Chapter 3
Chapter 3
"CYNTHIA, YOU FEEL SO GOOD..." Leo was on top of Cynthia's soft body.
"Hayop ka, Leo... ikaw ang masarap... ang galing mo..." ungol naman nito habang nakapikit.
Dahil sa kanyang narinig, lalo syang bumilis. "Damn you, Cynthia! Bakit ang ganda mo... ahhh..."
"Oh, Leo sige pa... sige pa... ahhh..."
Napatayo sya mula sa kinahihigaan. Habol nya ang kanyang malalim na paghinga.
Bullshit! It was just a fucking dream. Damn it! Pang-ilang gabi nya na itong wet dreams about her? Halos isang linggo na syang ganito.
Napaupo naman ang isang babae sa kanyang tabi mula sa pagkakahiga nito.
Napaupo naman ang isang babae sa kanyang tabi mula sa pagkakahiga nito. "Are you okay?" It was Wilma, another one of his bed partners. She was the one who stayed with him overnight. "Was it a nightmare?"
He nodded.
"Liar." Wilma stood up.
"Wait, Wilma! What's wrong?" Nagsuot agad sya ng boxers.
Bihis na agad ang babae. "Who the hell is Cynthia, huh? Is she your girlfriend? May girlfriend ka na pala, di mo sinasabi?!"
What? What was she saying? Why was Cynthia involved? Damn, did he say her name again? He glanced at Wilma. "No, she wasn't my girlfriend..."
Wilma wasn't his girlfriend either. His arrangement with her and the others was clear. They were just flings and bed partners. No strings attached. But there were rules: like no third parties when they were together, because that would kill the mood.
Pinamewangan siya ni Wilma. "Really, Leo? That Cynthia wasn't your girlfriend? Newsflash! You were shouting her name in your sleep!"
Tinalikuran na sya ni Wilma at lumabas na ito ng pintuan. Napaupo na lang sya sa kanyang kama. Bumilang sya sa kanyang isip.
One. Two. Three.
At heto na nga si Wilma at iniluwa ng pintuang isinara rin nito. "Hindi mo ako hahabulin?"
Umiling na lang sya. "I'm sorry..."
"Go to hell!" Pagkatapos ay nagmartsa na ito paalis at nawala sa kanyang paningin.
He didn't chase after her anymore because he didn't want to be unfair to her. Even he was puzzled and annoyed at why he couldn't get Cynthia out of his mind. So, he couldn't really blame his partners for being pissed at him. How many of them had dumped him already?
Pang-apat? Pang-lima? Oh, son of a gun! What was he going to do? If this Cynthia fever kept up, no woman would be interested in him anymore. Matutuyuan siya!
What was his situation with Cynthia anyway? He had asked her out, but she never gave him an answer. He hadn't seen her since. He thought it was really over and that he could forget her, but this was what was happening to him. He felt like he was going crazy.
No, this couldn't be. The longing for that woman might just kill him. He wasn't going to let Cynthia be the cause of his death—so he decided he would find her, by hook or by crook!
***
SAMBAKOL ANG MUKHA ni Cynthia habang nakaharap sa kanyang computer. Nasa opisina sya ngayon. Encoder ang trabaho niya sa back office department ng Montemayor-Saavedra Company. Isang linggo na ang lumipas at tapos na ang training nya.
"At bakit nakasimangot na naman ang muse namin?" Si Merdie. Katrabaho nya ito sa department na iyon at ka-close nya na rin.
'Muse' ang bansag sa kanya nito dahil sya raw ang pinakamaganda sa department nila.
"Wala. Naninibago lang ako sa trabaho. Sakit sa ulo tumitig sa computer maghapon. Akala ko, nakakaganda ang office work, echos lang pala iyon," aniyang nakalabi.
"Sa simula lang iyan, Cynthia," singit naman ni Gladis na katabi nya rin sa kabila. "Masasanay ka rin na talagang sakit sa ulo ang office work. Pero at least, sosyal tayo dahil naka-aircon!" Sabay hagikhik nito.
Merdie and Gladis are best friends.
Ang dalawa ay inseparable pati sa itsura. Ang sabi ay nasa mid thirties pa lang daw, pero duda siya.
Ang kakapal ng make up, palaging colorful ang mga suot, at iyong tipong balot na balot. Para bang may itinatagong ilang layers ng wrinkles sa katawan. O baka may mga nakatagong salonpas. Para na kasing mga cenior citizen ang mga ito kung rayumahin.
Nakasundo niya ang mga ito, dahil dito sa opisina ay itong mga ito lang ang ka-humor niya. Kanal humor.
"Salamat sa pagpapagaan ng loob ko," sabi niya sa mga ito. "Halo-halo lang din siguro ang nararamdaman ko ngayon. May problema kasi ako. Kailangan ko na kasing makahanap ng lilipatang bahay, pero wala pa rin akong makita." Tuloy sya sa pag-i-encode habang nakikipag-usap sa dalawa.
"Eh, anong ginagawa ng manliligaw mong de kotse?" Ang tinutukoy ni Merdie ay si Leo. "Pero infairness ah, ang gwapo ng isang iyon."
Ah, si Leo. Kilala na pala ng mga ito ang manliligaw niya. Bigla na lang kasing sumulpot iyon dito sa department nila, at hinahanap siya. Hayun, nalaman tuloy ng mga katrabaho niya na nililigawan nga siya nito.
Nahihiwagaan siya sa Leo na iyan. Ilang araw niya na itong di napagkikita nang bigla na lang nga itong sumulpot. Para bang doon lang naalala na interesado ito sa kanya. At ngayon nga'y panay na ang pakita nito sa kanya para ihatid at sunduin siya. Sinabihan niya na ito na hindi niya ito sasagutin, pero sumisige pa rin.
At sino naman siya para tumanggi sa libreng hatid at sundo? Ganitong wala pa siyang pera ay talagang di siya tatanggi.
"Day, bakit hindi mo pa sagutin si Fafa Leo?" kalabit sa kanya ni Gladis. "Wala ka nang hahanapin doon! Guwapo, may trabaho, at seryoso naman yata sa 'yo!"
Guwapo, may trabaho, at seryoso? Hindi sapat iyon, sa loob-loob niya.
Ang gusto nya kasi ay mayaman at hindi basta guwapo lang. Hindi naman kasi nya maipagkakaila kahit sa sarili nya na sya ay gold digger. Aminado naman sya ron. Sa hirap ng buhay ngayon, pipiliin nya pa ba ang mukha kaysa sa pera?
Ang kaguwapuhan ay kumukupas. Ang trabaho rin ay hanggang saan lang ba?Entry level employee lang din si Leo. Paycheck to paycheck. At mukhang maluho manamit. Ang liit lang ng suweldo pero maluho? It was a big NO! Baka wala pa itong ipon, o baka baon sa utang sa credit cards. Baka siya pa ang bumuhay rito sa huli.
Seryoso sa kanya? Ang tanong din ay hanggang kailan? Paano kapag nagkaproblema na sila sa pera? Doon na mawawala ang pagmamahalan. Doon na rin magkakasumbatan. Paano rin kung ayawan siya ng nanay ni Leo? Paano rin kung may mga kapatid pa pala si Leo na umaasa rito? Kaya niya bang tumulong sa gastusin ng mga ito? Baka sa huli ay pagmulan pa iyon ng away nila.
Pag naghiwalay sila ni Leo, ay siya ang pinaka-agrabyado. Malamang pagdating ng araw na iyon ay naubos na ang ganda at lakas niya rito. Ang masaklap pa niyan ay paano kung may anak na sila? Kawawa ang inosenteng bata, lalo pa kapag nagkaroon na si Leo ng iba. Baka nga hindi na ito magsuporta pa sa anak nila. Kaya ayaw niya.
Kung susugal lang din siya ay doon na sa mayaman. Saktan man siya at iwan, at least ay winner siya sa hatian ng yaman. Hindi na siya maghihirap, at lalong hindi magiging kawawa ang anak niya na katulad ng pinagdaanan niya. Kaya dapat ay mayaman talaga ang makuha niya!
Nangunot ang noo ni Merdie. "Ang nakakapagtaka lang dyan sa Leo mo, lagi na lang naka-sumbrelo tuwing susunduin ka. Parang laging may pinagtataguan"
Sumegunda si Gladis. "Oo nga, lagi pang nakayuko. Di naman pangit, anong kinahihiya niyon?"
Napaisip siya bigla sa sinabi ng mga ito. Oo nga? Parang may iniiwasan lagi si Leo sa tuwing magpapakita ito sa kanya upang sunduin sya. Ano kayang trip niyon?
"Eh, gwapo rin naman itong si Rudolf, ah..." sabay baling ni Gladis sa lalaki na katrabaho rin nila.
Isa rin itong si Rudolf na nanliligaw sa kanya. Guwapo nga talaga ito, basta wag mo lang tititigan nang matagal kasi may nagbabago.
"Cynthia, wag ka nang mapili. Sige ka, baka mapunta ka pa sa bungi!"
Napakibit balikat na lamang sya sa pambubuska ng dalawa. Matibay siya sa mga tuksuhan dahil lumaki yata siya sa lugar na ang almusal ay puro panunukso at pang-aasar.
"Pero para sa akin, si Mr. CEO pa rin ang pinakaguwapo sa lahat..." Namungay ang mga mata ni Merdie.
Biglang napaangat ang mukha niya sa narinig. "CEO ng kompanyang ito?" curious na agad nyang tanong. Bata pa ba ang CEO nila?
"Oo," sagot ni Gladis. "Dating president, na ngayon ay acting and soon to be the CEO na ng Montemayor-Saavedra. Wala pang nakakakita rito nang malapitan, pero kinababaliwan na ng mga kababaihan. Tindig pa lang daw kasi ay yummy na. May sabi-sabi pa na may itinatago raw iyong kapilyuhan. Ang hot ng description, 'no?"
"You mean, wala pa talagang nakakakita sa kanya?" tanong nyang muli. Lalong kinain ng kuryosidad.
"Meron naman nang nakakita sa bagong CEO, pero mostly ay higher-ups lang. Tamad kasi iyong um-attend ng company parties kaya bihirang makita. Wala ring masyadong tagarito sa department natin ang nakakakita sa kanya kasi iba ang daan niya, maging elevator na sinasakyan," salaysay ni Merdie. Matagal na kasi ang mga ito sa kompanya.
"Hay naku, dzay! Kahit likod lang niya ang natanaw namin last year sa event ng company ay guwapong-guwapo na kami. Ang tangkad, ang lapad ng balikat, saka ang tangos ng ilong kahit sa malayuan!" Parang kinikiliti si Gladis habang nagkukwento.
Nainingkit bigla ang mga mata ni Cynthia. Kalabisan nga siguro ang biglang naglaro sa isip niya, pero hindi niya mapigilan ang sarili. Parang may magnet na humila sa kanya sa posibilidad na 'what if magkrus ang landas nila ng batang-bata at guwapong CEO ng kompanya?'
Umatake bigla ang pagiging ambisyosa niya. Ano nga kaya kung magkita sila ng CEO? Matipuhan kaya siya nito? Bata palang ay aware na siya na walang ipinamana sa kanya ang mga yumaong magulang maliban sa kanyang 'ganda', ang tanong lang ay kung sa taste ng CEO ng isang malaking kompanya ay uubra ba siya?
"Hoy, Cynthia! Mukhang masama ang nasa isip mo, ah." Nakamasid na pala sa kanya si Merdie. "Hindi maa-afford ng beauty mo ang isang Montemayor kahit maligo ka pa ng milyong beses. Gumising ka habang maaga!"
Hindi na lang siya umimik.
***
LEO WAS SO EXCITED TO SEE CYNTHIA AGAIN, but he had been waiting for a while and she still hadn't shown up. Damn that woman, ngayon nya lang yata naranasang maghintay para sa isang babaeng hindi niya kaanu-ano. Anyway, he finally decided to go straight to her department.
As usual, naka-jacket syang itim at nakasumbrelo na animo'y holdaper. Mahirap na, baka makilala sya ng mga entry-level employees sa floor na iyon.
Natanaw nya agad si Cynthia, nagtitimpla ito ng kape sa pantry. Kinalabit nya ito.
"Ay, kalbong frog!" bulalas nito.
"Nagulat ba kita?"
"Hay, Leo... sabi ko sa'yo wag mo akong gugulatin, eh." Nakalabi ito.
Darn! Ang cute talaga ng nguso nito!
Napahalakhak sya. "Ang sarap mo nga, eh..."
"Ha?" Nagulat ito sa kanyang sinabi.
Shit! "Ah... sabi ko, ang s-sarap mong gulatin..." Whew! That was close. He almost slipped. How was he supposed to know Cynthia was actually conservative? She might've taken it the wrong way. He better be careful.
"Ahhh..." Tatango-tango ang dalaga. "Akala ko ang sabi mo'y masarap ako... Naughty ka, ha?"
Okay lang pala itong bastusin. Lalo nya na tuloy nagugustuhan ang babaeng ito.
"G-ganoon..." Nautal na naman siya. Shit, ganito ba talaga sya katorpe kapag ito ang kaharap nya?
"Sorry, hindi kita na-text. Alam mo naman ang CP ko. Twinkle-twinkle little star. Patay-sindi." Pagkatapos ay hinila sya nito sa kamay.
Para naman syang bato na nanigas lang at nagpatianod. Saan sya dadalhin nito?
"O-okay lang..." Oh damn, Leo! Bakit ba sya nagkakandautal? Hawak pa lang nito nagpa-panic na sya, what more pa kaya kung nasa kama na sila?! Baka ma-comatose na lang siya roon bigla!
Natagpuan na lamang nya ang kanyang sarili na kaharap ang mga katrabaho nito. Good thing he was wearing a cap. He lowered his head even more. "Guys, this is Leo. Dito rin sya nagwo-work," Cynthia introduced him. "At - tutulungan nya tayo."
His eyes widened.
Tinapik sya ng dalaga. "'Di ba, Leo?"
He just nodded. Tiningnan lang naman sya ng mga empleyado, ang iba'y nagbulungan lang.
"Ah, Leo..." Isang babae ang lumapit sa kanya. "Ako si Gladis." Sinisilip nito ang kanyang mukha. "Paki-akyat naman ito sa 9th floor, please?" iniabot nito ang makapal na folder sa kanya.
Tinanggap naman nya iyon. "Sure..."
He hadn't even noticed that Cynthia had already left his side. She was now busy in front of her computer. He had no choice but to deliver the thick folder to the 9th floor. After dropping off the hard copy files, he returned to Cynthia, who was still focused on her computer.
Pero bago pa lang sya makakalapit dito ay may lumapit muling babae sa kanya.
"Hi, Leo! I'm Merdie. Friendship ni Cynthia..." Pakilala nito. May buhat itong box. "Pakidala naman ito sa 18th floor, thanks!"
Wala na syang nagawa ng ilapag nito sa harapan nya ang buhat nitong malaking box. Damn. Kung alam lang ng mga ito na sya lang naman ang CEO at may-ari ng kompanya. Ngunit sinunod na lamang nya ang utos. Dinala nya ang box sa 18th floor.
Pagbalik nya ay natagpuan nya si Cynthia na nagsasalansan na ng mga documents, napakarami non. Palapit na sya rito ng may tumawag ulit sa kanya pero lalaki naman.
"Leo!" Na naman!
Pero itong lalaki ay nakatingin kay Cynthia.
"Ipagtimpla mo naman kami ng kape pati itong muse namin." Ang tinutukoy nito ay si Cynthia.
Hindi naman iyon narinig ng dalaga dahil abala ito.
Is this for real? Narito sya para manligaw at hindi para maging atchoy ng mga empleyado na ito. Lalo na kung ang mag-uutos sa kanya ay ang mukhang tipaklong na ito. Hupyak ang mukha, eh.
"Leo, narinig mo ba ako?" sabi pa nitong Rudolf.
"Excuse me?" wala sa sariling tugon nya.
Nangunot ang noo ni Rudolf. "Nanliligaw ka pa lang, right?"
Hindi sya umimik. Nagtagis lang ang mga bagang nya.
Lalo pa siyang napikon nang ngitian ni Rudolf si Cynthia. For the first time ay may mapait na damdamin ang gumuhit sa kanyang dibdib. Napatango-tango siya. Mukhang may mababawas na empleyado bukas sa kompanya.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz