Chapter 19
Chapter 19
"WHAT THE FUCK, CT?..." Nagliliyab ang mga mata ni Leo habang hinahalikan ito ni Cynthia sa leeg. Nasa rooftop sila ng kumpanya ni Leo. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay nagsasalo ang kanilang mga katawan.
Lahat ng pangungulila niya sa binata ay ibinubuhos niya ngayon, kasabay ng buhos ng ulan. Kahit pa anong matinding misunderstanding ang dumaan sila, hindi na siya magpapagiba. Iintindihin niya palagi si Leo. Paulit-ulit. Hindi siya mapapagod. Dahil mula sa gabing ito, hinding-hindi niya na ito pakakawalan.
Ito ang unang lalaki na tumulong sa kanya nang hindi siya hinihingan ng kapalit. Ito rin ang unang lalaking nagparanas sa kanya na puwede siyang respetuhin. Na kapag ayaw niya, hindi siya pipilitin. Na kaya siyang hintayin. Na ibibigay lahat sa kanya. At handang lumuhod para sa kapatawaran niya. Na posible pala niyang maranasan lahat iyon.
"CT, you feel so good..." anas ni Leo nang mag-isa na ang kanilang mga katawan. Namumungay ang mga mata nito na humahagod ng tingin sa kanyang mukha.
Ngumiti siya habang lumuluha. Hindi nito alam na umiiyak siya dahil natatakpan ng tubig ng ulan ang mga luha niya. Nang pumikit ito para damahin ang momento ng kanilang pag-iisa ay inilapit niya ang mukha rito, saka siniil ng halik ang mga labi nito. Leo, sana habangbuhay na tayo...
Napangiti ito sa mga labi niya, at hinaltak siya sa bewang para magkapalit ang kanilang posisyon. Ito na ang nasa ibabaw niya. At kung itatanong niya kung nasaan sila? Nasa gitna lang naman ng helipad.
Kung meron mang makakakita sa kanila, it would've been someone from the sky, because this building was the tallest structure in the area. Wala ring nagpupunta rito sa rooftop, at kung meron man, haharangin ang mga ito ng mga guwardiya, dahil tinawagan ni Leo ang mga tauhan na isara ang daan papunta rito.
"Leo... Iyong ano... nasasapul mo..." Napayapos siya rito nang mahigpit. Pati mga CCTV pala sa lugar na ito ay nakasara na. Kaya kahit tumumbling at magpagulong-gulong sila rito ni Leo, walang makakakita.
"Ahmnnn... Leo sabihin mo sa'kin kapag malapit ka na ha..."
Ngunit walang tugon mula sa binata. Marahil ay malapit na itong mawalan ng malay-tao sa sobrang enjoy.
"Leo sagutin mo ako... ahhhmnnn..."
Pero ganoon pa rin ito. Walang imik at lalo pang bumibilis sa pagbayo.
"Tangina, Leo sumagot ka... Ahhhhh..."
"Oh, CT hayan na... Heto na ko... ahhhhh..." bigla itong nataranta.
Marahan siya nitong hinalikan sa mga labi. Hinabol niya naman ang mga labi nito upang halikan din. Pinakawalan niya na ang mga salitang inipon. "Leo, sorry sa pagpapahirap ko sa 'yo. Sorry dahil hindi kita inintindi. Sorry dahil naghihinala agad ako. Sorry dahil makitid ang utak ko. Sorry dahil gusto ko sa akin ka lang..."
Wala man lang reaksyon ng pagkadismaya si Leo. "It's fine, CT. No matter what you do, you don't have to worry because it's all okay with me. Just don't ever forget that I'm yours. Always. So stop overthinking things, because I'm only yours."
"Pero pinahirapan kita, Leo..."
"All right, if you still feel bad for putting me through a tough time, then I am telling you now, you're already forgiven." Nginisihan siya ni Leo. "That amazing performance of yours already made up for it."
Napangisi na rin siya. "Easy to get mo talaga, Saavedra!"
"Sa 'yo lang magpapaka-easy to get, Miss."
Pagkuwa'y nagkangitian na silang dalawa. Mga ngiti na nauwi sa tawanan. Magkayakap silang dalawa na nakahiga sa sahig ng helipad habang bumubuhos ang ulan mula sa kalangitan...
KINABUKASAN, sabay na ulit silang pumasok ni Leo sa kumpanya. Inagahan nito ang kilos habang siya naman ay nag-adjust sa paghihintay rito. Nagbigayan sila. Sa breakfast naman nila ay siya ang nagluto habang si Leo naman ang nag-prepare ng mesa.
Siya ang nag-ayos ng necktie nito at ito naman ang nag-blower sa buhok niya. Bigayan. Nagkakaunawaan. Masarap pala ang ganito. Sa kotse ay panay ngitian sila pag nagtatama ang kanilang mga sa rearview mirror.
Sa parking lot sila naghiwalay. Hinalikan siya nito sa mga labi kaya nabura ang lipstick niya. Kailangan niya pa tuloy mag-retouch habang si Leo ay pinunasan niya ng kanyang panyo. Nakangiti siya habang nagre-retouch sa banyo. Hanggang pagpasok sa trabaho ay nakangiti siya.
Sobrang saya ng puso niya kaya ganado siya buong araw sa pagtatrabaho. Kung may kulang pa siguro, ay tungkol na lang sa birthday niya. Pero okay lang iyon kung hindi man talaga naaalala ni Leo. Hindi niya na para silipin pa ang isang kakulangan nito sa kabila ng mas maraming magandang bagay na nagawa nito sa kanyang buhay.
NOONG UWIAN NGA LANG AY NABURA ANG NGITI NIYA. HINDI PALA TALAGA NAAALALA NI LEO ANG BIRTHDAY NIYA!
Sinubukan lang naman niyang banggitin. Wala siyang pakialam kahit wala itong regalo, basta sana ay makasama niya lang ito sa mahalagang araw na iyon. Gusto niya na makaranas mag-birthday na kasama ang taong minamahal. Kaya nagulat siya dahil hindi pala talaga naaalala ni Leo ang birthday niya.
"Di mo talaga naalala na malapit na ang birthday ko?" tanong niya. Hindi naman siya galit. Okay lang talaga na di nito maalala. Syempre, marami itong inaasikaso para maisip pa iyon. Pero magre-request sana siya na sana ay makasama niya ito sa araw na iyon.
"Well, happy birthday in advance..." Hinaplos siya ni Leo sa pisngi, at tumuloy na ito sa bathroom para magbihis.
Hindi niya na ito nahabol para sabihin na sa isang bukas na ang kanyang birthday!
SABAY ULIT SILA NI LEO PAGPASOK KINABUKASAN. Nasa parking lot sila ng kumpanya nang may lumapit sa kanila na babae. "Leo!"
Sabay silang napabaling dito. Si – Odessa! Ex ni Leo!
"I've been trying to contact you, but you didn't even think to send a single reply. And why are you with that bitch? I thought she's just a friend? Dang, trinabaho ka na ba niyan?"
Hindi niya napigilan ang sarili niya. "Wow... heavy ni ate. Bigla na lang sumulpot na parang kabute..." tiningnan niya ito sa paa. "Kailangan kapag manunugod naka-boots?"
Hindi naman napigilan ni Leo na matawa sa sinabi niya.
Namula tuloy sa galit si Odessa. "Come on, Leo!"
"That's enough, Odessa," awat ng lalaki sa kanila. "And why are you even here? We had a clear agreement, and I already gave you what you wanted."
Agreement? At anong naibigay ni Leo sa babaeng ito? Si Odessa naman ay pinamulahan ng mukha. Nang makabawi ay lumambing ang mukha.
"Leo, honey, can we just forget about the agreement? I'm sorry for suddenly giving up and walking away. Don't worry, I'm not going to do that again. I'll patiently do everything you ask of me, no matter how weird or absurd it is. So you can now dump that woman beside you. You don't need her anymore, because I'm back."
Napasentido si Leo. "I get it. The car wasn't enough."
Napangiwi ang ngiti ni Odessa. "Oh, come on, hindi naman lang naman iyon. I just... miss you. You know, I'm not like the other women you've been with who'd be satisfied with some goodbye compensation. Because what I want is more than that. I want you."
"Ano bang pinagsasasabi mong gaga ka?" Napaabante na siya dahil nakakapikon na ito.
Hinawakan naman siya ni Leo sa braso. "CT, puwede bang mauna ka sa loob? I will just talk to her for a bit. Magkita na lang tayo mamaya."
Aangal pa sana siya, pero sinabi niya nga pala na magtitiwala na siya mula ngayon kay Leo. Tumango siya at humalik sa pisngi nito. "Sige, kita na lang tayo mamaya. Mag-iingat ka, ah. Baka may makasalubong kang aso na may rabies." Sabay tingin niya kay Odessa.
HINDI SILA NAGKASABAY NI LEO SA PAG-UWI. May emergency meeting ito with the board of directors ng 7:00 p.m. Nauna na lang siya dahil mga nagmamadali na ring magsiuwian sina Merdie at Gladis. Dahil maaga pa ay naisipan niyang dalawin ang bagong kaibigan na si Editha.
Walang traffic kaya 7:30 p.m. ay nakarating na siya kay Editha. Wala si Preston. Busy ang doktor, kaya solo niya ang babaeng pasyente. Hindi na rin pala ito nagwawala pag dumadalaw siya. Para ngang lagi na itong naghihintay sa kanya. Di lang nito maamin, pero nagkagaanan na talaga sila ng loob. Ganoon yata pag magkamukha.
"Editha, paano mo ba malalaman na in love ka?" wala sa sarili nyang tanong sa pasyenteng ito.
Nabilaukan naman ito sa tanong niya. "Alam mo... nasagot mo na ang tanong mo..."
"Ha?"
"Kasi, Cynthia... ang mga taong nagtatanong ng ganyang tanong ay iyong mga in love na. Kaya nga sila napapatanong."
Pinamulahan naman siya. "Hindi ah..."
Natawa ito. "Ikaw naman ang tatanungin ko. Paano mo malalaman na matalas ang isang kutsilyo?"
"Ano ba yang tanong mo? Mukhang gusto mo na nga talagang magpakamatay ano?"
Lalo itong napangiti. "Basta sagutin mo na lang ang tanong ko."
"Sirit!"
Napailing na lang si Editha. "Kapag hiniwa mo ito sa balat mo at hindi ka nasaktan, ibig sabihin – mapurol ito. Pero kapag nasaktan at nasugatan ka, ibig sabihin – matalas ito." Sumeryoso ang mukha nito. "Ganon din sa love. Hindi mo malalamang nagmamahal ka kung hindi ka masasaktan." Umayos ito sa pagkakaupo. "May iba't ibang klase ng pagmamahal. Pwedeng nagmamahal ka dahil naaawa ka o kaya naman ay dahil ginusto mo. Pwede ring dahil humahanga ka lang o dahil pinapangarap mo. Pero wala sa mga ito ang makakasakit sa'yo."
Tumingin ito sa kanya.
"Ang true love ang makakahiwa sa'yo na tulad ng isang matalas na kutsilyo. Masakit!"
Bahagya syang natulala dahil sa sinabi nito. Tugma iyon sa nararamdaman niya kay Leo. Nasasaktan siya dahil tunay ang pag-ibig niya. Nang ngisihan siya ni Editha ay nahiya tuloy siya. Natawa lang naman ito.
Natawa na rin siya sa huli. Nakakatuwa lang, close na sila ni Editha. May bago na talaga siyang kaibigan. Tumunog ang cellphone nyang kumukurap-kurap. Nagtext si Leo at hinahanap siya sa opisina. Natapos na pala ang meeting nito. Tinext niya rin ito na pabalik na siya roon.
SINABIHAN SIYA NI LEO NA MAGKITA NA LANG SILA SA MALL. Halfway nila iyon pareho. Sa gilid siya ng mall bumaba, iyong papasok sa nakasaradong parking na ginagawa. Patawid na siya nang may kotse na biglang humarang sa harapan niya.
Akala niya ay nagkataon lang kaya nanakbo siya papunta sa gilid ng mall na medyo madilim dahil may mga halaman. May daan doon papunta sa lobby. Pero iyong kotse ay sumunod sa kanya. Bumaba mula roon ang isang babae na amoy alak.
"Wow, look who's here," sabi nito. "Akalain mo iyon? Pauwi na ako nang bigla kitang mamataan? What a timing."
Inaaninag naman niya ang mukha nito dahil against the light. Sino ba ito? Anong kailangan nito?
Nang makalapit sa kanya ay biglang dinaklot ang buhok niya. "You already forgot about me, bitch?"
"Ano ba?!" Napasigaw siya. Nang mapatitig siya sa mukha nito ay saka niya ito nakilala. Si Odessa! Iyong ex ni Leo na dinadala nito sa una nilang condo!
Pakaladkad siyang hinila nito. "Why can't you just find another man, bitch? Why does it have to be Leo?! I already have him in my hands!"
Kinausap na ito ni Leo kanina, pero mukhang hindi nito nagustuhan ang kinalabasan ng pag-uusap, kaya naglasing. Malas pa niya dahil nagkrus pa ang landas nila. Galit na galit ito sa kanya, namumula ang mga mata. Mukhang hindi lang alak ang tinira.
"Leo already dumped all the other women, and I'm the only one left! I'm the one he chose to call after cutting them off! Solo ko na siya! Solo ko na dapat, pero umentra ka pa?! Sino ka ba?!"
Aabutin na nito ulit ang buhok niya nang umiwas siya, pero may humawak sa kanyang likuran. Isang malaking babae. "Go, Odessa darling! Give this little bitch a lesson!"
'Nak nang! May back-up pala ito! Sapul tuloy siya sa mukha nang manapak si Odessa.
Kung hindi pa siya kumawag, hindi pa siya pakakawalan nong babae sa likuran niya. Iyon nga lang, na-out of balance siya dahil nahilo siya sa suntok ni Odessa. Napasubsob siya sa lapag.
Nagsisigaw naman ang kasama nitong babae. "'Tingnan niyo ang malanding babaeng ito! Mang-aagaw siya! Haliparot! Salot sa lipunan ang mga ganitong babae!"
"A-ano?!" akmang tatayo siya pero tinadyakan siya sa tigiliran ni Odessa. Nang tumingin siya rito ay pasugod na ulit ito.
"I'm going to teach you a lesson so you'll never come back to Leo again!"
Tumingin siya sa paligid. Iyong mga tao mula sa lobby ay nagtakbuhan papunta sa lugar nila para makinood. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya at ang ilan pa'y tila pinagtatawanan siya. Iniisip na isa talaga siyang kabit. Nasaan ba ang mga guwardiya? Palapit na ang mga ito nang humarang ang mga nakikiusyoso.
Mayamaya'y dumeretso si Odessa sa kanya at mukhang titirahin ulit siya. Tinanggal niya ang kanyang sapatos na may takong – lalaban siya na siya! Ang kaso, may alagad nga pala ito sa likuran niya. Patayo pa lang siya nang itulak siya nito dahilan para masubsob siya malapit sa paanan ng nag-aapoy na si Odessa. Huli na bago niya pa maiwasan ang tadyak nito. Sapul siya sa mukha. Bahagya syang napabalentong pahiga.
Pahampas na sa kanya si Odessa nang biglang may humila kay Odessa papalayo sa kanya.
Si Leo!
Nagulat ang lahat ng naroon nang ubod ng lakas na sinapak ng binata si Odessa. Umikot muna ito ng tatlong beses bago maglanding ng duling sa floor. Putok ang labi nito. Pagkatapos ay galit itong sinigawan ni Leo.
"Don't you ever touch her again! Or I will kill you!" mapanganib na sigaw nito. Pulang-pula ang mukha ng lalaki!
Hindi makapaniwalang napaluha si Odessa habang nakatingin sa binatang nakatayo sa harapan nito ngayon.
Akmang lalapit itong malaking babae sa kanyang likuran nang harapin din ito ni Leo. "Hindi ako magdadalawang isip na sapakin ka rin kahit babae ka!" nagbabaga ang mga mata nito.
Ngayon niya lang ito unang nakitang ganito kagalit. Lumapit sa kanya ang binata at marahan syang binuhat ng mga bisig nito. Hindi mahina ang loob niya pero napaluha siya nang mapasandal siya sa malapad nitong dibdib.
"Shhhh... Wag ka ng umiyak. Nandito na ako. Walang pwedeng manakit sa'yo."
Si Odessa na duguan ang ilong ay nagliliyab pa rin ang mga mata. Parang sarado na ang utak dahil sa bunga ng alak o tinirang gamot. Balewala na rito kung may mga nakakakita. Nagpumilit itong tumayo upang humabol nang may humarang dito. Isang babae– Ayeza!
"Sige, subukan mo... Sa hospital ang susunod na tutumbahan mo..."
Nakalampas na rin ang dalawang guwardiya mula sa umpukan ng mga tao na nakikiusyoso. Doon parang nahimasmasan si Odessa. Isa itong nagsisimulang artista. Kahit may kadiliman dito sa gilid ng mall, posible pa rin itong makuhanan ng picture, kung meron man ditong may magandang klase ng camera.
Marahan nang humakbang si Leo habang buhat siya ng brusko nitong mga braso. Hinalikan siya nito sa noo habang naglalakad ito sa gitna ng maraming tao. Dito na siya napahagulhol ngunit hindi dahil sa kahihiyan ni sa sakit ng kanyang katawan. Kundi dahil sa ligayang kanyang nararamdaman. Napayakap siya sa leeg ng binata.
Bumulong ito sa kanya. "Shhh... tahan na. Wala nang mananakit sa'yo. Papatay ako... mamamatay ang mananakit sa'yo."
Parang sasabog ang puso niya sa tuwa. Ngunit parang gusto nyang sabihin dito na – meron pang taong pwedeng manakit sa kanya. At ito mismo ay ito – si Leo Montemayor Saavedra.
At tama si Editha – nagmamahal na nga siya.
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz