ZingTruyen.Xyz

It Started in the Elevator✔️

Chapter 14

JFstories


Chapter 14


HINDI PA AGAD NAKAPAGSALITA SI CYNTHIA. Tumagal pa ng ilang minuto bago niya nasigurado na totoo ang lahat ng nangyayari at hindi isang bangungot. Pinapalayas na nga talaga siya ni Leo.


Bumuga ng hangin ang binata. "Cynthia, you have to move out. Now..." Ang mga mata nito'y nakabaling sa iba at hindi sa kanya.


Napalunok sya at napapikit nang bahagya. Gusto nya itong murahin, gusto nya itong saktan. Matapos syang gamitin nito sa kama tuwing kailangan, ganon-ganon na lang sya nito paalisin? Pero hindi iyon ang pinakamasakit, may iba pa. Mas iniinda niya ang pagiging mabait nito sa kanya. Kasi dahil doon kaya siya umasa.


Sana sa simula pa lang ay naging jerk na ito sa kanya. Sana sa simula pa lang ay ipinakita na nito sa kanya kung gaano ito kagago. Para sana ay hindi niya ito na-appreciate. Sana ay hindi uminit ang puso niya dahil dito. Sana hindi siya umasa at sumaya sa piling nito. At sana ay hindi siya ngayon nasasaktan nang ganito!


"Odessa and I... We're going to live together, and she doesn't want you here." Nakayuko lang ito. Ang pagsasalita nito'y normal lang, patag, walang emosyon.


Ang nasa isip niya ay lapitan ito sa huling pagkakataon. Sampalin ito nang malakas. Pagkatapos ay sasabihin nya rito lahat ng mga hinanakit nya. Isusumbat nya rito lahat ng paghihirap nya mapaligaya lang ito. Hindi nga lang ganoon ang ikinilos niya. Animo syang robot na kusang humakbang at dinampot ang kanyang mga bagahe. Wala ni isang salita syang binitawan na tumalikod.


Nang mailabas na nya ang mga gamit nya, walang-tinging isinara na ni Leo ang pinto. 


Napatingala siya kasabay ng pagguhit ng pait sa kanyang dibdib. Mayamaya'y tumulo na ang luha na kanina nya pa pinipigil. Ang sakit. Iba iyong sakit! Although sanay na syang pinapalayas, pero iba ang isang 'to. Ibang usapan ang sakit na nararamdaman nya ngayon.


Nasa elevator na sya nang mapahagulhol sya. Ang tanga nya! Ang tanga-tanga nya! Nakuha na ang bataan nya, binaboy pa sya! Ano bang kasalanan niya maliban sa paghahangad ng magandang buhay?


Saan na sya ngayon tutuloy? Saan sya pupunta? Saan sya titira? 


Dahil oras na ng pasok, ay sa kompanya muna siya dumeretso na bitbit ang mga bagahe nya. Sa floor ng department nila ay nakaabang na ang dalawa niyang kaibigan na feeling bagets.


"Cynthia, mukhang dinala mo aparador mo rito sa opisina, ah..." sita sa kanya ni Gladis.


Napatingin din si Merdie sa mga gamit nya. "Dito mo na ba balak tumira?"


Hindi na sya nagpatumpik-tumpik pa. Kailangan nyang sumubok na magsabi sa mga ito. "Kailangan ko nga ng pansamantalang matutuluyan ngayon. Kahit hanggang sa next sahod lang. Makabuwelo lang ako. Pwede ba ako sa inyo Merdie?"


"Naku, day hindi pwede eh. Strict ang parents ko. Bawal ang barkada sa bahay." sambakol ang nguso nito.


"Putragis! Ang tanda mo na, may parents ka pa?" 


"Nakakasakit ka na, ah... mukha lang akong matured pero bata pa ako!"


"Utot mo!" Sa totoo lang, wag na tayong maglokohan, hindi lang siya ang hindi naniniwalang nasa mid thirties pa lang si Merdie. May nag-tip na HR sa department, overage na raw talaga ito. Pero malakas pa naman, at natatakpan pa ng make up ang wrinkles, kaya oks lang. Saka, di talaga ito aamin at pahuhuli ng buhay.


Bumaling sya kay Gladis. Ito medyo bata-bata pa. Kaya nga lang bulwat ang mata. "Sa inyo, Gladis, pwede ba ako?"


"Pwede naman. Kaso... nakakahiya sa'yo. Iyong mister ko kasi ma-L iyon, eh. Baka marinig mo ang churbahan namin."


"May asawa ka? May pumatol sa'yo?"


"Hoy, grabe ka naman! Kung makapagsalita ka eh parang sa'yo lang may pumapatol na fafa. Syempre may naliligaw din naman ng landas, nuh?"


Humugot muna sya nang malalim na paghinga.


"Ano, Cynthia? Are you in – or out?" Nakangisi ito. 


Hindi na sya nakasagot pero natagpuan na lang nya ang kanyang sarili sa bahay nito. Dito na sya dumeretso pagkatapos ng office hours nila bitbit ang mga bagahe nya.


"Chiboy, nandito na ko!" Sigaw ni Gladis nang makarating na sila sa pinto nito.


Bumukas naman ang pinto at iniluwa nun ang isang malaking lalaki. Puro tattoo ito at may mahabang balbas. Mukha itong terorista. Namumualan ang bibig nito sa pagnguya. Sa kanya muna ito napatingin.


"Chiboy, ito si Cynthia. Dito muna sya makikituloy sa'tin, ha?" Napakalambing ng tinig ni Gladis dito. Sweet pala siyang wife.


Parang nabuhayan naman ang lalaki pagkakita sa kanya. "Sige, sige! Okay lang!"


Panay ang halik dito ni Gladis pero sa kanya ito nakatingin. Pagpasok nila sa loob, may nakahain ng pagkain. Mukhang kumakain ito nang madatnan nila. 


Padabog na inilagay ni Gladis ang mga gamit nya sa harapan ng mesa. "Noodles na naman ang ulam?!"


Napakamot na lang itong lalaki, at kinamayan sya. "Hi, ako si Chiboy."


Kinamayan nya rin ito. Pero nangasim ang mukha nya sa nakita. "Ah, kuya... may noodles kaya yata sa ngipin..."


Kinuwit naman nito yung pinuna nya at saka pinitik sa kung saan. "Wala na?" tanong nito.


Napangiwi na lang sya. Mabuti na lang, sumingit na si Gladis. "Tara na nga Cynthia, sa labas na lang tayo kumain. Ang lalaking ito, sa kama lang may pakinabang, pero hindi maasahan sa pagluluto!" 


Pagkakain sa labas ay diretso na sila sa higaan. Ang nakakainis pa, tabi-tabi sila sa higaan. Gusto niya nga sana sa lapag na lang, pero nagalit si Gladis. Wag daw niyang sayangin ang hospitality nito, kaya ayun, nakitabi na siya sa dalawa. Gitna si Gladis at doon siya sa sulok. 


Madaling araw nang may narinig syang ungol. "Uhmmnnn... Ang galing mo,  Chiboy...!"


'Takte! Ungol iyon ni Gladis! Buwiset! Mukhang naglalabing-labing ang dalawa sa likod nya!


"Chiboy... Bilisan mo pa..."


Naramdaman pa nyang umuga nang malakas ang higaan. Tapos, napakapit pa itong si Gladis sa braso nya.


"Oh, Chiboy. Ahhhh..."


Kaya nong madaling araw, habang mahimbing ang tulog ng dalawa – mabilis syang tumalilis paalis. Malapit lang ang lugar ni Gladis sa Cypress, kaya doon siya nagpunta. Mabuti na lang at 24 hours ang convenience store na naroon sa labasan. Doon na sya nagpaumaga.


Tagarito sa Cypress si Camilla, pero ayaw na muna nyang gambalain ang babae. Pinag-iinitan ito ng kasera nito, at may problema pa sa Fafa H nito. Okay lang naman siya rito sa convenience store. Nakakahiya nga lang dito tumambay dahil ang dami nyang dala.



KINABUKASAN ay tumuloy na naman sya sa ospital. Since walang pasok sa office, full time ang shift nya rito ngayon. Nagulat sa kanya si Preston dahil halos dala na nya ang buong bahay nya.


Ngunit nagulat din sya sa mukha nito. "Nasapak ka ba? Bakit ka may pasa sa mukha?" tanong nya.


"Ah, wala ito."


Tinanguan na lang nya.


"May problema ba, Cynthia?" Lumalim ang tingin nito sa kanya.


Pinilit na lang nyang ngumiti. "Problema ko ay kailangan ko nang matutuluyan..." 


"If you want, malaki naman iyong condo ko..."


"Hindi na. Don na lang ako tutuloy mamaya sa kaibigan ko." Pupuslit na lang siya sa kasera ni Camilla. Ayaw na nyang makituloy sa kahit kaninong lalaki.


Malamang, isa rin ang isang ito na magsasamantala sa kanya. Kung si Leo nga na ubod na ng gwapo, at mabait sa kanya nang una, nagawa syang gaguhin sa huli, malamang na may itinatago ring ugali itong doktor na ito. Ayaw niya nang magtiwala ngayon kahit kanino.



SA HULI, sa bahay nga rin ng best friend niyang si Camilla ang bagsak ni Cynthia. Pero ayaw nyang magsabi ng problema rito. Mabuti na nga lang at hindi nya ito nadatnan. Nagmadali syang magbihis, kailangang bago mag-alas ocho ay nasa office na sya. Ngayon na kasi iyong year end party. Iyong Auction Night.


Ang suot niya ay light purple na off-shoulder short gown. Hanggang tuhod lang, pero makinang ang mga glitters at mga paru-parong design. Sa make up at hair naman ay simple lang. Light make up, at ang buhok niya ay nakataas into a bun. Naka-heels siya na puple din, na litaw ang magaganda niyang daliri sa paa. Wala siyang accessories, pero sapat na ang kinang ng kanyang gown. 


"Wow, ate Cynthia! Ang ganda mo naman!" bati sa kanya ni Kara na kapatid ni Camilla.


"Ang bata-bata mo pa, marunong ka ng tumingin ng maganda. Very good!" Hinimas nya ito sa ulo.


Talagang gumastos siya sa pag-arkila ng gown, ano. Kailangan din nya mamuhunan para makabingwit sya ng malaking isda ngayong gabi. Malay nya, yung makaka-date nya ngayon ay yung makakatuluyan nya. 'Di bale ng MMMM, basta hindi katulad ni Leo!



ISANG oras nga lang at narito na sya sa party. Na-late na siya, at kanina pa nagsimula ang program. Binigyan sya ng sash ng staff ng party, nakalagay roon ang numero nya: number eight. Pangwalo sya sa mga napiling sampu.


Nagulat sya ng sumulpot si Merdie sa kanyang likuran. "Cynthia, ikaw ba yan?"


Rumampa sya at umikot.


"Hala ka, inday ka! Ang ganda mo! Para kang diwata! Kamukha kita!"


Bumungisngis lang siya. Bago magsimula ang main event, nagkainan muna. Iyong mga mata nya, gumagala. Bakit nga ba? Bakit umaasa syang makikita nya si Leo? Ah, peste! Ang lalaking iyon ay dapat hindi na nya makita pa!


Mayamaya nga'y tinawag na silang sampu sa stage. Kandairit pa si Merdie sa sobrang excitement. Nanakit tuloy ang lalamunan kaya kinailangang lumaklak ng Lola Remedios.


Umakyat na siya sa stage. Heto na nga silang sampo at nakalinya sa harapan ng audience. Magaganda rin ang mga kasama niya. Mga pinakamagaganda sa kabilang mga departamento. Mga sosyal at mukhang pinagkagastusan ang gabing ito, pero di naman pahuhuli ang inarkila niyang gown. Sosyal din siya ngayon, kahit isasauli niya rin kinabukasan itong gown sa arkilahan.


Pinagmasdan nya ang mga manonood. Bukod sa mga empleyado, naririto sa harapan ang mga executive nila, at iyong iba ay invited na executive sa kabilang kompanya. Nakaka-pressure kahit sabihing friendly date lang naman ang mangyayari pagkatapos ng pa-bid na iyan.


Umakyat ang emcee. Nagpalakpakan ang lahat. "Good evening, everyone," sabi nito sa microphone. "Let's kick off tonight's main event—our 'Bid A Date' program, the auction party!"


Lalong lumakas ang palakpakan nang pinukpok na ng kung sino mang staff ang hawak na gavel. Ito marahil ang acting auctioneer.


"Anyone can place a bid on the candidate of your choice, whether you're male or female, you're very much welcome to join! You can go on a friendly date with the candidate, or simply bid to help raise the amount. The bid money will be split in two: 50 percent goes to the candidate as take-home, and the other 50 percent will go to charity. So this auction is not just fun—it's a very meaningful and productive event!"


Isa-isa na silang tinawag para rumampa. "First date-for-a-night girl: Marilyn Esteban! Please, come forward."


Humakbang naman sa unahan itong si Marilyn. Mukhang kabado ito habang rumarampa.


"The bid starts with ten thousand pesos," sabi nitong auctioneer. "Is there anyone here who would like to bid for that amount?"


Tahimik lang ang lahat ng audience. Maya-maya sa di kalayuna ay may nagtaas ng kamay na matanda. "Eleven thousand pesos!" sigaw nito.


"Eleven thousand pesos! Is there anyone here who would like to bid for more than eleven thousand pesos?"


"Fifteen!"


"Twenty!"


"Twenty five!"


Sunod ay wala na.


"Sold for twenty five thousand pesos." Pagkatapos ay muli nitong pinatunog ang court gavel nito.


Bumaling ito kay Marilyn. "Okay, Ms. Esteban, you have a date for tonight."


Nagpalakpakan ang lahat.


"Our second date-for-a-night-girl: Ms. Caroline Tashio. Please, come forward."


Nagpalakpakan ang mga manonood at umabante na nga itong si Caroline. Mukhang hataw ang isang ito, bigay todo sa pagrampa. Mukhang gustong makabingwit ng mapera. Kumakaway pa!


"Ten thousand! Is there anyone here who would like to bid?" 


Nagpatuloy ang auction party. Nakuha si Caroline sa bid na sixty thousand. Iyong iba, twenty thousand. Hanggang sa sya na nga iyong tinawag.


"Our eighth date-for-a-night girl: Ms. Cynthia Fatima Dimagiba!"


Pagkarinig nya ng pangalan ay wala sya sa sariling humakbang sa unahan. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nangangatog sya. Walang pumalakpak kaya disappointed sya. Pero biglang nag-angat ng mukha ang mga audience nya.


"Let's start with –"


"Fifty thousand!" sigaw ng isa sa mga executive. Hindi na nito pinatapos ang auctioneer.


Nabigla sya roon. Fifty kasi agad?


"Fifty thousand! Anyone here who'd like to bid for more than fifty thousand?"


"Eighty thousand!" sigaw naman ng isang lalaki sa bandang unahan nya. Executive din yata, kasi madatung.


"Ninety!" sigaw ng isa sa kung saan. 


Lulang-lula na siya nang may humirit pa na mas mataas. "One hundred thousand!" 


Seryoso ba ito? May gagastos ng ganoong halaga para lang mai-date siya ng ilang minuto?!


"Two hundred thousand!" Natahimik ang lahat sa sigaw ni Mr. Steve. Ito yung executive manager nila.


Napalunok sya. Seryoso nga si Mr. Steve na magbi-bid. Mukhang desidido ito na mapanalunan siya.


"Two-fifty!" sigaw ng matandang nasa dulo. 


Nagbulungan ang mga tao.


"Three-hundred!" si Mr. Steve ulit.


Hoy, grabe na, ha!


Napailing na lang ang ilan. Mukhang wala nang hihigit pa roon. Si Mr. Steve na yata ang mananalo--


Biglang may sumigaw sa di kalayuan. "Three-fifty!"


Namilog ang mga mata nya nang makita ang bagong dating na lalaki. Nakakulay puti itong polo, pants, at sapatos. Ang nakangiti nitong maamong mukha ay nakilala niya kahit sa malayo. Si Dr. Preston Salvador! Paano ito nakapasok dito?!


"Three-sixty!" sigaw ulit ni Mr. Steve.


"Three-seventy!" Si Preston naman. Itinaas nito ang hawak na pass. Mukang may nag-invite rito sa event na ito, kaya ito nakapasok. Hindi na nakapagtataka, madali naman talaga ma-invite sa mga event kapag mayaman ka.


Go, Preston! Mas gugustuhin na nya kay Preston kaysa kay Mr. Steve. Di niya pa kasi alam kung ano ang trip ni Mr. Steve. 


"Four-hundred!" Ayaw nga lang patalo ni Mr. Steve.


'Langya! Mukhang balak ng ibenta nitong si Mr. Steve ang ari-arian nito mai-date lang sya.


Napansin nyang may lumapit sa auctioneer na naka-black suit guy at bumulong iyon dito. Pagkuwa'y humarap muli sa microphone ang auctioneer habang namumutla ang mukha. "One million! Meron bang hihigit sa one  million!"


Nang marinig iyon ay pati yata ako'y namutla. Nagulat din ang lahat. 


Napatayo si Mr. Steve. "Who bid that amount?!"


Napangiti ang auctioneer. "The CEO of the company..."


Pati sya ngayon, napatigagal! 


Malungkot na napaupo si Mr. Steve. Mukhang sagad na ito.


Ngunit nagulat sya ng may humirit pa. "Two million!" napatingin ang lahat dito. – si Preston.


Naku wag ka na sanang humirit Preston, di hamak na mas gusto nya si Mr. CEO.


Bumaling muli ang auctioneer sa lalaking naka- black suit. Maya-maya ay kumuha ito ng cellphone at tila may kinausap. Pagkatapos makipag-usap nito sa telepono, bumulong ulit ito sa auctioneer.


Bago naman humarap ang auctioneer sa microphone, napalunok muna ito. "Ten million!"


Dito na napaupo si Preston. Hindi na nito kaya ang presyo. Tumingin naman sa kanya ang auctioneer.


"Looks like you have a date for tonight." pinukpok muli nito ang gavel nito. "Sold for ten million pesos!"


Sya naman, parang nananaginip pa at hindi makapaniwala. Tila sya naitulos sa kanyang kinatatayuan. Lumapit sa kanya itong lalaking naka-black suit na itim.


"This way Mam..."


Totoo ba ito? Totoo nga! Mami-meet na nya si Mr. CEO at makaka-date tonight!


Iniwan man sya ni Leo, meron naman syang Mr. CEO!



PARANG ISANG SIKAT na artista si Cynthia habang humahakbang papasok sa sasakyan na maghahatid sa kanya sa kinaroroonan ng CEO ng kompanya. Nasa kanya kasi ang lahat ng atensyon, mapa-executive man o kapwa empleyado. Excited sya habang nasa biyahe na para bang sya ang bride at may naghihintay sa kanyang groom.


May katagalan ang biyahe hanggang sa makita niyang pumasok ang sinasakyan nila sa isang malaking pier. Namilog pa ang kanyang mga mata nang matanaw nya ang isang higanteng barko– the Montemayor cruise ship! 


Napaganda pala talaga ng barko na ito na sa mga billboard, magazine, at TV niya lang madalas na nakikita. Huminto ang kotse. Bumaba ang driver at inilalayan sya pababa. "Babiyahe ba ang barkong ito?" manghang sambit niya.


"Hindi po Ma'am, dito lang po magaganap ang special date nyo ni Mr. CEO." 


Maski pangarapin ay hindi niya pinangarap makasakay sa eleganteng higanteng barkong pang-cruise na ito. Mahal ang maglayag sakay nito. Kaya sabi niya sa sarili, saka na siya mangangarap kung sakali mang matupad na ang pangarap niyang yumaman. At ngayon, makakasampa siya roon?!


Sinalubong sya ng sangkatutak na bodyguards at inihatid sya sa loob ng cruise ship. Bawat hakbang niya ay para siyang nakalutang sa alapaap. Ang ganda ng loob ng barko. Ganitong-ganito iyong nakikita niya sa mga magazine. Gusto niyang maiyak. Ang saya ng puso niya!

Walang katao-tao sa loob dahil nakadaong ang barko. Dinala siya ng mga staff sa deck. Madilim doon at tanging mga kandila lamang ang ilaw. Tanaw rin mula rito ang karagatan sa likuran. Ang malamig na hanging panggabi ay mabining humahalik sa kanyang balat. Parang isang magandang panaginip ang lahat. 


Sa dulo ng deck, kung saan may bilong na mesa ay natanaw niya ang isang matangkad at matipunong lalaking nakatalikod. Napalunok siya habang humahakbang palapit dito. The man was in all black suit. Nakaharap ito sa kadiliman ng kaharap na karagatan. 


Kahit hindi pa humaharap ay batid niyang guwapo ito. Malakas kasi ang dating. Mukha ring bata pa. Kahit malayo pa ay mukha ring mabango. Ito na ba si Mr. CEO?


Humakbang naman paabante ang isa sa mga bodyguard na kasama nya. "Mr. CEO, narito na po si Ms. Cynthia Fatima Dimagiba." Pagkasabi ay nagsialisan na ang mga ito.


Lumakas ang ihip ng hangin na mula sa karagatan, kaya nayakap niya ang sarili sa ginaw. Ang suot niya kasi ay off-shoulder gown. Sa kabila ng ginawa, tila siya nababato-balani sa lalaking nakatalikod. Ngayon niya pa lang ito makikita, subalit bakit parang may parte na agad ito sa puso niya? Sino ba ito?


"G-good evening..." nauutal niyang bati rito dahil sa kaba na pumupuno ngayon sa kanyang dibdib.


Bigla itong bumaling sa kanya. Doon na siya napaatras. Iyong mundo nya, bigla na lang huminto. 


"Cynthia," maaligasgas ang boses na sambit nito sa pangalan niya. 


"Leo?" gulat na sambit niya. Ipinilig nya pa ang kanyang ulo. Anong klaseng panaginip ito?!


Lumapit ito sa kanya at sa natural na mapupulang mga labi ay gumuhit ang isang ngiti. "Did I surprise you?" 


Nagsimula na siyang panginigan ng katawan. "A-anong ibig sabihin nito?" 


Naglakad ito patungo sa kanyang likuran. "Hindi mo pa rin nauunawan o –sadyang tanga ka lang?" humarap ito sa kanya. "Ang kaibigan kong CEO at ako – ay iisa."


Daig nya pa ang sinampal sa narinig nya. Hindi lang pala sya nito tinarantado at binaboy, pinagmukha pa sya nitong boba!


At bago pa tumulo ang luha nya, humakbang sya papalayo rito. Kaso agad na nahawakan nito ang braso nya. Pagharap nya rito, isang pulidong sampal ang natamo nito mula sa kanya.


"Putangina mo, Leo! Hindi mo lang sinira ang buhay ko, niloko mo pa ko at ginawang gaga!" Pagkasabi nya ay mabilis syang umalis.


Ngunit sadyang mabilis ang binata at humarang ito sa kanyang daraanan. "Baka nakakalimutan mong akin ka ngayong gabi?" Nagliliyab na ang mga mata nito.


Bigla syang kumalma, ngunit hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa sakit na kanyang nadarama. Biglang nag-unahan ang mga luha nya pababa sa kanyang pisngi.


"Leo... alam mong ulila na ako... Alam mo 'yon..." garalgal ang boses nya. Dinuro niya ito sa dibdib.


Nagitla ito pagkakita sa mga luha niya. Parang hindi nito inaasahan ang kanyang reaksyon. Ano ba ang akala nito? Magtatatalon siya sa tuwa?!


Dinuro nya ulit ito sa dibdib. "Ikaw na lang ang meron ako... Pero anong ginawa mo?" napahagulhol na sya. "Hindi mo lang inalis ang respeto ko para sa'yo, inalis mo rin ang respeto ko para sa sarili ko! Niloko mo ako!" pagkasabi nya nito'y walang lingon na nyang iniwan ito. Hindi na rin naman sya hinabol ng binata.


Naiwan lang itong tulala.


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz