Chapter 21
Chapter 21
MARAHANG INIANGAT ni Cynthia ang kanyang kaliwang kamay habang isinusuot doon ni Leo ang isang mamahaling bracelet. A three-rowed pearl diamond bracelet na mukhang mamahalin dahil hindi iyon simple. Kumikinang iyon na parang mga bituin.
"Nag-iisa lang sa mundo ang bracelet na ito. Parang ikaw, nag-iisa ka lang sa mundong ito."
Inangat niya ang kanyang kaliwang kamay upang pagmasdan iyon. Parang hindi bagay ang ganoong ka-espesyal na bagay sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang pakiramdam niya ay nakalutang pa rin.
"M-magkano ito, Leo? Nakakahiya kasi baka... mahal ito..."
Napahalakhak ito. "Silly girl! Halika nga rito." Pagkatapos ay niyakap siya nito nang mahigpit. "You're so cute," sabi nitong nanggigigil sa kanya.
"Kasi naman, eh..." Kumalas siya rito. Naluluha siya. "Leo... salamat talaga. Sobrang saya ko promise! Cross my heart, hope to die! Mamatay man iyong bungal nating kapitbahay."
Natatawa naman ang binata.
"Sorry kasi pinasakay kita sa jeep, pinakain kita sa tabi-tabi, at hinilo kita sa carousel –"
Tumikhim ito. "'You mind if – you don't mention that carousel-thing." Namumula ang pisngi nito.
"Okay. Ang ibig kong sabihin, sorry talaga kasi napahirapan yata kita dito sa date na gusto ko. Alam ko namang hindi ka pa nakakasakay ng jeep. Hindi ka pa nakakakain sa tabi-tabi, at..." Hindi na nito pinatapos ang sasabihin niya nang hagkan nito ang mga labi niya.
"Shhh... it's all right." Tumitig ito sa kanya.
Pagkababa nila sa Ferris Wheel, nagulat pa siya nang bigla syang pangkuhin ni Leo in bridal style.
"Ay, biik na tirik!" bulalas niya. "Ano ba, Leo ginulat mo naman ako!" Wala na syang nagawa nang karga-karga na siya nito. Nahawi pa ang daang-daang katao nang dumaan sila. Magkano kaya ang binayad ni Leo sa bawat isa sa mga ito?
Wala syang ibang naririnig kundi ang hiyaw ng mga ito at palakpakan. Pulang-pula siya dahil nahihiya siya bagama't naroon ang matinding kilig. Ikinubli na lamang niya ang kanyang mukha nang yakapin niya ang leeg ng binata. Pagkatapos ay isinakay na siya ni Leo sa isang kotse. May driver sa loob niyon na awtomatikong pinaandar ang sasakyan.
Mga kalahating oras na pamilyar na biyahe, bago nila narating ang isang malaking pier. Pagpasok nila sa loob ay natanaw niya na ang malahiganteng barko, na kahit sa malayo ay kilala ng puso niya. Ang Montemayor cruise ship. Ang eleganteng barko na hinuhuli niya sa kanyang pangarap. Sabi niya kasi noon, saka niya na iyon papangaraping masakyan kapag nakapangasawa na siya ng mayaman.
Ito rin iyong barko na naging saksi ng pagkawasak ng puso niya noong nalaman niyang niloko siya ni Leo. Ngayon ay bumalik sila rito upang tabunan ng magandang alaala ang masakit na alaalang iyon.
Pero mas ikinagulat niya nang dumating ang malaki nyang cake mula naman sa likuran ni Leo. Nasa cart iyon at tulak-tulak nila Gladis at Merdie. Kasama rin ng mga ito si Chiboy—asawa ni Gladis na mukhang terorista.
Natutop niya ang kanyang bibig. "Ang heavy na nito, Leo! Over load sa kilig like Lemon Square cupcake! Over load sa sarap" napatayo pa siya at niyakap ang dalawang malapit na kaibigan.
Para namang kinikiliti ang dalawa sa singit kung kiligin. Kinantahan na siya ng mga ito ng happy birthday. Ang saya-saya niya. Para talaga siyang may birthday party, bagay na never niya pang naranasan.
Sayang lang dahil wala si Camilla na best friend niya. Umalis kasi ito at hindi nagsabi kung saan pupunta. Baka raket na naman. Mahigpit kasi ang pangangailangan niyon ngayon sa pera. Balak niya na nga itong pautangin ng panimula, bumubuwelo lang siyang magsabi kay Leo. Nandito kasi ang pera, credit cards lang ang hawak-hawak niya.
Pagkakanta nina Merdie sa kanya ng happy birthday ay nag-wish na siya. Wala syang ibang hiling kundi ang mapangasawa si Leo.
Okay sila ngayon ni Leo, masaya, pero hindi pa rin puwedeng maging kampante. Napakayaman nito kaya alam niyang marami ang puwedeng humadlang sa kanila. Posibleng kapag nalaman ng parents nito na hindi siya mayaman ay tumutol ang mga ito sa kanya. Pero ang pinakakalaban ay si Leo mismo. Dahil wala pa naman itong sinasabi na gusto siya nitong pakasalan.
Kung siya naman ang tatanungin, gusto niya talaga itong mapangasawa. Gusto niya na sana ay ito na. Malay niya, na meron pa lang himala at magkatotoo iyon. Hinihipan niya na ang kandila at nagpalakpakan na ang mga ito.
Niyakap siya ni Leo, at nagpasalamat siya rito. Ito na ang pinakamasayang birthday na kanyang naranasan sa buong buhay niya. Pinunan ni Leo ang pangungulila niya sa isang pamilya. Bagay na hindi kayang punan ng iba, kahit ang tunay nya mismong mga magulang na umabandona sa kanya.
NANG MAGISING SI CYNTHIA AY UMAGA NA. Nasa barko pa sila. Sa isa sa mga suite. Bukas pa ang biyahe nito, kaya sinulit nila. Dito sila nagpalipas ni Leo ng magdamag. Bumangon siya. Napakalagkit ng katawan niya, gayun din ang katawan ng binat na katabi niya. Paano'y puro sila icing ng cake sa katawan.
Natawa pa siya nang matanaw si Leo na malalim ang pagtulog habang may kagat-kagat itong kandila na ginamit nila sa birthday cake niya. Well, ginamit lang naman kasi nila iyong natirang cake kagabi na props nila sa kanilang lovemaking.
Sinamantala naman niya ang pagkakataon habang tulog ito. Kinuha niya sa bag niya ang isang bagay – bagay na makakasagot sa kanyang katanungan. Tumungo siya sa banyo dahil sa kailangan niyang -check.
Ganon na lang ang pagkagulat niya sa natuklasan. Yari!
NATATARANTA SIYANG NAGMADALING NALIGO, AT UMALIS. Hindi siya mapakali, hindi makapag-isip nang matiwasay. Ano ang gagawin niya? Paano niya sasabihin kay Leo?
Okay naman sila, pero ibang usapan na kapag nalaman nito ang kapabayaan niya. Sinabi niya na "safe", at nagtiwala ito sa kanya. Kasalanan niya ito. Paano kung ayaw ni Leo? Paano kung di pa ito handa? Baka isipin nito na may balak siya. Na pinangungunahan niya ito.
Nagsisimula pa lang ang magandang buhay niya. Nagsisimula pa lang siyang sumaya. Masaya naman din siya sa nalaman, pero ang tanong ay kung sasaya rin ba si Leo? Wala ito sa usapan nila. Ni hindi nga nito nababanggit sa kanya. Naka-focus lang sa kanilang dalawa ang kanilang relasyon.
Tarantang-taranta na siya. Gulong-gulo. Taas-baba ang kanyang emosyon. Natatakot siya, kinakabahan, at naiiyak. Baka magalit si Leo? Baka magalit ito at isipin nga na pinangungunahan niya ito. Baka ma-turn off sa kanya, baka isipin na masyado siyang suwapang at segurista. Shit. Shit talaga! Anong gagawin niya? Shit! Shit! Shit!
Pinuntahan niya si Camilla sa bahay nito, pero wala pa rin ito. Wala na siyang ibang naisip puntahan kundi ang bagong kaibigan na si Editha. Nakasalubong niya si Preston sa hallway. Tama, doktor si Preston. Hindi niya alam kung ano ang maitutulong nito sa kanya, pero basta!
"CT! How are you?..." bungad sa kanya ni Preston nang makita siya nito.
Hinila niya ito sa isang sulok. Panay ang paglinga niya sa paligid na parang may tinatakasan.
"Is there a problem?"
Nanlalamig siya. Halos hindi siya makatingin dito. "Kailangan ko ng tulong mo..."
"Come here." Hinila siya ni Preston at dinala sa opisina nito. Pagkatapos ay pinaupo siya nito sa upuan. Umupo rin ito paharap sa kanya. "You look pale. Okay ka lang ba?"
Napaluha na siya at napahawak sa mga kamay nito. "Tulungan mo ko Preston... tulungan mo ko..."
"Hey. Look at me." iniangat nito ang kanyang mukha. "Sabihin mo sa'kin. Tutulungan kita sa kahit anong paraan. I swear."
Napapikit muna siya nang mariin bago siya nagsalita. "Buntis ako."
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz