ZingTruyen.Xyz

It Started in the Elevator✔️

Chapter 18

JFstories


Chapter 18


PAGPASOK NI CYNTHIA sa loob ng condo ay naroon na si Leo. Nakatulog ito sa couch nila habang bukas ang TV. Halatang kanina pa ito naghihintay sa kanya. Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag nito kanina. Sinadya niya ring magpagabi dahil ayaw niya itong makita.


Pangalawang gabi na itong ganito sila. Noong nakaraan ay miss na miss niya ito, ngayon naman ay ayaw niya itong makita. Naiirita siya. Naiinis.


Dumeretso siya sa kwarto nila at agad na nahiga. Ngunit mga ilang minuto palang ay naramdaman na nyang pumasok na rin si Leo at yumakap sa kanya mula sa likuran.


Kunwari nama'y malalim na ang kanyang tulog. Bahagya itong umangat at bumulong sa kanyang tainga.


"CT, are you mad at me?" Bulong nito sa malungkot na boses. "Kung ano man ang nagawa ko, sorry..."


Tinugon niya ito nang paungol. "Leo, pagod ako..."


Malungkot na bumuga ito ng hangin, pagkuwa'y magaan na hinalikan ang kanyang buhok. "All right, baby. Sleep well..." Naramdaman pa nyang kinumutan siya nito.


May kaunting guilt na pumitik sa loob ng dibdib niya. Namura niya ito noong nagdaang gabi, pero di man lang ito nagalit. Hinintay pa rin siyang makauwi. Hindi siya kinulit noong ayaw niyang magsalita. At ngayon na late na siyang umuwi, hindi rin siya kinompronta. Sa kabila ng mga lantarang pambabalewala niya, ito pa ang humihingi ng tawad sa kanya.


Maaawa na ba siya? Bibigay na naman ba siya? At pagkatapos, ano na ulit ang mangyayari? Ito naman ulit ang mambabalewala sa kanya? Siya naman ang parang hangin? Siya naman ang hindi ia-update, hindi sasagutin ang tawag, at uuwian lang kung kailan trip? Tapos, pag nagalit na naman siya, susuyuin na naman siya, pakikitaan ng lambing, at balik na naman sila sa simula? Aba, parang cycle ng gaguhan lang, ah.


Hindi niya makakalimutan ang pangako nito na hindi na siya sasaktan. Hindi niya rin makakalimutan na habang siya ay nag-aalala at nami-miss ito, nandoon ito sa elevator nito at nakikipagngitian sa Ayeza na iyon. Ano, masaya ba siyang marinig ang "I love you" ng babaeng iyon sa personal?


At siya? Okay na siguro siya na bigyan na lang ng cards, tutal ay mukha naman siyang pera. Iyon siguro ang nasa isip ni Leo. Basta, may pera siya, okay na siya. E tangina talaga. 


Ang galit na hindi niya alam kung saan nagmumula ay kumalat sa kanyang mga ugat. Umungol muli siya. "Leo... ibili mo ako ng gamot..."


Napabalikwas naman ang binata sa likuran niya. "Masama ba ang pakiramdam mo?"


Tumango siya, habang sa loob-loob ay lalo siyang nanggigigil dito. Ang sweet pa ng boses ng gago, akala mo naman di manloloko!


"Okay, I'll call a doctor." Nag-dial agad ito sa cell phone nito.


"No, Leo..." awat niya. "Hindi naman malala ito... ibili mo na lang ako ng gamot sa labas..." Alam niyang wala silang stocks ng kahit anong gamot sa med kit nila. Hindi pa rin uso ang mga online deliveries, kaya kailangan nitong lumabas.


Nagmamadali namang nagbihis si Leo. Hindi pa siya nakaka-OO ay nanakbo na ito pababa. Isang oras bago ito nakabalik at hinihingal pa. Nagulat pa ang lalaki nang makita syang nakaupo na sa couch.


"Leo okay na, nakainom na ako ng gamot."


Napanganga ito. "How?"


Kalmadong tiningnan niya ito. "Tumawag ako sa intercom, nag-try ako sa lobby. May gamot pala roon. Pinaakyat ko rito."


Napangiwi ito. "Good!" tagaktak ang pawis nito.


Niyaya na niya ito sa kwarto. "Leo, patayin natin ang aircon... Giniginaw kasi ako, eh..."


"Pero maiinitan ka naman..."


Inabutan niya ito ng folder. "Paypayan mo ako hanggang sa makatulog ako. Okay lang ba?"


"Ha?" Tila nabigla ito, pero tumango. "S-sige..."


Humiga na siya habang dinadama ang hangin mula sa pinapaypay na folder sa kanya ng binata. "What if – mag-order ako ngayon ng electricfan..."


"Leo... malamig din iyon. Please, paypayan mo na lang ako..."


"Okay, sige. Magpahinga ka na at baka mabinat ka pa..." hinaplos nito ang likod niya.


Hindi nagkulang si Leo sa kakapaypay sa kanya. Halos hindi ito nakatulog sa magdamag.



NANG SUMAPIT na ang umaga, naroon pa rin si Leo at patuloy pa rin sa kapa-paypay sa kanya. Nakahubad na pala ito sa likuran niya at pawis na pawis. Tumambad tuloy sa kanya ang maganda at wet nitong katawan.


"Okay ka lang ba?" tanong nito.


Dito niya lang napansin na napakainit nga pala talaga kapag walang aircon. Hindi niya lang iyon alintana dahil busog siya sa hangin mula sa pagpaypay nito sa kanya.


"Masama pa ba ang pakiramdam mo?" Namumula na ang mga mata nito na marahil ay sa puyat at antok. Magdamag siya nitong binabantayan at pinapaypayan. "Mabuti na lang kasi off mo ngayong Sabado. Pero kailangan mo pa ring magpahinga." 


Tumango siya pero ang paningin niya'y nandoon sa abs nito. Parang pandesal na sinawsaw sa honey. Ang sarap almusalin. Pero hindi. Buwiset siya rito. Kasabay ng pangangasim ng kanyang sikmura ay lalo siyang nabuwiset sa mukha ni Leo. Guwapo naman ito, pero basta, nabubuwiset talaga siya sa mukha nito.


Napatikhim siya at pilit inayos ang sarili. "Leo, CR lang ako..."


Inalalayan siya nito hanggang makapasok siya ng banyo. "Don't worry CT, hindi ako papasok ngayon para maalagaan kita."


Umaalis pa rin nga pala siya kahit Sabado. Nakaka-wow lang kasi puwede pala na hindi.


Narinig nyang nag-ring ang CP nito. Lihim nyang sinilip ang binata at pinakinggan ang kausap nito sa kabilang linya. "Pakisabi na i-cancel ang mga meetings ko today." Pero maya-maya'y nangunot ang noo nito. "I know how big clients they are. I don't care kung mawala sila sa akin. Importante ang lakad ko ngayon." Nang matapos itong makipag-usap sa kabilang linya, nakita pa nyang nasapo nito ang sariling noo na wari'y namo-mroblema.


Nagtagal din siya banyo at nag-isip-isip. Hanggang nagpasya siyang papasukin na ito sa trabaho. Ayaw niyang masira ang professionalism nito.


Paglabas niya ng banyo ay tulog na si Leo sa sofa. Bumigay na sa antok at pagod. Hindi na rin yata nito kakayanin na tumuloy sa meeting. Lumuhod siya sa harapan nito. Pinunasan niya ang pawis nito sa makinis na pisngi. Pagkatapos ay pabulong syang humingi ng tawad dito. Hahalikan na niya sana ito nang biglang tumunog ang cellphone nito.


Hindi niya na dapat papansinin, kung di lang niya nakita ang pangalan ng sender ng text. Ayeza Baby. Hindi niya na napigilan ang nanginginig na mga kamay na damputin ang phone at buksan ang text para basahin.


Take care, Leo. I love you, too.


Parang lumaki ang ulo niya sa nabasa, lalo nang i-scroll ang past convo ng dalawa. Ang huling text ni Leo rito kagabi ay:


Goodnight. I love you.


Nagpapalitan pala sila ng "I love yous"? At hanggang ngayon? Hanggang ngayon na okay na kami ni Leo?! O baka talagang hindi sila tumigil na dalawa?! Nag-scroll pa siya. Kakaunti lang ang text messages, dahil siguro ay puro calls ang dalawa. Pero sa kakaunting messages ay hindi puwedeng may "I love you"! Putangina!


Muntik na nyang maibato sa gwapong mukha ng tulog na si Leo ang cellphone nito dahil sa mga nabasa niya.



NAGMADALI syang nagbihis. Hindi niya kayang manatili sa penthouse kasama ni Leo. Hindi niya kayang makaharap ito kapag nagising ito. Kailangan niyang umalis. Kailangan niyang makasagap ng hangin, dahil baka mamatay na lang ako roon sa sama ng loob.


Off niya, busy pati ang dalawa niyang friendship na sina Gladis at Merdie, kaya sa mall siya bumagsak. Ang boring nga lang magpaikot-ikot doon mag-isa. Wala rin siyang maisip na bilhin. Lutang ang utak niya. Sa huli ay sa maliit na ospital siya ni Preston dinala ng kanyang mga paa. Gusto niya ulit makita si Editha.


Iiwasan niya dapat si Preston, pero ito na yata ang doktor na laging natataong hindi busy kapag pumupunta siya. Nagkasalubong pa sila sa hallway. "CT!" Napangiti ito. "Bigla kang umalis. Galit ka ba sa akin?"


Umikot ang bilog ng mga mata niya. "Bakit ba kayong mga lalaki eh ganyan ang tanong sa akin?"


"Huh?" Halatang hindi ito naka-relate.


"Sige, bye. Di talaga ikaw ang pakay ko rito." Nilampasan niya na ito. Doon siya pumunta sa kuwarto na kinaroroonan ng pasyenteng kamukha niya. Si Editha.


Hinabol naman siya ni Preston. "Wait, Cynthia!" Doon niya napansin na may hawak pala itong pumpon ng mga bulaklak. "You're going to visit her, right? Can you give this to her?"


Dinaklot niya ang bulaklak mula sa mga kamay ng doktor. "Ge."


Pagpasok niya sa kuwarto ni Editha ay naabutan niya itong tulala. Lalo itong payat at maputla sa liwanag ng araw na pumapasok mula sa bukas na bintana ng kuwarto. Habang nakatingin dito ay may kirot siyang nararamdaman sa kanyang dibdib.


Nang mapatingin ito sa kanya ay bumangis ang ekspresyon. "Ano na naman ang ginagawa mo rito?!"


Heto na naman siya at may dalang flowers na pinabibigay ng doktor. "Ang OA naman nito. Galit agad?"


"Umalis ka na!" sigaw nito sa kanya.


Para siyang nakatingin sa sarili niya na galit, kasi nga magkamukha sila. Naiintindihan niya naman na hindi stable ang emosyon nito dahil sa kalagayan, pero naiinis din siya dahil bakit ayaw nitong lumaban? Ang daming pasyente ang tulad nito ang walang natatanggap na tulong, samantalang ito ay hindi lang basta tinutulungan ni Preston, nirarasyunan pa ng bulaklak. Wala man lang ba ito kahit pekeng "thank you"?


"Hoy!" Nilapitan niya ito matapos ibaba ang bulaklak sa bedside table. "Tigilan mo ako sa kaartehan mo. Kung talagang gusto mo ng mamatay, eh di sana magpakamatay ka na lang. Sayang ang perang nagagastos sa'yo ng ospital na ito! Nananakit ka pa ng nurse, baka kala mo di ko alam?!"


Napailing tuloy si Preston na nakasilip lang sa pintuan ng kwarto.


"Anong alam mo sa nararamdaman ko?!" asik sa kanya ni Editha. "Hindi mo alam ang pinagdaanan ko!"


"Hindi ko alam ang nararamdaman mo. Pero ang alam ko, parehas tayong ulila at walang pamilya."


Tumigil ito sa kasisigaw.


"Pero marami tayong pagkakaiba. Ako, kahit walang-wala ako – hindi ako sumuko. Nagsumikap ako para makahanap ng mga taong magmamahal sa akin. Ikaw – boba! Tama ba naman isuko mo ang sarili mo sa iba? Tapos naging puta ka pa. Lalo mo lang sinira ang buhay mo."


Wala siyang karapatan na husgahan ito, pero husgadera siya ngayong araw kaya pasensiyahan na lang. Kung di umuubra dito ang panunuyo ni Preston, ay baka tamaan ito kahit kaunti kung gagamitan niya ng kamay na bakal.


Umupo siya sa tabi nito. "'Tapos ngayong may taning ka na, ang sinisisi mo ay iyong mga taong handang magpahalaga sayo. Unfair mo, letse ka."


"Wala ng taong magpapahalaga sa isang katulad ko," mapait na sabi nito. "Ultimo asawa ko, walang pagpapahalaga sa akin."


Bumuntong-hininga muna siya. "Nang malaman kong may taning ka na pala – nalungkot ako."


Napatingin ito sa kanya. Nagbago ang mukha nito.


"Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot sa kalagayan mo, Edita. Ni hindi nga kita kilala, e. Pero mula nang malaman ko iyong kalagayan mo, nalungkot ako. To be clear, lungkot talaga itong nararamdaman ko at hindi awa." Inabot niya rito ang bulaklak. "At hindi lang ako ang nakaramdam ng lungkot na iyon. Pati na rin iyong taong nagpapabigay nito sa 'yo."


Napatulala muna si Editha bago nito tinanggap ang bulaklak. "Kay Doctor Kwak-kwak ba ito galing?" pati tuloy ito, nakiki-'doctor-kwak-kwak' na rin. Umayos na rin ang pananalita nito.


Napangiwi naman ang doktor sa isang sulok.


Hindi alam ni Cynthia kung namalik-mata lang siya sa nakitang paguhit ng malalim na galit sa mga mata ni Editha.


Maya-maya ay nag-ring ang cellphone nyang kukurap-kurap. Si Leo pala ang tumatawag. Sinagot niya ito at sinabi nyang nasa Antipolo siya. Halata naman sa tinig ng binata ang pag-aalala kaya't nagpasundo siya rito. Although wala naman talaga siya don. Sadyang masama lang talaga ang loob niya rito at gusto niya itong pahirapan.


***


NAPASALAMPAK SI Leo sa driver's seat ng kanyang sasakyan. Paano'y na-trap siya sa matinding traffic. Nagmamadali pa naman syang pumunta sa Makati upang sunduin dun si Cynthia. Galing syang Antipolo para sana sunduin sana ito don. Ang kaso, nang malapit na siya ron ay saka naman ulit tumawag itong si CT na nasa Makati na raw ito at doon naman nagpapasundo.


Dali syang nag- U turn para sa Makati naman pumunta. Hindi niya pwedeng baliwalain ito lalo na't biglang lumakas ang ulan. He's so worried na baka mabinat ang dalaga.


Ayeza had called and scolded him nonstop. Ang gulo kasi ng schedule niya bigla, dahil um-absent siya. They were supposed to have a meeting with some important clients, but he postponed it because his worry for Cynthia's condition took priority. 


Patong-patong na ang schedule niya dahil sa kanyang pagliliwaliw noong nililigawan niya pa lang si Cynthia, at nagpapanggap pa siya na simple lang na empleyado. Then it got even more hectic when things got complicated between them. So when they finally got back together and cleared things up, he started slowly catching up on work. Iyon nga lang, may mga bagay pa rin siyang di pa naaasikaso. 


Katulad kanina. He just found out from his cousin that his mom, Aria, was kind of upset with him for not checking in or spending time with them after his birthday. Kanina niya lang natawagan ito para mag-explain. Honestly, he didn't even know where he pulled those excuses from. He just said whatever came to mind to soften up his strict mom.


Anyway, narito na nga sa Ayala nang tumawag ulit siya kay Cynthia. "Hello CT, I'm here in Ayala. Where are you?"


"Sorry Leo, dumeretso kami dito sa Pasay. Kaya mo ba akong puntahan dito?" sagot nito sa kabilang linya.


"All right, baby. Pero 'wag ka na pong aalis dyan, ha?" Napapagod na kasi siya, at miss niya na ito. Worried pa siya na baka mabinat na ito.


Hindi na tumugon ang dalaga nang mawala ito sa kabilang linya. Agad naman syang nagmaneho papunta naman ngayon sa Pasay.


Napapailing na lang siya. All he wanted was to give everything to his girlfriend. That's why even if he lost everything else, he didn't want to lose that woman.


Inabot na siya ng dilim nang makarating siya sa Pasay. Nang tatawagan na niya si Cynthia, nabasa niya ang text nito.


Sorry lobat ako. Dito ako office ngayon. Puntahan mo ko.


After he read that message, wala siya sa sariling nagmaneho muli pabalik. It was like his mind just stopped working. All he wanted was to see her beautiful face again. Funny how he couldn't even look at other women's beauty anymore. Talagang totoo nga ang sinasabi ng mga elders sa angkan nila. Darating ang panahon na makakahanap din silang lahat na magpipinsan ng katapat nila. Akala pa naman niya ay exempted siya roon.


Malapit na siya sa opisina nang ma-flat-an pa siya ng gulong. Tinawagan niya si Cynthia. "Hello baby. Sorry, may aberya lang. Pero lapit na po."


"Please, Leo, bilisan mo. Gusto ko nang umuwi."


"Stay there. Malakas ang ulan. Papunta na ako dyan." pinatay na niya ang CP niya at lumabas siya ng sasakyan. Sinalubong niya ang malakas na ulan patakbo sa kanilang opisina.


How many blocks ang kailangan niya pang lampasan? Maybe ten? Eleven blocks? F*ck! Ang layo pa pala!




KUMAKAIN SI Cynthia sa isang restaurant malapit sa kanilang condo. Ang balak niya, kapag tumawag muli si Leo ay ipapaalam naman nyang nasa condo na siya at nakauwi na. Napapangiti na lang siya habang iniisip ang mga mangyayari. Ganon pala siya kasama kapag nagseselos siya?


Naalala niya tuloy ang sinabi ni Merdie na payo nito kay Gladis. Parang siya kasi ang pinatatamaan nung salitang – 'komprontasyon'. May point naman itong matured niyang friendship. Pero sa kaso nila ni Leo, parang malabo ang ganoon. Kasi aamin ba ito? Mamaya ay idaan na naman siya sa luhod-luhod, bumigay na naman siya. 


Sige lang, lokohin lang siya nito. Okay lang. Noon pa mang tuma-target siya ng mayamang lalaki ay inaasahan niya nang posible siyang lokohin sa huli. Ang importante lang, niloloko man siya ay at least, mayaman siya. Hindi siya sa jeep iiyak, kundi sa brandnew car, and with a driver pa. Kumbaga, mas maganda ng magpaloko sa lalaking mapera, kasya iyong ikaw na nga halos ang bumubuhay, lolokohin ka pa. 


Kaya okay lang talaga. Okay lang na magloko si Leo, sabi niya sa isip habang minu-murder niya ng tinidor ang steak na kinakain. Tangina, sige lang, Leo, magloko ka! Okay lang talaga! Sasaksakin niya na nang final blow ang steak nang ---


Biglang may lumapit sa kanyang babae. "Ispirikitik?"


Nagulat siya nang mapagsino ito. "Ayeza?" Para itong diyosa na umiilaw sa paningin niya. Bagay na bagay rito ang suot na Gucci halter dress. Labas ang cleavage. Napaka-elegante. Parang gusto niya tuloy maging kasing liit na lang ng tuldok, dahil kahit alam niyang maganda siya, ibang level talaga itong si Ayeza. 


Paanong nagagawa ni Leo na gawing kabit lang ang ganito kagandang babae? O baka naman siya pala ang kabit?


"Ispirikitik, right? Fancy meeting you here. Are you with Leo?" Lumungkot ang magandang mukha nito. "Di ko na kasi napagkikita ang lalaking iyon."  


'Ispirirkitik' nga pala ang ipinakilala nyang pangalan dito noong unang pagkikita nila sa condo. Talagang hinahanap pa nito sa kanya si Leo, ha? Kung alam lang nitong ito ang dahilan kung bakit niya pinapahirapan ang lalaking iyon ngayon.


Nang di pa rin siya nagsasalita ay matamis itong ngumiti sa kanya. "Hey, don't tell me nagbibilang ka na naman ng stars?" 


Sinimangutan niya ito. Ang kapal ng mukha nito para makipagbiruan pa sa kanya. Ganito ba ang mga rich people? Friendly ang kabit? Puwes, di siya magiging friendly rito. Ayaw niya sa babaeng nananakit ng kapwa bababe. "Anong kailangan mo?" tanong niya na hindi ito tinapunan nang tingin.


"Well, I was eating here too when I spotted you, so I thought I'd come over. Akala ko kasama mo si Leo. I just wanted to corner my cousin, kasi naman he's been so hard to reach through the phone."


"Ni hindi ko nga alam na may cousin ka pala, eh..." sarkastikong sabi niya rito. Duh?! Pake niya sa kung sino mang Poncio Pilatong pinsan nito!


Pero hindi nito pinansin ang pagka-sarkastika niya sa halip ay nginitian lang siya ulit nito. "Si Leo, I mean..."


Namilog ang mga mata niya. "Cousin mo si Leo?"


"Yeah?" Nagtataka man sa reaksyon niya ay napatango si Ayeza.


"Cousin as in – pinsan?"


Tumango ito ulit.


"Pinsan mo si Leo – cousin mo?"


Kumunot ang noo nito. "Yup. Why –"


Bigla niya itong niyakap at saka hinagkan. "Bye!" sabay takbo niya palabas ng restaurant.


Naiwan namang nagtataka si Ayeza habang habol siya nang tingin nito.


Kaagad syang pumara ng taxi nang makalabas siya ng resto. Nang makasakay na siya roon ay sakto namang tumawag si Leo.


"Hey, CT..." halata sa tinig nito na nanginginig ito sa ginaw. Siguro dahil sa malakas ang ulan. "Narito na ako sa office... asan ka?"


"Punta ka sa rooftop," utos niya.


"Huh?" Bahagya pa itong hinihingal.


"Basta punta ka na lang." 'Tapos binaba na niya ang linya.


Pagkababa niya sa building ng opisina nila, mabilis nyang tinakbo ito papasok patungo sa elevator. Pinindot niya agad ang buton pataas sa rooftop. Halos mapapapadyak pa siya sa pagmamadali.


Ang tanga niya! Ang tanga-tanga niya talagang magselos. Napapikit pa siya nang maramdaman niya ang pagpatak ng munting mga  luha mula sa kanyang mga mata. Nakokonsensiya sa mga ginawa. Di bale, babawi siya. Babawi siya. Hindi na siya magseselos ulit. Kung talaga mang makitid ang utak niya ay bibili na lang siya ng bago, tutal mayaman naman si Leo.


Sunud-sunod ang pagpindot niya sa UP button. Excited na syang makita ang binata. Gusto niya itong yakapin, hagkan at saka humingi ng tawad. Gusto niya itong paligayahin ng makabawi siya sa ginawa niya rito. Gusto niya itong mahalin – oo! Mahalin ng sobra at hindi na pakakawalan pa!


TING!


Bumukas ang elevator.


Hayun si Leo. Basang-basa ng ulan.


Marahan nyang nilapitan ang nakatalikod na binata. Nangangatog ito sa lamig. Pero bago pa siya makalapit ay napaharap na ito sa kanya. "Hey, CT 'wag kang magpa-ulan!" nakuha pa nitong mag-alala sa kanya.


Bago pa siya tuluyang mapahagulhol, tinakbo niya ang kinaroroonan nito. At saka patalon na niyakap niya ito.


Mahigpit nyang niyakap ito...


"Hey, anong nangyari? Nabasa ka na rin tuloy ng ulan." Wala itong kaalam-alam sa nangyayari.


Nang kumalas siya ng yakap dito ay siniil niya ito ng halik. "Sa ayaw at sa gusto mo Leo... magchuchurbahan tayo dito... sa gitna ng ulan at sa rooftop na ito..."


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz