ZingTruyen.Xyz

It Started in the Elevator✔️

Chapter 6

JFstories

Chapter 6


MADALING ARAW na nang makatapos sila sa pag-aayos ng mga gamit ni Cynthia sa kanyang condo. He hadn't expected it to take that long, especially since she didn't really have much stuff.


Siguro dahil naglandian pa sila habang nagliligpit na nauwi rin lang naman sa wala. Natagpuan na lamang nila ang mga sarili na kumakain sa sala at nakaupo sa sofa.


"Magkano ba ang upa mo rito, Leo?" tanong ni Cynthia sa kanya habang ang mga mata nito'y nakatingin sa malaking flat screen TV.


"Ah..." Paano ba sya magsisinungaling? "S-sa kaibigan ko lang ang condo na 'to. Pinahiram lang sa'kin..." 


"Talaga? Ang suwerte mo naman sa kaibigan mong 'yan..." Ngayon ay nakatingin na ito sa kanya. "Sino ba yang kaibigan mo? Hindi lang kotse ang kayang ipahiram sa'yo, pati condo."


Damn! Hindi sya handa sa Q.A. nito. "Ah... haha. M-mayaman kasi yun at may mataas na posisyon... W-wala lang sa kanya ang magpahiram ng kotse at condo..."


She moved closer to him. "Alam mo curious na ako dyan sa kaibigan mo."


Bakit ba lalo pa itong lumapit? Iyan tuloy kandautal sya. "A-ako rin curious sa k-kaibigan ko, eh."


"Ano?"


"I-I mean curious din ako sa kanya kasi-" Think, Leo, think! "Okay, fine!" This might be the right time to tell her the truth about him.


"Okay, fine, ano?!" Tumabi na ito sa kanya.


Shit! Paano ba sya magsisimula? "Kasi-" Nablangko na sya. "CEO..." Iyon lang ang lumabas sa bibig nya.


"Ahhh..." Napahalakhak ito sabay hampas sa balikat niya. "Alam ko na, Leo!"


Hay, thanks! Mukhang na-gets nito agad. Hindi na sya mahihirapang magsinunga—


"Iyong kaibigan mo - CEO ng company natin. Pero sinabihan ka nito na 'wag ipapaalam sa iba lalo na sa mga kapwa mo empleyado, tama ba? Kasi, ayaw nitong magmukhang bias."


His eyes widened. "A-ang galing mo... you're right!" Oh, very good! Ginatungan nya pa!


Namilog ang mga mata nito sa kanya. "You mean... kaibigan mo nga talaga ang CEO ng company natin?!" 


Napatango na lang sya kahit labag sa kanyang loob. "W-why? Ano ngayon kung kaibigan ko nga ang CEO ng kompanya natin?"


Napatili ito. "Hala! Oh, please! Please, Leo! Ipakilala mo naman ako sa kanya!" Kulang na lang ay sambahin siya nito sa pagmamakaawa sa kanya.


What the heck?! Lalo tuloy naging magulo ang lahat!


"Please, Leo!" Nag-beautiful eyes sa kanya si Cynthia.


Natigatig naman siya. "O-okay. K-kapag hindi sya busy dadalhin kita sa kanya..." And mas magulo pa!


"Thank you!" Nayakap sya nito.


Napalunok si siya. "B-bakit pala gusto mong makilala si Mr. CEO?"  tanong nya nang magbitiw ito ng yakap sa kanya, kahit hirap pa syang mag-move on.


Bahagya itong napaisip. "Gusto ko kasing makapangasawa ng mayaman..."


Napatigagal sya sa sagot nito. Mayamaya'y natawa sya. "At target mo ang CEO ng company natin?"


"Puwede ba? Wag ka muna magselos, I can explain!" Sa tono nitong nagbibiro.


He pretended to laugh, although deep inside, he was feeling very uneasy. "No need to explain, I'll just ask you."


Huminga muna ito nang malalim ngunit nakangiti pa rin.


Tumingin sya nang tuwid dito. "Bakit mo ko sinagot?"


"Sinagot kita kasi kailangan kita." Diretso rin ang sagot. Isa ito sa mga nagustuhan nya rito, walang paliguy-ligoy. Totoo sa mga sinasabi at hindi nagsisinungaling.


"I see." Napatango na lang sya. Pero bakit parang ang sakit?


"Oops! Baka palayasin mo na ko, ah?"


"Of course not!"


"Whew! Kinabahan ako doon." Nagkatawanan sila.


H's right, kailangan nga sya nito at sasamantalahin nya 'yon.


"So meaning, kapag hindi mo na ko kailangan - you'll break up with me?" He asked her again.


Cynthia nodded. "Kaya kung ako sa'yo, habang kailangan pa kita eh, - sulitin mo na ko."


Napalunok naman sya sa sinabi nito. "Talagang susulitin kita." Kunwari'y biro pero ang totoo'y naninikip na ang pantalon nya.


Nagkatawanan ulit sila. "Pero alam mo, guwapo ka naman. Bakit hindi ka na lang maghanap ng matandang babae na mayaman?"


"Then what? Papatayin ko para yumaman ako?" natawa siya ulit sa sinabi ni Cynthia.


But for some reason he couldn't explain, it felt like something sharp had cut through his heart—for the first time.


"So, 'yan ba ang dahilan kung bakit mo gustong makilala si Mr. CEO?"


"Pero wala akong balak na patayin sya, ha..."


"Well, good luck! Galingan mo para mapansin ka ni Mr. CEO."


"Basta tulungan mo ako kay Mr. CEO, gagalingan ko promise. Apir!"


Sabay apir naman nya rito. Tanda iyon marahil ng kanilang kasunduan. But he was determined that before she found herself a rich man to marry, he would make the most of the time he had with her. He was willing to risk everything just to have her. By hook or by crook, he was going to make it happen.


"By the way, fly away..." May inabot itong postcard sa kanya. "Nakita ko ito sa kwarto natin."


Natin talaga? Why not, huh?


"Sa'yo yata ito, oh..."


Biglang sumimangot ang mukha nya nang makita ang inabot nito. He didn't take it. "'Wag mo ng pansinin iyan." It was a postcard from his dad, Adam Saavedra.


He wasn't answering his calls anymore. He only replied to emails, and only if they were about the company. He was still kind of pissed that his dad suddenly decided to retire and dump everything on him. Said he just wanted to live a peaceful life with his wife. Now his parents were acting like total honeymooners. They'd just gotten back from a tour around Europe and were now staying at their place in Japan.


He stood up. Pagkatapos ay naglakad na sya patungo sa shower room. Naiwan namang tigagal si Cynthia. Siguro'y nagtaka ito sa biglaang pagbabago ng mood nya.


***


NAKATANAW NGAYON si Cynthia kay Leo na nakahiga sa sofa. Mahimbing na pala itong nakatulog, dahil na rin siguro sa pagod. Pagkatapos ay lumapit pa sya rito at malalim na pinagmasdan ang mukha nito.


Aminado sya na attracted talaga sya rito, sino bang hindi? Lintek, eh sa itsura nito. Guwapo pa nga yata ito sa mga artistang napapanood nya sa TV. Pero ang pagka-guwapo nito, may pagka-pilyo. Pati ngisi nito, ang naughty.


Kinumutan niya ito. Parang may mainit na kamay ang humahaplos sa puso niya habang nakamasid sa payapa nitong paghinga. Siguro ay nata-touch lang siya. Akalain mong sa oras na kailangan nya ng tulong, narito ito. Kulang ang salitang salamat, sa pagtitiwala nito sa kanya na tumira siya rito sa condo nito.


Tiwala rin pati sya rito dahil mukhang hindi naman ito manyak kahit nga medyo naughty. Sana lang ay maunawaan nito ang ugali nya kahit nagmumukha na syang cheap. Ganito yata talaga kapag walang kinalakhang magulang ang isang tao.


Napatitig muli sya sa guwapong mukha ni Leo. Sayang, kung nagkataon nga lang na mayaman itong si Leo eh, ito na sana ang perfect boyfriend para sa kanya. Eh, ang kaso, ordinaryo lang din itong empleyado. Sadyang suwerte lang sa kaibigan.


Pagkatapos ay muli nyang kinuha itong postcard na napulot nya sa kwarto. Galing yata ito sa father ng binata dahil nabasa nya ang print name nang nagpadala nito sa left bottom part.


Daddy Adam.


Sa likod naman non ay may nakasulat na exact address sa Japan. Ito marahil iyong adress kung saan nakatira ang parents ni Leo. May nakasulat pa kasi sa harap bukod don. Siguro ay OFW ang mga magulang nito.


Visit us, son.


Natigilan sya. Visit? Bakit, hindi ba makauwi ang mga magulang ni Leo? Hindi kaya TNT ang mga ito sa ibang bansa? Siguro nga ay ganoon ang kaso, kaya naman si Leo na ang pinapapunta ng mga ito. 


***


NAPABALIKWAS NANG BANGON si Leo kinabukasan. It was already noon. He hadn't realized he'd fallen asleep on the couch. The first thing he saw was Cynthia, who immediately pulled him up.


"Bangon dyan dali!"


"What time is it?" Kandangudngod pa siya dahil wala pa masyado sa huwisyo.


"Tanghali na! Maligo ka na at may lakad tayo."


"Huh? Where are we going?"


"Kay Melanie. Engagement party nya ngayon." Tulak-tulak na sya nito papasok sa banyo.


"Melanie, that fake cousin of yours who kicked you out?" he asked from inside the shower. Natatandaan nya si Melanie na pinsan ni Cynthia. That was where Cynthia used to stay before she got thrown out.


"Oo! Maligo ka na bilis! Dun na tayo kumain."


He didn't really have a choice, so he just went along with her. Walang pasok ngayon but he had meetings. Nag-cancel na lang muna siya. Isang oras lang ang nakalipas ay nasa sasakyan na sila at papunta na sa party niyong Melanie. He noticed his girlfriend was quiet the whole time.


"Bakit parang malungkot ka?" He asked while his eyes were still fixed on the road.


"Eh, kasi, naiinggit ako kay Melanie." Malungkot ang tono nito.


"Why? Because she's getting married?"


"Dahil makakapangasawa sya ng mayaman." Malungkot pa rin. "Akalain mong sa baho ng hininga nya eh, nakabingwit pa sya ng MMMM."


"MMMM?" Saglit niya itong sinulyapan.


"Matandang. Mayamang. Madaling. Mamatay." Napabuntong-hininga ito. "Kaya nya siguro ako inimbitahan ay para inggitin ako..."


Leo just smiled.




MINUTO nga lang at narito na sila sa engagement party ni Melanie. Isa yung maliit na rancho sa labas ng Maynila. Maraming bisita, naroon din ang mga kapatid at kamag-anakan nitong Melanie. Lumapit agad sa kanila ang babae.


"Mabuti't nakarating kayo, Cynthia!" Taas-kilay pa si Melanie na sumalubong sa kanila.


Hindi naman ito nginitian ni Cynthia. "Nagugutom na kami Melanie. Nasaan ang pagkain?"


"Cynthia, bago kayo kumain niyang syota mo na GUWAPO LANG..." She looked at him. "...Ipapakilala ko muna sa inyo ang mapapangasawa kong MAYAMAN." 


Sabay dating naman ng isang lalaking sa tingin nya'y nasa edad singkuwenta na. Kalbo ito at maliit lang. Pero kita sa pananamit nito na mayaman nga ito.


"Ito nga pala si Junjun." Pakilala dito ni Melanie. "Junjun Montemayor."


Really? Nagulat sya. Montemayor? Maging si Cynthia ay napatigagal.


"Isa kang Montemayor?" tanong agad dito ng dalaga.


Kinamayan naman ng lalaki si Cynthia. "Yes. I'm a Montemayor." Lumagkit ang tingin nito dito. "'Di mo sinabi Melanie na - may kapatid ka palang maganda."


"Hindi ko sya kapatid!" angal agad ni Melanie. "At isa pa, maganda lang yan pero cheap ang babaeng 'yan. Kumbaga, walang class."


"Ahem!" tumikhim na sya bago pa magkagulo.


Napatingin sa kanya ang lalaking kalbo. "Sino ito?" kunot-ulo ito, este, kunot noo.


Inilahad nya ang kamay nya rito. "Hello, I'm Leo. Cynthia's boyfriend"


Kinamayan naman sya nito. "Leo? Leo what?"


Nagkatinginan muna sila ni Cynthia bago sya nakasagot. Shit! Yari!


"L-Liwayway..." Kusa iyong lumabas sa bibig nya.


Napahigik si Melanie. "Ano ba yang apelyido mo, masyadong feminine..."


Natawa rin si Junjun. "Aba, guwapo itong BF mo Cynthia..." Nakangisi ito. "Ang tanong, eh... may laman ba ang bulsa?" sabay halakhak nang mapabitiw ito sa kanya.


Damn this bald!


"You know what..." natatawa pa rin ito. "...I never heard that surname - Liwayway." Parang pinangangalandakan pa nito sa mga bisita. "Well, kami kasing mga Montemayor ay walang time para tumingin sa mas mababa, dahil ayaw naming malula. Tuktok na kami, eh."


What the heck! This guy's a fake! Kailan pa pinagyabang ng isang Montemayor ang apelyido nila. Isa pa, kilala nya lahat ng Montemayor. Samantalang ang lalaking ito, ngayon nya lang nakita.


Napapayuko si Cynthia, hindi ito makapalag ngayon.


Tinapik pa sya sa balikat nitong kalbo. "I don't wanna see you again after this party, okay?" Bulong nito sa kanya.


Tumango na lang sya habang kuyom nya ang kanyang kamao.


Habang ang lahat ay nakamata sa mapagpanggap na si Junjun, lahat ay may paghanga sa mga mata. Lalo na si Melanie, proud na proud dito. Hindi nya rin namalayang nawala na pala sa tabi nya si Cynthia, nasa isang sulok na pala ito at malungkot na kumakain.


"Are you alright?" Lumapit sya sa kasintahan.


Bumuga ito ng hangin. "Hindi mo naman sinabi sa'kin na ang apelyido mo pala ang brand ng gawgaw; Liwayway?"


"You never asked. I thought you already knew."


"Wow, ha! Sa tingin ko ang common ng apelyido mo sa isang lalaki para malaman ko? Pinarusahan ba ang pamilya nyo at binigyan kayo ng ganyang apelyido?"


At anong masama sa apelyidong Liwayway sa isang lalaki? It's cute though.


"Sorry..." Nakatitig ito sa kanya.


"Sorry for what?" It felt like something gently touched his heart when she apologized.


"Hindi man lang kita naipagtanggol kanina." Sabay peace-finger nito.


Napahalakhak na lang sya.


"Nakakainis kasi itong si Melanie. Akalain mong nakabingwit pa ng malaking isda." Halos padabog itong kumakain.


Lalo tuloy syang natawa. "Malaking isda ba talaga ang nabingwit nya?"


Napahalukipkip ang dalaga. "Montemayor ba naman, aba! Malaking isda talaga!"


"Really?"


"Ay, sus! Kung makapag-react ka naman, eh parang wala kang kaibigang Montemayor. Si Mr. CEO ay isang Montemayor 'di ba? Juice colored! Nasa alta-sociedad ang mga Montemayor! Palaging lamang ng magazine! Lahat yata ng negosyo sa Pinas ay may kinalaman ang angkang iyon!"


Napasandal sya sa kinauupuan.


"Alam mo, kahit batang palaboy kilala ang mga Montemayor. Lintek naman kasi, halos ariin na ng mga ito ang buong bansa!" Napapailing pa ito. "Napaka-suwerte talaga nitong si badbreath..." si Melanie ang tinutukoy nito. "...sana lang lagi na syang magmumumog. Kapag kinasal na sila malamang afford naman na nya siguro ang bumili ng maraming mouth wash..."


He was holding back his laughter. "Anyway, I have to go to the washroom. I'll leave you here for a bit..." 


Naglakad na siya. His face was serious as he headed to the restroom, where Junjun was also heading in. Naaalala niya na ito.


"Oh, Mr. Liwayway..." Natatawa pa rin ang kalbo nang makita sya.


"Oh, Junjun..." he greeted him.


"Just call me, Mr. Montemayor..."


"I'd rather not."


Napasimangot ang lalaki. Napikon ito.


"You know what? I'd better decline your proposal about Bliss Homes." Isang proposal project ang tinutukoy nya.


Napamaang naman ang bibig ni Junjun. "H-how did you know about that?"


He smirked.


Junjun guy took a step back. "You're kidding me, right?"


"I'm afraid not." Humakbang na sya papalabas.


"S-sandali!" Inawat sya nito. "W-what's your name again?"


"Leo." Nilingon nya ito. "I'm Leo Montemayor-Saavedra."


"Holy cow!" Natutop ng kalbo ang sariling bibig.


"Now, let me give you some advice." He stepped closer. "Don't ever use our family name for your own gain. You wouldn't like us if we got mad at you. And please, every guy in our family is tall and handsome—we have great genes." He sneered. "Wala kaming kapamilyang punggok, malaki ang tiyan at...  Nevermind."


Biglang umamo ang mukha nito. "Y-yes, Sir..." Namumutla ito. Nawala lahat ng kayabangan nito sa katawan.


Tinapik nya ito sa balikat. "I don't wanna see you again after this party, okay?"


Tumango lang ito. Palabas na sya ng pinto nang awatin siya nito. "Ah, sir... how about my proposal? The Bliss Homes Project?"


Hindi na nya ito nilingon. "No and it's final..." pagkatapos ay tuluyan na syang lumabas ng pintuan.


Napaupo na lang si Junjun, tila nanlata. Ang project na yun kasi ang magsasalba sa palugi nitong negosyo. Ngayon ay wala na.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz