ZingTruyen.Xyz

It Started in the Elevator✔️

Chapter 5

JFstories

Chapter 5 


"SINAGOT KA NA?!" 


It was Hendrick Montemayor or H. Nasa kabilang linya ito at kausap ni Leo.


"Hmmnn... Yeah..." He was sitting on the couch.


"What the hell?! Don't tell me you're in action again?"


"Ahh... kinda..." may nakaupo rin kasi sa ibabaw nya, naka-angkla at umiindayog- Si Mica, one of his flings again.


"Oh, come on Leo!" Sa tinig ni H, malamang nangangasim na naman ang mukha nito.


"Please don't hang up! Ah... "


"Safe bang pag-usapan natin yang 'gorgeous-funny-desirable-worth-it-kapag-naikama-mo-girl' na tinutukoy mo? Baka marinig ng ka-'DO' mo ngayon at masapak ka na naman."


"Yes, H. Mica's busy. Nakatalikod sya sa akin pa-upo. She can't hear us... Oh, shit! I'm closed, ahhh..."


"Go to hell, Leo!" tapos nawala na ito sa kabilang linya.


"Wait! Ahhhhh!!! Hmmnnn..." Pero nangisay na sya bago nya pa naawat si H sa kabilang linya.


Napangisi naman si Mica na nakakalong sa ibabaw nya. Pagkatapos ay tinanggal nito ang suot na headset at dumiretso na sa banyo.


His phone rang again, and it was H again. He answered it.


"Look -"


"Camilla is fine and - we're okay. Thank you for asking."


Natigilan sya. "Oh by the way! How's Camilla?"


Hindi umimik si H.


"Okay fine, my fault." Lumambing bigla ang tinig nya.


He heard him sigh. "Sinagot ka lang nya dahil kailangan ka nya."


"It's fine with me!" sabi niya habang nagsusuot ng boxers. "What's important now is, I'll be with her under one roof so I'll have many chances to win her over... that way, I can finally erase whatever kind of spell she put on me that's making me act like I'm going crazy over her." 


"Whatever. Just get your life together, Leo. And be careful, because in the end, the things you've done might come back to haunt you."


"Kinikilig naman ako sa'yo. Kailan ka pa naging thoughtful sa'kin?"


"Shut up! Don't you ever call me again when you're in action, understood?"  Heto na naman ito, nagsusungit. 


"Yes, sir!" He responded like a soldier. "Oh, by the way, you should try it..."


"What?"


"Talking to me on the phone while in action," nakangising sabi niya.


"You bastard!" Tapos, nawala na naman ito sa linya.


Tatawa-tawa na lang sya. He really enjoyed teasing his dominant uncle. Then he contacted his cousin Ayeza Montemayor-Legazpi.


"Hello?" A soft voice answered immediately on the other end of the line.


"Hey, lovely cousin! I called to borrow one of your condo units here in QC. Iyong maliit na merong isang room lang sana."


"It's nice to hear you too, Leo. I'm fine, thank you! How are you?"


"Oh, crap! Bakit ba lahat kayo ganyan makipag-usap sa akin?"


"Eh, kasi ang tagal mong hindi nagparamdam! Hmp!"


Bumuga sya ng hangin. "Alright, I'm sorry, baby."


"Daanan mo sa'kin dito yung susi. Hmp!"


"'Wag na tampo ang baby ko... hmm? Thanks. Daan ako dyan. 'Love you!" ganito talaga sya kalambing dito sa pinsan nyang si Ayeza. Nag-iisa kasi itong babae sa kanilang magpi-pinsan.


"Wait, Leo! May iba pa akong condo na malaki at malawak ah, gusto mo? Why do you only need the small one with one bedroom?"


"Basta... saka ko na ipapaliwanag sa'yo. Punta na ko dyan. I 'love you!"


"'Love you too, 'cous..."


Pagharap nya, isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya.


"Ouch!"


It was Mica. His 111th fling, and the woman was furious. "Who's that, huh!?" asik nito sa kanya. Nasa likuran nya lang pala ito at nakikinig. "I told you! When you're with me, you're not allowed to talk to anyone else!"


"Oh, come on!" Pero hindi nya na ito naawat. Mabilis itong nagbihis at saka lumisan. Heto na naman, bibilang sya ng tatlo. One. Two. Three.


Bumabalik nga si Mica. "Oh, by the way! It's nice to see you too, Leo!" Same tune with H and Ayeza.


"Oh, damn it! Pati ba naman ikaw?!"


***


CONVENIENCE STORE, CYPRESS. Dito nakatayo ngayon si Cynthia habang naghihintay kay Leo. Dito ang kanilang tagpuan. 


Ang convenience store na ito ay sa mismong labas ng Cypress Village. Lugar na puno ng tao at kabahayan. Magulo, maingay, at kahit gabi ay buhay na buhay. Sa looban nito nakatira ang best friend niyang si Camilla.

 

Si Camilla ay ang tanging matalik na kaibigan na meron siya. Nagkakilala sila ng magkasama sila noon sa iisang part time job. Pareho niya itong ulila kaya naman nakaka-relate siya rito. Ang kaibahan lang ay meron itong nakababatang kapatid. Si Camilla ang pinakamabait na taong nakilala niya, kapag walang topak.


Doon siya nakituloy sa maliit na inuupahang bahay ni Camilla, ilang araw mula nang palayasin siya ng pinsan-pinsanan niyang si Melanie. Hindi pa dapat siya aalis kay Camilla, kundi lang nagalit na ang landlady nito. Bumalik siya kagabi nang tawagan siya ni Camilla, pero para magpaalam na lang. Ngayon ay susunduin na nga siya ni Leo rito sa labasan. Boyfriend na nga pala niya ito.


Kay Leo siya pansamantalang makikitira. Ang totoo'y nakokonsensiya siya. Sinagot niya lang naman kasi ito dahil nangangailangan siya. Type din naman niya si Leo, dahil mukha naman itong mabait, marespeto, at saksakan pa ng guwapo. Kaya lang ay wala talaga siyang balak na bumigay rito, dahil aalis din siya sa poder nito kapag nakabuwelo na siya. Pero kung nagkataon na mayaman ito, ay baka magpabuntis na siya rito.


Nagiging totoo lang siya. Ang dami niya nang nakitang naghirap dahil puro pagmamahal lang ang alam, kaya ang ending ay naghiwalay rin. Ayaw niyang sumugal sa ganoon. 


Habang hinihintay si Leo ay merong pumasok sa glassdoor ng convenience store na kanyang kinaroroonan. Isang matangkad na lalaki. May kausap ito sa cell phone, pero saglit na natulala nang mapatingin sa kanya.


May hitsura iyong lalaki. Para itong wala sa sarili nang kumuha ng mineral water sa ref. Pagpunta nito sa counter upang magbayad ay nailapag nito ang hawak na cell phone. Nang makuha ang sukli sa bayad ay agad na itong umalis. Nakalimutan na ang inilapag na cell phone!


Napatayo siya at dinampot ang phone. Sakto namang nakatalikod ang cashier. Pagkakuha sa phone ay napasinghap siya. Wow! iPhone 6! Latest ito! Magkano kaya ito kapag ibinenta? Ipinilig niya ang ulo. Hindi. Mukhang pera lang siya, pero hindi siya magnanakaw.


Mabilis syang lumabas ng convenience store at hinabol ang lalaking nakaiwan ng iPhone 6. Naabutan nya itong pasakay na sa kotse nito. "Mister!"


Napalingon ito sa kanya. Nagulat nang makita siya. Nang makabawi ay kinunutan siya ng noo. "Yes, Miss? Is everything alright?" 


Wow, englisherist! Nahagod niya ng tingin ang kabuuhan nito. Puting-puti mula polo, pantalon, at sapatos! Mukha ring yayamanin! At guwapo! Sa age? Kaedad niya siguro. Matangkad lang talaga. Parang kasing tangkad ni Leo.


"Ah, Mister, wala naman. Naiwan mo kasi itong phone mo." Sabay lahad nya rito ng hawak nyang iPhone. 


"Oh! Thanks!" pero sa kanya ito nakatingin o mas tamang sabihing nakatitig. "I'm Preston. Preston Salvador..." diretso hawak ito sa mga palad nya.


"Ako si..." Na-blangko siya sandali sa isiping mayaman ito, kaya di niya tuloy maalala kung sino siya. "I'm...CT!" Tsk! Pauso kasi ni Leo, naku!


"CT? What a unique name?" Alangan ang ngiti nito.


"Ikaw din, ang ganda ng pangalan mo. Parang name ng -" Leche ano nga ba? " -condom..." Shit! Lintek na bunganga iyan!


Nagbago tuloy itong ngiti ni Preston. "Ah... oh! Salamat nga pala, CT. Buti ikaw ang nakakuha nitong phone ko. Importante 'to sa'kin."


"You're welcome. Balak ko nga sanang ibenta 'yan, eh. Kaso naisipan kong isauli na lang." Tang*na! Ano na naman ba itong nasasabi nya?


Humalakhak tuloy itong lalaki. Tila naaaliw sa kanya. "Ito nga pala ang calling card ko. If you need anything, tawagan mo lang ako."


Kinuha naman nya. Tapos nakasulat dun: Dr. Preston Salvador.


"Doktor ka?"


"Yup." Tumango ito habang hinahagod sya ng tingin. "Pag-aari ko iyong Salvador Private Hospital. Iyong maliit na building."


"Ang bata mo pa lang, may ari ka na ng isang ospital?!"


"Ah, hindi sa ganoon. Sa father ko talaga bago siya nawala. Kaya nag-doktor din ako." 


Nanlaki ang mga mata nya. So, mayaman nga itech! Puwede! Iyon tuloy buhok nyang hindi naman magulo ay nahawi nya bigla.


"Tamang-tama. Minsan kasi kailangan ko ng doktor para sa puso ko..."


Lalong lumawak ang ngiti ng lalaki. "Sakto. I'm a surgeon. Magagamot ko kung ano man ang problem sa puso mo..." parang may ibig sabihin ang sinabi nito.


Mayamaya ay sumakay na ito ng sasakyan. Magarang sasakyan!


"Call me, CT..."


Kandatango naman siya. Kung alam lang ni Preston, pera ang tingin nya rito. Pagkatapos ay umandar na ang sasakyan nito palayo sa kanya.


"Sino 'yon?" May nagsalita sa likod niya. Baritonong tinig na buong-buo.


Nagulat sya at napasigaw. "Ay butiking hiphop!" pagharap nya'y si Leo pala. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong 'wag mo akong -" Napahinto sya.


Tinaasan siya nito ng isa makakapal at itim na itim nitong kilay. "Why?"


Mas guwapo yata ito ngayon kaysa kahapon. O araw-araw, lalong nadadagdagan ang kaguwapuhan nito? Hala, puwede kaya iyon? Pinamulahan tuloy sya. "Ah, wala. Nagulat kasi ako sa 'yo. Ang guwapo mo..." Ito na naman yung bunganga nya na walang preno.


At ang lintek, lalong nagpa-cute. "Really?"


"Tara na nga!" sabay tapik nya sa pwet nito.


Napaigtad naman ang lalaki. Naiwan pa itong tigagal dahil nagpatiuna na sya.


***

7:00 PM. Nakarating na sila Leo isa sa mga condo ng pinsan niyang si Ayeza. Talagang maliit nga lang at one bedroom ang ipinahiram nito sa kanya, which was a good thing. This was exactly the kind of setup he preferred for him and Cynthia.


Namangha naman si Cynthia pagpasok nila sa one-bedroom condo. "Hala, Leo! Dito ka ba nakatira? Sa lobby pa lang ng building, ang sosyal na! Tapos, ang sosyal din pala rito sa unit mo!"


Cynthia walked around the small space, inspecting everything, from the walls to the sink, the dishwasher, the electric stove, the front-load automatic washing machine underneath, and the small fridge. Sumunod ay pumunta ito sa maliit na sala para upuan ang leather sofa, buksan ang katabing lampshade, saka tumayo ulit para sumilip sa labas ng sliding glassdoor. "Wow, Leo, may terrace! Kita iyong ibaba, nakakalula!"


Napapangiti na lang siya. Maliit na nga lang ang condo na 'to, pero namangha pa ito. What more pa kaya kung doon niya ito dalhin sa totoo nyang tinutuluyang penthouse?


"Ang nasa isip ko talaga ay naka-apartment ka. Hindi ko akalaing condo pala sa isang sosyal na building!" Namamangha pa rin itong palinga-linga. "First time kong makapasok sa isang condo! At higher floor pa!"


"Pero pasensya ka na kasi maliit lang itong condo ko." Habang isinasaayos nya ang mga gamit nito. 


"Hindi, ah! Ang laki na nga nito, eh." Nakita nito ang pinto sa gilid. "O tingnan mo, may isang kuwarto pa!"


Sana pala ay mas maliit pa rito ang hiniram nyang unit kay Ayeza.


"Saka, naka-aircon ka pala, kaya ang ganda ng kutis mo. Naku, baka naman lalo akong gumanda sa pagtira ko rito." Napahagikhik pa siya. Hay, ang cute!


"Actually..." kunwari'y nag-aalala sya. "...isa lang ang kwarto nito. Dito na lang ako matutulog sa sofa." Well, madaling araw na lang nya ito gagapangin sa kuwarto.


"Puwede naman tayong dalawa sa kwarto, ah."


"Ha?" Seriously? Kapag ganun eh - mas mapapadali ang lahat.


Tumango-tango lang ito.


"E kasi, maliit lang ang kwarto ko, Cynthia. At yung kama ko, kahit double lang."


"O, eh 'di magtabi tayo sa kama!"


Napalunok siya. "Are you sure?"


"Pero kung ayaw mo, sige ako na lang dito sa sofa. Okay lang-"


"No! Syempre mas okay sa'kin yun." Damn! Nawala na naman sya sa ulirat.


"Ha?" Para tuloy nabigla ang dalaga.


Napakamot siya ng pisngi. "I mean... masarap kasing may kayakap sa gabi. Palagi kasi akong malungkot, e." 


"Naku, Leo. Baka naman matukso ka sa'kin, ha..."


Nag-init ang mukha niya. "Malakas yata ang control ko." Kailangan nya itong panindigan. Wrong move, Leo!


"Talaga lang, ha..."


Well, lets see. Hindi sya papatalo. Sisiguraduhin nyang ito ang matutukso. Wala pang babaeng hindi natukso sa kanya! Cynthia stood up and headed to the bathroom. Pagbalik nito ay iba na ang suot, mas daring! Naka-tube kasi ito na litaw ang pusod na terno ng napakaiksing short.


"Magsimula na tayo..." Magligpit siguro ang tinutukoy nito.


Malakas ang AC pero bakit sya pinagpapawisan?


"Alright, let's begin." Iyong pagliligpit din ang tinutukoy nya. Sunod ay walang pasintabing hinubad niya ang suot na shirt. Iyan tuloy, ito naman ang napatanga sa katawan nya. At napalunok pa.


Pero ipinilig ni Cynthia ang ulo pagkuwan. Tila kinalma ang sarili. Naghalungkat sa refrigerator at napulot ang honey. "Masarap ba 'to." Sabay dinaliri ang honey.


Fuck! Slow motion pa habang isinusubo ang honey using her finger! Pero wag ka, sa kanya nakatingin. Iyong lips nito ang sarap kagatin!


He would not lose on her! kaya lumapit din sya sa ref.


"Bigla ako nauhaw..." then nadampot nya yung bottled water. Nang iinumin nya na, sinadya nyang itapon sa katawan nya. Umagos yung tubig sa kanyang katawan.


Itong tingin tuloy ni Cynthia, walang paglagyan. 


Napakagat labi ito. Mukha talaga itong masarap. Tapos kumuwit pa ito ng honey gamit ulit ang sariling daliri. Tumikhim muna tapos inilahad sa kanya. "Leo, gusto mong tumikim?" Namumungay ang mga mata nito.


Okay, that was the last straw. Lumapit sya rito, hahalikan nya na ito.


"Oh, by the way!" napaatras ito. "It's nice to see you too, Leo."


Oh, crap! Why was everyone talking to him like that?!


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz