Chapter 32
WHAT A BEAUTIFUL DAY IT IS. Panibagong araw, panibagong bulaklak, chocolates at ngayon may tatlong pirasong malaking red heart-shaped balloons. Ngiting-ngiti ako habang hinahaplos ang mga balloons. Katulong ko si Ate Minda na magdala ng mga ito sa sala. Sa sobrang busy ko ay hindi ko napansing nasa di kalayuan pala si Mrs. Cruz at seryosong nakatingin sa akin. Mayamaya ay umalis din naman ito at naging busy na sa lumang model nitong telepono.
"So do you like the gifts?" Hapon nang tumawag si Jackson sa messenger. Yes, sa FB messenger at pa-VC kami.
I opened my cam for him to see me. Hindi siya sa akin nakatingin dahil may kung anong mga papeles siyang binabasa at mukhang itinayo niya lang kung saang parte ng table niya ang kanyang phone.
"I like them."
He grinned. "I like you, too."
Umiinit ang pisngi ko nang bigla siyang tumingin sa screen. Huling-huli niya ang pagka off guard ko.
"A-anong oras ka pala uuwi?" pag-iiba ko. Hindi niya ako sinundo ngayon sa school dahil napaaga ang uwi ko at siya naman ay OT sa munisipyo.
"Mamaya," tipid na sagot niya.
"Oras na pala ngayon ang mamaya."
Tumingin ulit siya sa cam. "I'll try to be home as early as I can."
"Baka may daanan ka pang iba. Uwi agad..."
"Ay possessive ni Ganda!" Si Ate Minda na nasa tabi ko at nag-aayos ng mga bulaklak sa vase. Puno na ng vase ang mansiyon dahil nga sa araw-araw akong may dozen of roses from Jackson.
"Who's that?" Kumunot ang noo ni Jackson.
"Si Ate Minda." Pasimple kong siniko ang babae para manahimik ito pero dumaldal pa rin.
"Ako lang 'to, Sir! Inaalagaan kong mabuti ang bebe mo, don't worry."
"What are you doing right now?" sa halip ay tanong niya sa akin kaysa pansinin ang sinabi ni Ate Minda sa kanya.
"Inaayos lang iyong flowers tapos nagku-kuwentuhan lang kami ni Ate Minda."
"About?" Ang mga mata niya ay nasa hawak-hawak niya na namang mga papel.
"Sa mga bagay-bagay lang..."
"Like?"
"Kung anu-ano... Ganoon. Ayon."
Tamad na tumingin siya sa akin. "I could goddamn relate."
Napalabi ako. "Hindi ko pwedeng ikwento masyado marami at mahaba."
"I'm all ears here."
"Habang nagbabasa ng papers? Kaya mo iyong pagsabayin? Magtrabaho ka muna diyan, kwento ko na lang sa 'yo 'pag may time." Kusang nanghaba ang nguso ko.
Hindi na siya nagsalita. Ipinatong ko sa center table sa sala ang phone ko pasandal sa vase para nakikita ko pa rin siya at nakikita niya pa rin ako. Hindi ko na muna siya aabalahin para makatapos na siya sa ginagawa at makauwi na, baka kasi mamaya ay puntahan pa siya ni Valentina at yayaing magdinner.
"Ate Minds, saan na nga pala iyong kwento mo?" Lingon ko sa aking katabi.
"So ayun nga, Ganda, maraming galit sa akin noon. Halos lahat ng kaklase ko, ayaw sa akin kasi iyong mga crush nila, ako ang gusto. Pati nga kabilang section, padaan-daan sa room namen dahil nasilay sa akin! 'Tapos kung tratuhin ako ni Tarek parang hangin lang? Hindi niya ba alam na dalawa iyong hiniwalayan ko para lang makapagfocus ako sa kanya? Tapos gaganituhin niya lang ako? Treat me like I'm nothing?! Baket, 'Day? Dahil nakahalik na siya sa aking ungas siya?!"
Nagpatuloy sa pagku-kuwento si Ate Minda tungkol sa mga escapades niya mula noong high school siya at mga iba pa niyang hinanaing sa buhay magpasa hanggang ngayon. Natatawa ako, minsan napapa-sad face, depende sa scene na naiimagine ko sa kwento niya.
Nagbreak lang sa pagku-kuwento si Ate Minda nang maihi siya. Nagpaalam siyang iihi kaya naiwan akong mag-isa kaharap ang phone ko.
"You're cute."
"Ha?" Napatingin ako sa screen ng phone ko. Kanina pa ba siya nakatingin sa akin?
"You're making faces while Minda's talking."
Napakamot ako sa pisngi. "Sorry di na kita naalala, nag-enjoy na ako kakakwento ni Ate Minda."
"Yeah I can see that. Hulog na hulog ka sa kwentuhan niyo and you forgot about me. Not that I'm complaining. I enjoyed watching your reactions though."
Nakagat ko ang ibaba kong labi.
Nag-iwas na ng tingin si Jackson sa screen. "My battery is going dead and I forgot my charger in the car."
"Okay lang pauwi ka na rin naman. See you na lang rito—" Hindi ko na natapos ang pagsasalita nang mawala na siya. Deadbat na nga yata.
Ate Minda came back after a few minutes. "Saan na nga ba tayo, Ganda? Doons a ex kong sikyu pala, ano nga bang naging dahilan ng break up namin? Ah, iyong kumpare niya kasi nafall sa akin e ayoko namang masira ang friendship nila kaya—"
"Pumasok ka muna sa kitchen, Minda." Biglang dating ni Mrs. Cruz.
"Ay, bakit Mrs. Cruz? Nagsaing naman na si Fiona," tukoy niya sa cook ng mansiyon. "Tapos na rin ho ako sa trabaho ko—"
"Sinabi nang pumasok ka muna sa kitchen at wag kang aalis doon." Tumingin sa akin si Mrs. Cruz. "Mamaya ka na umakyat sa kuwarto mo, Frantiska."
Nagtataka man ay sumunod kami ni Ate Minda sa utos ni Mrs. Cruz. Saka gusto ko ring hintaying umuwi si Jackson. Nasasanay na naman kasi ulit ako na nakakasabay ko iyon sa breakfast at dinner. Parang hindi na kompleto ang araw nang hindi ko siya nakakasabay kumain.
Hindi ko napansing nangingiti na pala ako kung hindi lang tumikhim si Mrs. Cruz. Tinalikuran ako nito nang walang pasabi. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpalakad-lakad sa sala. Pabalik na sana ako sa sofa nang biglang bumukas ang main door.
"Vice!" Gulat na napaatras ako nang pumasok ang naka-amerikanang matanda na salubong ang makakapal na kilay.
"Where is he?"
Napayuko dahil sa kaba na ibinibigay ng matatalim nitong tingin. "Nasa munisipyo pa po..."
Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko na ikinawindang ko. Parang naalog ang utak ko sa lakas niyon.
"Nahihiya ka pa ba?" singhal niya sa akin. "May hiya ka pa ba?!" Dinuro niya ako sa noo.
Dumaan si Mrs. Cruz sa tabi namin na bigla na lang sumulpot. "Gusto niyo ho ba ng kape, Vice?"
Hindi siya pinansin ni Vice na galit na galit ngayon sa akin at parang gusto na akong tirisin. Walang imik na umalis na si Mrs. Cruz matapos akong tapunan ng blangkong tingin.
"Akala niyo hindi ko malalaman ang mga kawalanghiyaan niyo sa bahay na ito? Akala niyo hindi makakarating sa akin?!" Lumalagutok ang baston niya sa sahig. "And what's next, huh? Anong sunod mong target? Ikaw naman ang pakasalan niya?! Nangangarap kang maging first lady ng Quezon City o ng buong Pilipinas kapag naging presidente siya? Ang kapal ng mukha mo!"
Hindi ako makasagot sa pagkabigla at takot.
"Ahas ka na pinakain ko sa palad ko pero sa huli, tinuklaw mo ako!" Akma niya akong hahampasin ng baston nang may tumikhim—si Mrs. Cruz ulit.
"Pauwi na raw ho si Jackson sabi sa munisipyo," walang emosyong wika nito. May hawak na itong wireless telephone.
Ibinaba ni Vice ang baston at may dinukot sa loob ng pantalon. Nang ilabaw nito ang kung anong kumikinang na bagay ay nanlaki ang aking mga mata. Isinuot niya iyon sa kanyang kamay at madilim ang mukhang naghintay sa may pinto.
"Vice..." nanginginig na tawag ko.
"Hintayin natin ang gagong iyon." Nagtatagis ang mga ngipin nito habang hinihimas ang suot na asero.
Kalahating minuto ang lumipas pero hindi pa rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Sabog ang isip ko sa takot habang palakad-lakad sa harapan ko si Vice at patingin-tingin sa main door ng mansiyon. Nang lingunin ko ang papunta sa kusina ay nakatayo doon ang walang kaemo-emosyong si Mrs. Cruz. Hawak nito ang susi ng kusina habang mula roon ay may kumakatok. Siguro nag-aalala si Ate Minda sa akin. Pero may magagawa ba ito? Baka madamay lang ito sa galit ng daddy ni Jackson.
Nang marinig ko ang pagbukas ng gate sa labas at busina ng kotseng dumating ay tuluyan na akong napaiyak.
"YOU SON OF A BITCH!"
Napabiling ang mukha ni Jackson ng salubungin siya ng suntok ni Vice pagkapasok na pagkapasok niya.
"You think I wouldn't know?!" Dinuro siya nito.
"And you think I care kahit malaman mo?" Balewalang idinura ni Jackson sa marmol na sahig ang naipong dugo sa kanyang bibig. Pati ang ilong niya ay may dugo rin na basta na lang niyang pinunasan ng kanyang kamay.
Pagewang na umayos ng tayo si Jackson nang mapatingin siya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. "What did you do to her?!" parang kulog ang boses na baling niya sa ama. Hindi pa siya nakuntento, sinugod niya ito at akmang ku-kwelyuhan nang suntukin siya nitong muli.
Sadsad siya sa sofa habang sargo ang dugo sa bibig. Akmang susuntukin ulit si Vice nang mapahawak ito sa sariling dibdib. Tila biglang nanikip ang paghinga ng matanda.
Natigilan si Jackson nang makitang hirap makahinga ang ama. "What's happening?"
Humihingal na idinuro ni Vice ang baston sa akin. "Ang babaeng iyan... Ang babang iyan ang sisira sa atin!"
"You leave her out of this. Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa 'yo wag mong pakikialaman si Frantiska!"
Mapait na ngumisi si Vice kahit pagewang na ang pagkakatayo. "Handa kang masira para sa kanya?"
Tumingin sa akin si Jackson.
"Ano bang nagawa niya sa buhay mo? Wala ni isa! Samantalang ako, pinag-aral kita, binihisan kita, pinalamon kita! Ako ang kadugo mo pero mas pinipili mo ang babaeng 'yan!"
"Shut up, old man."
Pumalatak ito. "Really, son, what did you see in her?!"
"She is everything to me." His deep cold eyes never leaving mine. Ni wala siyang paki sa kalagayan ng ama.
Napahikbi ako nang magsimula siyang humakbang palapit sa akin.
"You're just smitten, my boy," patuyang ani Vice sa hirap na tinig. "Magsasawa ka rin. Iwasan mong magpundar nang masyadong malalim dahil baka kapag ayaw mo na, hindi mo na magawa pang makaahon."
Jackson clenched his jaw, his eyes going dark as he took a step forward.
"Listen to your father, you dimwit!"
"Like hell I would."
Nang nasa harapan ko na siya ay saka palang lumamlam ang mga mata niyang kanina'y nagbabaga. His big hands cupped my face as he tilted my head slightly. "'You okay?"
"Oo," I replied immediately, feeling my heart skip a beat. Lahat ng takot ko kanina, nawala kasi nasa harapan ko na siya.
"I promise this won't happen again." Hinaplos niya ang buhok ko saka tumingin sa nakabukas na pinto. "Tarek!"
Saglit lang ay nariyan na si Tarek.
"Bring that old man out of this house."
Napatingin ako sa nanlalaking mga mata ni Vice.
"Are you fucking with me?!" Gigil na nagpapalag ito ngunit hindi bumibitaw ang seryosong si Tarek. "Let me go you, piece of shit! Jackson, patigilin mo ang tauhan mo! You can't don't do this to your own father!"
Pakaladkad na hinila ni Tarek si Vice patungo sa main door ng mansiyon.
Jackson smiled a wry smile. "Hindi sa 'yo ang bahay na ito kundi kay Mom. Ipinamana niya ito sa akin, at hindi sa 'yo so I have all the rights to ban you from coming back here."
Nagpapasag si Vice. "Let me go! Kaya kong umalis mag-isa!"
Naalarma ang mga bodyguards ni Vice sa labas nang marinig ang panlalaban ng matanda. Saka lang ito binitawan Tarek nang sumenyas si Jackson.
Pinagpagan nito ang sarili saka matalim ang mga matang tumingin sa akin. "You'll regret this, little wench."
Biglang bumukas ang pinto sa kusina. Patakbong lumabas mula ron si Ate Minda bitbit ang maliit na basin na may lamang tubig, yelo at bimpo. "Gamutin mo iyong nguso ni Sir, Ganda."
"Thank you..."
Tumango siya. "Sige ha, basta tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka. Kahit pigilan ako ni thunderbird, sisikuhin ko panga niya. Lintek na matandang iyon, ilock ba naman ako sa loob kanina!"
"Kaya ko na, Ate, salamat... Kausapin ko lang rin po muna si Jackson."
"Siya sige. Ako nang bahala sa ibang katulong para hindi muna pumunta rito sa sala."
Pinuntahan ko si Jackson na nakaupo sa sofa at nakayuko. Tikom pa rin ang mga kamao niya nang tabihan ko siya. Inilapag ko sa mesa ang basin at kinuha ang bimpo na piniga para idampi sa gilid ng putok niyang labi. Itinaas ko ang ulo niya, hindi naman siya pumalag.
"Tama na, ha?" masuyong sabi ko habang idinadampi-dampi ang bimpo sa kanya. "Kalma na, ha?"
Wala siyang imik but I could feel his eyes on me.
"Sorry na ha..." Hindi ko maiwasang hindi humikbi. Hindi naman kasi siya magkakaganito kung hindi dahil sa akin.
Nagkabanggaan na naman sila ng ama niya, but this this is different dahil may kasamang sakitan. Kung tutuusin, kayang-kaya niyang labanan ang ama niya kung gugustuhin lang niya, pero hindi niya iyon gagawin. Magpipigil siya hanggat kaya niya, hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan niya iyon magagawa. Mahal niya ang daddy niya dahil wala itong inutos na sinuway niya, kahit pa nga labas sa kanyang loob, ginagawa pa rin niya ang mga utos nito at ngayon lang hindi—dahil sa akin.
Naiinis ako sa sarili ko kasi dahil sa akin nag-away sila ng daddy niya. Mahal niya ang daddy niya kahit pa napaka-istrikto ni Vice Salvo, at alam kong nahihirapan siya dahil naiipit siya sa akin at dito. At kung malalaman ni Jackson na sinaktan ako ng daddy niya, baka ikagalit niya iyon lalo. Hindi iyon pwedeng mangyari kaya hinayaan ko lang na magulo ang buhok ko, hinayaan ko lang na bahagyang tumabon ang ilang hibla sa kaliwa kong pisngi. Sana lang bukas ay maitago ko ng concealer ang magiging pasa ko dahil sa sampal ng daddy niya sa akin kanina.
"This won't happen again, doll..."
"Hindi na. Pinalayas mo na iyong daddy mo e..." Inilublob ko ulit ang bimpo sa basin at piniga ulit. Paulit-ulit. Kahit parang wala nang dugo sa gilid ng bibig niya ay paulit-ulit pa rin ako na parang sirang plaka.
"Are you mad because I did that to him?"
Umiling ako. "No. I'm not mad at you. I'm mad at myself because I'm the reason why you did that to your own father."
Hindi na siya nagsalita pa. Sumandal siya sa sofa at pumikit. Nagpatuloy naman ako sa pagdampi ng bimpo sa kanya habang pinagmamasdan siya. May pasa na sa gilid ng kanyang bibig, masakit siguro iyon.
Natigilan ako sa pagdadampi ng bimpo sa pisngi niya ng hawakan niya ang kamay ko. "This is also one of the reasons why..."
Napatingin ako sa mga mata niya na nakadilat na pala. My heart started to beat wildly when our eyes met.
"You're the only one who can do this to me, Fran."
Ibinaba niya ang bimpo at pinaglapat ang mga palad namin.
"You're the only person who can calm my rage..." he whispered, looking at me fiercely. "Ikaw lang ang may kaya nito."
Pumatak ang luha ko. "Ako rin ang magdadala sa 'yo sa kapahamakan dahil komplikasyon ako sa buhay mo."
Humigpit ang hawak niya sa akin. "I don't care."
"Tama naman si Vice... Kumplikado iyong—"
"I don't care if our situation is complicated."
"Wala ka rin bang pakialam kahit masira ka dahil sa akin?"
"Hmn," he nodded.
Pagak akong tumawa. "Hindi ko alam na nababaliw na ang mayor ng Quezon City..."
"If being crazy means sticking with you, then I'll let the world call me a mad man." Ngumisi siya. "I'd rather lose everything than lose you, you know."
"Siraulo ka na..."
He pulled me to him. Ako na ang napasandal this time sa sofa. Nang magdikit ang mga noo namin ay alam ko na ang kasunod. Ayoko, natatakot ako pero ayaw umatras at umiwas ng katawan ko.
"Sandali, Jackson..."
His eyes fell on my lips. "Fran..."
"Baka may makakita—"
"'You scared?" anas niya sa akin. Halos magdikit na rin ang mga labi namin. "Don't think of them, they don't matter..."
Napapikit ako nang unti-unti ko nang maramdaman ang mga labi niya sa akin. Walang pakialam kahit pa sino ang dumating at makakita sa amin.
"Fuck the world and just think of us." And then he fully claimed my lips... Napakapit na lang ako sa kanya nang kargahin niya ako paalis sa sofa.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz