Chapter 3
Fifteen years later...
MY GRIP on my phone tightened as I followed Donatello Saavedra.
Donatello was outside of a closed restaurant. He was leaning on his black Jaguar. All black ang suot niya, black pants, black shirt na pinapatungan ng black jacket. Naka-black cap din siya at black face mask. Sa paanan niya naman ay black low-cut Christian Louboutin Citycroc hiking boots. Ugh, he looked expensive!
Oh, man, sobrang perfect niya. Lalo na sa side-view, walang naitulong ang face mask at ang suot niyang cap para itago kung gaano siya kagandang lalaki. At wala ring naitutulong ang aking pagpipigil sa puso ko na tigilan na ang pag-aasam kay Donatello, dahil katulad ko, suwail at rebelde rin ang puso ko.
Pero last naman na ito, e. I promised that this was the last time I would stalk Donatello. After this, pipilitin ko na talagang lumimot at mag-move on.
[ Hoy, Roshey? Diyan ka pa ba? ] pukaw ni Sari sa akin. Muntik ko na siyang makalimutan. Kausap ko nga pala siya sa phone.
"Yup, Sari. I'm still here."
[ Oh, my! It's been ten years since the last time. I miss you so much! ]
Sampung taon nang wala si Sari sa bansa. At labinlimang taon na rin akong baliw pa rin kay Donatello Saavedra. Iyong sinasabi ni Donatello na puppy love lang na nararamdaman ko noon ay dinasaur love na ngayon. Ganoon na kalala. Iyong sa sobrang pagmamahal ko, okay na sa akin na hayaan siya kung saan siya masaya.
More than fiftteen years ko na siyang minamahal, at more than fifteen years na ring si Constance lang ang nagmamay-ari sa kanya. Oo hanggang ngayon, sila pa rin ng bruhang iyon.
Talaga nga namang lumunok ng maswerteng bato si Constance dahil napaibig niya nang bongga ang lalaking kaisa-isahang minahal ko—of course maliban sa kuya at daddy ko.
I had been waiting for fifteen years for him to notice me, pero hindi talaga ako umubra sa kanya. Akala ko nga noong graduation niya ng college ay magkakahiwalay na sila ni Constance, pero hindi iyon ang nangyari.
Mas lalo pang nagkalapit sina Donatello at Constance sa paglipas ng mga taon. Hindi na talaga siya pinakawalan ni Constance. Nag-drama ang bruhang iyon noon, na kesyo wala na raw itong pang-aral, kaya naman isinama ito ni Donatello sa Manila. Kinuhanan ito ng sariling condo, kaya lang ay malandi at ang gusto ay sa mismong condo ni Donatello tumira.
Habang pinapaaral ni Donatello si Constance ay madalas magpunta ang babae sa condo niya. Halos magsama na sila. Halos mag-live in na. Ang sakit. Ang sakit-sakit!
Buong buhay kong sinayang ang ganda at talino ko sa paghahabol kay Donatello, samantalang wala siyang ibang nakikita kundi si Constance lang. Nabulag na siya masyado sa pagiging knight in shining armor niya sa babaeng iyon. At ngayon, kailangan ko na talagang tanggapin na talo na ako. Talo na ako dahil ang lalaking mahal ko, ikakasal na.
Ikakasal na silang dalawa... Game over na.
[ Huy, Baby Girl, I said I miss you!I'm so very excited to see you again! ]
"Ako ba talaga ang excited kang makita ulit or si Kuya?"
Nasa Los Angeles si Sari pero pauwi na ng bansa. Nag-migrate sila after ng graduation namin noong high school. Single pa rin siya at tuwing nagkakausap kami through calls, chat, or Facetime ay hindi pa rin siya nakakalimot na kumustahin ang kuya ko. Single pa rin naman ang kuya ko hanggang ngayon.
Narinig ko ang paghagikhik niya sa kabilang line. [ Both! 'Wag ka nang magtampo. Sorry na, medyo miss ko na talaga ang kuya mo. ]
"Whatever. Sige na, later ka na ulit tumawag. May ginagawa ako."
[ Malamang may kinalaman na naman kay ano 'yang ginagawa mo. ] Sa loob ng ilang taon ay nagsawa na rin si Sari sa usapin about Donatello. Tutol na siya sa lalaki dahil sinasayang ko lang daw ang oras ko para dito—which was true.
Sayang na sayang na talaga ang oras ko kay Donatello. Ngayon ko na-realize iyon dahil nga sa game over na. Handa na akong bumitiw ngayon at harapin ang buhay ko.
Last na itong pagiging pathetic ko. Biruin mo, sa ilang taong pagiging stalker ko kay Donatello, naging hustler na ako. Noon, nahuhuli niya pa ako at pinapagalitan kapag sinusundan ko siya, pero ngayon, hindi niya na ramdam na sinusundan ko siya. Masyado na talaga akong magaling. Kung may award lang sa pagiging stalker, baka hakot award ako.
Nakita kong nagsuot ng wireless headset si Donatello. May kausap siya sa kabilang line at seryosong-seryoso siya. Siguro si Constance na naman ang kausap niya.
"Sari, please? Later na tayo mag-usap," paalam ko kay Sari nang makitang sumakay na sa Jaguar si Donatello. Maya-maya ay umandar na ang sasakyan.
[ Hmp! Si Donatello na naman ba? Baby Girl naman, anong taon na, o? Please, move on na! I want you to finally be happy! ]
"Kung makapagsalita ka parang moved on ka na sa kuya ko, ah? Fifteen years ka na rin namang deads na deads kay Kuya, ah!"
[ We're not the same, uy! I survived here in LA na walang Rome sa buhay ko. Marami akong naging flings, nagpaligaw rin ako, nagkaroon ng MU at ka-LQ. I enjoyed every single moment of being a single lady! ]
Here we go again. Napangiwi ako.
[ At ngayong pauwi ako ng Pinas, I'm gonna try my luck with your Kuya Rome. Para anuman ang mangyari, at least nag-try pa rin ako, 'di ba? Wala namang masama roon since we are both single. E, si Donatello? Mula pa noon, sila na ni Constance. Dapat noon pa lang, isinuko mo na siya, Baby Girl. Sa tagal n'ong dalawang iyon, for sure, hindi na maghihiwalay iyon. ]
I knew that. Kaya nga pinagbibigyan ko na lang ang sarili ko for the last time.
"Bye, Sari." Pinatay ko na ang phone saka ko pinasibad ang nirentahan kong tinted Toyota Vios. Sa pagiging stalker, dapat talaga paiba-iba ang gamit na car. Hindi ko pwedeng gamitin iyong mga sasakyan ko dahil malamang sa malamang, kabisado na iyon lahat ni Donatello.
Sa pagsunod ko sa Jaguar ay napapakunot-noo ako. Pumasok si Donatello sa Shangri-La Mall at nag-park sa parking lot. Nakapagtataka dahil bumaba siya ng sasakyan at naglakad paalis ng mall. Saan kaya siya pupunta?
Of course, nakasunod ako. Bumaba rin ako ng kotse matapos kong mag-park. Pasimple ko siyang sinundan. Hindi niya ako makikilala dahil nakawig ako, itim na itim na maiksing buhok na may bangs. Naka-shades din ako at maluwag na Korean style long blouse.
"Where the hell is he going?" Ngalay na ang mga binti ko sa pagsunod sa kanya.
Umakyat si Donatello sa MRT. Nakipila siya sa kumpulan ng mga nakapilang pasahero. Nagtataka man ay nakasunod pa rin ako sa kanya. Ano'ng gagawin niya rito sa MRT Station? Magdyo-joyride?
Ah, baka nasa bachelor bucketlist niya ang ma-experience sumakay ng MRT bago man lang siya mamatay—este ikasal.
So ayun, nakipila na rin ako. Ilang segundo lang sa pagpila ko ay may namataan ako mula sa unahan.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang isang lalaking naka-Adamson school uniform. Iba ang hairstyle ng lalaki ngayon, but I couldn't be wrong. It was Donatello's youngest brother, Pocholo Saavedra!
Ano'ng ginagawa ni Po rito?! Kilala ko siya dahil kilala ko lahat sa angkan ng mga Montemayor-Saavedra. Lalo na ang mga kapatid ni Donatello.
At alam kong matagal nang grumaduate si Pocholo sa ibang bansa, kaya bakit naka-uniform siya rito ng pang-Adamson? At naka-glasses pa para magmukha talagang student.
Nagpantay ang pila. Dumaan si Donatello sa harapan ni Pocholo, pero hindi man lang nagpansinan ang dalawa. Parang hindi sila magkakilala kung um-acting sila. Really? What the hell was happening?
Hinanap ko muli si Donatello, pero wala na siya. Bigla siyang nawala sa paningin ko. Napakabilis ng pangyayari at kahit saan ako tumingin ay wala talaga siya.
Darn it!
"May bomba!" biglang may sumigaw sa left side ko.
"What?" natatanga kong tanong sa mga taong bigla na lang nagkagulo.
Nang tingnan ko si Pocholo ay wala na siyang suot na glasses at nananakbo na siya hawak ang isang baril. "Don't panic! Don't panic!" sigaw niya habang hinahawi ang mga taong nagkakagulo.
Windang na windang ako sa nangyayari lalo nang makarinig ako ng pagsabog. Umuga ang sahig at napuno ng usok ang paligid.
"I—I need to go..." wala sa sariling sambit ko.
I needed to be safe. I needed to get out of here! But how about Donatello? Nasaan na ba siya? Baka kung ano nang nangyari sa kanya!
Namalayan ko na lang na imbes paalis at patakas ang aking mga hakbang ay papasok na ako sa kaloob-looban ng station. Kumikislap-kislap na ang mga ilaw sa loob at nagkakagulo na ang mga tao. Nababangga na nila ako pero wala akong pakialam. I had to find Donatello.
Sa pagsisiksikan ng mga tao ay nagitgit ako sa pader. Kandaubo ako at maluha-luha dahil sa usok. Hindi na ako makahinga. Naghanap ako ng lugar na masisilungan, hanggang sa nakita ko ang isang pintong nakabukas. Agad akong pumasok sa pinto at isinara agad iyon.
Mausok sa loob ng kuwarto, subalit hindi kasing usok ng sa labas. Wasak na ang mga dingding at kisame rito. Walang mga taong nagkakagulo rito. Safe na ba ako rito?
"Agh..."
"W-who's that?" Gulat na napalingon ako sa gumuhong mga plywood, kahoy, at ilang bakal galing sa kisame. May kasama ako rito?!
Nakarinig muli ako ng ungol ng isang lalaki na tila nahihirapan. Kinakabahan man ay nilapitan ko ang patong-patong na mga plywood at bakal. Isang lalaking nakadapa at duguan ang aking nakita. Aatras na sana ako kung hindi ko lang nakita ang suot niyang hikaw sa kaliwang tainga. It was a round diamond earring and alam ko kung sino ang may-ari niyon!
"OMG, Donatello!" gulat na bulalas ko.
Hindi na siya gumagalaw. Nagpa-panic na pinilit kong alisin ang mga nakadagan sa kanya. Hindi naman mabibigat kaya nagawa kong alisin ang mga iyon. Hinila ko siya kahit ang bigat-bigat niya. Muntik na akong mapatili ulit nang makitang may tama siya ng baril sa binti.
"No, no! You can't die here!" Tumutulo ang luhang pinilit ko siyang itayo.
Nang magdilat siya ng mga mata ay nabuhayan ako ng loob.
"Don, we need to get out of here. Do you hear me?"
Nakatingin lang siya sa akin habang umaagos ang dugo niya sa ulo. Mas nagimbal ako nang makitang may bomba sa pader na malapit sa amin.
This place was not safe for us!
I needed to find an exit ASAP! Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Thank goodness at may isang nakabukas na pinto sa pinakadulo. Mula sa aking pwesto ay nakikita kong labas na iyon ng station. Kung makakarating kami roon ni Donatello ay ligtas na kami.
Isinampay ko ang braso niya sa aking balikat. Kandahirap man ay pinilit ko siyang palakarin papunta sa labasan. Malapit na kami nang bigla namang bumukas ang pintong pinasukan ko kanina.
Isang lalaking kasintangkad ni Donatello ang dumating. Duguan din ang lalaki at mukhang dito lang din napadpad.
"Miss, okay lang ba kayo?!" Lumapit siya sa amin at tinulungan ako.
"T-thanks..."
"Tara, ilabas na natin siya." Siya na ang halos humila kay Donatello papunta sa nakabukas na pintuan. Nang malapit na kami ay biglang gumuho ang natitirang bahagi ng kisame.
"Watch out!" sigaw niya sabay tulak sa amin ni Donatello sanhi para siya ang mabagsakan ng malaking bakal na mula sa itaas.
My eyes widened in shock and fear. "Oh my god, Mister!" hiyaw ko nang makitang hindi na gumagalaw ang lalaki. Nakahandusay na ito at ang bakal na mula sa itaas ay nakatarak sa mismong tiyan nito. Binitiwan ko sandali si Donatello at lakas loob na nilapitan ang lalaking tumulong sa amin. Napasigaw ako sa takot nang malamang hindi na ito humihinga. Dilat na rin ang mga mata.
"Oh, god..." Napahagulhol ako. "Oh, god..."
He was dead. He was already dead. Iyak ako nang iyak sa takot at awa sa lalaki. Biglang umuga ulit ang paligid. Gusto ko man itong isama sa pag-alis pero hindi ko sila kayang dalawa ni Donatello.
"Mister, I'm so sorry. Hindi kita kayang isama. Iiwan ka na namin at sana maintindihan mo na we need to survive." Para akong tanga na kumakausap ng patay habang umiiyak.
Nakokonsensiya ako at naaawa sa bangkay, but this place was not stable anymore. Baka mapahamak din kami kapag nag-stay pa kami nang ilang minuto pa.
Nilapitan ko si Donatello at tinanggal ang suot niyang diamond na hikaw para ilagay sa lalaking namatay. Wala akong maisip na paraan kung paano magpapasalamat dahil sa pagsagip nito sa amin.
"Mister, please accept this diamond as our token of gratitude. I know hindi mo na magagamit iyan sa afterlife, but at least may something man lang kami na mabigay sa 'yo. I promise, I will pray for your soul."
Kumikinang-kinang pa ang diamond earring sa tainga ng patay na lalaki. Alam kong kagagahan ang ginawa ko, pero hindi lang talaga ako sanay na hindi nagbabayad ng utang na loob sa mga taong tumulong sa akin. Habambuhay akong makokonsensya at aalalahanin ang lalaking ito. May he rest in eternal peace.
Napaurong ako nang yumanig na naman ang sahig at magsimulang maglaglagan ang mga debris mula sa itaas. Mabilis akong tumayo at binalikan si Donatello. "We need to go!"
Totoo nga ang sinasabing adrenalin rush, sa takot ko ay nahila ko si Donatello palabas ng pinto. Saktong paghagis namin sa labas ay ang pagsabog ng kwartong pinanggalingan namin.
Oh, god... Muntik na muntik na!
Lumubog ako sa tila mga basang styro. Kahit mabaho ang paligid ay hindi ko magawang magreklamo dahil buhay ako—buhay kami ni Donatello.
I looked at him. "Hey, tough man, I know you can survive this. I promise you, you'll survive this. Just please hold on..."
Umuuga ang kinalalagyan namin. Madilim ang paligid at ang tagal pa bago ko na-realize na nasa likod pala kami ng truck ng basura. Parang lumindol ang lupa dahil sa sumunod na pagsabog at napakaingay pa ng paligid, kaya siguro hindi napansin ng driver na may bumagsak na dalawang tao rito sa likod ng truck.
Maingay sa labas, kabi-kabila ang mga umaalingawngaw na serena ng bombero, ambulansya, at alarm ng mga police patrol.
Kahit nanghihina ay sinikap kong makalapit kay Donatello na wala pa ring malay habang nakahandusay sa ibabaw ng mga plastic ng basura. "Don..."
Umungol siya subalit hindi dumilat.
"Please don't die on me..." Pinunit ko ang laylayan ng t-shirt ko at itinali sa sugat niya sa binti. Hinigpitan ko ang pagkakatali para maampat kahit paano ang pagdurugo. Daplis lang pala ang sugat, walang bala sa loob.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Please, don't die. I need you..."
What happened today just made me realized one thing... at iyon ay hindi pa pala ako ready na isuko ang lalaking ito. Hindi ngayon, hindi bukas... or kahit kailan.
Sinikap kong bumangon at kinapa ang bulsa ng suot kong jacket. Good thing dahil may zipper ang bulsa ng jacket ko, my phone was safe inside. Kinuha ko ang phone at tinawagan ang isang contact.
"Hello, Sari? I need your help."
Tiningnan ko si Donatello na bahagyang gumalaw. Hindi pa naman siguro siya mauubusan ng dugo.
"Can you lend me the key to your rest house in Bohol? Pwede mo rin ba akong ipasundo sa chopper ng dad mo? As in now? Magpasama ka na rin ng medic. I will message you the location."
Napangiti ako sa narinig na sagot ni Sari pagkatapos.
"Oh, thank you! You really are my best friend, Sari!"
Alam talaga ng best friend ko kapag nasa alanganin ako, hindi siya nagtatanong bagkus ay ginagawa na lang ang hinihingi kong favor. But, I was pretty sure na after nito ay saka niya ako papaliguan ng tanong. Saka ko na lang iisipin ang isasagot sa kanya.
Sa ngayon ay kailangan kong makaalis with Donatello. I needed a place for us kung saan walang makakahanap muna sa amin for the mean time.
"Also, can you keep this a secret? Especially to my parents and brother. I promise to explain everything first thing tomorrow."
Nang patayin ko na ang phone ay saka ko ulit hinarap si Donatello. Inabot ko siya para haplusin ang kanyang pisngi. I'm keeping you for the mean time, Don.
Baka lang kapag ako palagi ang makikita niya, ma-realize niya ring hindi si Constance kundi ako talaga ang para sa kanya. Kung hindi man mangyari iyon, e di hindi. Saka na ako magmo-move on.
But for now, I would try my luck... for the last time.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz