ZingTruyen.Xyz

Obey Him

"HUY SIRAULO KA NA?"


Tumawa si Jackson at hinila ako palapit at niyakap nang mahigpit. "Sobrang tapang na ng bibig mo."


Itinulak ko siya para lang mangudngod sa matigas niyang dibdib. Hindi niya ako pinapakawalan. "Bakit ka kasi nagyayaya ng kasal?!"


I was only nineteen! Kahit hustong gulang na iyon, still, sino ang hindi mabibigla?! At sigurado ba siya?!


"I just wanna make sure na akin ka na palagi." Hinila niya ako at naupo siya sa kanyang swivel chair. Sa kandungan niya naman ang landing ng pwet ko nang hilahin niya na naman ako.


"Gusto mo bang magdeklara ng world war ang daddy mo?"


Ginusot niya ang buhok ko kaya nalaglag tuloy sa may noo ko ang aking medyo mahaba ng bangs.


"I'm serious, doll, I wanna marry you." Nakatitig siya sa akin na parang nasisiyahan sa itsura ko.


Pinitik ko ang matangos niyang ilong. "Wag kang magsasalita nang ganyan nga."


Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. "Ayaw mo ba akong maging asawa?"


Lumabi ako.


"Dad can no longer do anything once we're already married. And about my business marriage with your late mother, it's a secret that not many people know about. It has no meaning as just a fake partnership for strategic purposes."


Napabuntong-hininga ako. Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya?


"You have nothing to worry because I'll take care of everything." Marahan niyang kinagat ang hintuturo ko.


"Jackson..." Ramdam ko ang pagapang ng init mula sa gilid ng mga tainga ko hanggang sa pisngi. Inisa-isa niya ang mga daliri ko.


"Marry me, Fran." Seryoso siya at parang bibigay ang mga tuhod ko sa mga titig niya. He's still biting the tip of my fingers.


"Masyadong mabilis..." May tiwala naman ako sa kanya, hindi rin naman ako nag-iisip na magkagusto pa sa iba, at nakikita ko rin ang aking sarili na kahit lumipas ang panahon ay siya pa rin ang gustong makasama... But what about him? Gaano siya kasigurado sa akin?


"Doon din tayo pupunta."


"Gaano ka kasigurado?"


"Basta alam ko." Ang buhok ko naman ngayon ang nilalaro niya. "Okay na ako. Hindi na ako malungkot, my doll."


"Mabuti naman. Ayaw kong malungkot ka. Hindi ako sanay na malungkot ka."


"Saan ka sanay?" Ngumisi siya at kinabig ang bewang ko.


"Sa nagsusungit ka. Sa seryoso ka lang. Iyon ang kinasanayan ko."


"Hindi na ako magsusungit sa 'yo. You're a big girl now. Sumasagot ka na nga sa akin e."


Nakagat ko ang ibaba kong labi nang mapunta roon ang mainit niyang mga mata.


"Can the big girl kiss the big boy in front of her?"


Napalunok ako. "Ngayon?"


"As in right now."


Napatingin ako sa mga labi niya at natutuksong dinama iyon ng aking daliri. Malambot. Nasa isip ko pa ang lasa nito. Tumingin ako sa mga mata ni Jackson na parang nag-iba na ngayon. Parang mas naging madilim at mainit.


"Pikit ka..." utos ko sa kanya. Nahihiya kasi ako.


He obliged.


Para akong timang na nakatitig sa kanya habang nakapikit siya. Sobrang guwapo niya talaga. Hindi ako makapaniwalang nasa ganitong sitwasyon kami. Hinaplos ko ang pisngi niya at saka ako lumapit. Nang halos one inch na lang ang pagitan namin ay huminto ako. Nakakabingi kasi ang kalabog na naririnig ko sa loob ng dibdib ko.


Ilang beses akong lumunok habang nakatitig sa mga labi niya na hindi ko magawang abutin sa kaba. Bakit ba kinakabahan pa ako e ilang beses naman na kaming nagkiss?


"Matagal pa?"


"Teka..."


Nataranta ako nang dumilat siya. Huling-huli niya ang parang tanga kong ekspresyon. Nangingiting hinila niya ang dalawang braso ko para ipatong sa kanyang balikat. "You're still scared of me. Aren't you?"


"H-hindi naman e. Nagrerelax lang kasi muna ako dahil baka kapusin na naman ako ng paghinga kasi matagal ka humalik—" Hindi ko na natapos ang aking sinasabi ng siya na ang umabot sa mga labi ko.


Magaan lang ang halik niya pero para akong inuubos. Lutang ang pakiramdam ko kaya hindi ko na namalayang mahigpit na ang kapit ko sa kanya. Gumaganti na rin ako sa halik niya sa paraang alam ko. Napaungol siya dahil dito. He deepened the kiss, sliding his hot tongue inside my mouth.


"Hindi ako magsasawa rito," he whispered between kisses. Ang palad niya ay nakadiing maigi sa bewang ko. He angled his head, taking more of me.


His fingers gently ran up and down my spine at lalo akong nagliyab na parang lalagnatin na. Hindi ko maintindihan pero mas kakaiba ngayon ang palitan namin ng halik. Parang ayaw kong tumigil ito.


Narinig ko ang pag- reclined ng swivel chair. Bumaba kami at ngayon ay nakadagan na ako kay Jackson padapa. Tuloy ang pag-angkin niya ng mga labi ko.


"S-sandali..." Napaangat ako at nanlalaki ang mga mata. May tumutusok kasi sa akin.


Namumula siya hanggang sa leeg. Parang inaantok naman ang kanyang mga mata. Umahon ako at siya naman ay umayos ng upo. Hindi ako makatingin sa kanya. Hinagod niya ang likod ko at hinalikan ako sa balikat. "Pumunta ka na sa kuwarto mo."


Tumango ako.


"Pahahatiran na lang kita ng dinner."


"Ikaw?"


"Sa kuwarto ko."


"Anong gagawin mo?"


"'Will take a shower."


Tumayo na ako at tumungo sa pinto. Nilingon ko pa siya bago ako lumabas ng study room. Nakaupo pa rin siya sa swivel chair at pulang-pula pa rin.


...


"GABI NA. PAGAGALITAN KA NA BA?"


"Hindi. Nagpaalam naman ako," sagot ko kay Bea. Siya lang ang kasama ko dahil nauna na iyong dalawa kanina pang 5pm. Kami ni Bea ang nagtagal sa library na inabot na ng lampas alas seis.


May reason kaya pinayagan akong magpaabot ng dilim. Nasa labas lang naman kasi ng campus si Tarek mula 5pm. Bale lugaw ito sa labas at malamang na malayang ka-text si Ate Minda. Gagabihin din si Jackson sa munisipyo dahil may program. Fiesta kasi ngayon ng Our Lady of Consolation Parish, QC. May event ngayon sa labas ng munisipyo at doon ako didiretso para sabay kaming uuwi ni Jackson. Mahirap na at baka nandoon din nakikifiesta si Valentina. Nasa ibang bansa si Vice ngayon kaya malamang hindi ito pupunta sa munisipyo.


Mabuti na lang civilian kami ngayon kaya hindi ako naka-uniform. Nanalamin muna ako sa dala kong mini mirror. Liptint lang ang nasa labi ko at wala na akong inilagay na iba sa aking mukha. Fitted faded jeans, pink fitted poloshirt at white sneakers ang suot ko and my hair was up in a messy bun.


"Alis na ako, Bea," paalam ko sa kanya.


Nauna na ako sa gate nang makita ko nang nakatayo roon si Kuya Tarek. Malaking lalaki ito at bato-bato ang katawan kaya kita ko agad. Seryoso itong nagtitipa sa hawak na CP ng tawagin ko. Ang seryosong mukha nito ay lalong sumeryoso nang makita ako.


"Tara na, Kuya!" Paglapit ko sa kanya ay hinanap ko agad ang sasakyan.


"Hindi na po kayo magbibihis, Miss Fran?"


"Okay na ito. Hindi naman ako paparty ron." Saka mga taong-bayan lang na halos cassual lang ang suot ang pupunta sa party kaya okay na itong suot ko.


Sa labas ng munisipyo ginaganap ang program. May nakalagay na stage sa pinakaharap ng munisipyo at nandoon si Jackson kasama ng iba pang pulitiko. Maraming tao dahil may mga invited na artista. May dance contest din mayamaya. Sa gilid ng kalsada ipinarada ni Tarek ang sasakyan nang makarating na kami.


"Miss Fran, ihahatid kita sa office ni boss."


"Hindi na. Gusto kong manood dito e." Sinundan niya ako nang lumabas ako ng kotse.


Kitang-kita mula sa kinaroroonan ko ang pasimpleng paglabas ni Jackson ng phone mula sa bulsa ng suot niyang black slacks. Nagtipa siya at mayamaya lang ay nagbeep na ang phone ko.



JACKSON:

Where are you?


Nagtipa agad ako ng reply.


ME:
Nandito na. Ayoko sa loob ng office mo, gusto kong manood ng program e. Kasama ko naman si Tarek dito kaya nothing to worry. I'm safe.


JACKSON:
Hindi ka pa kumakain.


ME:
Kakain ako pagkatapos mo.


JACKSON:
No. Pumasok ka sa office ko at magpadeliver ng dinner.


Kapansin-pansin na sa cell phone siya nakatutok kaya naman tinawag siya ng emcee. "Aba busy si Mayor natin. May katext!"


Naghiyawan at nagtilian ang mga babae sa audience lalo nang ifocus ang camera kay Jackson, kitang-kita tuloy siya sa malaking screen na nasa taas ng stage ngayon. Maging ang mga katabing pulitiko ay nagngitian. Big deal sa kanila na may katext ang mayor nila. Napaangat naman ang mukha ni Jackson papunta sa emcee. Sa klase ng tingin niya rito ay parang gusto niya itong sakalin.


Deadma ang baklang emcee. Mas lalo pa nga itong ginanahang biruin si Jackson dahil sa nakuhang response sa mga tao. "So sino kaya ang katext ng mayor natin?"


Muli ang pag-iingay ng crowd.


Nang lingunin ko si Kuya Tarek ay nakatingin siya sa akin. Ibinalik ko ang mga mata ko sa stage. Kinakabahan ako for Jackson.


"Ibig sabihin ba nito malapit na tayong magkaroon ng mayora?"


Ang ingay-ingay ng mga tao. Mukhang lahat ay nae-excite sa kaalamang may lovelife na ang mayor nila.


"Sino naman kaya? Baka naman si Miss Val na 'yan, ah!" Nakatawang sabi ng emcee. Lalo pang nag-ingay ang mga tao habang seryosong-seryoso lang ang mukha ni Jackson.


"Bakit si Val?" nakasimangot na tanong ko sa hangin.


Matagal na silang wala ni Jackson, naging sila man o hindi. At hindi na rin nagpupunta sa mansiyon ang babaeng iyon.


"Miss Fran, okay lang po ba kayo?"


Hindi ko pinansin si Kuya Tarek. Naiinis ako kasi bakit si Valentina? Bat inililink ba siya kay Valentina? Bakit naman mag-iisip nang ganoon ang mga tao?


Sa pagkakaalam ko, kung ano man ang nasa pagitan nila noon, hindi naman iyon ladlad sa publiko. 


"Miss Val?" Nakangiting tawag ng emcee. "Hindi ka pa yata kilala ng ibang kalugar natin. Curious sila sa 'yo, Madam. Naku pagkaganda at kagalang-galang na babae ito. Siya na nga ba ang magiging first lady natin? Payag kayo?"


Mula sa kung saan ay sumulpot naman si Valentina. Napaka-sexy nito sa suot na fitted black dress na pinapatungan ng white formal blazer. Nakaheels at clear glasses ito. Kumaway lang ang babae sa audience at pagkatapos ay bumaba ulit. So nandito nga talaga si Valentina.


Mukhang hindi natuwa ang audience kay Valentina dahil kaunti lang ang nagtilian nang kumaway siya. At isa ako sa hindi natutuwa sa kanya.


Ano nga kaya ang sasabihin niya kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Jackson? Baka masampal niya na ako. Baka samahan pa siya ng kapatid niya na awayin ako. Pero hindi na ako bata. Hindi ko sila lalabanan pero hindi ko rin sila hahayaang apihin ako.


"Guys! Alam niyo ba ang chismis?" Gumitna na naman ang baklang emcee. Kumikinang ang suot nitong lady tux. "Ang mayor natin, dati palang kumakanta noong high school siya! Baka naman pwede tayong makahingi ng sample ngayon, 'no? Gusto niyo bang marinig kumanta si Mayor Jackson?"


Nag-isang boses ang mga tao.


"Mayor, nagrerequest ang mga tao mo. Baka naman?" baling nito kay Jackson.


Naghihintay ako na tumanggi siya kaya laking gulat ko nang tumayo si Jackson at kunin ang microphone.


"O isang masigabong palakpakan muna para sa ating minamahal na mayor!"


Nagpalakpakan naman agad ang mga manonood na may kasama pang tilian. Pati ang emcee ay halos mamilipit sa pagcheer sa kanya. Iniwan siya nito sa gitna ng stage at mayamaya ay nanahimik na ang paligid.


Tahimik na pero ako ay hindi mapakali, katulad ng mga mata ni Jackson na tila may hinahanap sa crowd.


"And as I look into your eyes I see an angel in disguise..." buo ang boses niya, malamig pero nagbibigay ng kakaibang init sa gabi.


Lahat ay tulala habang nakikinig. Siguro namamangha sila na kayang kumanta ni Jackson. Na maganda ang boses niya.


"Sent from god above for me to love, to hold and idolize. And as I hold your body near, I'll see this month through to a year. And then forever on 'till life is gone I'll keep your loving near."


Sa dami-dami ng tao ay nakita niya ako. Nandito ang paningin niya sa kinatatayuan namin ni Kuya Tarek. Alam ko na nandito na siya nakatingin, nararamdaman ko na sa akin nakatutok ang mga mata niya kahit pa napakalayo ko sa kanya.


"And now I've finally found my way to lead me down this lonely road. All I have to do
Is follow you to lighten off my load."


Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako habang pinapakinggan siya ngayon. Kung bakit damang-dama ko iyong emotion ng kantang ito.


"You treat me like a rose. You give me room to grow. You shone the light of love on me and gave me air so I can breathe. You open doors that close in a world where anything goes.You give me strength so I stand tall within this bed of earth just like a rose."


Tapos na ang pagkanta niya ay nakatanga pa rin ang audience. Nang mahimasmasan ang mga tao ay napuno ng hiyawan at palampakan ang paligid. Bumalik ang emcee sa stage. Kilig na kilig ito.


"Thank you very much, Mayor Jackson Cole! My god! Binigla mo kami! Pasok na pasok ka sa Black Omega Society! Hindi ka dapat mayor! Pwedeng-pwede kang itapat kay Rogue!"


"Mayor! Mayor! Mayor!" Iisang boses ng mga tao.


"Nagulat kayo, 'no?" baling ng emcee sa mga ito. "Hindi niyo akalain iyon, 'no?! E si Miss Val ano kayang say?"


Nakita sa big screen ang nangingiting mukha ni Valentina. Nakatutok sa babae ang camera ngayon. Kumaway pa ito matapos magtakip ng bibig na parang nahihiya. Tuloy naman ang panunukso ng crowd at ng emcee.


Nang sa wakas ay matapos ang program ay umalis na sina Jackson sa stage. Napalitan na rin ang emcee dahil iba ang program para sa dance contest na aabutin hanggang madaling araw.


"Tara na, Miss Fran," tawag sa akin ni Kuya Tarek.


Sumunod na ako pabalik sa kotse. Tahimik lang ako kahit dalawa na kami ni Kuya Tarek sa loob.


"Kuya?" pukaw ko sa pagce-cell phone niya.


"Yes, Miss Fran?" Sinulyapan niya ako sa rearview mirror.


"Okay lang po ba kayo ni Ate Minda?"


Hindi nakasagot agad si Kuya Tarek.


"I mean, hindi po ba nangyayari sa inyo na nagseselos ka o nagseselos siya?"


"Wala siyang dapat ipagselos dahil siya lang ang babae sa buhay ko. Wala na akong nanay."


Lumabi ako. "E ikaw? Nagseselos ka ba? Kasi di ba maraming nagkakagusto sa kanya? Iyong gardener sa kabilang mansiyon ay hindi pa rin sumusuko sa panliligaw sa kanya kahit kayo na. Pati iyong guard sa village natin e willing to wait din daw kay Ate Minda."


"Kung talagang mahal niya ako, wala akong dapat na ipag-alala. Kahit sino pa ang nakapalibot sa kanya, hindi siya titingin sa iba."


"Mahal ka nun." Ngumiti ako at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan.


"May problema ba, Miss Fran?"


"Wala po." Nakakatuwa siya. Kaylaking tao at bato-bato pero may puso. Napakaswerte ni Ate Minda sa kanya.


"Mukhang meron, Miss Fran."


Umiling ako. "Wala po talaga, Kuya..."


"Pwede niyong sabihin, Miss Fran." Hindi ko inaasahang mangungulit nang ganito si Kuya Tarek sa akin. Hindi naman kasi siya palasalitang bato este tao.


"Nagseselos ako kay Valentina." Ayun nasabi ko na. Medyo lumuwag ang dibdib ko na nagsisikip na kanina.


Parang napaisip muna si Kuya Tarek bago nagsalita. "Matagal nang nandiyan si Miss Val, pero hindi naman nagbago ang kinatatayuan niya sa buhay ni Boss."


Pero inis pa rin ako lalo na at nahuli ko na sila noon. Ano ba talaga ang Valentina na iyon kay Jackson? Bakit feel na feel niya masyado ang panunukso ng emcee sa kanya kanina?


"Relax ka lang po, Miss Fran."


May humintong itim na van sa gilid ng sasakyan namin. Mula doon ay bumaba si Jackson at kumatok sa bintasa sa tabi ko. Binuksan ko siya ng pinto at sumakay agad siya patabi sa akin. Umalis na rin agad ang van.


"Let's go, Tarek," utos niya pagkuwa'y lumingon sa akin. "Okay ka lang?"


Tumango ako. "Nice performance."


Kitang-kita ko ang pamumula niya kahit pa medyo dim ang ilaw sa dito sa loob.


Umiwas siya ng tingin. "Kain muna tayo." May sinabi siyang resto kay Kuya Tarek at pagkatapos at sumandal siya sa balikat ko habang hawak ang isa kong kamay.


"Pagod ka?" Hinagod ko ang likuran niya.


Tumango siya. Nakapikit siya habang nakasandal sa akin.


Nagtatampo ako pero natutuwa na sa akin siya ngayon. Hinayaan ko siyang magpahinga dahil halatang pagod siya sa maghapon. Pagkarating namin sa restaurant ay magana siyang kumain, mukhang gutom na gutom. Nauna na si Tarek na umuwi, nag Grab ito dahil pinapauwi ni Ate Minda. Mukhang may LQ ang dalawa.


Naiwan kami ni Jackson sa mini garden ng restaurant pagkatapos naming kumain. Ako ang gumawa ng paraan para makauwi si Kuya Tarek. Okay naman kay Jackson na siya na ang magmaneho pauwi tutal nakapagpahinga naman na siya.


"Sobrang ganda ng boses mo." Nakatingala ako sa kanya habang magkaharap kami sa gilid ng fountain ng garden ng resto. Christmas lights lang ang ilaw sa gawing ito.


Ngumiti lang siya. Nakakatuwa talaga na palangiti na ngayon ang taong ito.


"Hindi ka nga dapat mayor. Magtayo ka kaya ng band?"


"Tapos na iyon." Ginusot niya na naman ang buhok ko. Nagiging hobby niya na ito, nakakainis kasi parang sa bata lang dapat ito ginagawa di ba?


"Kahit naman nasa politics ka na, hindi mo pa rin dapat talikuran ang mga bagay na gusto mo."


"Hindi naman kita tinatalikuran."


Nakagat ko ang aking labi dahil ayaw kong ngumiti.


Pinisil niya ang baba ko. "Spend the night with me."


Umiwas ako ng tingin dahil nakakatupok na naman ang mga mata niya na kasing itim ng gabi.


Mayamaya ay mahina akong nagsalita. "Hindi ba nababawasan iyong nararamdaman mo sa akin sa paglipas ng mga araw?"


"No."


"Talaga..."


"Actually I fell for you a little bit more every day."


Tumingin ako sa kanya. "Sige."


"What?" Kumunot ang noo niya.


"Sige magpakasal na tayong dalawa."


Matagal siyang nakatitig lang sa akin habang nakaawang ang kanyang mapulang mga labi. Mayamaya lang ay ngumiti siya. Hinawakan niya ang kamay ko. "The big girl is going to be my wife hmn..."


Nag-iinit ang pisnging yumuko ako. "Jackson, I love you..."


"That's the best thing I've heard from you." Hinila niya na ako papunta sa parking lot kung nasaan nakapark ang kanyang kotse.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz