Chapter 4
BOHOL
[ Are you serious, Baby Girl? Delikado 'yang pinapasok mo. Malaking gulo yan if it gets out! ]
I could Imagine Sari's reaction. Malamang lawit na ang litid niya sa kakasigaw. Kanina niya pa ako niraratrat ng sermon.
[ Paano kung diyan 'yan mamatay? E, di ikaw pa sisisihin ng family niya! ]
"Sari, please? You're not helping. Lalo lang akong nagpa-panic, e. At sabi naman ng doktor ay okay na si Don, kahit hindi pa rin siya nagigising—"
[ Aba'y gisingin mo para maka-sure tayo! ]
Napabuga ako ng hangin. Masama bang hilingin na sana ay ganyan na lamang muna si Donatello? Nang sa gayon ay mas makalapit ako sa kanya. Panigurado na kung sa Maynila siya na-ospital ay hanggang pinto lamang ako. Tamang silip dahil siguradong si Constance ang nakabantay sa kanya.
Mas inilapit ko pa ang aking mukha sa mukha ni Donatello. Malaya kong pinagmasdan ang matangos niyang ilong kung saan nakakabit ang oxygen mask. Payapa ang kanyang mukha, bagama't may mangilan-ngilang galos at pasa sa kanyang baba. Bukod doon ay wala na, gwapo pa rin siya.
Bago pa man tumawag si Sari, may galing na ritong dalawang babaeng nurse. Matapos makuha ang vital signs ng walang malay na si Donatello ay pinaalis ko na rin agad ang mga ito. Natatakot kasi ako na baka may makakilala sa kanya. Malamang kasi na sa mga oras na ito ay nasa news na siya as missing person.
Ngayon ay kaming dalawa na lang ulit dito sa private room na kinuha ni Sari. Since mayaman at makoneksyon din ang pamilya ni Sari, walang kahirap-hirap niya kaming natulungan ni Donatello.
Lahat ng records namin dito sa hospital na ito sa Bohol ay ipinagawa niyang confidential. Pinalitan din namin ang name ni Donatello na nakarehistro dito.
[ Baby Girl... alam mong nasa panig mo ko as always. Sa ngayon, hahayaan kita diyan sa kabaliwan mo. Alam mong malaking tao ang itinatago mo. I'm sure you know you can't keep him forever! ]
"Sari, I have another favor to ask you. Gusto kong makibalita sa mga Montemayor-Saavedra. Gusto kong malaman kung hinahanap na nila si Donatello ngayon. And about Constance, gusto ko ring malaman kung ano nang ginagawa ng babaeng iyon ngayon. You know, they are getting married na dapat this week."
Nag-check ako sa social media ni Constance. Hindi ko alam kung may alam na ba ang babae sa nangyayari. Sa latest post kasi nito ay may selfie ito sa bago nitong Louis Vuitton shoulder bag.
[ Baby Girl, bakit hindi na lang ikaw ang magtanong sa family ni Donatello? Magtataka kasi ang mga iyon kapag ako. Like hello? Sino ba ako? 'Di ko naman sila ka-close. ]
"I'm limiting my communications. Saka hindi ko naman sinabing ikaw mismo ang magtatanong. Use your father's connections in the business world, please? I am pretty sure makakasagap ka ng balita kahit from Donatello's parents."
Halos mag-iisang minuto rin bago ko narinig ang isa pang mas malalim na buntong-hininga ni Sari. Nakonsensya naman ako sa pagkadawit ni Sari sa kalokohan ko. Panandaliang kalokohan...
[ Fine. ]
"Thank you, Sari. I owe you so much." Mangiyak-ngiyak ako sa tuwa.
[ Talagang you owe me, big time. Sige na, mag-iingat ka. Please think this through, Baby Girl. Don't throw away your future para sa lalaking ikakasal na. Bye! ]
Aanhin ko ang "beautiful life" kung hindi rin naman si Donatello ang makakasama ko sa buhay? Muli akong bumaling sa kanya. Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. "Don... sa paggising mo, babalik ka na sa inyo. Ikakasal ka na sa babaeng ma-mahal mo... But for now, hayaan mo munang alagaan ka..."
Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay saka ko ipinatong ang aking noo roon. Nakaramdam ako ng matinding pagod.
Mula nang mangyari ang aksidente hanggang sa ihatid kami ni Donatello ng private chopper dito sa Bohol sa tulong ni Sari ay hindi ko na nagawang magpahinga. Ultimo idlip ay hindi ko tinangka sa pag-aakalang kahit anong oras ay baka bawian ng buhay si Donatello.
Ngayon ay ang ikalawang gabi namin dito sa ospital. Dapat ko na sigurong ipahinga ang katawan ko. Bukas, kung sakaling magising na si Donatello gaya ng sabi ng doktor, malamang ay marami siyang katanungan na ibabato sa akin.
Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Ang huling naramdaman ko ay ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa aking mata. Dahil na rin siguro sa matinding emosyon, takot na mawala si Donatello sa akin, at lungkot sa katotohanan na hindi naman talaga sa akin si Donatello.
HMMM... AMOY GAMOT... GAMOT?
Agad akong nagmulat ng mata saka bumalikwas ng bangon. Ramdam ko ang pag-ikot ng paligid. Nahihilo ako. Lalo akong nataranta nang malamang nasa hospital bed ako ni Donatello.
"Oh, shit! Bakit nasa kama ako? At nasaan si Donatello?!"
Muli akong tumingin sa paligid. Base sa init na tumatagos mula sa bintana sa gilid ko ay tanghali na. Masakit na sa balat ang init ng araw. At bakit bukas ang bintana ng kwarto?
"Donatello?" mahinang tawag ko.
Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Nag-uumpisa na rin akong maluha dahil sa pagbigat ng aking dibdib.
Siguro nagising na si Donatello at bumalik na sa Manila. Galit na galit siguro siya sa akin dahil nalaman niya nang itinago ko siya rito sa Bohol!
Oh my god, kasama niya na malamang si Constance ngayon sa Manila! Tuloy na tuloy na ang kasal nila at pagkatapos ng kasal ay saka niya ako ha-hunting-in para sumbatan kung bakit ko siya dinala rito at inilayo sa pamilya niya!
O baka naman nandirito pa rin pala si Donatello sa Bohol? Baka naman kaya wala na siya rito sa kwarto ay dahil lumala na ang kondisyon niya at inilipat siya sa ICU?!
Napasabunot ako sa aking buhok. "Pero bakit 'di ko alam? Bakit hindi ako ginising ng doktor?!"
Dali-dali akong bumaba ng kama.
"Bakit kasi ako nakatulog? Dapat hinintay ko si Don na magising! Ang tanga mo talaga, Roshey Illagan! Maganda ka lang talaga, pero tanga!"
Halos mangudngod na ang mukha ko sa pagmamadaling ayusin ang sapatos na nasa sahig. Bet ko ang boots, pero nagsisisi na ako na ito pa ang isinuot ko noong araw na iyon.
"Excuse me?" Isang malalim na boses mula sa aking likuran.
"Doc naman, bakit— D-Don?" Gulat na napatingala ako sa lalaking nalingunan ko.
He was still here! Wala siya sa Manila at mas lalong wala siya sa ICU! Si Donatello ang bumungad sa aking paningin. Naka-hospital gown pa siya. Nasa kanang kamay ang stand ng dextrose, habang sa kaliwa naman ay isang saklay na sumusuporta sa binti niya na may sugat at nababalutan ng bandage.
"P-paanong nakatayo ka na?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Just like that? Nakakatayo na siya? Si Superman ba ang lalaking ito? Halos dalawang araw siyang walang malay, at ngayon ay tila namasyal lang!
"Saan ka ba galing? Alam mo bang pinakaba mo ako? At bakit ako na ang nakahiga rito sa kama mo kanina imbes na ikaw?"
Seryoso siya habang nakatitig lang sa mukha ko. Oh, darn it! Mukhang galit siya. Galit siya sa akin!
Sinikap kong tatagan ang aking boses kahit pa naiiyak na ako sa takot. "Don, sana naman makinig ka muna sa explanation ko kung bakit ka nandito..."
Kumunot ang noo ni Donatello. "Who are you?"
Napakunot na rin ang noo ko. "Ha?" Pakunutan tayo ng noo. Balakajan!
"I said, who are you? Where am I and what happened to me?"
Nakailang kurap ako kay Donatello. "What are you saying? Wait, okay? I'll call your doctor."
Dali-dali kong pinindot ang emergency button sa tabi ng kama. 'Di rin nagtagal at isa-isa nang nagpasukan ang dalawang doktor na lalaki at isang nurse na babae. Gulat din ang mukha ng mga ito sa hitsura si Donatello.
Gwapo, 'no?
Nag-umpisa nang kilatisin ng doktor si Donatello. Tahimik lang akong nakamasid sa gilid. Maraming sinasabi ang doktor sa akin subalit walang pumapasok sa kukote ko. Naguguluhan ako. Bakit ganito ang reaksyon ni Donatello sa akin?
Nagsalita ang doktor tungkol sa kalagayan ni Donatello. "His lab results are fine. No brain swelling or blood clots. But, I am afraid that he has a temporary amnesia."
What?! Amnesia?!
"It may be caused by mild head trauma or emotional distress. We don't know when his memories will return. Pero hindi naman permanente ito, kaya 'wag kang mag-alala, Misis."
Hindi sigurado kung kailan babalik ang alaala ni Donatello?! Bakit hindi niya alam kung kailan?! Doktor siya pero hindi niya alam?! Anyway, bumawi naman siya nang tawagin niya akong 'Misis'. Ibig sabihin bagay talaga kami na maging mag-asawa ni Donatello.
Umalis na ang mga doktor na nag-iwan ng malaking question mark sa mga mukha namin ni Donatello.
Matinding katahimikan ang bumalot sa loob ng private room. Si Donatello ay nakaupo sa gilid ng kama, habang ako naman ay nakasandal sa bintana at malayang pinamamasdan ang likuran niya. Great booty talaga.
"So, you're my wife?" he said after a few minutes.
Nanindig ang mga balahibo ko sa braso. Bumukas sara ang bibig ko. Ano'ng sasabihin ko? Kung matinding kaba ang naramdaman ko nang dalhin ko si Donatello rito sa Bohol, triple o higit pa ang nararamdaman kong kaba sa ngayon.
Tumayo nang tuwid si Donatello subalit nanatili siyang nakatalikod sa akin. Hindi niya ginamit ang saklay niya. So, ano'ng pinapatunayan niya?
Napalunok ako nang sunud-sunod at biglang nauhaw. Paanong hindi? Hello? 'Di ba alam ng lalaking 'to na naka-hospital gown lang siya at walang suot na panloob? Biyak pa ang likuran ng kanyang gown. My two eyes could clearly see his muscular butt and thighs.
Bumaling siya sa akin. Pero dahil wala siyang saklay ay nawalan siya ng balanse. Agad akong nanakbo palapit sa kanya. Bago pa siya bumagsak ay nasalo ko na siya. Ang bigat!
Nagtama ang mga mata naming dalawa. Pag-aalala ang gumihit sa mga mata ko habang pagtataka naman ang kay Donatello. Matagal niya akong pinagmasdan. "Are you really my wife?"
Sana...
"Hey, I am asking you. Misis ang tawag sa 'yo ng doktor. Ako ba ang mister mo?"
Napalunok ako. Ano ba ang isasagot ko?
At sa aking pagkagulat ay kusang bumukas ang mga labi ko at sumagot sa tanong niya, "Oo, ako nga ang misis mo at ikaw ang mister ko."
Oh, shoot! Panibagong problema na naman ito!
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz