Chapter 15
Chapter 15
TUMAMBAY muna si Cynthia sa 24 hours na convenience store sa kanto nila Camilla sa Cypress. Hihintayin muna nyang mag-umaga hanggang sa makaalis na ang kaibigan niya. Ayaw nyang makita siya nitong luhaan. Kilala niya ang best friend niyang si Camilla. Baka masugod nito si Leo ng 'di oras.
Wala syang ibang ginawa dun kundi ang umiyak. Pinagtitinginan na nga siya mga customer. Kasabay ng pag-iyak niya ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Sana nagpaulan na lang siya. Para maitago niya ang mga luha sa kanyang mga mata.
Nang magliwanag na, dali syang tumungo sa bahay ni Camilla upang kunin ang mga gamit niya. May spare key siya na bigay nito. Wala na ang kaibigan niya, mukhang pumasok na ito sa trabaho. Tulog pa rin si Kara kaya hindi na siya nakapagpaalam dito.
Dumeretso siya sa ospital at doon na lang siya nag-duty. Hindi niya rin gaanong nakausap si Preston dahil abala ito sa mga operasyon nito. Hindi na siya pumasok sa kompanya ni Leo. Bahala na. Mukhang hindi naman siya pababayaan ni Preston na mawalan ng trabaho.
Pansamatala, dito na lang din muna siya manunuluyan sa ospital. After naman ng duty niya rito ay doon siya sa convenience store ulit tatambay.
TATLONG ARAW ang matuling lumipas at heto na siya sa airport. Ngayon na ang flight niya papuntang Japan.
Tama nga si Leo. Tanga siya. Gaga siya, dahil gusto niya pa ring mapasaya ito. Kahit kung tutuusin ay afford naman nitong mag-uwian from Philippines to Japan. Hello, CEO ito! Marami itong pera!
Pero wala e, nasimulan niya na itong kagagahan na ito. Tatapusin niya na lang. Kusa na ring kumilos ang katawan niya para ituloy itong kanyang pag-alis. Pagkatapos naman nito, tapos na. Wala na siyang pakialam.
"Late na ba ako?" Tinig ng isang lalaki mula sa kanyang likuran.
"Nakakagulat ka naman!" Nakangiti sa kanya si Preston. May dala rin itong mga bagahe. "Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Saan pa ba? Eh, di sa pupuntahan mo." Nakangisi ito. "Magbabakasyon na lang din muna ako sa tita ko, para masamahan kita. Baka kasi mailang ka roon."
Humakbang siya papalapit. "Thank you, Preston." Pinisil niya ito sa pisngi. "Pero ayaw ko..."
Napakurap si Preston. "Huh?"
"Gusto ko, kapag ginawa ko ito, ako lang. Kaya ko 'to. Gustong kong tapusin itong sinimulan ko nang ako lang." Niyakap niya ang lalaki. "Pero salamat pa rin. Salamat din sa pagpunta mo sa auction night. Salamat sa lahat." Pinigil na lang nyang wag umiyak. Nasasaktan pa rin kasi siya sa nangyari sa kanila ni Leo.
Malungkot man ang mukha ni Presto ay nginitian pa rin siya nito. "Okay lang iyon. Sana pumayag ka man lang na ihatid kita sa check-in desk..."
Nginitian niya lang ito at sinang-ayunan na. Magkapanabay na silang pumasok sa loob ng airport.
***
NAPASALAMPAK SI Leo sa pagkakaupo niya sa sofa. Nasalat ng kamay niya ang remote ng TV. Padabog niya iyong itinapon sa kung saan. Then he cried like a child. What the hell was this? Just because of what he saw at the airport, he ended up like this?! Fuck!
Tinungo niya ang kwarto at kinuha ang ilang gamit niya. Ever since he was a kid, he had this habit of carrying their photos around. He picked one out and began writing on the back of it. This was what he did whenever he missed them. He poured his feelings onto the backs of their photos.
And why on a photo? Because even when he was angry, he couldn't bring himself to tear or crumple it like he would an ordinary piece of paper.
When he finished writing all his frustrations on the back of the photo, his eyes wandered to the photo frame by the door. In that photo were his parents too. Isa pa iyon sa palagi niyang bitbit, kapag nag-a-alsa balutan siya. It had become part of his essentials. He noticed the picture inside was slightly tilted. Kinuha niya iyon at inayos. Naalala niya na sinulatan niya rin pala ang likod nito noon.
On the back of that photo was his birthday wish for this year, which was, sa susunod na linggo na. Suddenly, the memory of the postcard he had asked Cynthia to throw away flashed through his mind. It had the exact address of his family in Japan written on it. He remembered how he once thought of visiting them there to surprise them. He missed them so much—especially Terrence, his younger brother, who had just finished his masteral in California. Terrence was with their parents now in Japan.
SA MGA SUMUNOD NA ARAW, walang gabing hindi siya umuuwi ng lasing. Ilang araw na rin syang hindi pumapasok sa kompanya.
Even his cousins, Hunter and Ayeza, and his uncle H, had started to worry about him. But how could he possibly tell them that a woman was the reason for all this? They would probably just laugh at him.
Maybe it was finally time to give up. He had seen how happy Cynthia was with Preston. He was happy for her too... even if the pain was killing him.
Wala na si Cynthia, at iyon ay dahil din sa kanya. He gave in to his pride. He ended up hurting her feelings, just like she did to his. He even told her to leave. He let her go instead of locking her up in the condo. And now, she was finally with that man. And he was the loser who let her go.
Pero sana... sana nagmakaawa na lang siya. Sana, nilulunon niya na lang ang pride. So what if Cynthia was fooling him? Maybe she would've still chosen him in the end. He should've treated her better. He should've promised her everything, just so she'd stay. If she wanted money, he could've given it to her. He wished he had done all that. But instead, he let jealousy and anger take over.
"What a loser you are," mapait na sambit niya nang mahiga sa sofa. And then he found himself crying the whole night over something valuable he had lost...
LEO'S BIRTHDAY FINALLY CAME. Sa probinsiya nila sa Norte, sa bayan ng Dalisay, kung saan naroon ang malawak na hacienda ginanap ang kanyang birthday. Sa Hacienda Montemayor. In the middle of the hacienda stood a villa—Villa Montemayor. That was where the grand mansions of their family were built. Each family had their own mansion there. The birthday party was held on the lawn.
Maliwanag na maliwanag sa lawn. There were many guests. Of course, at events like this, people connected to business were always present. Businessmen were invited, even politicians and celebrities.
Nandito rin ang mga uncle, aunties niya. They looked so happy with their partners. Iyong mga single niya naman niyang pinsan ay maliligaya rin kahit mga nag-iisa. Ang pinsan niyang si Ayeza, the only princess of the family sat beside him. "What's up, 'couz? You don't look happy."
"Was I supposed to be happy? We all know this is just a normal celebration," he said, then took a sip from the wineglass in his hand.
"Oh, Leo," Ayeza teased. "You're still such a baby. You probably just miss Tita Aria and Tito Adam. Aw, poor baby giant."
"Shut up. And don't mention my parents' names. They're not coming to the birthday of their baby giant," he muttered.
"Who said we wouldn't come?" said a voice from behind him.
Sabay silang napalingon ni Ayeza.
"Mom?" He was surprised. Bakit nandito ang mommy niya?
May umakbay mula sa kanyang likuran. "How are you, son?" To his another surprise, it was his dad. Adam Saavedra!
Alam niya na di uuwi ang mga ito, dahil nakabakasyon ang mga ito sa Japan. Siya nga ang pinasusunod ng mga ito rito kapag may time siya.
Yumakap na rin sa kanya ang Mommy Aria niya. "Happy birthday, my big boy!" Although her voice was full of warmth and affection, there was still that hint of strictness on her face.
Sumulpot pa si Terrence mula sa kanyang harapan. "Happy birthday, Kuya. At please 'wag kang umiyak diyan dahil di bagay sa'yo!"
Ginulo niya ang buhok nito at niyakap niya nang mahigpit. "I love you all..." Hindi naman talaga siya clingy sa pamilya, lalo noong nagbinata na siya. Nagsimula na siyang mamuhay independently. Pero ngayon ay bigla niya talagang na-miss ang mga ito. With how down he'd been feeling lately, their presence brought him a kind of comfort he didn't realize he needed.
Nangingiti naman si Ayeza sa isang sulok. "Oh, the baby giant is tearing up!"
"But really, guys, you surprised me!" Hindi pa rin siya makapaniwala habang nakaakbay siya sa sumunod na binatang kapatid na si Terrence. "Geez, para tuloy akong bumalik sa pagkabata na kailangang uwian dahil lang birthday ko."
His dad smiled. "Well, you owe this to your thoughtful girlfriend."
Nabura ang ngiti niya. "Huh?"
"Our big boy, you never said you wanted to see us," his mom said with a pout, her arms wrapped around his waist. "You could've just called or sent a message. May mga account naman kami. But yeah, you're a grown man now, so of course you wouldn't do that. Still, thanks to your sweet girlfriend, you got a nice surprise tonight, hmm?"
"Hey, what?" Nangunot na ang noo niya sa pinagsasasabi ng mga ito. "Who's girlfriend?"
Terrence grinned at him. "Your girl, kuya. Finally, you got an official one, huh? And she's actually pretty cool. Super polite with Mom and Dad, even when they kinda ignored her at first. Hindi naman kasi alam nina Mom na girlfriend mo nga iyon. She just showed up out of nowhere and asked them to come home. Natawa pa nga ako. Like, really? You wanted our parents home for your birthday? What are you, five? But bro, that girl was serious. She came by our place in Japan a bunch of times before she finally gave up."
"What's her name?" malakas ang kabog ng dibdib na tanong niya.
Nagkatinginan ang mga ito. "CT yata. Like Century Tuna raw..." napahawak pa sa sariling baba si Terrence. "Dude, she's cool!"
Napatigagal siya, kasabay ng parang tadyak ng kabayo sa kanyang dibdib. Fuck. That was Cynthia. But why the hell did she do that?!
His dad patted him on the shoulder. "By the way, where is she? We didn't get to talk to her much. She didn't say a lot. And the last time we saw her, she just left right after your mom told her we were finally flying back to the Philippines."
Everything slowly sank in. Starting from that photo frame that was slightly tilted. The birthday wish he wrote on the back when he was bored. The postcard he asked Cynthia to throw away which had the complete address of where his parents were staying in Japan. Then Cynthia suddenly working for Preston and borrowing money to process her papers and buy a plane ticket. And finally, her leaving the country. And the realization slowly paralyzed his system. What a jerk he had been.
He looked at Ayeza. "Cousin, ikaw na muna ang bahala sa kanila."
Tumango lang ang pinsan niya. "As usual, birthday mo ay aalis ka na naman."
Bumaling siya sa pamilya niya. "Guys, I have to go. But don't worry, babalik ako. May aasikasuhin lang akong importante." habang sinasabi niya iyon ay Humahakbang na siya palayo sa mga ito.
Kailangan niyang makita si CT! Malaki ang kasalanan niya rito!
***
CYPRESS CONVENIENCE STORE. Dito ngayon ulit nakatunganga si Cynthia, matapos niyang umalis sa maliit na ospital ni Preston. Doon siya nagpalipas ng oras, natulog sa couch ng opisina nito pagkauwi niya galing Japan. Bago pa ito matapos sa ginagawa at madatnan siya ay umalis na siya roon agad. Dito nga siya ulit dinala ng kanyang mga paa, sa convenience store na madalas niyang tambayan.
Wala naman siyang ibang mapupuntahan. Wala na siyang uuwian. Hindi na siya puwede sa condo ni Leo. Ayaw naman niya roon kina Camilla, dahil sa ito na naman ang kagagalitan ng kasera nito. Gusto rin niya na isipin ni Camilla na strong siya, para di na siya dumagdag pa sa inaalala nito. Naloloka na kasi ito sa mga problema. Wala na rin yata ito noong H nito.
Napasandal na lang siya sa kanyang kinauupuan. Paano na siya ngayon? Wala na syang babalikang trabaho. Back to zero na naman. Mukhang ang trabaho na lang kay Preston ang mababalikan niya. Isang linggo rin kasi syang namalagi sa Japan. Ubos na ang kanyang ipon dahil kinailangan niya rin namang kumain habang naroon siya.
Tulala siya sa kawalan nang lapitan siya ng staff ng convenience store. "Ay, kalabaw!" Nagulat siya.
Ngumiti ito sa kanya. "Sorry, ma'am. May monthly inventory po kasi kami ngayong gabi. Kailangan po naming magsara ngayong gabi."
Naku, saan na kaya siya tatambay nito para magpaumaga? Kinuha na niya ang dalawang bagahe na kinalalagyan ng kanyang mga damit, at bagsak ang balikat na lumabas ng convenience store. Nasa labas lang siya nakatayo, at minalas pang inulan. Hay, letseng buhay.
Kahit nakasilong ay nahahagip pa rin siya ng ulan. Nang lumakas pa ang buhos ay napasiksik na siya sa gilid. Mas prinotektahan niya ang kanyang mga bagahe. Nanandya pa yata ang ulan dahil lalo pang lumakas ang buhos. Basang-basa na siya. Pero salamat sa ulan na ito dahil maitatago niya ang mga luha niya. Sinabayan niya nang pag-iyak ang pagbuhos nito.
Bakit nga ba siya umiiyak? Tapos na, di ba? Hanggang doon na lang iyon. As in iyon na iyon. Siguro itong mga luha, pahabol na lang talaga. Kaya sige, hahayaan niya na lang ang pagbagsak ng mga ito. Hanggang matapos lang ang ulan.
Nakasandal siya sa salamin na pader nang sa tapat ng kalsada ay mag humintong kotse. Natatakpan ito ng ibang sasakyan, pero nang mawala na ang mga sasakyan ay nahagip ng kanyang luhaang mga mata ang pagbaba sa kotse ng isang matangkad na lalaki. Wala itong payong subalit wala itong pakialam. Nahugot niya ang paghinga nang magtama ang kanilang mga mata.
Ang buhok nito, ang suot nitong puting polo, ang pantalon, lahat ay basang-basa na sa ulan. Nagsimula itong humakbang patawid sa kalsada. Habang palapit ito ay lalong bumabalong ang luha niya. Paano nito nalaman na narito siya? Dahil ba ito ang lugar kung saan siya nito noon sinundo?
Nang isang pulgada na lang ang layo nila sa isa't isa ay pinaghahampas niya ng ang matigas nitong dibdib. "Putangina mo, Leo...!" hagulhol niya.
Tulala lang ang binata na umusal sa kanya. "Damn it, CT... I know... Alam ko na... Alam ko na kung bakit." Nanginginig ito. "It's all my fault. Ang tanga ko lang, ang tanga ko kasi. Gago ako..." pagkasabi ay walang pakundangan itong lumuhod sa kanyang harapan at humawak sa mga binti niya. "I'm sorry..."
Nagulat siya sa ginawa nito.
"Cynthia..." basag ang boses na tawag nito sa kanya. "I hurt you. I hurt you so much, didn't I? I hurt you. I don't deserve your forgiveness... I was an asshole. I hurt you. I hurt you so much, Cynthia..."
Nanginginig ang malapad nitong balikat habang nakayuko, at ang mga kamay ay nakahawak sa kanyang mga binti.
"I was an asshole who doesn't deserve even a bit of your beautiful soul."
"L-Leo..."
"I was wrong, Cynthia. I was wrong. I wasted my chance to be with you. I hurt you so much. It was all my fault. I don't deserve your forgiveness, I know. I know that. But, Cynthia... Please, even just a little..." Nang tumingala ito ay luhaan na ang mga mata at nanginginig ang mapupulang mga labi. "Even just a little, Cynthia, could you try to forgive this asshole in front of you?"
Napailing siya. Bakit ito ganito? Ang matayog na si Leo, ang lalaking nanakit sa puso niya ay ngayo'y luhaan habang nakaluhod sa harapan niya.
"Cynthia, for all the pain I caused you, I'll make it right. I'll be good to you again. Oh, no, I'll be better. I swear I'll never hurt you again, and I'll do everything you say."
Ang dibdib niya ay nagsisikip, pero may init ding nadarama. Hindi. Hindi siya dapat makaramdam ng iba sa lalaking ito, kundi galit. Kundi pagsuko. Dahil tapos na sila. Tapos na kahit hindi niya sigurado kung nagsimula ba sila.
"Cynthia... My CT... Tell me, what should I do? Just tell me the word, I will do it in a heartbeat. I'll do anything for you..."
Nang mapatingin siya sa paligid ay pinagtitinginan na sila ng mga tao. Pati ang mga sakay sa nagdaraang mga sasakyan ay napalingon sa kanila.
"L-Leo..." Dumarami na ang tumitingin sa kanila. "Leo, hoy, tumayo ka diyan!"
"No, Cynthia..." iyak nito. "I don't care if the world would see how weak of a man I truly am. I don't care anymore. Walang mas importante sa akin kundi ikaw. Walang mas importante kundi makangigi ako ng kapatawaran sa mga kasalanan ko sa 'yo."
Awtomatikong napaluhod na rin siya sa harapan nito upong saluhin ang luhaan nitong mukha. "Leo, naman. Iyong tayo, wala na iyon. Di ba dapat masaya ka? Wala na ako sa buhay mo. Alam mo namang mukha akong pera. Ngayong alam ko nang ikaw ang CEO ng kompanya, ano sa tingin mo ang mangyayari, ha?"
"I don't care. You can take all my money."
Napaiyak na naman siya. "Ano bang sinasabi mo riyan?!"
"Please... come back to me, CT..." garalgal na sabi nito habang luhaan. "Kahit parusahan mo ako araw-araw... just please... come back... Bumalik ka na sa akin. It's just... I can't go on with my life... without you..."
"Hindi mo alam iyang sinasabi mo!"
"I know." Hinawakan nito nang mahigpit ang mga kamay niya. "I know that I don't want to lose you."
Pero parang sasabog na ang puso niya. Ang matayog na si Leo, ang lalaking nanakit sa puso niya, at ngayo'y luhaang nakaluhod sa harapan niya upang hingin ang kanyang kapatawaran. Nagmamakaawa upang bumalik siya sa buhay nito. Mga bagay na ngayon niya lang naranasan. Puwede rin pala siyang luhuran? At meron palang tao na di siya kayang mawala?
Hindi na kailangan ng ibang salita. Ang kanyang mga narinig ay sapat na para lumambot ang puso niya. Dahil kahit kailan, sa lahat ng mga kamaliang ginawa sa kanya ng mga tao mula pagkabata niya, ay wala pang ni isang humingi ng tawad sa kanya. Ngayon lang din nagkaroon ng taong hindi kaya na mawala siya.
Hindi niya kilala ang sarili kapag nagmahal dahil ngayon pa lang naman niya ito naranasan. Pero ganito pala siya magmahal. Ibibigay lahat, isusuugal lahat, at handang magpapatawad. "Oh, Leo!" Niyakap na niya ito.
Natigilan ito sa yakap niya, subalit sandali lang. Nang kumalas siya rito, siniil siya nito ng halik. Parang sabik na sabik na mauubusan. Parang miss na miss siya. At miss na miss niya rin ang mga labi nito. Ang buong ito!
Nagpalakpakan ang mga taong nanonood sa kanila. Doon sila naghiwalay na kapwa nahihiya, pero may mga ngiti sa mga labi. Inalalayan siya ni Leo na tumayo. Tiningala niya naman ito habang naluluha pa rin. "Sabi mo, I can punish you for hurting me? At gagawin mo lahat ng sasabihin ko?"
Naluluha pa rin na hinalikan siya nito sa noo. "Yeah, CT. Anything. Anything for you."
Tinawag na siya nito ulit na "CT". Pati puso niya ngayon ay nakangiti na rin. Tumingkayad siya upang abutin muli ang mga labi ng binata. Yumuko naman ito upang magpaabot sa kanya. Isang halik na maiksi lang sumabit mainit.
"Let's go..." aniya rito nang maghiwalay ang mga labi nila.
Nagtatakang tumingin si Leo sa kanyang mga mata. "Where?"
Nginisihan niya ito. "Sa Condo mo... Paparusahan kita..."
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz