ZingTruyen.Xyz

It Started in the Elevator✔️

Chapter 13

JFstories

Chapter 13


"DAMMIT, BAKIT ANG SARAP MO?..."


Ungol ni Leo na nasa likuran ni Cynthia. Gabi-gabi ay may nangyayari sa kanila. Hindi pa rin sila okay kahit pa gabi-gabi ay active sila. Para bang nakasanayan na lang. Nami-miss nya ito at nami-miss rin sya—ang katawan nya. 


Niyayakap sya nito, hinahalikan sa buong katawan at pagkatapos ay igagapos sa kama. Maluwag naman ang gapos at may pag-iingat naman, gayunpaman ay hindi nya maunawaan kung bakit ayaw nitong tumingin sa mga mata nya. Bakit natatakot ito na magtama ang mga paningin nila?


Ano ba kasing nagawa nyang kasalanan? Hanggang ngayon ay hindi nya pa rin alam. Sa tuwing nakikita nya ang pait sa mga mata ni Leo at ang pag-iwas nito sa kanya ay parang pinupunit ang puso nya.


Parati itong yelo sa lamig. Dito na lang ito sa kama mainit.


"Oh, come on Cynthia! Answer me... ahhh... bakit ang sarap mo?" Kulang na lang ay umalulong ito.


"Hmnn..." ungol nya.


"Cynthia, ano ba sumagot ka?"


Hay naku! Paano kaya siya sasagot dito, eh bukod sa mga kamay niyang iginapos nito ay binusalan din nito ang bibig niya, kundi ba naman engot ang isang ito.


Bahagya sya nitong iniangat ngunit nanatili ito sa kanyang likuran. Sinalo ng malalaki nitong mga palad ang kanyang dibdib, tuloy pa rin ito sa pagiling.


Hinintay nya na magsalita ulit si Leo. Simpleng salita lang kahit ka-abnormalan ay okay lang. Gusto nya lang marinig ang boses nito. Sa totoo lang kasi, dito lang sya nito kinakausap. Kapag kasi nagkakatagpo sila, sa trabaho man o dito sa condo, deadma sya rito. Animo'y hindi sya nag-e-exist sa paningin.


Inuunawa nya pa rin. Ayaw nya pa ring sumuko. Ito nga siguro ang karma nya dahil naghahanap sya ng mayamang lalaki. Si Leo na nga siguro ang parusa nya dahil nangangarap sya ng buhay na imposible.


"Oh, Cynthia, I'm close..." Nanginig ito sa kanyang likuran. Halos patiran ito ng hininga pagkatapos.


'Cynthia' Ito yung isinisigaw nito sa kanya sa tuwing nasa ganito silang eksena. Halata ngang may sama ito ng loob sa kanya. 'CT' kasi ang tawag nito sa kanya at hindi ang tunay na pangalan nya. CT like – Century Tuna.


Maya-maya ay kinalagan na sya nito. "Mag-sha-shower lang ako. Pagbalik ko dito gusto ko wala ka na. Baka madatnan ka pa ni Odessa."


O 'di ba ang sakit? Para lang syang parausan nito sa tuwing kailangan sya. Ganito lagi ang dialogue nito gabi-gabi. And speaking of Odessa, hindi na nya ito nakikita. O baka naman hindi nya lang talaga nadadatnan. Abala rin kasi sya sa dalawa nyang trabahong pinapasukan.


Pero makakapagtiis pa sya. Umaasa pa rin sya na sasabihin sa kanya ni Leo kung ano ang kasalanan nya. Hanggang sa nakatulog na siya sa pagod.


***


PINAGMAMASDAN NI LEO SI CYNTHIA. When he noticed that her breathing had deepened, he quietly moved closer to her.


Anong ginagawa nya? Anong nangyayari sa kanila? Gabi-gabi sya naglalasing para lang mapapatag ang loob at magawa nyang lapitan si Cynthia, pero kapag wala na ang tama ng alak ay bumabalik na sya sa pagiging mahina. Bumabalik sya sa huwisyo at napapatanong sa sarili kung bakit nga ba sila nagkaganito.


Nahihiwagaan din sya kung ano ba ang tumatakbo sa isipan ni Cynthia. Mapagbigay ito sa kanya, hindi tumututol. Pero bakit? Di ba may iba na ito? Ano pa ang kailangan nito sa kanya?


Nakakapagtaka kung bakit hindi pa rin sya nito iniiwan. O baka naman talagang wala itong ibang matutuluyan. Bakit? Wala bang sariling condo itong si Preston? Bakit kaya hindi ito roon makituloy?


Fuck! Naalala na naman nya si Preston. Araw-araw nya kasing inaabangan itong si Cynthia kapag uwian na. Kitang-kita nya na sinusundo pa ito nung jerk na iyon, at dinadala sa maliit nitong ospital. What the hell were they doing there? 


Bakit di makontento sa kanya si Cynthia? Ba't kailangang may Preston pa Damn it, it still hurt. A lot. Winasak ng mga ito ang ego niya.


The pain was so new to him. Hindi niya alam kung paano haharapin, kaya nagre-resort siya sa pagpaparusa rito sa kama sa tuwing uuwi sya nang nakainom. But the problem was, it felt like he was punishing himself too. 


It hurt—so much. The pain of knowing he was sharing the body of the first woman he ever took seriously with someone else was unbearable.



KINABUKASAN ay pinuntahan nya si Preston sa office nito sa Salvador Hospital. That was when he found out that Preston actually owned the small hospital. The guy was indeed rich—just not as wealthy as him.


"What can I do for you?" bungad nito sa kanya.


Hindi nya ito sinagot bagkus naupo sya paharap dito. "How did you know her?" Ni hindi nya ito magawang tingnan.


"Excuse me?" Nangunot ang noo nito.


"Cynthia," tipid nyang tugon.


"You mean, si CT?"


Shit! Pati ba naman ito nakiki-'CT' kay Cynthia. Some nerve he had! At bakit alam nito iyon? CT was her pet name for Cynthia! Siya ang nakaimbento niyon!


"You mind if I ask, who are you by the way?" Pang-asar ang mukha nito.


"His boyfriend." May diin ang kanyang tinig.


"I see."


Tumayo ito at binuksan ang mini-refrigerator na malapit sa kanilang pwesto.


"One day, I left my phone in a store. Actually I almost lost it without me knowing. Then, CT found it and – " kumuha ito ng bottled water. "Hinihingal pa nga s'ya nung ibinalik nya sa'kin ang phone ko." Tumungga ito saglit. "That phone is my life. Nandoon lahat, importanteng numero, photos at mga notes."


Pagkatapos ay muli itong umupo at hinugot ang iPhone sa pocket nito.


"I owe her..." Ipinakita nito sa kanya 'yong iPhone.


There he was again, feeling like his heart was being touched. He remembered that day how much Cynthia needed money. She could have sold that cell phone for a large amount, but she chose to return it to the owner.


Seryosong tumitig sya kay Preston. "What do you need from Cynthia?"


Ngumiti ito nang inosente. "What?" 


"Don't play dumb! You knew exactly what I was talking about! Damn it!" His patience was running thin. "Why did you even have to pick her up and bring her to your office? What did you need from her?"


Lalo itong ngumiti. "Wala akong kailangan sa kanya. Siya ang may kailangan sa'kin"


"What do you mean?" Kaunti na lang at masusuntok nya na ito.


"She works here."


Nanlaki ang mga mata nya. "What?!"


"She told me her salary wasn't enough, so she needed another job." Tumayo ito at namulsa sa suot nitong white gown. "She also borrowed money from me, and now she's working it off for me."


"Bakit naman nya kailangan ng malaking pera?!" Wala naman itong binabayaran na upa, kasi libre ito sa condo. Pati sa bills, groceries, hindi niya ito pinag-aambag. Kaya saan nito kakailanganin ang pera?!


"She booked a flight to Japan. Next week na ang flight nya."


Bakit naman pupunta si Cynthia sa Japan?! Wala naman itong kamaganak doon. Ulila na ito. Imposible namang doon na ito magtatrabaho. Matagal na proseso iyon. Dinaan na lang nya sa tawa. "Funny, doctor. You got me..."


Lumapit pa ito sa kanya. "I'm not kidding. Let me give you a clue. I was planning to take a vacation next week in Japan. How about that?" Sabay ngisi nito.


Nawala sya sa sarili at kinuwelyuhan nya ito. "What are you trying to say? Na ikaw ang dahilan kung bakit sya pupunta sa Japan?"


Hindi natinag ang lalaki. "I don't know."


Sinapak nya na ito. "Stay away from her!" asik nya.


Imbis na gumanti, ngumiti lang ito. "May the best man win."


He stepped outside and drove off. Man, why did it hurt so much? He even rubbed his chest. This just didn't feel normal—like his heart was getting squeezed. And here they were, already making plans to go to Japan!


Wala pa, wala pang umapak ng ganito sa isang Leo Montemayor Saavedra!


Sisirain nya ang buhay ng dalawa. Hindi nya hahayaang maging masaya ang mga ito.


***


PAGOD NA PAGOD SI CYNTHIA PAG-UWI NIYA.


Nag-over time kasi sya sa opisina tapos ang dami pang trabaho sa ospital. Mabuti na lang at wala si Leo. Agad syang nahiga sa sofa at sinikap makatulog agad. Kailangan nya ng lakas. Mamaya kasi ay sisipingan na naman sya ng binata.


Nang madaling araw nga ay naramdaman nya ang pagdating nito. Pero iba ito ngayon, baldado ang peg nito. Ngunit hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa kalasingan. Ni hindi na nito nagawang makapunta sa kwarto. Nandun lang ito sa floor at marahang gumagapang.


Hindi naman nya ito matiis. Kahit mabigat, hinila nya ito papasok sa kwarto at pilit nyang inalalayan upang maihiga sa kama. Pagkatapos ay tinanggalan nya ito ng sapatos. Isinunod nya ang suot nitong coat at longsleeve.


Lintek talagang buhay iyan. Talagang kinakarir niya na ang kamartiran. Nag-init sya ng tubig at pinunasan nya ito gamit ang bimpo. Lasing na lasing ito. Masama pa rin ang loob nya pero sa hitsura nito ngayon, nawawala ang galit nya. Bakit kaya ito nagpakalasing nang ganito katindi?


Maya-maya ay naramdaman nyang susuka ito. Bahagya nya itong iniangat upang makabwelo ito. Tapos sinalo ng mga palad nya ang bibig nito.


"Sige, Leo, isuka mo!"


Sumuka naman ito na animo'y ilalabas na rin nito ang sariling internal organs. Wagas kung makadaak! Nang mapuno na ang kanyang mga palad, tumakbo sya sa banyo upang dun iyon itapon. Then balik ulit sya at muling sinalo ang mga isinusuka pa nito. Para lang syang nag-iigib ng tubig.


'Eww diba?' Pero ganon yata talaga pag nagmamahal. – Wait! Nagmamahal?! Natigilan siya sabay iling. Hindi pa sya sigurado sa bagay na iyon. Kahit paulit-ulit nyang naiisip ay ayaw nya pa ring magsalita ng tapos.


Nang mahimasmasan ang binata, pinunasan nya ulit ito. Nagtagal sya dun sa gwapong mukha nito. Dinidetalye nya yung bawat bahagi ng mukha nito. Grabe ha! Habang tumatagal yata eh, lalong gumagwapo itong si Fafa L.


Mahal na nga niya yata ito ngunit hindi nya maamin sa sarili nya. For the first time si Cynthia Fatima Dimagiba ay posibleng nagmahal! At ito na yata ang karma niya!


Haist! Sana kasi hindi ito nagbago. Sana, katulad pa rin ito ng dati bago ito nawala ng apat na araw. Eh, di sana hindi ito nagkasyota ng iba. Sana ngayon, hindi sya nagmumukhang kabit at napagsa-samantalahan. 


Mapansin sana sya nito at hindi pang-back up lang. Sana kaya nitong seryosohin ang isang tulad nyang tanga. Sana – bwiset! Ang dami nyang 'sana'.


Kung yung 'sana' na iyon ay nangyari, hindi na sya maghahanap ng ibang jojowaing mayaman. Dahil okay na... okay na siya kahit walang lalaking mayaman na dumating sa buhay niya.


Na-realize nya na mahirap man o mayaman itong si Leo ay tatanggapin nya na ito. Kahit sya na lang ang magtrabaho para sa kanilang dalawa. Lintek eh, ganito pala siya magmahal. Ganito pala siya, nagiging gaga. Lahat ng mga pinagsasasabi niya noon, kinakain niya na ngayon. Handa na siyang piliin si Leo, kapalit ng pangarap niyang maging yayamaning housewife.


Pwede na sana ang happy ending. Handa na syang talikuran ang pangarap para lang dito at buong buhay na magdildil ng asin. Ang song sana nila ay "When We're Hungry, Love Will Keep Us Alive", kaso hindi naging ganoon ang kinahinatnan. Nakaramdam tuloy sya ng matinding kalungkutan.


Naramdaman nyang bahagyang umuga ang binata.


"Leo, okay ka lang ba?" Hinaplos niya ang makinis na pisngi nito.


"Bakit ang sakit?.." Nagsasalita ito kahit nakapikit.


"Leo, bakit? Anong – masakit?" nag-aalalang tanong niya rito, nataranta na rin siya.


"Hindi pa ba sya kuntento sa akin?" umuungol ito.


Mukhang lasing na lasing nga ito.


"Mas pinili nya ang – p*tanginang yun!" Nananatili lang itong nakapikit.


"Leo..." Biglang kinurot ang puso nya. Parang gets na nya. Siguro iniwan na ito ni Odessa. Iyong babaeng iyon ay ipinagpalit siguro siya sa iba, kasi di siya mayaman.


"Bakit? Akala nya siguro mahirap lang ako ano? Hindi nya ba alam na isa ako sa – pinakamayamang tao dito sa Pilipinas!" mukhang nagdedeliryo na nga ito sa kalasingan.


Sa halip na mainis sya rito dahil nasasaktan sya, niyakap na lang nya ito. Napaluha sya. Nasasaktan kasi syang makitang nasasaktan ito.


"It hurt... It really do... Fuck..."


Lalong humigpit ang yakap nya. "Leo, tahan na... Nandito naman ako..."


"It hurt! It hurt so much! I didn't see it coming... Iiwan niya rin pala ako agad-agad, at sasama sya sa iba! Sa taong tingin niya ay mayaman! Tangina nila!"


Napahagulogol na rin sya. Halos walang paglagyan ang luha nya. "Leo... Ako hindi kita sasaktan. Ako... hindi kita iiwan..."


Ngunit hindi na nagsalita ang binata. Ilang minuto lang at natahimik na ito, mukhang nakatulog na. Kinumutan nya ito at saka niyakap. Binantayan nya ito magdamag hanggang sa hindi nya namalayan na nakatulog na rin pala sya.



PAGGISING NI CYNTHIA AY MALIWANAG NA. Wala na rin si Leo sa kanyang tabi.


Paglabas nya ng kwarto, naroon si Leo sa sofa. Prenteng nakaupo ito at nakatalikod sa kanya. Marahan nya itong nilapitan. Napahinto sya nang makita nyang may mga bagahe sa gilid nito. Napansin nya ring bukas ang pinto ng condo.


"Leo?" Kinabahan sya.


Tumayo lang ito at humarap sa kanya. "You have to move out. Let's stop this here. Please leave now, Cynthia."


"Ha?" Parang sinikmuraan sya nang malakas sa sinabi nito.


Tumingin ito sa mga bagahe. "Hinanda ko na ang mga gamit mo." 'Tapos tumingin sa kanya. "Umalis ka na."


Diyos ko! Ito na yata ang pinakamasakit na salita na natanggap nya sa buong buhay nya.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz