ZingTruyen.Xyz

It Started in the Elevator✔️

Chapter 2

JFstories


Chapter 2


HINDI MAPIGILAN ni Leo ang mapasulyap sa cleavage ni Cynthia. Katabi nya lang kasi ito sa passenger's seat ng kanyang minamanehong brandnew Ferrari.


Nagboluntaryo kasi syang ihatid na lang ito sa tirahan nito instead of giving her one peso. Wala naman kasi syang piso na hinihingi nito. Kulang daw ng piso ang pamasahe nito pauwi. Anong magagawa nya kung puro mga credit cards ang laman ng wallet nya at walang cash.


Anyway, balik sa cleavage. Sa tuwing mapapatingin kasi sya rito ay tila iyon kumakaway sa kanya.


"'Di mo sinabi, mayaman ka pala. Ang ganda nitong kotse mo, ah." Naalimpungatan lang ang malikot niyang isip nang magsalita ito.


"A-ano?" He stammered. Shit! "Hindi ako mayaman. Hiniram ko lang ang kotse na 'to sa kaibigan ko," pagsi-sinungaling niya.


"Ganun. Sayang. Guwapo ka sana kaso dukha ka naman pala."


Darn this girl, masyadong prangka. Kung hindi nga lang nya pinagnanasahan ang babaeng ito eh, baka kanina nya pa ito hinulog sa sasakyan.


Hindi na lang sya umimik. 


"Oo, nga pala. Bago ka lang din sa kompanya, ano?" Dumi-quatro ito, displaying her long and flawless legs.


Hell, those legs!


"Ang bait naman ng kaibigan mo para pahiramin ka nya ng kotse na 'to. Ganon ba ito kayaman at ang tingin nya sa kotse ay laruan lang na pinahihiram?"


Napalunok siya bago makasagot, "Oo, may mataas na posisyon kasi 'yon sa k-kompanya natin, eh." Kanda-utal sya.


Paano kasi'y nasa daan ang mga mata nya pero sa magandang tanawin sya naka-focus sa tabi nya. Muntik nya ng hindi mapansin na nag-turn na pala sa red ang stop light nang patawid ang sasakyang minamaneho nya sa kalsada. Mabuti na lang at agad nyang natapakan ang preno.


"Ay, bulate!" bulalas ni Cynthia nang magulat sa biglaan nilang paghinto.


"'You okay?" Mabuti na lang at naka-seatbelt sila.


Ngumiti naman ito. "Okay lang ako. Nagulat lang, hehe."


Hindi nya alam kung matatawa sya rito. Nakakatuwa kasi ito kapag nagugulat. Kung anu-ano ang nasasabing kakaiba.


Ikaw na ba si Mr. Right? Ikaw na ba ang love of my life?


Cellphone ng dalaga na animo'y christmas light. Patay-sindi kasi, parang naghihingalo.


"Bakit hindi mo sagutin? Baka importante yan..." Nakatingin sya rito kahit may iba pa syang gustong sulyapan.


Hindi niya rin napigilang di mapangisi sa ringtone nito.


She just looked at him. Mayamaya ay sinagot na nito ang cellphone na hawak.


"Tangina mo! Bakit ka tumatawag?!"


Nagulat naman sya sa pagbungad nito sa kausap. Is she for real? This girl is so unbelievable.


Sa dami ng babaeng nakasalamuha nya, ngayon lang sya naka-encounter nang ganito. Yes, maraming babae ang dumaan sa kanya pero kung magmura naman ay may class. Unlike this girl na katabi niya. Ang brutal magmura!


"Puta ka! Hintayin mo ako dyan at papatayin kita!" Sabay in-off nito ang cellphone. Hinihingal pa ito.


Napalunok sya nang mariin. Nakakatakot palang mag-beastmode ang babaeng ito, ang ganda pa naman.


"Leo, idaan mo muna ako ng Rosario. Kukunin ko lang ang gamit ko sa dati kong tinitirhan." Malungkot ang tinig nito.


"S-sige." Tuloy lang sya sa pagmamaneho. "O-okay ka lang ba?"


Napapa-iling na lang ito. "Ang hirap kasi sa mundong ito eh, hindi ako binayayaan ng pamilya."


Hindi nya alam ang sasabihin. Hindi naman kasi sya magaling magpayo. "S-sino ba yung k-kausap mo?"


Sumimangot siya. "Apo 'yon ng nag-ampon sa akin. Isa sa mga pekeng pinsan-pinsanan ko. Pinalayas ako kahapon, at pinapakuha na ngayon iyong mga naiwan kong damit sa bahay niya."


"Why? Hindi mo ba kasundo?"


"Ewan ko roon, muntanga. Wala nga akong reklamo kahit ang laki ng ambag ko sa gastusin. Ako pa halos lahat sa gawaing bahay, at ultimo panty niya ay ako ang tagalaba, pero wala pa rin akong reklamo kasi nga nakikisama nga ako. Tapos, isang araw ay biglang ora-oradang magdedesisyon na palayasin ako. Ni di man lang ako pinaghanda muna!"


"Why were you living there?"


"Mula nang mamatay iyong nag-ampon sa akin, pinag-agaw-agawan na ako ng mga kamaganakan nito. Tingin nila sa akin ay instant tagalinis at utusan. Di rin ako pabigat dahil bata pa lang, ay kumakayod na ako nang sarili para mapag-aral ang sarili ko. Pero noong nagdalaga na ako ay doon na nila ako pinagpasa-pasahan. Ayaw na sa akin dahil malas daw ako. Parang itong nagpapalayas sa akin ngayon na pinsan-pinsanan kong. Pinalayas din ako dahil malas nga raw ako. Di raw siya nagkaka-jowa dahil sa akin!"


Leo didn't really understand himself, but he felt sorry for her. "Where are you staying now?"


"Sa kaibigan ko. Pero wala rin akong planong magtagal doon, marami ring problema sa life iyon."


"Kawawa ka naman..." Gusto mo bang ampunin na lang kita?


"Eh, ikaw? May pamilya ka ba?"


"Meron. Kaso... nasa malayo sila..." He wanted to punch himself because he'd been lying to her from the start. Why couldn't he just tell her the truth?


"'Buti ka pa. Wala ka bang girlfriend?"


"Huh?" Natameme sya sa tanong nito.


"Wala kang GF, 'no?" 


Umiling na lang sya. 


"So, virgin ka pa?"


Bigla nyang natapakan ang preno dahil sa tanong nito.


"Ay, putragis!"


Muntik ng masubsob ang dalaga sa dashboard ng sasakyan kung wala lang itong suot na seatbelt.


"Magdahan-dahan ka nga sa pagmamaneho!" singhal nito sa kanya. "Papatayin mo ba ako?!"


"Sorry! Okay ka lang ba?"


Tumango lang ito pero naka-simangot pa rin.


***


TAGUUUUUUUUUSSSHHHH! TSOOOOGGGG!


Tunog iyon ng bumabalibag na mga gamit.


Narito na sila sa dating tinitirhan ni Cynthia. Dito sa isa sa mga apo ng yumaong umampon dito. It was one of her so-called cousins named Melanie, a chubby woman with equally round eyes. She was throwing Cynthia's things out the door. 


When Melanie was about to kick Cynthia, he almost rushed toward them, but Cynthia managed to dodge it. Whoa, what a crazy quick reflex!


"Ang kapal ng mukha mo! Ikaw pa ang may ganang magalit!" Bulyaw nitong Melanie.


"Pakyu! Pakyu! Pakyu!" Ito lang naman ang laging tugon dito ni Cynthia.


"Bilisan mo dyan at lumayas ka na, dahil baka hindi na kita matantiya!" pagbabanta pa ni Melanie. "Dahil sa 'yo kaya ngayon lang ako nagka-jowa! Malas ka kasi!"


"Gaga, palibhasa kasi pangit ka! Insecure!" Si Cynthia.


"Hindi ako insecure! Talagang malas ka lang! Kaya lang naman mas maganda ka nang kaunti sa akin ay dahil mangkukulam ka! Ikaw ang sumipsip ng ganda na dapat ay para sa aming magpipinsan! Kampon ka ng kadiliman!"


"Ulul, adik!"


Mayamaya ay lumabas na si Cynthia na bitbit ang dalawang bagahe. Sinalubong niya agad ito at kinuha nya ang mga bitbit nito, at tinulungan itong magpulot ng mga gamit na itinapon ng pinsan-pinsanan nito.


Pero bago sila lumabas ay bumaling muna ito sa lalaking kanina pa nakaupo lang doon sa loob sa kabila ng mga away na nangyayari. Tahimik lang ang lalaking iyon, boyfriend yata nitong si Melanie.


"Hoy, ikaw! Boyfriend ka ba ni Melanie?" paasik na tanong ni Cynthia dito.


Tumango lang ang pawisang lalaki.


"Alam mo bang maitim ang kili-kili nyan? Puro buhok! Iyong singit nyan maitim din! 'Yung pwet pa nyan, puro kamot!" Tuloy-tuloy lang sa pagsasalita si Cynthia na hindi alintanang nasa harapan na si Melanie. "Kaya mag-isip-isip ka bago mo patulan 'yan!"


Ewan, pero bigla syang natawa sa sinabi ng dalaga.


"Hoy, ikaw lalaki!" Bumaling naman sa kanya si Melanie. "Itong babaeng ito, palengkera, bungangera, at ang gustong lalaki ay mapera! Kaya mag-isip-isip ka bago mo patulan 'yan." Ang tinutukoy nito ay si Cynthia.


"She's not my girlfriend," simple nyang tugon. 


Hinila na sya ni Cynthia. "'Wag mong kausapin yan, mabaho hininga nyan!"


"Aba't-" Akma na itong susugurin ni Melanie nang awatin ito ng boyfriend nito.


Agad naman nyang binitbit ang mga bagahe palabas at isinakay sa sasakyan.



MINUTO LANG AT narito na sila sa kantong papasok sa tinitirhan daw ng kaibigan ni Cynthia sa Cypress.


"Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid sa looban?" Even Leo was surprised at himself. Why was he concerned about this woman when he didn't even know her?


"Hindi na. Eskinita na kasi doon at wala kang mapagpaparadahan ng sasakyan. Isa pa, malalim na rin ang gabi," tugon nito.


"Oo nga pala." Lumapit ito sa kanya at inayos ang kanyang kurbata. "Salamat sa panlilibre mo kanina sa canteen. Grabe, naka-isang libo ka. Bago ka pa lang sa kompanya pero ang laki na agad ng sahod mo..."


He stiffened. Kasabay ng pag-iinit ng mukha niya.


"B-bagong sahod lang kasi kaya kita nailibre..." he stammered. Shit!


Kanina pa siya nauutal sa babaeng ito. This wasn't like him at all! He had never stammered in front of a woman before—except for his grandmother and his mother.


"'Di bale, sa unang sahod ko, ililibre rin kita." Sabay kurot nito sa kanyang pisngi.


Akalain mong sa tangkad nyang iyon ay naabot sya nito nang ganoon kadali. Kung sa bagay ay matangkad din kasi itong si Cynthia-long-legged na at nakatakong pa.


"Aasahan ko yan, ah," biro nya rito.


Iyon tipong parang close sila. One thing is for sure...


This feeling is just a lust only, kasi hindi naman ito ang tipo niyang babae pagdating sa pag-uugali. He's just in lust with her.


"Salamat ulit, ah." Tinapik sya nito sa pwet na nagpaigtad sa kanya.


Tinanguan nya lang ito pero nabuhay ang isang parte niya sa ginawa nitong pagtapik sa kanyang pang-upo. Yeah, it's just lust, and surely it will pass once he got her.


"So, paano? Ingat ka sa pagda-drive ha, Mister..." paalis na ito ng awatin nya.


"Ah, CT, sandali..."


"CT?" She laughed.


Napakamot siya ng pisngi. Hindi niya rin ma-explain bakit nga ba naisip niya iyong CT. It was silly. Nag-imbento na lang siya. "Well, nakakatamad kasing banggitin ang pangalan mo, kaya CT na lang."


"Akala ko kasing CT, eh Century Tuna... Anyway, may sasabihin ka ba?"


"Yup..."


Nakaabang naman ang dalaga sa sasabihin nya. Well, he never thought he would use this tactic, although he had never done this before.


"Pwede ba akong manligaw?"


Heck, that was the first time that she asked a woman!


JF


Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz