Chapter 5
WALA sana akong balak sagutin ang tanong ni Donatello, ang kaso, bida-bida ang bibig ko. Namalayan ko na lang na may salitang ng lumabas mula rito. And it was already too late for me take back what I said. Tumango-tango na siya habang seryoso. Tanggap niya na agad na asawa niya nga ako.
"What happened to me? Bakit ako nasa ospital?" tanong niya habang seryoso at masusing nakatingin sa akin.
Hindi naman ako makahinga. Feeling ko ay kaunting mali ko lang, sasakalin niya na ako. Wala na akong nagawa sa huli kundi pangatawanan ang nasabi sa kanya.
"Uhm, ano, honeymoon kasi natin. Magtse-check-in sana tayo sa isang hotel suite. Patawid tayo ng footbridge nang ma-holdup tayo. They took our things, mostly your things. Nanlaban ka sa kanila. You guys were fighting nang na-off step ka, na-out of balance, at gumulong pababa ng hagdan. Medyo masama iyong naging bagsak mo, kaya mga dalawang araw ka nang walang malay."
Pinilit kong huwag mautal sa pagkukuwento—pagsisinungaling. Shit, ang hirap! Lalo na at parang tumatagos sa kaluluwa ko ang mga titig niya. Hindi ko yata kaya!
"Uhm, I think you need to rest. Namumula na ang mga mata mo," sabi ko para makaiwas muna. I needed to breathe. Baka ako ang ma-ICU dahil sa kaba.
"But I wanna hear more." Ayaw niya pa talaga akong patakasin.
"Uhm, kailangan mo na kasing magpahinga. Paggising mo, ikukuwento ko sa 'yo ang lahat. Promise 'yan, m-mahal..."
Mahal? Saan ko napulot iyon? Ah, baka sa puso ko.
"Hindi pa ako inaantok," daig pa ang spoiled brat na sagot ni Donatello.
"Sige na, matulog ka na. Ikaw rin, wala kang kiss..."
Muntik ko nang batukan ang sarili. Ano na naman iyon?! Bakit may kiss?!
Anyway, that was just a joke. Hindi naman siguro niya seseryosohin. Pa-cute akong ngumiti sa kanya, but my smile faded when I saw him staring at my lips.
Naging mainit ang titig ng magandang uri ng mga mata niya sa aking mga labi. Lumapit ang kanyang mukha sa akin at nalanghap ko ang mainit at mabango niyang hininga. Amoy dextrose. Hala! Maghahalikan ba kami?
Huminto siya at hindi na kumilos. Ako ba dapat ang lumapit? Siguro, kasi pilay siya, e. Come on, Roshey, pagkakataon mo nang madampian ng labi ni Donatello. Ayun, umasa na ako. Isasakripisyo ko na sa kanya ang mga labi ko.
Maliliit ang mga hakbang na ginawa ko palapit sa kanya. Pero hindi pa man ako nakakalapit, ibinagsak na ng damuho ang katawan niya sa kama saka tumalikod ng higa.
"Pakumot," maiksing utos niya sa akin.
"Magkumot ka mag-isa mo!" inis na sabi ko sabay labas ng kwarto.
Hindi ko ma-explain pero nakaramdam ako ng matinding hiya para sa sarili ko. Nag-init ang buong mukha ko. Paulit-ulit akong umiling sa pagbabakasakaling mabura sa isip ko ang kagagahang ginawa ko kanina.
"Grrrr!"
Padabog kong hinugot ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking pantalon. Kagabi ko pa pinag-iisipan kung tatawagan ko ba ang pamilya ko. Mukhang kailangan na talaga. They must be worried about me.
Sumandal ako sa pader at hinintay na sagutin ni Mommy ang phone niya. "Mom?"
[ Hello, Roshey? Hello? ] Boses ni Mommy. [ Anak, nasaan ka? Ilang araw ka nang hindi umuuwi. Uncontacted ka rin kaya pinapahanap ka na ngayon ng daddy mo sa mga tauhan natin! ]
Sanay sina Mommy na palagi akong wala sa amin. Mahilig kasi akong mag-travel. Bukod kasi sa pangso-stalk kay Donatello ay paglalakwatsa sa ibang bansa ang pinagkakaabalahan ko. Pero bawat alis ko ay nagpapaalam ako sa kanila. Ngayon lang hindi.
"Mom, I'm fine. I'm sorry for not telling you sooner. But, believe me, I'm fine. Please, don't worry about me. Pakisabi rin kay Dad na ipahinto ang paghahanap sa akin. I'm really sorry for not updating you. Napasarap kasi ako sa pag-e-enjoy ko rito. You know, first time ko rito sa Africa."
[ Ano? Africa?! Nasa Africa ka? Kailan ka na naman uuwi?! ]
Napakamot ako ng ulo. "Ah... hindi muna ako uuwi, Mom. Ah, ano kasi... gusto ko pong maging vlogger."
Vlogger? Saan naman nanggaling 'yon?
Pinangatawanan ko na. "G-gusto ko sanang i-vlog 'yong magagandang lugar dito sa Pilipinas. He-he." Pinagkrus ko ang mga daliri ko sa kamay.
[ Pilipinas? I thought you're in Africa? ]
Argh! "Ah, I mean, pag-uwi ko, Mom, hindi ako dederetso diyan sa house. I'm gonna make libot pa the Philippines..." Nakokonsensiya ako sa pagsisinungaling pero wala akong choice ngayon. Sana lang ay mapatawad ako nina Mommy at ng guardian angel ko.
[ Sige anak, I'm happy na nabaling na ang attention mo sa ibang bagay. Do whatever you want, go wherever you want to go. Travel the world. Don't limit yourself. At sana makahanap ka na ng bagong lalaking mamahalin mo at mamahalin ka rin. ]
Alam ni Mommy ang tungkol sa feelings ko kay Donatello. Isa sa pinag-aalala niya ay dahil ikakasal na nga si Donatello sa ibang babae, iniisip niya na sobrang broken-hearted ako ngayon.
[ Mabuti rin na wala ka muna rito ngayon, Roshey. Magulo ang sitwasyon ngayon... ] Biglang lumungkot ang tono ni Mommy.
Natigilan ako. "Mom? Magulo? Bakit?"
Matagal bago nakasagot si Mommy. [ Dahil sa mga Saavedra, anak. Pero 'wag mo nang alalahanin iyon. Basta, mag-enjoy ka kung nasaan ka ngayon. Kung maaari din, 'wag ka munang mag-social media. Tumawag ka na lang sa akin kapag may oras ka. ]
Ayaw sabihin ni Mommy kung bakit nagkakagulo sa mga Saavedra. Pero alam ko na kung bakit, iyon ay dahil nawawala si Donatello. At ayaw ni Mommy na malaman ko iyon kaya inuutusan niya ako na 'wag munang mag-social media. Natatakot siya na baka mag-alalala ako para sa lalaki.
[ Saka mo na alamin, Roshey. Please, mag-enjoy ka na lang muna kung nasaan ka at— ]
"Okay, Mom!" putol ko sa pagsasalita niya. "Mom, I need to go na pala. Boarding na 'yong flight na sasakyan ko." Sabay pindot ko ng end call.
"Flight?"
Muntik na akong mapalundag nang magsalita si Donatello mula sa likuran ko.
"Flight?" he repeated.
"Ah... eh..." Teka, bakit sumunod siya sa akin? Akala ko ba matutulog na siya? Nagpakumot na nga siya kanina, di ba?
Salubong ang mga kilay ni Donatello nang magsalita ulit. "It's your mom, right? Bakit ka nagsisinungaling sa kanya?"
"Ano pa ang mga narinig mo?" kinakabahang tanong ko. Ang gwapo-gwapo, tsismoso! Argh!
"Just that part."
Napatikhim ako. "Ah... Ang alam kasi ni Mom na we're on our second part of the honeymoon going to Iceland. H-hindi ko pa rin kasi naipapaliwanag ang nangyari. Para lang hindi na siya mag-alala. You know, white lies. Okay na?" Sabay talikod ko sa kanya before pa niya mahalatang nanginginig ako sa kaba.
Pumasok ulit ako sa private room. Ramdam ko na may iika-ikang nakasunod sa akin. Bahala ka riyan, 'di mo 'ko kiniss. Hmp!
Dumeretso ako ng CR. Tumitig ako sa salamin at bahagyang sinuklay-suklay ang aking buhok gamit ang daliri. Mariin akong pumikit. Ano ba itong pinasok ko? Nagkakagulo na sila dahil sa pagkawala ni Donatello. Tama si Sari, I couldn't hide Donatello forever. Pero paano ko aayusin 'to? Saan ako magsisimula?
Natatakot akong magalit ang buong angkan ng Montemayor-Saavedra sa pamilya ko. Sumobra na yata talaga ako. Hindi na maganda ang kinahantungan ng pagmamahal ko kay Donatello.
Ibabalik ko na siya...
Nilabas ko ang aking phone na itinago. Nagbukas ako ng social media gamit ang isang dummy account na aking ginawa kanina. Nag-stalk ako sa account ni Constance. May bagong post ang babae. Two hours ago lang.
Photo na naka-sad face, nakapangalumbaba, pine-flex ang diamond ring na suot.
Ang caption: yourgirlcons: What happened to you, my darling? I miss you so much! Please, come back!
Kahit inis ako kay Constance ay hindi ko maiwasang hindi makonsensya. Siya ang tunay na nagmamay-ari kay Donatello at hindi ako. Siya dapat ang kasama ng lalaki. Siya dapat ang nag-aalaga rito hanggang sa gumaling ito. Hindi ako.
Nag-post ng bagong photo si Constance. 1 minute ago pa lang. Tiningnan ko iyon. Naka-pout ang mga labi niya sa photo habang nakahiga siya sa kama at katabi ang tatlong bagong bag. Ang isa ay LV, ang pangalawa ay Hermes, at ang pangatlo ay Gucci.
Ang caption: yourgirlcons: 3 is for ILY! #ConsBags #Collection #YourGirlCons #ItGirl
Pumintig ang ugat ko sa sentido. Was she for real? Her fiancé was missing and she was posting stupid things like these?!
Bumukas ang pinto ng CR. Naitago ko agad ang phone. Natagpuan ko si Donatello sa aking likuran. Kumabog ang dibdib ko nang mas lumapit siya sa akin. Matagal kong pinigil ang aking paghinga.
Nagulat ako nang bitiwan niya ang saklay na sumusuporta sa kanyang pagkakatayo. I gasped when he grabbed me by the waist. Nagdikit ang mga katawan namin. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. Ang mainit niyang hininga ay tumama sa aking balat.
"Galit ka ba?" bulong niya sa malambing na tono.
"Ha?" Gulat na gulat ako. Bakit ang lambing niya?! And why was he hugging me?!
Lalo niya akong niyakap. "Galit ka ba, mahal ko?"
Mahal ko... Tila nalusaw ang mga buto ng binti ko. Nanlambot ako, kaya mariin akong napakapit sa sink.
Damang-dama ko ang init ng katawan ni Don na nakalapat sa aking likod. Ang sarap sa pakiramdam... Ang sarap marinig ng salitang 'mahal' mula sa kanya...
"Mahal..." Inulit pa niya. Kainis!
Paulit-ulit? 'Di kaya mahal niya talaga ako?
"Y-you love me?" tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo ni Donatello. Tila may iniisip siya at pilit inaalala.
"Huy!" Kinalabit ko ang braso niyang nakapulupot pa rin sa baywang ko.
"Hmn?"
"Mahal mo ba ako, sabi ko."
"I don't know."
"You don't know?" Humarap ako sa kanya. At dahil hirap pa rin siyang tumayo nang mag-isa, sa sink siya napahawak dahilan para makulong ako sa mga matitipuno niyang braso.
"Wala akong natatandaan. Hindi ko alam kung ano'ng pangalan mo. Kaya gaya ng tawag mo sa 'kin na 'mahal,' 'mahal' na rin ang tinawag ko sa 'yo. Pero dahil mag-asawa tayo, siguro naman nagmamahalan tayo."
Napabuntong-hininga ako. Nakakalungkot na kung gaano kabilis sumibol ang pag-asa na baka mahal din ako ni Donatello ay ganoon din ito kabilis namatay dahil sa katotohanan na hindi naman talaga ako ang mahal niya.
"Tara na, bumalik ka na sa kama at magpahinga. Baka bukas payagan na tayo ng doktor na makalabas." At kung makalabas ka man bukas ay isasauli na kita sa totoong mahal mo.
Nang maisip ko 'yon ay may sumingaw na init sa mga mata ko at kirot sa dibdib ko. Pero iyon ang tamang gawin. Dapat lang na doon na siya sa tunay na mahal niya.
Inalalayan ko na si Donatello papuntang kama. Marahan siyang humiga. Hindi niya binitawan ang mga kamay ko. Impit akong napatili nang hatakin niya ko dahilan para mapahiga na rin ako sa kanyang tabi.
"Don—" –
"So, my name is Don? Don what?"
Shocks! Ito na naman siya. Anyway, ihahatid ko na rin naman siya sa kanila. So, what's the harm? Sasabihin ko na ang buo niyang pangalan.
"Don—"
"Im sorry..." bulong niya sabay halik sa noo ko.
Bigla akong nanigas sa ginawa niya.
Unang halik iyon ni Donatello sa akin! Kahit sabihin pa na sa noo lang 'yon, counted pa rin yon for me as first kiss naming dalawa.
"Bakit ka nagso-sorry?" sa wakas ay nasabi ko. Ako dapat ang mag-sorry sa aming dalawa.
"Dahil nasira ko ang honeymoon natin. Nagalit ka rin sa akin kanina nang hindi ko alam kung ano'ng dahilan."
"Hindi ako nagalit sa 'yo..."
"I promise you, mahal, paglabas natin dito sa ospital, babawi ako sa 'yo. Itutuloy natin ang honeymoon."
Ha?! Hindi lang mata kundi pati butas ng ilong ko ay nanlaki.
Naramdaman ko na marahan niya akong niyakap at isinandal sa kanyang dibdib. Gumanti na rin naman ako ng yakap. Ganito pala ang pakiramdam ng kayakap mo sa higaan ang isang Donatello Saavedra.
Lalo akong nakadama ng inggit kay Constance. Siya na siguro ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa. Hindi nagtagal ay napuno ng inis ang puso ko. That woman. Kung ako ang nasa kalagayan niya ngayon ay baka nababaliw na ako sa paghahanap kay Donatello. Pero siya? Nakukuha pang ngumiti katabi ang mga bagong bili na mamahaling bag!
Hindi deserve ng babaeng iyon si Donatello. Paano nakabili ng mamahaling bags iyon? Sa pagkakaalam ko ay wala siyang trabaho. Pagka-graduate ay hindi pa nagtrabaho kahit kailan. Ang ginagawa lang niya ay magliwaliw sa iba't ibang bansa gamit ang pera ni Donatello.
Dahil sa aking inis na nararamdaman ay nagbago na ang isip ko. Hindi ko na muna isasauli si Donatello. Mananatili na muna siya sa piling ko hangga't hindi pa bumabalik ang kanyang alaala.
Bahala na kung ano'ng maging resulta ng gagawin ko. Aalagaan ko siya nang mabuti. Ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal na hindi kayang pantayan ni Constance!
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz