Chapter 1
Chapter 1
Third POV
He forgot to get the woman's name in the elevator yesterday.
Halos hindi nakatulog si Leo nang gabing iyon so he called the HR Manager. And finally, he got her name. It's CYNTHIA.
What a beautiful name, huh?
Oh, Cynthia.
"Leo, why so silent? Hindi ka ba nag-e-enjoy?" pansin sa kanya ng babaeng nasa ibabaw niya. It was Angelica, one of his bed partners. They were in his penthouse, and she was riding him like she was riding a horse.
Kulang na lang ay magbasa sya ng libro habang ginagawa nila iyon. Sobra kasi siyang bored.
Naramdaman nyang malapit na sya. Bahagya syang napaangat. "Ahhh! Oh, shit ang sarap! Cynthia! Hmnn..."
PAK!
Angelica slapped him on his face.
"Angelica is my name!" Huminto ang babae sa ibabaw niya. "We have rules, Leo. When you're with me, I should be your only focus. I don't want anyone else in the picture!"
"Sorry..." alo nya sa babae.
Humalukipkip si Angelica. "You're forgiven, but you must buy me the latest Gucci bag later, okay?"
Pero paanong nabanggit nya ang pangalan ni Cynthia? Hindi nya pa naman ito nakakasama sa kama. In fact, kahapon nya lang ito na-meet sa elevator.
Ngumiti naman si Angelica at muli na syang itinulak pahiga sa kama. Napaungol na rin sya. Mukha kasi ni Cynthia ang nasa isip nya.
Then his cell phone rang. It was on the bedside table. Kinuha niya, while tuloy pa rin ang eksena ni Angelica. He checked who was calling. It was Hendrick, his young uncle who was almost the same age as him.
"What's up? Ahhmn..."
"What are you doing?"
"My evening diet... Do you wanna join? Ahhh!"
"You bastard! Of course not!" Napasigaw ito.
"Just kidding. Any problem? Hmmnn..." Parang nararamdaman nyang malapit na sya.
"It's about Camilla. I need someone to talk to -damn, Leo!" Iritable na ang tono nito. " I'm just gonna drop by at your office tomorrow. Irritating ang orgasm mo, you know that?"
Nawala sya sa sarili. "Oh, shit! Malapit na ko Cynthia, ahhh! Oh-"
PAK!
"Ouch!" Nasampal ulit sya. Bumaling sya sa cellphone. "I'll call you back later, H."
"Wow! That's..." he laughed. "Okay, phone me." Nawala na ito.
"What?! Why?" He looked at Angelica.
Pero tumayo na ito at umalis na sa kanyang harapan, dali itong nagbihis.
Tumayo na ito at umalis na sa kanyang harapan, dali itong nagbihis. "Sino ba iyang Cynthia na iyan?!" she asked, angrily. "Can't she wait for herturn?!"
He shook his head.
"I'm leaving." Nang makatapos ng magbihis si Angelica, agad itong lumabas ng pintuan.
Napabuntong-hininga na lang sya.
Bakit ba ito ang nasa isip nya? Damn. Napasalampak sya sa kama.
Maya-maya'y bumukas muli ang pinto. Si Angelica, nakasimangot ito.
"Really, Leo? Hindi mo man lang ako hahabulin?"
Napayuko na lang sya. "I'm sorry..."
"We're done!" Sabay sara ulit nito ng pinto.
Oh, damn! Ano bang nangyayari sa kanya?
Sex was boring. His partners were boring. Everything's boring. Sana sumapit na ang kinabukasan. He wanted to see her—
Cynthia.
***
TANGHALI NA nang matapos ang orientation ni Cynthia. Sa wakas, may trabaho na siya. May trabaho naman siya dati, pero part time lang. Nag-aaral pa kasi siya noon. Paaral niya ang kanyang sarili. Ngayong graduate na siya, tinarget niya talaga na mag-apply sa malaking kompanya. At akalain mo iyon? Kahit di naman siya katalinuhan, at di rin kasikatan ang university na pinasukan niya ay sinuwerte siyang matanggap. At start na bukas.
Tiningnan niya ang kanyang naghihingalong Nokia 2720 Fold cell phone. Sira na nga ang maliit na camera, kukurap-kurap pa ang screen. Maipapaayos niya na rin iyon kapag nakabuwelo siya. Lahat kasi ng extra niyang pera sa part time ay napunta sa ambag niya sa kanyang tinitirahang bahay. Nakikitira lang kasi siya roon, kaya bilang pakikisama ay buhos siya sa pag-aambag.
Mula nang mamatay ang taong umampon sa kanya noong bata pa siya ay pinagpasaha-pasahan na siya ng mga anak nito. Ginawa niya naman ang best niya sa pakikisama. Pinagsilbihan niya ang mga ito at never siyang nagpabigat. Minahal niya rin nang totoo, itinuring niyang mga tunay na tiyahin, tiyuhin ang mga ito. Ang mga anak naman ng mga ito na kaedaran niya ay kanyang itinuring na bilang mga tunay na pinsan niya. Sa huli, pinalayas pa rin siya.
Nakailang palayas na sa kanya. Huling pinsan niya na itong tinitirahan niya. Melanie ang pangalan. Kaedad niya. Sinosobrahan niya ang ambag niya rito, pati sa paglilinis ay binobonggahan niya. Dahil hindi naman na lang tirahan ang habol niya, kundi pati na rin pamilya.
Ultimo mga panty ni Melanie ay siya ang naglalaba. Kulang na lang ay ipagtiris niya pa ito ng tagyawat nito, pero sa huli, pinalayas din siya. Malas daw siya kasi siya. Nagising na lang daw ito isang araw na hindi na ito natutuwa sa pagmumukha niya. Siya raw ang dahilan kaya di ito nagkaka-jowa. Hay, buhay.
Tumunog ang tiyan nya.
Nagugutom na kasi sya. Mabuti na nga lang at nakapasa sya dito as an encoder sa Montemayor-Saavedra Company. Isa sa mga kompanya sa ilalim ng Montemayor Empire. Pag-aari ng mga Montemayor at mga Saavedra. Mga angkan ng mayayaman. Food manufacturing, construction, agriculture & agribusiness, healthcare & pharmaceuticals, iilan lang iyan sa sectors na nasa ilalim ng Montemayor Empire.
Halos kanila lahat ang mga establisyemento sa Pilipinas, tulad ng mga mall, grocery store, hardware, at parmasya. May malaking ospital din sila sa Quezon City, ang Montemayor Hospital. Meron ding detective agency. Ang Saavedra Phoenixes Agency. Kanila rin ang tanyag na cruise line, ang Montemayor Cruise.
E di sila na! Basta, ang importante, sapat na ang sahod nya rito para mapakain ang sarili. Thank you, Montemayor-Saavedra! Pero sa kamalasan nga lang, wala pa syang pera ngayon na pangsimula.
Dumukot sya sa wallet nya. Nine pesos na lang pera nya. Kulang pa ng piso pamasahe sa jeep. Kapag minamalas nga naman.
Umupo na lang sya sa bakanteng mesa doon. Lilinga-linga sa mga kumakain. Grabe naman kasi ang canteen na iyon, akala mo mamahaling restaurant na.
Mayamaya ay may lumapit sa kanyang waiter. Sosyal, ha? Canteen lang ng kompanya pero may mga waiter- take note, naka-uniform si kuya!
"Mam, menu po."
Kinuha niya ang menu. Pinasadahan niya nang tingin ang listahan. Seventy five ang pinakamura, hotdog at itlog iyon with rice. No drinks pa. Tumingin siya sa mga junkfood, ang mamahal din. Iyong taglilimang piso sa tindahan, dito e twenty pesos na. Muntik niya nang maibato iyong menu sa waiter.
"Ah, waiter, tubig na lang." Sabay abot nya sa waiter ng menu.
Napasimangot naman ang waiter. "Ma'am, twenty pesos po ang water dito. Mineral kasi."
"Okay! Wag na. Makiki-upo na lang ako."
Napapailing na lang 'yong waiter.
"Wag mong sabihing pati ang upuan dito eh, may bayad?" Napahalukipkip sya.
Iniwanan na sya nito. Ngingisi-ngisi.
Kainis, bakit ba kasi ang mamahal ng paninda rito sa canteen? Mga empleyado naman ang makikinabang, e. Di ba puwedeng ibaba ng management ang presyo kahit kaunti? Kanino ba puwedeng magreklamo? Sa CEO kaya? E pakinggan ba kaya ng CEO ang reklamo ng isang hamak lang na magandang empleyadong katulad niya?
Biglang may humawak sa balikat nya. "Cynthia?"
"Ay, palakang bungi!" Gulat na bulalas niya.
Napaatras naman itong lalaking tumawag sa kanya. Pamilyar sa kanya ang mukha nito.
"Sorry. Nagulat yata kita."
Naalala niya na ito. "Ikaw iyong lalaki kahapon sa elevator, 'di ba?"
Ngumiti ito. Infairness, ang puti ng ngipin at ang pula ng mga labi. Pati ang itim na itim nitong mga mata ay tila nakangiti sa kanya. Perpekto ang hugis ng mukha ng lalaki, prominente ang panga at makinis ang kutis.
Bakit parang bigla syang kinabahan nang makita ito?
"So nakapasa ka pala."
Naalala niya ang kanyang gutom. Nginitian niya ang lalaki.
Bahagya nyang nahawi ang kanyang buhok, kailangan nyang magpa-cute malay niya bigla siya nitong yayain ng free merienda.
"Oo, sinuwerte lang."
Lumawak ang ngiti ng binata.
"Kumain ka na ba?" Tanong nito.
"Hindi pa nga, eh." Bakit pa siya mag-iinarte, wala pa siyang almusal.
"Kain tayo?" yaya nito sa kanya.
"Sure! Basta libre mo."
"Oh, by the way. I'm Leo." Inilahad nito ang kamay sa kanya.
Hinawakan nya ang kamay nito pero hindi para kamayan, kundi para hilahin paupo sa table. "Kain na tayo, Leo."
Natigagal si Leo sa ka-prangkahan niya.
Tumawag sya ng waiter. Lumapit naman ito agad. Ito rin iyong waiter kanina.
"Iyong menu?" Maangas nyang tanong.
Ewan nya kung bakit bahagyang napayuko itong si Leo nang mapatingin dito yung waiter. Kibit-balikat na lang sya, naka-focus sya sa pagkain.
"Anong order mo?" tanong nya kay Leo.
"Same as your order," sagot nito.
"Okay." Bumaling sya sa waiter. " Pa-order nga nito. Nito at saka nito. Then pa-take out nito. Nito at saka nito. Then WATER ah, pa-order na rin."
Pasensiyahan na lang kung mapagastos itong si Leo, ito naman ang nagyaya. Kapag nagyaya, dapat alam mo na iyang mapapagastos ka talaga.
Tumango lang yung waiter at tiningnan sya ng masama. Pagkatapos ay umalis na ito.
Nakangiti lang sa kanya si Leo. Parang naaaliw itong pagmasdan sya.
"Bakit, Mister? May problema ba?"
"Natutuwa lang ako sa'yo. Malakas ka palang kumain."
Ang lakas talaga ng dating nito sa kanya. Ang dami niya nang nakitang pogi, pero nanlalaban ang kapogian ng isang ito.
Ngumiti siya rito. "Kanina pa kasi ako nagugutom. Eh, wala naman akong pera."
Napapailing na lang ang binata sa kanya. Tila namamangha.
"Alam mo, kung sino man ang CEO ng kompanyang ito..." aniya.
Parang biglang nagka-interest ang lalaki sa iku-kwento nya about the CEO. "What?"
"Ang tanga nya!"
"Huh?"
"Bobo sya!"
"Why?" tanong agad ng guwapong binata nang may pag-aalala.
"Eh, kasi, kaya nga nagtatrabaho tayong mga empleyado nya rito, eh para kumita ng pera, hindi para gumastos sa canteen nya na akala mo'y may ginto ang pagkain sa sobrang mahal. Hindi nya ba naisip yun?"
Napatango na lang ito. Hindi makatingin sa kanya nang deretso.
"Anyway, wag mo na akong gugulatin, ah. Kapag ginugulat kasi ako, kung anu-ano nasasabi ko, hehehe."
Natawa naman na ito.
"Ah sya nga pala. Meron pang isa."
"What is it?" tanong agad nito.
Lumabi siya. "Pengeng piso, ah. Kulang kasi ng piso ang pamasahe ko pauwi, eh."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz