor." Kinindatan niya pa ako bago siya umalis.


...


SEVEN pm nang umuwi si Jackson. Lumabas ako ng kuwarto at pinuntahan siya sa study room dahil doon siya dumiretso. Mukhang wala siya sa mood dahil ang tahimik niya nang pasukin ko siya.


Ni hindi niya ako pinansin kahit nasa loob na ako. Nakatayo lang siya sa gilid ng bintana at walang imik habang hawak ang goblet na may lamang alak.


"Hi."


Ni hindi niya ako nilingon.


"Ginabi ka. Kumain ka na ba?"


Wala pa rin siyang sagot. Parang hangin lang ako rito na hindi niya pinagkakaabalahang tingnan man lang. Seriously masakit.


Kahit naman noong wala pa kaming unawaan, nasasaktan na talaga ako kapag ganito siya. Ewan ko ba, hindi ko talaga ang isiping balewala ako sa kanya. He really was that important to me.


"May problema ba?" mahinang tanong ko. Kapag hindi pa siya sumagot ay aalis na muna ako. Mukhang wala siya sa mood na makipagusap...


Matagal siyang tahimik. Parang hindi niya talaga ako naririnig. Parang hindi niya ako nakikita. Parang hindi niya nararamdamang nandito ako para sa kanya.


"S-sige aalis muna ako—"


"Yakapin mo ako."


"Ha?"


Tumingin siya sa akin. Matamlay ang itim na itim niyang mga mata. "Today is my late mom's birthday."


Umawang ang mga labi ko. "Sorry..."


"Don't be. Sanay naman na akong wala siya. Kahit noong buhay siya, wala rin naman siyang nagagawa sa mga gusto ni Dad. Hindi niya magawang suwayin ang mga desisyon ni Dad sa buhay ko." Yumuko siya at nilaro ng mga daliri ang hawak na goblet. "I just miss her sometimes..."


Tahimik na lang akong nakikinig sa kanya habang kumikirot ang puso ko dahil sa sakit na nadadama ko sa boses niya.


"Kung si Dad lang ang nauna kay Mom na namatay, baka hindi ako ganito, Fran. Baka hindi ako ganitong parang pinagkaitan ng lahat. Baka ibang course ang kinuha ko sa college, baka hindi ako palaging babad sa pag-aaral, sa pagsunod kay Dad. Baka hindi ako mayor ngayon. Maybe I'm a part of music band now. Maybe instead of being inside the municipal ay nasa rehearsal ako ng banda o sa isang gig. Or maybe in a concert. Music is my passion pero nandito ako ngayon sa politika."


Kung ganoon nga ang nangyari ay baka hindi siya naikasal kay Mama. Baka naenjoy ni Jackson ang buhay niya nang malaya. Baka hindi kami nagkita...


I feel bad for him pero hindi ko maiwasang hindi maging selfish sa isiping kung ganun nga ang nangyari ay baka ni hindi ko man lang siya nakilala. O kung naging parte siya ng isang banda, baka hanggang sa radyo, Internet at TV ko na lang siya makikita.


"I miss her, Fran. She left me with Dad kahit ipinangako niya na hindi siya mawawala, iniwan niya pa rin ako." May pait ang boses niya nang tingnan niya ako.


Jackson is a grown up man. Matangkad, guwapo, matikas at malakas ang dating. Walang hindi hahanga sa tulad niyang matalino, magaling sa negosyo at tapat magserbisyo. Nasa kanya ang lahat ng katangiang sasambahin pero walang may nakakaalam na sa kabila ng lahat ng meron siya ay isa siyang anak na nawalan ng ina at kalayaang magpasya para sa sarili niya.


"Mula nang mawala siya, si Dad na ang nasunod sa buhay ko. Pero hindi ako nagsisisi dahil nawalan man si Mom, may pumalit sa kanya."


And was it me? At sinagot niya ang tanong na nasa isip ko.


"You are all I have left. You were just a little reminder that I was still alive until recently your role in my life became even more meaningful. And now that you're a grown-up woman, I am so glad because I fell for you. Kaya, Fran, dito ka lang..."


"Gusto mo pa bang yakapin kita?"


Kahit malungkot ang mga mata ay ngumiti siya. "Come here please."


Kusang humakbang ang mga paa ko papunta sa kanya. Nang maabot ko siya ay agad ko siyang ikinulong sa mga bisig ko. Hinayaan ko lang siyang nakasubsob sa leeg ko hanggang sa gumaan ang kanyang pakiramdam.


"Fran..."


"Hmn..."


"Gusto ko 'to. Gusto kong palagi mong gagawin 'to kapag nalulungkot ako."


"Oo..." pangako ko.


"Thank you."


Ngumiti ako at lalong hinigpitan ang yakap sa kanya. Ang init-init ng katawan niya, mabango at matigas ang mga kalamnan. Ang laki niyang tao pero ito, nanghihina siya. Hindi pala lahat ng nagpapakita ng kalakasan ay talagang matibay.


"Sa akin ka na, Fran. Hindi ka na pwedeng umalis sa tabi ko," bulong niya, ang mainit na hininga ay kumikiliti sa leeg ko. "Bawal mo akong iwan."


Tumango ako. Mas pinagbuti ko ang pagkakayakap sa kanya. May kahinaan din ang lahat ng tao gaano man nila piliting itago ang emosyon nila. Parang si Jackson. Seryoso lang siya, tahimik pero may malalim na sugat pala sa puso niya.


"Bawal, Fran. Bawal mo akong saktan."


"Hindi kita sasaktan."


"Kahit sino ang bumalik sa buhay mo, hindi mo ako ipagpapalit. Hindi ka aalis sa tabi ko kahit anong mangyari. Promise me."


"Pangako..."


"Good. I have a better idea para matupad mo 'yan. How about you'll marry me?"


"Ha?" Napadilat ako at napalayo. Nakangiti sa akin si Jackson habang ang mga mata niya ay mainit at nakakapaso ang mga tingin.


"We should get married, Fran. Yeah, let's get married."


JF


Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz