ZingTruyen.Xyz

It Started in the Elevator✔️

Chapter 17

JFstories

Chapter 17


THEY WERE DOING IT EVERY CHANCE THEY GOT.


Kung noong nakaraang linggo ay sa kotse sila, ngayon naman ay narito sila sa elevator ng kanyang kompanya – his elevator.


"Oh, CT, why you're so tight..." he moaned as he pound inside Cynthia, who was on her back, bending with her butt facing him. Naka-dress pa rin ito, ngunit walang undies.


"Ah, Leo... 'wag kang magreklamo... i-push mo na lang yan...." She arched her back.


He was careful even though it was his personal elevator. He was alert and ready to slam the button the instant the doors started to open. Itinakip niya rin sa CCTV ang panty ni Cynthia.


"Darn ang sarap! Hmnnnn..." ungol niya.


"Leo, push mo pa... ahhhh..." Whimpering, she moved her hips.


"Ugh! How about that huh? Hmnnn..." Sinunod naman niya ang inutos nito.


"Ahhhh!"


"Are you alright?"


Tumango lang ito. "Leo, paspasan mo na... tapusin na natin 'to..." nagmamakaawa ang tinig nito. Nangangalay na yata.


Huminga muna siya nang malalim at saka mabilis na bumayo. It looked like he's dribbling her soft butt. Napakapit pa siya sa makitid nitong baywang.


"Oh, Leo... ohhhh..."


TING!


Fuck! Bumukas ang elevator. But his girl had her own reflexive instinct. Nasipa nito ang buton paakyat pa sa pinakamataas na floor.


"Wow!" Napabilib siya sa ginawa nito.


Dahil dun, lalo syang ginanahan. Lalo nyang pinaspasan. "Ahhhhh! CT I'm close..." heto nga't malapit na siya.


"Ahhh... Leo... heto na ulit ako... sabay tayo... ahhmmnn..."


"Oh, shit!" Napakapit siya sa pang-upo nito. Then he exploded.


TING!


Bumukas muli ang elevator. Kapwa sila hinihingal nang sabay na silang makaraos sa kanilang wild trip. 


Hay, kung malalaman lang ng Mommy niya ang mga kalokohan niya ay malamang makatikim siya rito ng upper cut.


"What?" Marahan niya ring nilingon kung saan ito nakatanaw at doon na siya nakahinga nang maluwag. 


Nakaabot pala ang elevator nila sa rooftop ng building. Mabuti at walang ibang tao ron. Napahalakhak na rin siya habang pinagmamasdan niya ang dalaga sa kanyang tabi. He saw how happy she was. Being with her was so incredible. Sa maraming bagay ay ibang-iba ito sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay niya.


At matapos ang kaunting pahinga ay sige na naman sila. And again, their wet and dirty sounds filled the elevator.


***


TULALA SI CYNTHIA habang pinagmamasdan ang kalendaryo sa kanyang kukurap-kurap na cellphone. Malapit na kasi ang birthday niya. Pero parang wala naman pakialam si Leo sa araw na iyon. Ni hindi nga nagtatanong ang binata kung kelan ang kaarawan niya.


Ang routine pala nila ay ganito: Pasok sa work sa umaga, work maghapon kaya di na nagkikita, then sa gabi ay madalang na siya nitong maisabay, dahil kung di tambak ang work ay sunod-sunod ang mga dinner meeting nito. Okay lang naman, may driver itong itinalaga sa kanya. 


Binigyan din siya ng cards. Mag-shopping daw siya siya, bilhin ang kahit anong gusto niya, o manlibre siya, siya ang bahala. Basta mag-enjoy siya. In short: Libangin niya ang kanyang sarili dahil busy ito para masamahan siya.


Naiintindihan niya naman kasi nga CEO si Leo. Naiintindihan niya talaga. Kaya lang, normal lang naman na ma-miss niya ito, di ba?


"Bakit yan pa rin ang phone mo? Milyonaryo ang jowa mo, ah..." Sumulpot si Merdie sa kanyang likuran. Alam na ng mga kaibigan niya ang tunay na katauhan ni Leo, at windang din ang mga ito. Lalo na iyong mga nag-mega utos sa binata noong pumunta ito sa department nila.


"Mahalaga sa akin ang CP na 'to," sabi niya sa mahinang tinig. "Bukod kasi kay Leo, ito na lang ang meron ako." Minana niya ito sa umampon sa kanya. Iyong lola ng pinsan-pinsanan niyang si Melanie. 


Ganoon siya magpahalaga sa isang bagay, at sa tao rin syempre. Hay, naalala niya na naman tuloy si Leo. Nami-miss niya na naman ito.


Napansin naman niya si Gladis sa kanyang gilid. Tahimik lang ito at mukhang malungkot din. Ibinaling niya rito ang usapan.


"Oh, Gladis... Kung maka-eksena ka naman dyan eh akala mo kung sino kang bida sa isang pelikula. Anong atin?"


Bahagya pa itong naluluha. "Eh, kasi... nanlalamig na sa akin si Chiboy, eh..." ang tinutukoy nito ay iyong asawa nitong mukhang terorista.


Napabaling naman sa iba si Merdie. "Naku mahina ako sa mga ganyang payong pag-ibig..." Bumalik ito paharap sa sarili nitong monitor.


Niyakap naman niya si Gladis. "Ikaw naman kasi... bakit bulwat kasi ang mata mo?"


Natawa si Merdie.


"Kasi naman!" Inis na sabi naman ni Gladis.


"Shhhh..." lalo niya itong niyakap. "Feeling ko napuwing ka lang dyan kay Chiboy. Marami pang iba..."


Kumalas ito sa kanya. "Ano ang gagawin ko?"


Patay! Ito pa naman ang kahinaan niya – ang magpayo. "Ahhh... dapat – pag-isipan mong mabuti kung iiwanan mo na siya, okay? Dapat kumpleto na ang desisyon mo bago ka niya iwan. COMPLETE ha? Like Centrum – complete form A to Z.


Todo tango naman itong si Gladis.


"Remember, marami ka pang ibang makikitang iba. Bilog ang mundo like GSM blue, ha?"


"Tsk.Tsk." Napailing si Merdie. "Alam mo kung ano ang kulang – komprontasyon. Dapat, pag-usapan nyo yan.


Pero kinontra niya yun. "Wag kang makikinig dyan. Matanda na yan masyado para magpayo. Parang KFC – since 1890."


Napangiti na si Gladis. Halos nanakit pa ang tiyan nito katatawa. "Salamat, Cynthia..."


"Wala 'yon... basta payo maaasahan mo ako." Payo nga kaya yung mga nasabi niya? Parang mas maganda nga yung advice ni Merdie kesa kanya.


Sumeryoso ang mukha ng kaibigan nila. "Eh, ikaw? Kumusta kayo ng hot mong fafa?"


Bigla syang natameme.


Ngumisi si Gladis. "If I were you, hindi na ako magtatrabaho. Magsho-shopping na lang ako araw-araw."


"Ang mabuti pa, samahan nyo na lang ako mag-shopping ngayon. Treat ko kayo." Inilabas niya ang dalawang credit card mula sa kanyang bag. Bigay iyon sa kanya ni Leo.


Napayakap naman sa kanya ang dalawang friendship niya.


Nag-text siya kay Leo habang nasa biyahe sila nina Merdia at Gladis pa-mall. Sinabi niya na aalis siya, at mauna na itong umuwi sa condo mamaya. Nagpaalam din siya na ililibre ang mga kaibigan, dahil sinabi rin naman nito sa kanya na manlibre daw siya. Gawin niya ang gusto niyang gawin sa credit card. Pero kahit ganoon ay di siya gaanong gagastos. Saktong libre lang ang gagawin niya.


Naghintay siya ng reply mula kay Leo, kahit man lang 'I miss you', pero wala siyang natanggap. Baka nasa meeting. Napabuga na lang siya ng hangin.


Ilang minuto nga lang at nasa mall na sila. Kain dito, kain doon. Shopping dito, shopping doon. At nang makaramdam sila ng pagod, bumalik sila sa opisina. Tapos na ang working hours nila kaya sa lounge sila nagtumpukan para magkuwentuhan. 


"Bakit parang hindi ka masaya?" puna sa kanya ni Merdie.


Ngumuso siya. "Malapit na kasi ang birthday ko..." hindi siya makatingin sa mga kausap niya. "Parang wala naman pakialam si fafa L..."


Tinapik siya ni Merdie. "Banggitin mo kasi, 'day!" 


Umiling siya. "Wala akong balak banggitin sa kanya. Alam niya naman na kasi iyon, nakita niya na sa ID ko. Pero mukhang nakalimutan niya. Okay lang naman. Never ko rin naman talagang ipinagdiwang ang birthday ko, e."


Isang tao lang ang hindi nakakalimot sa birthday niya— si Camilla, ang best friend niya. Taun-taon ay ito lamang ang bumabati sa kanya. Masaya na siya dati sa ganoon.


Pero sa ngayon, importante sa kanya na ma-i-celebrate naman ang araw na iyon na si Leo naman ang babati sa kanya. Eh, ang kaso, sa tuwing magsusubok syang i-open iyon sa kasintahan, iniiba nito ang usapan. Halatang wala itong pakialam sa birthday niya.


Busy talaga siguro si Leo. Busy naman kasi talaga ang mga CEO. Ang mga birthday-birthday na iyan ay sayang oras lang. Kaya lang, nakakalungkot pa rin. First birthday niya na kasi sana na meron siyang taong minamahal.


Hindi rin sila nagtagal sa office. Nang makapagpahinga na sila, umuwi na rin sila sa kanya-kanyang tinutuluyan.



UMUWI NA RIN siya sa bago nilang condo ni Leo – mas malaki at mas maganda!


Pumasok na siya sa condo gamit ang kanyang keycard. Dito ang tunay na condo ni Leo. Isang penthouse sa Montemayor Condominium. Parang bahay na sa laki, dahil may second floor, dalawa ang kuwarto, maliban pa sa study. Ang laki rin dito ng TV. Hindi na VCD ang gamit kundi DVD. Talagang nagbago na nga ang buhay niya dahil kay Leo, dahil nararanasan niya na ang mga ganitong karangyaan. 


Maalwang buhay, sosyal na mga gamit, at magandang tirahan. Mga bagay na dati'y pangarap lang, nandito na ngayon sa kanyang harapan. Ano pa ba ang kulang? Napangiti siya at nanakbo sa second floor ng penthouse, papunta sa pinto ng kuwarto. Nandito ang kulang. Binuksan niya iyon.


Pero wala pa rin ang binata doon. Nitong mga nakaraang araw kasi ay naging abala ito sa mga projects at meetings nito. Tapos, minsan na nga lang sila magkita ay nauuwi pa sa sex. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niya ang bigat ng reponsibilidad nito bilang isang CEO ng isang kompanya.


Sinubukan niya itong i-text para lang sabihin na mag-ingat ito sa pag-uwi, at miss niya na ito. Wala pa ring reply. Nang mag-11:00 p.m. na ay doon na siya nag-alala. Bakit super late naman na yata pero wala pa rin ito? Tinawagan niya na. Walang sumasagot.


Kabado na siya sa pag-contact dito habang palakad-lakad sa malaking sala ng penthouse. "Leo, sagutin mo." 


Nagpa-panic na siya. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. Mula nang magkaayos sila at sumaya siya nang todo ay lagi na siyang kinakabahan. Para kasing lahat ng kasiyahan niya sa buhay ay pang-short time lang. Kaya hindi niya maiwasang ma-praning, dahil baka iyong saya na nararanasan niya kay Leo ay may katapusan din. Parang di niya kakayanin.


Sa wakas, sumagot na si Leo. Pero ang sagot nito ay maiksi lang. "Hey, CT. I'm sorry, been busy with work, and I don't think I can go home tonight. Magpahinga ka na lang diyan, okay? Bye!"


Nang ibaba na agad ni Leo ang phone ay natulala na lang siya. 



KINABUKASAN ay pinuntahan niya si Leo sa opisina nito. Hindi na siya nakatiis dahil miss na miss niya na ito. Sisilip lang naman siya, wala naman sigurong masama. Promise, di siya manggugulo. Paakyat pa lang siya ng elevator nang mamataan niya ang binata.


May kasama itong— isang magandang babae!


Agad syang nagtago sa hindi siya makikita ng mga ito. Sinipat nyang mabuti ang pamilyar na mukha ng babae – si Ayeza! Ito yung pumunta noon sa condo nila, sa dati nilang condo.


Parang may pumiga sa kanyang puso. May naramdaman syang sakit at – galit.


Lihim nyang sinundan ang dalawa hanggang sa labas ng building. Nakita nyang bago sumakay ng sasakyan itong si Ayeza ay yumakap pa ito kay Leo at hinagkan pa nito ang binata sa pisngi. Halos mapaluha siya sa nakitang eksena. Ang hitad na ito! Napakalandi! At eto namang talipandas nyang boyfie, parang sinisilihan ang ari.


Dahil sa pangyayaring iyon, buong araw lang syang tulala.


Nag-text pa itong taksil na Leo na ito. Di raw ulit makakauwi dahil merong inaasikaso. Talaga lang, ha? Hindi pa ito ang tamang oras para magwala siya, dahil hindi pa confirmed na kabit nito ang Ayeza na iyon, pero may karapatan pa rin siyang magtampo. Wala nang panahon sa kanya si Leo, kahit kitain man lang siya, pero sa ibang babae ay may panahon itong makipagngitian!


Kitang-kita ng mga mata niya na magkasama kanina ang dalawa. Imposible naman siguro na business ang pinag-uusapan, kasi hindi naman nagtatrabaho sa kompanya ang Ayeza na iyon. Ang isipin lang na magkasama ang mga ito ay sapat na para magtampo siya. At hindi niya nakakalimutang narinig niyang nag "I love you" si Ayeza noong kausap ito sa phone, at sa harapan niya pa! 


Basta hindi na lang niya muna re-replyan si Leo. Manigas ito!


Hindi naman na ulit nag-text si Leo. Wow, ang galing talaga!


Tuluyan nang kinain ng paninibugho ang puso niya. Hindi naman kasi siya sanay sa ganitong pakiramdam, e. First time niyang magmahal. Nakakabaliw. Baliw pala talaga siyang magmahal. Galit na galit siya ngayon sa isiping may kasamang iba si Leo, habang siya ay nandito sa penthouse mag-isa. 


Ano bang nangyayari? Akala niya ba ay okay na sila? Bakit ganito? Bakit matapos siya ni Leo na mapabalik sa piling nito, ay saka naman siya nito binabalewala? Dahil ba feeling nito ay secured na ito sa kanya? Tangina naman pala!


Sa sama ng loob niya ay napabasa siya sa mga text sa inbox niya. Kahit paano ay may nakakaalala pa naman sa kanya, ano. Katulad ni Camilla, kinukumusta siya. At ito pa... Napatigil siya nang makita na may unread text pala sa kanya si Preston. Two weeks ago na iyon. 


Binuksan niya ang text ni Preston. Kinukumusta lang naman siya ng lalaki. Naiwan daw niya sa office nito ang jacket niya. Napatapik siya ng noo. Kaya pala di niya makita iyong pink na jacket niya na iyon. Regalo iyon sa kanya ni Camilla noong unang taon na maging mag-best friend silang dalawa, at iyon ang unang regalo na kanyang natanggap sa buong buhay niya, kaya napakahalaga niyon sa kanya. 


Binanggit din ni Preson na nagkasakit ito. May naramdaman siyang pag-aalala. Kaibigan niya ito. Malaki ang utang na loob niya sa pagtitiwala nito sa kanya, kaya hindi niya naman ito basta-basta madidispatya sa buhay niya. Naisipan niya na dumaan sa maliit nitong ospital, para na rin talaga kunin ang kanyang jacket.


"Oh, buhay ka pa pala CT?" bungad sa kanya ni Preston na may halong biro nang puntahan niya ito. Sakto na nasa opisina nito ito. Isang buwan na rin mula nang huli silang magkita.


"At marunong na palang mag-joke 'yang nguso mo." Nginitian niya ito.


Napalapit ito sa kanya. Hindi na siya nakaiwas nang yakapin siya nito. "Cynthia, I missed you!" Napabitiw rin naman ito agad. Tumikhim ito. "Uhm, how are you?"


"Ito – maganda pa rin. Ikaw?"


Natawa ito. "Well, sakto ang dating mo... kasi may favor sana ako sa'yo."


"Sige. Kahit ano pa yan basta 'wag lang sex."


Sinimangutan naman siya nito.


"Anyway-highway, anong favor ito?" Sabay dampot niya ng kanyang naiwang jacket. Iyon talaga ang sadya niya rito. 


Last niya na ring punta rito sa maliit na ospital ni Preston, dahil ayaw niya namang may masabi pa ang kanyang Fafa L. Alam niya naman kasi na nagseselos ito rito sa doktor. Kahit naman nagtatampo siya kay Leo, ayaw niya pa rin itong bigyan ng iisipin. 


"So ano nga?" tanong niya kay Preston, dahil parang napapaisip pa ito.


Humugot ito sa likuran at naroon ang isang bouquet ng roses flowers. "I have a patient na – espesyal sa akin. Pwede mo ba itong ibigay sa kanya?"


"Weh! Bakit hindi ikaw ang magbigay?"


Ngumisi ito sa kanya. "You'll see why, kapag na-meet mo siya."


Sinamahan siya ni Preston sa kwarto nitong pasyente na tinutukoy nito. Bumungad sa kanya ang mga nurse na nakapalibot dito. Nagwawala kasi itong pasyenteng espesyal daw kay Preston.


"Anong problema niya? Sinasapian ba siya?"


Bahagyang natawa ang doktor. "Ayaw na nyang mabuhay kaya siya galit sa mga tao. Lalo sa akin."


Isang buwan pa lang daw ang pasyente na ito rito sa ospital na ito. Napulot lang daw ito ni Preston, at dinala rito. Ang bait din talaga ni Preston na tao.


"Wow! Parang wallet lang na napulot." Pinakatitigan niya iyong pasyente. May napansin kasi syang kakaiba. Parang – kamukha niya. Nang tingnan niya si Preston, napangiti ito.


"Napansin mo?"


Napamewang siya. "Na kamukha ko siya?"


Hindi lang kamukha, kamukhang-kamukha!


Lalong lumawak ang ngiti ni Preston. "Katulad mo, wala na rin syang pamilya. She's a prostitute. Binebenta niya ang sarili niya sa akin. Pero nagulat siya ng dalhin ko siya rito."


Tiningnan nyang muli itong pasyenteng kamukha niya. Kung magpapaitim lang siya ulit ng buhok, magpapaitim ng balat nang kaunti, at magpapapayat, ay baka mapagkamalan na silang iisang tao nito. Blonde kasi siya ngayon, at maputi at malaman siya rito.


"Anong pangalan niya?" tanong niya


"Editha."


Natawa siya. "Parang in-edit lang ah. EDITha..." Humarap siya rito. "Parang ako na in-edit sa adobe."


"Yeah you're right..." Lumamlam ang tingin ni Presyon sa kanya. "And you're prettier and livelier, Cynthia."


Napangiwi siya, sabay joke na lang para mawala ang pagkailang. "Naku, tigilan mo nga iyan. Baka isipin ko pa niyan na may gusto ka sa akin, hingin ko pa sa 'yo itong ospital."


"But I do, Cynthia."


Napatanga siya rito.  


"At may iba ka ng gusto." Sa tinig nito ay tila may hinanakit. Pinamulahan ito ng mukha. Pagkatapos ay bumaling na ito kay Editha. "Could you give that flowers to her?"


Tumango na lang siya. Sa totoo lang, kung walang Leo ay ito ang choice niya. Mabait naman din kasi itong si Preston at mayaman pa. Pasok ito sa qualification ng target niya. Iyon ang kung di siya gagamit ng puso, at puro utak lang ang pagaganahin niya. Iba na nga lang kasi ngayon. Tumitibok na ang puso niya, kaya ibang requirements na ang kailangan. No. 1: Dapat ikaw si Leo Montemayor Saavedra!


Nang magsialisan na ang mga nurse na itinaboy nito, siya naman ang umentra. "Hi!" bati niya sa pasyenteng kamukha niya. Iyong Editha. Kamukhang-kamukha niya talaga. Kulay lang ng buhok, balat, at laman ang pinagkaiba niya rito.


"Sino ka?" sigaw nitong Editha sa kanya.


Iniabot niya ang bulaklak dito.


"Umalis ka dito! Ayoko nyan!" Tinabig nito ang inaabot nyang bulaklak.


Iniabot niya muli ang bulaklak dito. "Galing ito kay doktor kwak-kwak..."


"Wala akong pakialam! Sabihin mo mamatay na siya!"


Bigla syang napikon. Ibinato niya sa mukha nito ang bulaklak. "Tangina! Ano ba kasing problema mo!"


Napatigagal naman sa isang sulok si Preston. Wala eh, maiksi lang ang pasensiya niya.


"Anong problema ko?" Galit na humarap sa kanya si Editha. "Problema ko ay may taning na ang buhay ko!"


Napaatras siya sa sinabi nito. Nabigla siya roon. 


"Hindi mo ako naiintindihan, di ba?" Mapait na nginisihan siya ni Editha. "Kasi malamang ikaw, mahaba pa ang buhay mo! Malamang ikaw, masaya ang buhay mo! At malamang ikaw, may pamilya kang nagmamahal sa 'yo! Suwerte ka! Hindi kita kagaya! Kaya hindi mo ako maiintindihan! Kaya umalis ka na! Layas!"


Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi ng babae. Siya, mahaba pa ang buhay? Oo. Siguro. Pero iyong masayang buhay? Pamilyang nagmamahal? Wala siya ng mga iyon. Sumaya siya sa piling ni Leo, oo, pero hindi pa sigurado kung hanggang saan. Ito nga at parang matatapos na ang kaligayahan na iyon, e. 


Nanginginig na nilingon niya si Preston mula sa pinagtataguan nito. Nagtagis ang mga ngipin niya nang mag-iwas ito sa kanya ng tingin. Walang salitang nilisan niya ang kuwarto na kinaroroonan ni Editha. 


Tulala siya habang naglalakad palabas sa maliit na ospital. Ni hindi na siya nakapagpaalam kay Preston. Gusto niya na lang mangyari ay umalis. Ang kaso, kahit mapalayo na siya ay hindi niya makalimutan ang luhaang mukha ni Editha. Bakit siya nasasaktan para dito, e hindi niya naman ito kaano-ano? Bakit ginugulo nito ang emosyon niya?


Ah, baka dahil nakikita niya rito ang sarili. Hindi lang sa itsura, kundi pati na rin sa sitwasyon. Dahil pareho silang may mga taning. Ito ay sa buhay nito. Siya naman ay sa tinatamasa niya ngayong kaligayahan. 


Biglang nag-ring ang cellphone nyang kukurap-kurap. Dumilim ang mga mata niya nang makitang si Leo ang tumatawag. Sinagot niya ito.


"CT, asan ka?" tanong ni Leo mula sa kabilang linya. "I missed you, baby..."


"Putangina mo Leo!" sabay patay niya ng cellphone.


Hinihingal pa siya pagkatapos ng nasabi niya rito. Hindi niya rin maunawaan ang sarili niya kung bakit niya namura si Leo pero wala na siyang pakialam. Mainit ang ulo niya, siguro dahil na rin sa mga pangyayari.


JAMILLEFUMAH


@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz