Part 2
Leo was busy reading the yearly report of the company when his door suddenly opened.
"How are you, Leo?" Iniluwa ng pinto ng kanyang opisina si Odessa, his ex-girlfriend na dating artista. Magandang-maganda ito sa suot na fitted midi short dress and a pair of stilettos.
Leo's forehead furrowed.
"Totoo pala ang balita na magaling ka na talaga. Look at you, baby, parang wala man lang nangyari sa 'yo. You're still handsome as ever." The woman was smiling from ear to ear.
Ibinaba niya ang hawak na folder nang lumapit ito. "Do I have an appointment with you?"
"Hmn, wala." Naupo ito sa mismong table niya, showing her flawless legs. "But I know – you need me tonight," she said in a sensual tone of voice.
He stood up and took a bottle of Martini from his fridge. Sinalinan nya ang dalawang cocktail glass.
"You know what, Leo? You matured a little." Dumi-quatro pa ang babae habang nakasunod ng tingin sa kanya. "Tumapang ang aura mo and it made you look more gorgeous and hotter than you were five years ago."
Nilapitan nya ito. Hawak nya sa magkabilang kamay ang dalawang cocktail glass na may laman.
"It was the right decision to wait for you, Leo," Nangingislap ang mga mata nito. "I knew you'd get better, and I was right, wasn't I? Look at you. No one would even think you were in a coma for years and went through a series of therapy."
Tumikim muna siya sa isang cocktail glass na nasa kaliwa niyang kamay pagkatapos ay inilahad niya ang isang glass sa babae. Ngunit hindi para iabot dito iyon, kundi para ibuhos sa mukha nito.
Kandasamid sa pagkabigla si Odessa nang tumama sa mukha nito ang alak. "What the–" Magsasalita pa sana ito nang ibuhos niya pa ang laman ng isa pang glass na hawak sa mukha nito.
Napahilamos na lang sa sariling mukha ang babae.
Pagkatapos ay matiim nya itong tinitigan. "If you want to see me, you have to book your schedule with my secretary. Understood?"
Natulala ito sa kanya, lalo sa mga mata niyang pinangingilagan ng mga empleyado ng kompanya dahil sa kawalan niyon ng emosyon.
Napangiwi ito habang nangangatog. "U-understood..."
"Now, get out of my office." His voice was calm but full of threat.
Parang robot si Odessa na awtomatikong humakbang palabas ng kanyang opisina. Ni wala itong lingon na ginawa sa kanya. Nang mawala sa paningin niya ang babae, nag-dial siya sa intercom. Sinagot iyon ng kanyang secretary sa kabilang line.
Maya-maya'y pumasok sa pintuan ang isang petite na babae, nangangatog ito.
Umupo sya sa swivel chair habang inaayos ang kanyang kurbata. "Why did you let her in?"
"S-Sir?" Kandautal ito.
"Do I have to repeat myself?"
His secretary swallowed hard before answering. "S-she insisted on coming in, sir... She said she was your girlfriend. She got mad when I tried to stop her. She said I'd be in trouble if you found out I didn't let her in. Tatawagan ko po sana kayo, pero nauna na siyang nanakbo papasok-"
"Enough."
Muntik nang mapatalon ito sa gulat at takot.
Tumayo siya at muling umupo sa kanyang upuan. "You're fired."
Nanlaki ang mga mata nito. "S-Sir?"
"Do I have to repeat myself?"
Napaiyak ito. "I'm sorry, sir. But, please..."
"I said – you're fired. Is it that really hard to understand?"
Napayuko ito habang umaagos ang mga luha nito. "S-sir, please–"
"Get out!"
Lumabas siya ng opisina patungo sa conference room for his board meeting. Agad namang sumunod sa kanya ang apat niyang body guards. Nakasalubong niya ang isang lalaking empleyado bago siya makarating ng conference area.
Nakangiti ito sa kanya. "Good afternoon, sir." Huminto pa ito at bahagyang yumuko.
"Why are you smiling?"
Napamaang naman ito. "S-Sir?"
"I said why are you smiling?"
The employee's expression changed. "Sorry, sir. I was just really happy today." He couldn't even smile anymore.
"Pack your things." Humakbang na siya pagkasabi niyon at nilampasan nya ito. "Because you're fired."
Naiwan nangingipuspos at tulala ang lalaki.
He must fire that employee because he saw a smile in his face. Ayaw niyang may nakikitang masaya. Kapag may ngumiti sa kanya – tinatanggal niya agad sa trabaho. Kahit ano pang posisyon nito sa kompanya niya. Dahil isang bagay na isa sa ipinagmamalaki niya ang nawala sa kanya nang mamatay si Cynthia – iyon ay ang ngumiti.
Pagpasok niya ng conference room, animo'y mga disiplinadong sundalong sabay-sabay nagsitayuan ang mga board members niya. Sa iisang direksyon lang nakatingin ang mga ito – at hindi sa kanya. Nang umupo sya, sabay-sabay ring umupo ang mga ito.
"Ahem!" tumikhim muna si Mr. Castro, ang COF nya, bago ito nagsalita. Halata sa tinig nito ang takot. "Sir, are you considering the CT Corporation?"
Heto na naman siya at nakakunot-noo. "CT?" nagtagis ang bagang niya. May naalala kasi siya sa abbreviation na iyon.
Nagkatinginan ang mga board members. "Coner Technology, Mr. President. CT." Si Mr. Castro na ang naglakas loob na sumagot
"No."
"But, Mr. President, this is the best that we may have."
He saw all his board members nodding in agreement at the same time. It looked like everyone was siding with Mr. Castro. But he stood his ground. "No," he replied again.
"W-why, Mr. President? Why not? G-give us a concrete explanation." Makikitaan ng nerbiyos ang mukha nito.
"Because of the corporation's name– CT."
Napailing si Mr. Castro. "This is a business, Mr. President. Would you mind putting aside your –"
"Do I have to repeat myself, Mr. COF?"
"But, Mr. President?"
"Then, you're fired."
Napatigagal ito. "W-what?"
"I will replace you as my COF."
Napalunok ito ng mariin. "You can't do that. You need the votes to replace me. I'm in an executive position."
Tumayo siya at inayos ang kanyang coat. Pagkatapos ay kalmado siyang nagtaas ng mukha. "Then let's do the voting now." Itinaas niya ang sariling kamay bilang tanda ng sarili niyang boto.
The board members looked at one another again, unsure of what to do. Then, one by one, they raised their hands in agreement with him.
"And those who want to remain in Mr. Castro's position, raise your hand." Ibinaba na niya ang kanyang kamay.
Walang nagtangkang magtaas ng kamay sa takot ng mga ito sa kanya.
Bumaling siya kay Mr. Castro.
"You can't do this to me, Leo. Kaibigan ako ng mga Montemayor, and I have been here in this business for almost half of my life."
"Of course I can do this. And I'm not a Montemayor, I'm a Saavedra. And I'm not a friend of yours." Lumapit siya rito nang bahagya at binulungan niya ito. "Now get out of here."
Marahan namang tumayo ang matanda. Ngunit palabas pa lang ito ng pintuan nang muli itong humarap sa kanya. "Please, Leo. I have a family. I need this job."
Lumapit siya rito at inayos niya ang kurbata nito. Pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. Tumingin siya sa mga mata ng matanda bago siya nagsalita. "I don't care."
This is him– the new Leo Montemayor Saavedra. One of the top billionaires this year.
Isang taon na ang nakalipas matapos siyang magising mula sa kanyang pagkakahimlay nang mahigit apat na taon sa kama. At galit siya sa lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz