ZingTruyen.Xyz

It Started in the Elevator✔️

Chapter 24

JFstories


Chapter 24


NARITO NGAYON SI Cynthia sa convenience store sa Cypress. Malapit din ang lugar na ito sa tirahan ng kanyang best friend na si Camilla. Plano niya kasi sanang ipaalam dito na ikakasal na siya ngayon ding araw na ito at kukunin niya sana itong witness sa kasal niya. Ang kaso, hindi naman niya ito nadatnan sa inuupahan nito.


Nagpaalam pa naman siya kay Leo na siya lang ang pupunta kay Camilla, kaya inihatid lang siya nito kanina. Gusto niya kasi na kausapin muna ang best friend niya. Ang tagal na nilang walang usap, dahil busy ito sa pagkayod ng buto. Balak niya rin itong kausapin nang masinsinan na tutulungan niya ito sa pinansiyal na aspeto. Ma-pride ang babaeng iyon, kaya kailangan ng one on one talaga na usap. Kaya lang ay wala nga ito. Wala rin ang dalagita nitong kapatid na si Kara.


Kahit ang kapitbahay na pinag-iiwanan kay Kara ay walang alam kung saan nagpunta ang magkapatid. Tinatawagan niya ang phone pero ring lang nang ring. Kainis naman si Camilla, lagi na lang wala. Ito tuloy siya ngayon, nagpapasundo na lang ulit kay Leo.


Paglabas niya ng sliding door, saktong dating ni Leo sakay ng Lambhorgini Aventador Roadster nito.


Ang guwapo naman talaga ng kanyang baby daddy. Naka-white polo ito at handa na sa kanilang kasal. Samantalang siya naman ay nakasuot ng puting dress. Plano muna nilang magpakasal sa civil, habang nagpa-plano sila ng malaking kasal. Sa France daw sila ikakasal. Ang sosyal. Habang hindi pa kasado iyon, magsi-civil muna sila, dahil hindi na sila makapaghintay.


Basta maikasal lang sila agad, iyon ang importante.


Pumasok na siya sa loob ng kotse nito. Nakangiti siya dito habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan nito. Nakalabi ang groom. "CT, dahan-dahan. Baka makalog ang baby natin..." 


"Ano tingin mo sa'kin, betlog? Kumakalog?"


Natawa naman sa kanya ang lalaki. Pagkatapos ay humawak ito sa kamay niya.


Hinagkan siya nito at pinisil ang kanyang ilong. "Ikaw talaga, CT... ang sarap mong mahalin..."


Pinamulahan naman siya sa sinabi nito. Hindi pa rin maubos-ubos ang kilig niya rito!


Pagkuwan ay inabutan niya ito ng picture. "Oh... sa'yo na lang ito."


"Ano ito?"


"Picture ko. Sa likod nyan, may sulat ako sa'yo. 'Di ba mahilig ka ring magsulat sa likod ng mga litrato?"


Akma na nitong babasahin ang nakasulat don nang awatin niya ito.


"Saka mo na basahin before ng honeymoon natin. Shy me, eh..."


"Okay." Itinago na nito sa coat pocket nito. "Ready?" tanong nito sa kanya pagkatapos kumambyo.


"Yes FM!"


Napapailing na lang na pinaandar na nito ang sasakyan. Mayamaya'y tumunog ang cellphone nyang twinkle-twinkle little star. May message si Preston. Nang basahin niya ang message nito, natutop niya ang sarili nyang bibig.


"Why?" napansin agad naman ni Leo ang reaksyon niya.


Binasa niya ulit ang text nito.


Editha just passed away this morning.


***


INIHINTO NI LEO ang minamaneho nyang sasakyan. He had noticed Cynthia suddenly start crying after looking at her phone.


"Is everything okay, CT?"


Hindi ito tumugon bagkus ay yumakap lang ito sa kanya.


"Patay na si Editha my friend..."


"Who's Editha?"


"Iyong pasyente ni Preston na kalokalike ko..."


Bigla nyang naalala noong pinuntahan niya si Pretson sa hospital. Mayroon itong pinuntahan sa ICU. Naalala niya rin ang pangalan nitong Editha Robles na binanggit ng nurse kay Preston nang kasalukuyang nagtatalo sila nito.


Napabuntong-hininga na lang siya. Ginantihan niya nang yakap ang mapapangasawa. "Shhh... tahan na. Siguro i-postpone muna natin ang kasal natin–"


"Hindi, Leo." Kumalas ito sa kanya. "Okay lang ako."


"Are you sure? Pwede naman nating ipagpabukas ito."


Sunud-sunod ang pag-iling ni Cynthia. Pagkatapos ay humawak ito sa kamay niya. "Okay lang ako, I swear."


"Alright, baby..."


Pinaharurot na niya ang sasakyan niya upang mapabilis sila. Sa Baguio kasi sila nakatakdang magpakasal ngayon. Doon na rin nila balak mag-honeymoon.


"Nakausap mo ba ang best friend mo?" he asked, eyes still fixed on the road.


"Wala siya sa bahay nila, eh." Hindi niya pa nami-meet ang best friend nito. Balak sana nitong gawin witness sa kasal nila.


"Eh, ang uncle mo?" tanong naman nito sa kanya.


"He's in the States." He'd hoped he'd be a witness too. "But I called my cousin, Ayeza. She said she'd come, no matter what."


"Ang mahalaga may witness tayo."


"Malamang male-late 'yon. Malayo pa siya, eh. Meron pa sana akong isang naiisip but– pinag-iisipan ko pa." He glanced at her through the rearview. "My Mom. She's in the country, but I think she'll flip if she hears I'm getting married, especially civil."


Cynthia looked worried. "Sigurado ka bang okay lang sa parents mo kung magpapakasal tayo?"


He reached over and held her hand. "That's why we're in a hurry. So there's nothing they can do. Hindi rin naman sila siguro makikialam. Matanda na ako."


She squeezed his hand back. "Salamat, Leo..."


"No, CT. Thank you dahil pinunan mo iyong KULANG sa buhay ko." He looked at her with so much love. "I will love you forever, kayo ng magiging anak natin. Nang mga magiging mga anak natin."


Naluluhang napangiti ang dalaga. "Leo, nasabi ko na ba sa'yo?"


"Na ano?"


"Na – ang sarap mo ring mahalin..." She said, giggling.


"I love you, Cynthia... very much so." He mumbled, pulling her closer to him. He leaned down to catch her lips.


Ngunit nang mag-angat ng mukha ang dalaga at mapatingin sa kanilang daraanan, nanlaki ang mga mata nito.


"Leo, babangga tayo!"


Nang mapabaling din siya sa daan, mayroon nga silang makakasalubong na malaking truck.


"What?!" Panic surged through him and he slammed on the brakes. Ang kaso, hindi iyon kumagat. "Damn!"


Napatili si Cynthia.


Pinilit nyang iliko ang kanyang sasakyan ngunti huli na dahil tinamaan sila ng likuran ng truck.


Hulog sa bangin ang kanilang sasakyan. Halos mawalan siya ng ulirat.


Pinilit nyang imulat ang kanyang mga mata, ngunit makapal na usok lang ang kanyang nakikita.


Nahagip ng paningin niya si Cynthia, nakayakap ito sa kanya.


He lifted her and froze in shock. "Oh no..."


Duguan ang dalaga at wala ng malay-tao. May putok ito sa ulo at puro galos ang mukha. Nang kapain niya ang masakit nyang ulo, puro dugo rin iyon! Sinikap nyang kumilos ngunit nanghihina siya. Naipit din ang mga paa niya. Gusto nyang sumigaw para humingi ng tulong ngunit nanlalabo na ang kanyang paningin.


Sa huli'y unti-unti na syang kinain ng kadiliman.


...


NANG magmulat si Leo, naroon na siya sa isang kwarto. Puti ang paligid. A woman was sitting beside his bed. He couldn't quite remember her, but her face felt oddly familiar.


She gasped in surprise when she saw he was awake. "Oh my!" she cried out. "Wait, Leo, I'll call your doctor." She quickly stood and rushed out of the room.


Leo? Ah, oo, nga pala. Leo ang pangalan niya. Sinubukan nyang maupo ngunit hindi siya makabangon. Hindi rin siya makapagsalita, nanunuyo ang lalamunan niya.


In just a short while, his doctor arrived. He immediately checked on him. 


The woman held his hand. "Are you okay, Leo? I already called Tita Aria and Tito Adam. They're on their way now."


Saka niya lang naalala itong babae. Ito pala si Ayeza, ang pinsan niya.


An hour had passed when more people arrived. Tinatanong siya kung kilala niya ang mga ito. Matagal siya bago makatango, dahil pino-proseso pa ng utak niya isa-isa ang mga ito. At first, he didn't recognize them. But eventually, their faces became familiar. His mom, his dad, and even his cousin Hunter were all there.


"He was suffering from post-traumatic amnesia," his doctor explained when his mother asked why it had taken him so long to recognize them. "But don't worry. From what we're seeing, he's beginning to recognize people quite quickly. Hindi pa lang natin sigurado kapag sa mga taong hindi niya ganoon ka-close. Isasailalim pa natin siya sa mga test, at hintayin natin ang result ng latest CT scan niya."


CT scan? Parang pamilyar sa kanya ang 'CT', ah. Bigla nyang naalala si Cynthia. Dumagundong ang dibdib niya sa kaba.


Nasaan si Cynthia? Bakit hindi niya ito nakikita? Bakit hindi ito nagpapakita? Pinilit nyang magsalita ngunit hindi siya makapagsalita. Bakit? Parang umurong yata ang dila niya?


Unti-unti ay nakakaungol na siya. Hanggang sa nakakapagsalita na nga siya ngunit pautal-utal lang. Ilang araw na rin kasi syang ganito. Parang may hindi normal. Ang alam niya kasi –kahapon lang siya naaksidente. Hindi rin kasi siya makalakad ni makatayo. Sakto naman na dinalaw siya ni Ayeza ng araw na iyon.


"Hey, 'couz... how are you?" Nakangiti ito sa kanya.


He held her hand. "C-Cyn..."


"Nakakapagsalita ka na?!"


"C-Cynthia..."


Lumamlam ang mga mata ni Ayeza. Humawak na rin ito sa mga kamay niya.


"C-Cynthia..." usal pa rin niya kahit hirap siya.


"Leo..." She bit her lower lip. "...four years kang na-comatose."


What!? Apat na taon na syang naratay at ngayon lang siya nagising? Namilog ang mga mata niya. Lalo syang nag-alala para kay Cynthia... at sa anak nila.


Humigpit ang hawak niya sa pinsan niya. "C-Cynthia..." Pagpipilit nyang bigkas. "W-where... is... Cyn...thia...?"


Bumaling nang tingin si Ayeza sa kawalan.


"Leo... kasi..." Ayeza couldn't find the words. "...Cynthia didn't make it..."


Pumatak na ang luha mula sa mga mata nito.


"It's been four years, Leo..." Hanggang sa napahagulhol na ito. "...It's been four years since she died because of the accident. I'm sorry..."


(End of Book 1)

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz