ZingTruyen.Xyz

Marked

Chapter 1

JFstories


Fifteen years ago...

DONATELLO SAAVEDRA?

I blinked when I heard his name. Of course, I knew that boy. He was the son of my dad's friend. He was three years older than me, and he was very handsome. I have had a crush on him since I was in Grade 3. Crush ko pa rin siya until now na Grade 6 na ako.

Si Donatello ang reason kaya gusto kong puntahan sa kabilang building si Kuya Rome, dahil nandoon si Donatello. Grade 10 na kasi siya at hiwalay ang elementary sa mga high school student.

"He's courting Constance Hidalgo."

Tumikwas agad ang isa kong kilay sa pinag-uusapan ng dalawang Grade 6 students sa bench. Mukhang mga kaklase sila ni Constance.

"Hala, talaga? Sabagay, magkasing-edad sila."

"Oo. Bagay sila dahil maganda si Constance. Matalino at napakabait pa. Hindi siya kagaya ng ibang magaganda rito sa school na mga maaarte."

"Wala naman kasi siyang karapatang mag-inarte!" hindi nakatiis na sabat ko sa usapan nila.

"Roshey!" Sabay na napatingin sa akin ang mga ito.

Umismid ako. Of course they knew me. Ako yata ang palaging muse ng bawat section na pasukan ko ever since na mag-aral ako rito sa Dalisay Elementary School. At kilala rin ako dahil hindi lang ako maganda, mayaman pa.

Isang public school lamang ang pinapasukan namin pero ito ang pinakamaganda at pinakamalaki rito sa probinsiya ng Dalisay. Suportado ng mga Montemayor, Saavedra, Deogracia, at Montenegro ang school na ito. At siyempre, isa ang pamilya ko sa nagdo-donate rito, the Illagans.

Pinamaywangan ko ang dalawa. "Bakit mag-iinarte si Constance? Sobrang perfect niya ba?!"

"Maganda siya at sexy..." mahinang sabi ng kausap kong estudyante.

Sexy? Ah, right. Sexy. Mas matanda si Constance sa amin ng dalawang taon. Dalaga na ang itsura nito, may umbok na ang dibdib at puwetan. Dapat high school na si Constance kung hindi huminto. Repeater kasi ito. Nagkasakit daw ang papa nito kaya kinailangang huminto ng pag-aaral.

"So, what kung sexy siya?" inis kong sabi. "Ang dugyot naman niya. Kaysa mag-inarte kamo siya, labhan na lang niya iyong naninilaw niyang school uniform. Saka iyong medyas niya, tahiin niya iyong butas sa bandang sakong!"

Hindi naman talaga ako mapangmata na tao. I might be a spoiled brat, pero never na nagmataas kahit kanino. May kung ano lang talaga sa Constance na iyon na bumubuhay sa malditang cells sa katawan ko. And besides, totoo namang dugyot ang Constance na iyon. Naturingang nagdadalaga na pero hindi man lang magawang maglinis ng katawan. Mas inuuna pang magkilay, maglagay ng lip gloss sa labi, at mag-blush on.

Hindi ko pa nagiging classmate si Constance kaya hindi talaga kami magkakilala na dalawa. Madalas ko lang siyang nakikita dahil nga sa palasali siya sa mga quiz bee at madalas na inuutusan ng mga teacher. Isang beses na nakasalubong ko siya sa daan ay ngingitian ko sana siya, but to my shock, inirapan niya ako.

Constance was known for being kind, gentle, and friendly, so it was impossible for her to suddenly get angry with me for no reason. I gave her the benefit of the doubt. Inisip ko na baka nagkamali lang ako. Hanggang sa nagkasabay kami sa CR ng girls.

There were only the two of us in the bathroom at that time. Nagdadabog siya dahil walang tissue sa cubicle, kaya inabutan ko siya ng dala kong tissue. Imbes na tanggapin ang bigay ko ay inismiran niya ako at saka tinalikuran. Doon na nagsimulang kumulo ang dugo ko sa kanya.

"Masyado kayong bilib kay Constance e hindi naman talaga matalino iyon. Kung matalino siya e di sana nasa section one siya at wala sa section four!"

Mabuti na lang talaga at wala iyon sa Section 1. Hindi ko gusto ang mga taong plastic na katulad niya.

"And please? Tigilan niyo ang pagkakalat ng chismis na nililigawan ng isa sa mga Saavedra ang Constance na iyon. At lalo nang 'wag niyong pinag-uusapan si Donatello! Nakakainsulto!" Tinalikuran ko na sila.

"Baby Girl!"

Tumatakbong sumalubong sa akin ang isang maganda at singkit na babae. She was Sariya Yang, a Filipino-Chinese. She was my best friend. Isa sa mga teacher ng school namin ang mommy niya, kaya dito rin siya nag-aaral kahit may kaya ang pamilya nila.

"Baby Girl!" Niyakap niya ako. "Gosh, I saw your Kuya Rome sa labas ng gate ng senior high. He is so gwapo talaga!"

Doon ako napangiti. Sariya liked my older brother so much. "Don't worry. Ibibigay ko siya sa 'yo kapag graduate na tayo."

Napapalakpak siya sa tuwa. "You promise?!"

"Of course, Sari! I don't want anyone else to be my sister-in-law in the future but you."

Napahagikhik sa tuwa si Sari. "Yey! I love you, Baby Girl!"

Nagbeso kaming dalawa.

"Hey, Roshey. By the way, have you heard the news? Si Constance na pala ang muse representative ng Grade 6 sa intrams."

Naningkit ang mga mata ko. "What?!" Kumulo na naman ang dugo ko. "No way! Ako dapat ang muse!"

"Pero tumanggi ka na, right?"

"Pwes, binabawi ko na ang pagtanggi ko. Ako na ulit ang muse ng Grade 6." Tinatamad akong mag-muse this year kaya ako tumanggi, but ngayong nalaman kong kinukuha ang Constance na iyon para pumalit sa akin ay 'di bale na lang. Hindi ako papayag na mag-feeling maganda ang babaeng iyon.

Nag-beep ang CP ko.

KUYA ROME:

Ano iyong naririnig kong may inaaway ka na naman?

My lips pouted upon reading the text. Ang bilis naman ng nag-report sa kanya. Siguro ay may napadaan na kakilala niya, 'tapos nakita ako kanina at agad na ini-report sa kanya. Nakakainis lang dahil mali pa ang info, hindi naman ako nakipag-away. It was just my voice rose a little.

Tinawagan ko si Kuya Rome. I didn't want to explain through text. "Hello, Brother!"

[ Hello, little sis. Having fun? ]

"Hindi ako nakipag-away. May kinausap lang ako na estudyante. And who told you about that, hmn?"

[ Okay na, sige na. Naniniwala naman ako na 'di ka talaga nakipag-away. But you have to keep your voice low. Nami-misunderstand ka ng mga tao. ]

Ayos lang naman sa akin ma-misunderstand na masungit, suplada, o maldita. Inaamin ko naman na brat talaga ako. At hindi rin ako palaging nakangiti. Kilala pa akong anak-mayaman. Pero ayos lang talaga kahit ano ang sabihin ng ibang tao sa akin. As long as alam ko iyong totoo at hindi naniniwala roon ang mga taong kilala ako.

"Si Rome?" pabulong na tanong sa akin ni Sari. Kilig na kilig.

Tinanguan ko siya at sinagot si Kuya. "Alright, Kuya. I'll keep that in mind," sabi ko na lang. "Bye!"

"Ano'ng sabi sa 'yo?" excited na tanong ni Sari pagkapatay ko sa phone.

Lumabi ako kay Sari. "Hmn, ano ba'ng nagustuhan mo kay Kuya? He's so annoying sometimes."

"Sana ako na lang ang i-annoy niya!"

"Ew!"

Tatawa-tawa si Sari. Natigilan siya nang may makita. "Roshey, look! Si Don iyon, o! What is he doing here in the Elementary Dept?"

Napalingon agad ako sa kanyang itinuturo.

Donatello...

My young heart started to beat three times faster.

Napakurap ako habang nakahabol tingin sa matangkad na lalaking naglalakad papunta sa canteen. Siya si Donatello at hindi ako pwedeng magkamali. Sa mga Saavedra, siya ang pinakagwapo para sa akin.

"Ang gwapo niya talaga, Roshey! Pero para sa akin, kuya mo pa rin ang the best!"

Hindi ko na gaanong inintindi si Sari. Sinundan ko si Donatello sa canteen.

"Hoy, Baby Girl!"

Mabilis ang mga hakbang ko para maabutan si Donatello. Sa pinto ng canteen ay hinihingal na ako kaya napahinto muna ako saglit. Hinanap ko siya ng aking paningin at agad ko naman siyang natagpuan.

"Donatello!"

Napalingon siya sa gawi ko.

"Hi! Ano'ng ginagawa mo rito?" Ngiting-ngiti ako sa kanya.

He seemed to have gotten more handsome and taller than the last time I saw him—which was last week lang dahil nakita ko siya sa gate ng kabilang dept.

Lalaking-lalaki ang kanyang itsura kahit pa napakakinis at kay pula ng mga labi niya. Ang ilong niya ay matangos na bagay na bagay sa hugis ng kanyang mukha. Ang kanyang kulay brown na mga mata na napapalibutan ng malalantik at itim na itim niyang lashes ay parang hinihipnotismo ako. Hindi nakakasawang makipagtitigan sa kanya kahit pa nakakailang ang klase ng mga tingin niya.

Ah, para sa akin wala nang mas gugwapo pa sa kanya. Kahit pa ang mismong kuya ko.

"Ano'ng ginagawa mo nga rito?" ulit ko sa aking tanong. Todo pa-cute ako habang nakangiti pa rin sa kanya.

Sigurado ako na nagagandahan siya sa akin. Sino ba ang hindi? Ako si Roshey Illagan, ang best muse mula noong Grade 1 hanggang Grade 5. At hindi sa pagmamayabang, pero kahit kanino itanong ay ako ang may pinakamagandang mukha sa elementary department.

Pero agad ding nabura ang matamis kong ngiti nang imbes na sagutin ako ay pinili niya akong talikuran. Laglag ang panga ko habang habol siya ng tingin.

Dere-deretso at sigurado ang mga hakbang niya habang nakapamulsa sa kanyang black pants. Hinintay ko kung saan siya hihinto. Ganoon na lang ang gulat ko nang huminto siya sa tapat ng table ni Constance.

"Hey," dinig kong bati niya sa babae.

Tumabi siya kay Constance. Ngumiti siya sa babaeng plastic at ngumiti rin naman ito sa kanya. So, that was it? Constance was the reason why he ignored me.

Mapait akong napangiti. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero bigla na lang may kung anong kirot na gumuhit sa loob ng aking dibdib. 

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz