Chapter 22
Chapter 22
PINAHARUROT NI Leo ang kanyang kotse. He was so devastated because of what he saw. Nagising siya na wala sa tabi niya si Cynthia, wala na rin ang mga kaibigan nito. He panicked na kulang na lang ay sesantehin niya lahat ng security guards niya sa pag-aakalang nawawala ang dalaga at hinayaan ng mga ito. Sinubukan niya kasi itong tawagan ngunit hindi niya ito ma-contact. He was so worried na baka kung napaano na ito.
Cynthia's friends had no idea where she was. Before he contacted his detective out of deep worry, he first went to the convenience store in Cypress, hoping she might be there. But she wasn't.
Then he decided to go to Preston's hospital, hoping she might be there. But what he didn't expect was what he saw. He found his woman with that bastard doctor, having lunch together at the restaurant beside the hospital building. Just like the first time he saw the two of them there!
He tapped on his phone and called a contact. Sumagot naman agad ang tinawagan niya sa kabilang linya. Nagsuot siya ng wireless earphone. "H, I need someone to talk to. Are you free?" he asked while he was driving.
"Meet me at my office."
After an hour, he was already at his uncle's office, who was almost the same age as him. He was Hendrick Montemayor. The man greeted him with a calm expression.
"Have you ever been jealous?" he asked as he adjusted his seat, eyes staring off into nothing.
"You know me, Leo." Tumayo ito at nagsalin ulit sa kopita. "What mine is mine. I will protect my properties with my life."
"I don't understand, Uncle –"
"'Wag mo nga akong tatawaging Uncle! Nagmumukha akong matanda!" bigla itong nagtaas ng boses na kanina'y mahinahon lang.
May pagka-bipolar kasi ito. Pero sanay na siya rito.
"Anyway..." biglang umayos ang mukha nito at naging mahinahon ulit. See? "...it means that – LOVE changes everything. And you are falling in love to this – gorgeous-funny-desirable-worth it nang naikama mo-girl..."
Napatigil siya. "Whoa, H! Hold it right there! Is this for real? You're saying the word 'love'?. Don't tell me, in love ka na rin kay Camz?" he laughed.
"'Wag mo nga syang matawag-tawag na Camz, hindi kayo close!" pinamulahan itong napasinghal sa kanya. Gone was the perfectly composed Hendrick. "For your information, I am getting married to her!"
"That was a great joke!" Bulalas niya.
Lumalim ang kunot ng noo ni H. "I'm not kidding. 'Tangina mo, Leo."
Natutop niya ang sariling bibig. "In love ka nga! Hindi ka na bato, congrats!"
"Oh, don't look at me like that," inis na sita nito sa kanya.
Napatayo siya at nayakap niya ang batang tiyuhin. "Congrats talaga, H!" he said sincerely. He was genuinely happy for him.
And he was happy for himself too. Alam naman niyang mahal niya si Cynthia. Hindi simpleng kabaliwan lang ang nararamdaman niya sa babae, kundi tunay na pag-ibig. Handa siyang ibigay rito ang lahat. Kahit pa anong gawin nito, masasaktan siya pero patatawarin niya pa rin ito. He was even ready to drop all his pride at her feet.
And hearing H say he was ready to settle down opened up a world of possibilities in his mind. Maybe he and Cynthia could end up like that, too. Maybe not right away, but eventually, after they had more time to enjoy each other. Pakiramdam niya kasi ay kulang pa ang naibibigay niya rito. Gusto niya munang mag-focus dito, ibigay rito ang lahat-lahat. And then after that, they would talk about the next steps...
He left H's office with a smile on his face and called Cynthia. He told himself he wouldn't get mad right away. He'd hear her out, listen to her explanation about why she was at Preston's hospital. Yeah... he'd listen and try to understand.
Nang tawagan niya muli ang dalaga ay contacted na ang cellphone nito. Kaya lang – si Preston ang nakasagot. At mukhang hinihingal pa ang lalaki. 'Tapos narinig niya pang umungol si Cynthia. Fuck! Naibato niya tuloy ang cell phone niya. Obviously they were doing something!
***
KASAMA NI CYNTHIA si Preston palabas ng hospital. Halos isang araw din siya ron dahil sa mga test na ginawa sa kanya. Ten weeks na pala syang buntis. Ang nakakapagtaka lang, hindi gaanong halata iyon sa kanyang katawan. Sexy pa rin kasi siya kung titingnan at mukhang hindi nagdadalang-tao.
Ang palatandaan lang sa kanya ay naging emosyonal siya nitong nakaraan. Mabilis magalit at mabilis malungkot. Naging impulsive din. Kaya pala. Kaya pala kasi hindi na siya nag-iisa. May isa nang buhay sa loob niya.
"Ang bigat mo pala!" Nakangisi si Preston habang inaalalayan siya. Binuhat kasi siya nito para mailipat siya sa kama kanina. Nakatulog kasi siya sa table, habang naghihintay siya ng resulta ng examination sa kanya.
"Pasensiya na. Puyat kasi ako kaya di ko namalayang nakatulog na ako." Dagdag pa pala na nagiging antukin na siya. Mapasandig lang ay tulog na agad siya.
"Oh by the way, CT, kanina noong binuhat kita, parang binabangungot ka. Umuungol ka. And..."
"And?" Nakaabang naman siya sa susunod nitong sasabihin.
"Ah, wala. I mean – kakaiba kasi iyong ungol mo. Parang hindi ka binabangungot. Mukha kasing sarap na sarap ka."
Napangiwi siya. Alam niya na kung ano man ang napanaginipan niya.
Napakamot na lang sa ulo ang lalaki. Pagkatapos ay sumeryoso ang mukha nito. "Thank you, CT."
"Ano ka ba? Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo eh."
"No, CT. Thank you about kay – Editha." napayuko ito. "I like her hindi lang dahil kamukhang-kamukha mo siya. Gusto ko siyang baguhin. Pero hindi ko siya napagbago. Ikaw ang nakapagpabago sa kanya..."
"Masaya na ako na at least nagbago na ang pananaw niya sa buhay. Kahit pa kaunti na lang ang oras niya, naging positibo pa rin siya."
"Ah, CT." Tumikhim si Preston. "About your pregnancy, don't you have plans to tell him?"
Nagbago ang mukha niya. "Hindi ko pa alam. Wala sa usapan namin ito, e. Hindi pa namin napag-uusapan. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Masyado pa kaming masaya ngayon. Ayoko muna sanang matapos ito."
"But it's his right. Siya ang ama ng ipinagbubuntis mo..."
"Pag-iisipan ko pa ngayong gabi. Bahala na."
Yumakap sa kanya si Preston. "Nandito lang ako. Nandito lang kami ni Editha. Hindi ka namin pababayaan."
Ang kaso, pag-uwi niya – ibang Leo ang nadatnan niya. Tulog ito at hindi makagulapay sa harapan ng pinto ng kanilang condo. Lasing na lasing ito.
"Leo! Anong nangyari?"
Hindi naman ito tumugon, umuungol lang.
Buong lakas niya itong pinangko at ipinasok sa loob ng kwarto. Halos mapa-ire siya sa bigat nito. Nang papalitan niya na ang damit nito, biglang kumirot ang kanyang tiyan. Napakasakit noon. Napaigtad pa siya ng kapain niya ang kanyang ibabang bahagi – may dugo iyon!
Iika-ika syang nagtungo sa sala kung saan niya naiwan ang kanyang bag. Hinugot niya roon ang kukurap-kurap nyang cellphone. Agad syang nag-dial ng number ni Preston at sinabi niya rito ang kalagayan niya. Bahagya na syang hindi makatayo at nanlalabo na rin ang kanyang paningin nang dumating si Preston sakay ng ambulance. May mga kasama itong nurses na tumulong para buhatin siya.
Sa kasamaang palad, wala namang kaalam-alam si Leo sa nangyari sa kanya. Mahimbing ang tulog nito sa loob ng kanilang kwarto. Hindi man lang siya nakapagpaalam dito. Paano'y ni ang makadilat nga ay hindi nito magawa.
Dalawang araw din syang na-confine sa maliit na ospital ni Preston. Mabuti na lang at ligtas pa rin ang bata sa kanyang sinapupunan. Kung nahuli pa ng dating si Preston, malamang ay hindi na nila naagapan iyon.
"Saan ka pupunta, CT?" puna sa kanya ni Preston nang madatnan siya nito.
"Kailangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na ako ni Leo." Pinilit nyang tumayo.
"Tinawagan ko na siya. Hindi naman niya sinasagot ang tawag ko." Parang galit ang tinig nito.
"Bakit mo siya tinawagan?" Napailing din siya sa kanyang tanong. Nag-text kasi siya kay Leo. Sabi niya ay may pupuntahan lang siyang kaibigan. Wala man lang kahit reply ito. "Basta, Preston, uuwi na ako. Mas lalo kong dapat bumalik sa condo. Baka nag-aalala na iyon sa akin."
"O baka naman ikaw lang ang nag-aalala sa kanya. Kasi kung talagang nag-aalala yun sa'yo – tatawag siya sa cellphone mo. Pero wala ni text man lang."
Napabuntong-hininga na lang siya. "Hindi lang iyon ang dahilan ko. Nami-miss ko na rin kasi siya."
Napayuko na lang ang binata. "Okay. Pero hayaan mo man lang sana akong ihatid ka."
"Hindi na. Kaya ko naman."
"CT!" Pinandilatan siya nito.
"Please. Magta-taxi naman ako, e. Saka okay na ako. Nakapag-bedrest na ako. Di rin naman ako matatagtag sa biyahe. Salamat sa lahat."
Napapikit na lang ito.
Hanggang sa labas ng ospital ay inalalayan siya nito. Niyakap siya nito at hinagkan sa ulo. "Take care, CT. Come back anytime. I'm just here. Even if I'm at my condo, I'll come to wherever you are. Remember, we're friends."
"Salamat ulit, Preston." Humiwalay siya sa pagkakayakap nito. Pero bago siya tuluyang makahiwalay ay bigla na itong napabitiw sa kanya. May humaltak dito. Tumilapon ang doktor pabagsak sa lupa!
Napatili siya nang may lalaking dumampot dito sa kuwelyo at akma itong sasapakin. Si Leo!
"Leo, wag!" Itinulak niya ito dahil nabasag na ang salamin sa mata ni Preston. Tinulungan siya ng taong ito, pero ito pa ang napala nito. Hindi na rin ito makatayo mula sa lapag. Parang napuruhan ito sa paghagis dito kanina ni Leo.
Galit na galit naman si Leo. Naamoy niya rito ang amoy ng alak. "What, Cynthia? Don't tell me na ipagtatanggol mo ang hudas na ito?!"
Natagpuan na lang niya ang sarili niya na inaalalayan si Preston sa pagtayo. "Leo, ano bang problema mo?" Naluluha na siya dahil sa takot at pati na rin dahil nanghihina pa siya. "Tinulungan lang ako ng taong ito! Maniwala ka, kaya ko itong ipaliwanag! Wag kang mag-isip nang masama, please?"
Para namang bingi si Leo. "Gusto mong malaman ang problema ko? Huh?" Nakakatakot ang mukha nito na tulad noong sinampal nito si Odessa para protektahan siya.
Pagkatapos ay padaskol itong lumapit sa kanya. Mukha itong papatay. Wala syang nagawa nang hilahin siya nito sa braso at kaladkarin.
Si Preston na kanina'y nanghihina'y bigla na lang sumunod sa kanila. Malakas na sinuntok nito si Leo sa mukha, kaya ito napabitiw sa kanya. Napatili siya, dahil nakabawi agad si Leo, at binalikan si Preston. Nagpambuno ang dalawa.
"You, bastard!" Tinadyakan ni Leo si Preston sa sikmura. "Tangina mo matagal ko ng gustong gulpihin ka, gago!"
Lalapitan pa sana ito ni Leo para siguro sipain sa sikmura nang harangin niya ito. Umiiyak na siya habang nanginginig. Humawak siya sa kamay nito habang nagmamakaawa ang luhaan niyang mga mata.
"Leo, tama... tara na! Sasama na ako sa'yo... please tama na... umuwi na tayo"
Dito lang natigilan ang kasintahan. Pagkatapos ay hinila na siya nito pasakay sa sasakyan.
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz