ZingTruyen.Xyz

Marked

Chapter 2

JFstories


"AKALA KO BA MAY LAKAD KA WITH YOUR FRIEND?"

Nagkibit-balikat ako kay Romeo Illagan, my father. Patingin-tingin siya sa akin habang nagda-drive. Ako ay nasa may passenger seat sa tabi niya.

It was a Sunday, at kanina pa nagtataka si Daddy kung bakit mas pinili kong sumama sa kanya sa pagpunta niya sa Hacienda Montemayor kaysa sumama sa kaibigan kong si Sari sa mall.

"Okay," sabi ko. "Gusto ko kasing makita ulit iyong Dorcas Garden inside the villa of the Montemayors, Dad. I was amazed the last time I saw it. Ang gaganda ng mga tanim, especially the roses. Magbi-birthday na si Mommy, 'di ba? Gusto kong magka-idea kung anong mga halaman ang idadagdag ko sa mini garden niya."

Mukhang convinced naman si Dad sa reason ko. Talaga naman kasing napakaganda ng malaking garden sa loob ng Villa Montemayor. Ipinangalan ang hardin na iyon sa lola ng daddy ni Donatello. Parang mini paradise iyon kapag titingnan mo.

"Saka gusto ko rin mag-selfie doon, Dad. I'm sure sabay na maa-amaze ang mga follower ko once makita nila kung nasaan ako."

The Montemayors were known for their wealth and looks. Lahat ng mga Montemayor, magaganda at gwapo. Kahit may halo pang Saavedra, Legazpi, o ano mang lahi pa 'yan, lahat ng kabilang sa angkan nila, papasang perpekto. Karamihan pa sa kanila ay likas na matatalino. Ang kaso nga lang, karamihan din sa kanila ay snob. Just like Donatello.

Hindi naman snob na masama ang ugali kundi talagang tahimik lang silang mga tao at hindi gaanong friendly. Ganoon pa man, matulungin ang kanilang angkan. Very humble sila kahit pa isa sila sa pinakamayamang pamilya sa Asia. Generous sila lalo na sa mga tauhan nila sa hacienda o kahit tagalabas.

Mahal na mahal sila ng taong bayan. Lahat halos ay gustong makapasok sa loob ng hacienda nila. Open naman ang hacienda sa lahat. Sa katunayan ay hindi madamot sa aning mga prutas ang hacienda. Namimigay sila ng sobrang ani sa mga kapos na kababayan. Pwede ka ring mamasyal sa loob ng hacienda dahil talaga namang napaka-Instagrammable ng lugar. Iyon nga lang ay kalahati ng pinaka-rancho ay sarado para sa ibang tao. Mahigpit ang mga trabahador doon dahil na rin sa naroon ang mga hayop na inaalagaan.

Isa pa sa pinapangarap ng mga tao sa probinsiya ng Dalisay ay ang makatapak sa pinaka-villa sa loob ng hacienda, ang Villa Montemayor. Private ang lugar na iyon dahil doon mismo nakatira ang gods and goddesses—the Montemayors.

Nakatirik sa loob ng villa ang naglalakihan nilang mansiyon. At doon din sa loob ng private villa matatagpuan ang Dorcas Garden. Kaya ang makapag-selfie sa place na iyon ay isang napakalaking biyaya na. Dahil walang nakakarating doon maliban na lang kapag nag-o-open gate ang villa tuwing may engrandeng okasyon na imbitado ang lahat ng tao—which only happens once in a blue moon.

"Just behave," sabi sa akin ni Daddy. "I know you, Rosh. Maligalig ka. Nakakahiya sa Tito Leo mo kapag doon ka pa nagpasaway."

"Dad, hindi na ako bata!" maktol ko. "I'm already twelve!"

Natawa lang si Daddy sa akin. "Okay, we're here."

Bumalik ang paningin ko sa bintana ng sinasakyan naming kotse. Papasok na kami sa malaking bakal na gate ng villa. Napasinghap ako nang matanaw ang malawak na lawn. Oh my, this is it...

Pagbaba namin sa tapat ng mansiyon ng mga Saavedra ay hindi na ako makahinga nang maayos. Alam ko kasing makikita ko na si Donatello. Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ni Tito Leo, daddy ni Donatello. Inside, Daddy's other friends, Tito Macoy and Tito Cloud, were also there.

Habang ka-meeting ni Daddy ang mga kaibigan niya ay lumabas ako ng mansiyon para maglakad-lakad. Nagpaalam ako na pupunta na sa Dorcas Garden since hindi ko nakita sa mansiyon si Donatello.

Napasinghap ako nang sa paglalakad ay nakasalubong ko ang talagang pakay ko sa pagsama kay Daddy rito sa villa. Naglalakad ang isang matangkad na lalaki patungo sa gawi ko. He was wearing black sweatpants and a white shirt na may print na small black crocodile sa gawing dibdib.

"Don!" I called him.

Sandaling kumunot ang noo ng lalaki. "Roshey, right?"

Sunod-sunod akong tumango. "You remember."

"Yeah." Ngumiti siya. "Sorry hindi kita naasikaso the last time. Nagmamadali kasi ako."

Nagmamadali for Constance?

"It's okay," I said. "Saka nga pala, pupunta ako sa garden niyo. Okay lang?"

Napakamot siya ng batok. "Sure. Anyway, enjoy. Punta muna ako sa pinsan ko."

Nag-panic naman ako. Aalis na siya?

"Take many cute selfies!" Saka siya tumalikod.

Hindi nag-iisip na sumunod ako sa kanya. Napalingon siya sa akin at kunot ang noong nagtataka.

"Uhm..." Nakagat ko ang aking hintuturo. "Sawa na pala kasi ako sa garden. Ah, marami na akong nakuhang selfies doon, e..."

Tumaas ang isa niyang kilay. Waaa! Ang gwapo niya talaga!

"Hindi ko kabisado ang villa... B-baka pwede mo naman akong i... ipasyal?" Napalunok ako sa hiya dahil matagal na hindi siya nakasagot.

Nasobrahan ba ako sa bilis? E, baka lang naman kasi pumayag siya. Baka ipasyal niya nga ako tapos mauwi kami sa pangangabayo sa rancho. Ang saya!

Alanganin ang ngiti ni Donatello. "Magba-basketball kasi kami ni Damon, e."

Isa si Damon sa mga pinsan niya. Kilala ko halos lahat ng Montemayor kahit karamihan ay sa names lang nila.

"Ah, pwede na lang manood?"

Saglit siyang napatitig sa mukha ko at ewan kung bakit parang nangingiti siya. Natutuwa siya? Why?

"Sige na, hindi ako manggugulo. Promise!" Itinaas ko ang isang palad ko.

"All right. Follow me." Iiling-iling na naglakad na siya patungo sa kabilang mansiyon.

Masaya naman akong sumunod sa kanya. Okay na ang ganito, kahit hindi niya ako ipasyal. At least, makikita ko pa rin siya dahil manonood ako sa basketball game nila ng pinsan niya. And yes, ako lang ang audience nila! Matsi-cheer ko si Donatello na walang kaagaw!

Sa likod ng mansiyon na pinuntahan namin ay may malaking space na ginawang basketball court. Isa lang ang ring pero may mga sementadong bench sa gilid. May mga poste rin ng ilaw just in case na gabihin ang naglalaro, may ilaw pa rin sila.

"Are you sure you'll be okay?" tanong sa akin ni Donatello nang iiwan niya na ako sa isa sa mga bench.

"Oo naman." Grabe naman. Concerned siya na baka mainip ako.

Kung alam niya lang na kahit abutin sila ng isang buwan sa paglalaro ng pinsan niya ay bitin pa rin ako. Kaya kong titigan si Donatello ng kahit ilang taon pa 'yan, at hinding-hindi ako magsasawa.

Lumabas sa likod ng mansiyon ang isang matangkad na binatilyo. Si Damon Montemayor. Naka-jersey shorts ito at puting t-shirt na may print na check sa harapan. May bitbit na bola sa kabilang kamay. Oo, bitbit lang nito, dakma-dakma gamit mismo ang kamay. Katulad ni Donatello ay mahahaba ang daliri at malaki ang palad ni Damon.

Inginuso ako ni Damon.

"Anak ni Tito Romeo," pakilala sa akin ni Donatello.

"Hello."

Tinanguan ako lang naman ako ni Damon.

Nag-start na silang magbasketball. Hindi rin naman sila nagtagal dahil dumating daw ang ate ni Damon at hinahanap ang lalaki. Naiwan si Donatello na idini-dribble ang bola sa gitna ng half court.

"Don!"

Napalingon siya sa akin. "Hey, nandiyan ka pa pala."

"Nakalimutan mo nang iniwan mo ko rito?" My lips pouted. "Hindi mo ba nakikita at naririnig iyong cheer ko kanina?"

Pawisan na siya pero mukha pa rin siyang mabango.

"Pwede mo ba akong turuang mag-basketball?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Gusto mong matuto mag-basketball?"

"Yup!"

"Are you serious?"

"Oo nga!" Mukhang amazed na amazed sa akin si Donatello. Siguro hindi siya makapaniwala na interesado akong sa larong basketball. Kahit naman ako ay natatawa sa sarili ko dahil pati basketball ay papatusin ko para lang magkaroon kami ng moment na dalawa.

"This is not a game for girls."

Sino'ng may sabi? Si Constance? tanong ko sa isip ko.

"I can do it. Come on, just teach me."

"Maybe some other time." Tumingin siya sa suot na wristwatch. "Pagabi na rin. Baka hinahanap ka na ng dad mo. 'Gotta go, too." Tinapik niya ako sa balikat.

"Actually, I don't like basketball," habol ko sa kanya. "I don't even like sports."

Napataas ang isa sa makakapal na kilay ni Donatello. Oh, my! He was really handsome! At nakakainis na baka totoong nililigawan niya nga si Constance. Maybe I was too young, pero sana hintayin niya na lang ako.

Kumunot ang noo ni Donatello habang nakatitig sa mukha ko. "Then why do you want me to teach you how to play basketball?"

"Kasi..." Nagbutil-butil ang pawis ko kahit malamig naman ang simoy ng hanging panggabi.

"You don't have to answer it if you don't—"

"I like you!" biglang wika ko. Kahit ako ay pinanlakihan ng mga mata.

Saglit siyang natigilan. Tahimik na ngumiti siya at pagkatapos ay tumalikod na. Gulat na napahabol ako.

"Wait, Don!" Tumigil siya sa paglalakad pero hindi lumingon. "Totoo iyong sinabi ko, Donatello. I like you..."

Walang sagot.

"Alam ko mas matanda ka sa akin at magdyu-junior high pa lang ako, pero gusto kita. I'm serious." Hinabol ko siya hanggang nasa likuran niya na ako. "I think hindi na nga lang basta like e, I love you na nga yata—" Natigilan ako nang makitang parang umaalog ang balikat niya. "Don?"

Bigla siyang humarap at ganoon na lang ang disappointment ko nang makitang namumula ang mukha niya sa pigil na pagtawa. Napahalakhak siya sabay gulo sa buhok ko. "You're so funny!"

"Ako, funny?" Itinuro ko pa ang aking sarili.

"Yeah." Ginulo niya ulit ang buhok ko pero tinabig ko na this time ang kamay niya.

"Ano'ng nakakatawa sa sinabi ko? Nakakatawa ba na may gusto ako sa 'yo?!"

"Okay. Pero 'wag masyadong seryoso, bubwit ka pa." Tatawa-tawa pa rin siya. "Pang-ilan ba ako sa crushes mo?"

"Bingi ka ba? Sabi ko, love na kita. Hindi kita basta crush lang!"

Natigil siya sa pagtawa.

"At bakit kung magsalita ka ay para akong sanggol? Hello? Ni hindi nga nag-ten years ang age gap natin! Kaunti lang ang tanda mo sa akin. At hindi na ako bata."

"Bata ka pa."

"Hindi na nga sabi!" Bigla akong tinubuan ng asar sa kanya. "Saka, kung bata ako? Ano na lang si Constance?! Dalawang taon lang yata ang tanda sa akin ng malanding iyon!"

Sukat sa sinabi ko ay nabura ang ngiti sa mga labi ni Donatello.

"So, kapag si Constance pwede? 'Pag ako, hindi? 'Pag siya, hindi na bata, pero ako, bata pa?! You are so unfair, Saavedra!"

His expression became serious. "Roshey, 'wag mong isali si Constance dito."

Naumid ang dila ko. I knew I've gone too far, pero hindi ko kasi napigilan ang aking sarili.

Nagsalubong ang mga kilay ni Donatello. "You know what? What you're feeling right now is just a puppy love." Pagkuwa'y ngumiti na ulit siya, hindi nga lang kasinsigla ng ngiti niya kanina. "Lilipas din iyan."

"How dare you say that? Hinuhusgahan mo agad ang feelings ko—"

Biglang nag-ring ang phone niya na nasa bulsa. "Excuse me, Roshey." Nang i-check niya ang phone ay nagbago ang reaction niya. Sinagot niya iyon na may ngiti na ulit sa mga labi. "Hello, Cons? What's up? I thought you don't have a load."

Cons?

I bit my lower lip. And just like that, Donatello forgot that I was still here. May sarili na siyang mundo habang busy sa kausap sa phone.

"Huh? Magkano ba kailangan mo? Saka, ngayon na ba? Yup, I'm free. Puntahan na lang kita sa inyo. Hiramin ko lang susi ng kotse kay Dad."

Nang tumalikod na siya sa akin ay pakiramdam ko nahati ang puso ko sa gitna. Ito ba ang sinasabi niya na puppy love lang? Ganito ba ang pakiramam niyon na para akong magkakalagnat at mag-e-LBM sa sama ng loob? Oh, God, I really hate Constance!

Sana nga puppy love na lang. Kasi ayoko na... ayoko na sanang mahalin si Donatello. Ang sakit-sakit pala ng totoong love!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz