Chapter 23
Chapter 23
BUMULUSOK SI Cynthia sa kama pasubsob nang ihagis siya ni Leo. Halos kaladkarin siya ng lalaki pauwi sa kanilang condo. Sumama na siya kay Leo bago pa lumala ang pagkakasakitan ng dalawa. Isa pa, hiyang-hiya na siya. May mga nanonood na kanina sa kanila. Nahihiya na rin siya kay Preston, nadadamay ito sa gulo ng buhay niya.
"Do you wanna know what's my problem, huh?" nangangalit ang ngiping sabi nito. "Well, let me answer that on this bed!" Habang nagtatanggal ito ng sinturon.
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi pwede! Baka makasama iyon sa kanyang ipinagbubuntis. Pinagbawalan siya ng OB sa ospital ni Preston na bawal muna ang intercourse. Dinugo siya at puwedeng maulit iyon. Kailangan pa niyang magpahinga kahit ilang linggo pa.
"L-Leo, 'wag..."
Pero parang bingi ang binata na lumapit sa kanya. Amoy na amoy niya ang alak dito.
Sinubukan nyang pumalag ngunit malakas ito at isa pa'y nanghihina siya. "Leo ano ba?!"
Hinawakan nito nang mariin ang pisngi niya upang iharap siya rito.
"'Tangina, Leo! Hindi ako pwede! Baka –" Hindi na siya nakapagsalita nang marubdob siya nitong hinalikan. Isang halik na puno ng galit, sakit at nagpaparusa.
Nagpumiglas pa rin siya sa pamamagitan ng pagwasiwas niya ng kanyang ulo. "Tama na, Leo... ano ba?! Mag-usap tayo, please!"
Ngunit sinakal siya nito at buong bigat na dumagan sa kanya. "Why, Cynthia? Dahil pinagod ka ni Preston, huh?"
Bahagya syang napatigagal sa sinabi nito. "Ano ba, Leo?! Ganyan na ba kakitid ang utak mo?! Nandoo lang ako dahil--"
"This isn't about me Cynthia. It's about you and that asshole doctor!" lalong dumiin ang mga kamay nito sa kanyang leeg. "Hindi ka ba nakontento sa akin, huh? Am I not enough? Or you're just a whore kaya naghahanap ka pa ng iba?"
Napakasakit ng mga sinasabi nito sa kanya. Pero saka na niya iyon iindahin. Uubusin niya ang natitira niya pang lakas para protektahan ang sarili. Alam niyang hindi rin naman siya nito matutuluyang puwersahin. Galit ito, pero kahit noong nagalit ito sa kanya noon, hindi siya nito sinaktan nang pisikal. Ang sinaktan nito ay ang damdamin niya.
Nang sibasibin uli siya nito ng halik ay umiwas siya, sa leeg siya nito sumunod na pinaghahalikan. Wala namang patid ang pag-iyak niya at pagmamakaawa rito na tumigil ito, at alam niya, kilala niya si Leo. Titigil ito.
Dahan-dahang bumagal ang kilos ng lalaki sa ibabaw niya.
Napahinto na ito at hindi na muling kumilos.
Hindi pa rin naman maampat ang mga luha niya. Ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib niya.
Nagulat na lang siya nang umangat ito at niyakap siya. "Shhhh... tahan na... hindi na... sorry..." piyok ang tinig nito.
Lalo lang syang napaiyak. Nasasaktan pa rin siya dahil sa mga sinabi at ginawa ni Leo, pero masaya ang puso niya dahil tama siya. Hindi nito siya pupuwersahin. Hindi siya nito sasaktan. Inayos nito ang pagkakahiga niya. Pagkatapos ay pinunasan nito ang mga luha niya. Masuyong hinahalikan ang buhok niya.
Ang pagod niya, panghihina, lahat ay nagsama-sama. Hindi niya namalayan na nakatulog nga siya. At sa paggising niya, wala na si Leo sa tabi niya.
Marahan syang tumayo at nagtungo sa kanyang bag na nasa couch sa sala. Naroon ang cellphone nyang patay-sindi. May text doon, nang buksan niya ito – si Preston. Nagulat siya nang buksan niya ang mensahe nito.
Nasa ICU na si Editha.
***
LEO PARKED HIS car in front of Preston's hospital. Agad syang bumaba ng kanyang kotse at padabog na binuksan ang sliding door papasok sa loob ng emergency room. Pihadong naroon ang doctor na hinahanap niya, hindi nga siya nagkamali. Huminto ito sa ginagawa nito at lumapit sa kanya.
"What did you do to her?" si Cynthia ang tinutukoy nito.
"It's none of your business..." Madilim ang kanyang mukha.
May binilinan ito sa Emergency. Iyong kausap nitong nurse. Pagkuwa'y bumaling sa kanya. "Let's talk in my office, Leo."
Sinundan naman niya ito hanggang sa makapasok sila sa opisina nito. Bago pa lang ito magsasalita nang kwelyuhan na niya ito at dinikdik sa pader. "How many times do I have to tell you to stay away from my woman before you can finally understand?!"
Pero matigas si Preston. Ngumisi pa ito. "Am I a threat to you?" pagkatapos ay itinulak siya nito palayo.
"She is mine!" sigaw niya rito.
"For now – but sooner or later, mare-realize niya kung gaano kakitid ang utak mo at siya na mismo ang lalayo sa'yo."
"Asshole!" Pinukol ng kanyang kamao ang mukha nito. Napaatras ito sa lakas ng pagkakasapak niya rito.
Ngunit mukhang nakabawi agad ito at mabilis na lumapit sa kanya. Nakapitan nito ang kanyang kwelyo.
"You better keep an eye on her, dahil kapag nakakita ako ng pagkakataon, I will make sure that you won't ever see her again! She'll be mine!"
Biglang bumukas ang pinto. "Doc, there's an emergency at ICU. It's Editha Robles!" sabi ng nurse.
Nanlaki naman ang mga mata ni Preston at nabitiwan siya, napatakbo ito patungo sa ICU. Sinundan niya ito, pero nang pumunta na ito sa operating room ay hindi na siya nakasunod pa.
Isang oras ang lumipas ay natanaw niya itong muli na lumabas mula sa operasyon. Malungkot ang mukha nito habang nagtatanggal ng face mask. Nang matanaw siya nito na nakaupo sa waiting area, marahan itong tumabi sa kanya.
"You are lucky, don't you know that?" anito sa kanya sa malungkot na tinig.
"Why is that?" Hindi niya ito tinapunan nang tingin.
Huminga ito nang malalim bago ito nagsalita muli. "Because you're going to be a father..."
"What!?"
He looked at him. "She's pregnant."
Namilog ang mga mata niya, napatigagal siya.
***
NA-RECEIVE NI Cynthia ang text ni Preston sa kanya kani-kanina lang. Galing daw doon si Leo at nasabi na nito ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Maigi na rin iyon at least – hindi na niya makikita ang reaksyon ng binata. Nabanggit din ni Preston sa text na – galit daw si Leo na umalis doon.
Pauwi na ito. Hindi niya alam ang sasabihin nito. Posibleng sumbatan siya, dahil bakit niya nilihim? Bakit din niya sinabing ligtas, pero hindi pala. Ano man ang sabihin nito, malamang na galit ito. Dahil pinangunahan niya ito. Hindi niya na kayang makita pa ang galit nito. Ayaw niyang iyon ang huling maalala rito.
Malamang ay palalayasin na naman siya nito sa kanilang condo. O di kaya'y babayaran siya nito para magpakalayo-layo siya rito.
Bago gawin sa kanya ng binata iyon, uunahan na niya ito.
Sasabihin niyang aalis na siya, kaya wag na sana itong magalit. Wala itong dapat ipag-alala. Basta, bigyan lang siya nito ng kahit kaunting panimula. Magpapaka-praktikal siya. Anak pa rin nito naman ang dinadala niya. Kahit limos lang. Tutal ay mayaman naman ito. Barya lang dito kahit humingi siya ng limang milyong piso. Okay na iyon. Mabubuhay na sila ng anak niya nang maalwan sa isang milyon.
Dali syang nag-empake ng mga damit niya. Inihanda na rin niya ang mga credit card na ibinigay sa kanya. Iiwan niya iyon. Cash ang dadalhin niya. Makakagawa naman ito ng paraan para makapaghanda ng cash agad.
Makalipas ang isang oras, heto na nga siya at nakahanda na ang mga gamit niya. Magho-hotel muna siguro siya habang naghahanap ng mabibili na bahay. Kukuha siya sa isang subdivision. Iyong sakto lang na laki ng bahay. 50 square meters na up and down, na two bedroom, at one bathroom, na may maliit na garahe. Mga nasa dalawang milyon lang ang halaga ng ganoon dahil wala pang inflation ngayon. Tapos ay bibili siya ng kotse kahit second hand. Mga kalahating milyon.
Ise-secure na rin niya ang future ng magiging anak nila. Ikukuha niya ng worth one million na trustfund. Malaki pa ang matitira na 1.5M. Iyon ang ipangne-negosyo niya. Aalukin niya siguro si Camilla na sumosyo sa kanya. Siya ang sa puhunan. Tutulungan niya ang best friend niya, at baka yayarin na rin niya ito na doon na sa kanya tumira para hindi na mangupahan. Tama. May mga plano na siya.
Lumipas pa ang dalawang oras, tatlo at hanggang sa sumapit ang gabi ngunit wala pa rin si Leo. Palakad-lakad lang siya malapit sa pinto ng condo habang hinihintay ito. Hinanda na rin niya ang mga sasabihin niya. Kaya lang ay nasaan na ba ito? Sabi ni Preston ay kanina pa nakaalis si Leo sa ospital, di ba?
Sa bawat pag-usad ng oras, gumuguho ang lakas niya. Kaya sana habang hindi tuluyang nauubos ang lakas niya ay magpakita na ito. Kasi baka mamaya ay hindi niya na kayanin. Baka magmakaawa na siya rito na wag siyang paalisin. Kasi kahit ilang milyon, hindi naman niya talaga kaya itong ipagpalit. Kasi mahal niya ito. Mahal na mahal niya ito, kaya ang sakit...
Bumukas ang pinto, at mula roon ay pumasok si Leo. Napapahid siya ng pisngi para burahin ang mga bakas ng luha. Nang humakbang ito palapit ay ganoon na lang ang pagwawala ng puso niya sa loob ng kanyang dibdib. Pero hindi. Hindi siya puwedeng lumihis sa plano.
Napatayo siya agad sa pagkakaupo niya sa couch. Pagkatapos ay tinungo niya ang mga bagahe niya at isa-isa niya iyong inilabas. Wala namang imik ang binata na naupo lang sa couch na inupuan niya. Nang mailabas na niya ang mga gamit niya, humarap na siya dito.
"I know everything..." matipid na sabi ni Leo habang nakayuko ito.
Bigla syang napaluha sa tinig nito ngunit pinigilan niya iyon. Para kasing wala lang. "Leo, five million..."
Nag-angat ng mukha ang binata.
"Sapat na iyon para mabuhay kami ng anak mo." Sinikap nyang buo pa rin ang boses niya.
"No." Yumuko ulit ito.
Kumulo ang dugo niya sa pagtanggi nito. "So ano?! Hahayaan mo na lang kami ng magiging anak mo?! Ganun-ganun na lang yun matapos mong iraos iyang lib*g mo sa'kin?! Nag-enjoy ka rin naman ah, di ba?! Eh bakit– "
"Marry me." Mabilis nitong sagot.
"Marry –?" hindi agad nag-sink-in sa utak niya ang narinig. "Ha?" napatulala siya ng ma-realize na niya ang sinabi nito.
Tumingin lang sa kanya si Leo na wari'y naghihintay ng sagot niya.
"L-Leo..." Napahikbi na siya. "Leo, bakit mo sinasabi sa akin iyan? Tinatagan ko na nga ang sarili ko sa desisyon kong binuo. Tapos, sasabihin mo iyan? Baka nabibigla ka lang. Leo, mahirap matali sa taong hindi mo mahal–"
"Damn! CT, I love you!"
Napanganga siya sa sinabi nito.
Ngunit mas ikinagulat niya nang lumuhod ito sa harapan niya. "I love you and I can't live without you. With you I can be me, and I want to spend my life with you."
Pagkatapos ay humugot ito sa bulsa at naglahad sa kanya ng isang maliit na box na may lamang kumikinang na singsing.
"Please, parang awa mo na... marry me..." garalgal ang tinig nito.
Dito na pumatak ang luhang kanina niya pa sinusupil.
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz