Chapter 12
Chapter 12
NATAGPUAN NA lang ni Cynthia ang sarili nya sa loob ng elevator. Hindi nya magawang pindutin ang buton nito pababa sa base floor ng condo building. Hindi nya kinaya 'yong eksena kanina.
Pakiramdam nya kasi pinagtaksilan sya. Although wala naman silang napag-usapang commitment ng lalaki sa relasyon nila. Iyon nga lang, bakit ganito ang puso nya? Affected sya.
Padabog syang bumalik sa loob ng condo. Hmp! Kaibigan lang pala sya, ha?
Ganito pala ang isang Leo Liwayway na ito kapag may kasama ng ibang babae. Nagiging kaibigan na lang sya? tsk! Teka! Mukhang bukod pa iyong si Ayeza, ha? Ngayon nya lang nakikilala ng husto itong talipandas na ito. Sobra pala sa pagkababaero ang tarantado.
Hindi sya mapakali. Sinubukan na nyang matulog pero hindi matahimik ang kanyang diwa. Maya-maya nga'y pasimple nyang pinakinggan ang pintuan ng kwarto. Wala naman syang ingay na naririnig. Posible nga kayang walang churbahang nagaganap sa loob? Bahagya syang kumalma.
But to think na naroon sila sa loob ng kwartong 'yon – na posibleng magkayakap habang natutulog?
Hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya sa sofa. Buti maaga syang nagising. Agad syang kumilos para pumasok sa trabaho.
***
PAGDATING nya sa work station nya, tambak ang bouquet ng roses.
"Hay naku, 'day! Galing yan kay Mr. CEO. Ano ba nangyari sa'yo? Bakit ilang araw kang absent?" bungad sa kanya ni Merdie.
Lumapit din si Gladis at isinalansan ang mga bulaklak. "Naipon. Paano, eh ilang araw kang wala."
Gusto nyang sabihin dito sa mga kumag na ito ang dinaramdam nya. Kaya lang malamang pagtatawanan lang sya ng mga ito. Ngunit dahil sa mga bulaklak na ito, kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam nya. Isipin nya pa na galing nga talaga ito kay Mr. CEO.
Bumaling sya sa mga kaibigan. "Nagkasakit kasi ako, mga friendship."
Hinila ni Merdie ang buhok niya. "Ku, deputa ka! Ganyan ba magkasakit? Nagiging blonde ang buhok at nagkaka-false eyelashes?!"
Natawa si Gladis. "Hindi ka naman masyadong handa sa Auction Night party natin ano?" Nakiasar na rin. "Nagpa-blone ka pa ng buhok!"
"Kayong dalawa, tantanan nyo nga ako. Kapag ako nainis sa inyo, lalapirutin ko yang mga singit nyo, sige!" Padabog syang umupo sa harapang ng kanyang PC.
Wala syang nararamdamang excitement sa magaganap na Auction Night. Ewan, pero parang wala syang gana. Alam nya sa sarili nya na may dinaramdam sya. Hindi nya lang maamin sa sarili nya. Kung meron man syang dapat ikapanabik, yun ay ma-meet si Mr. CEO.
...
HINDI NA SUMASABAY SI CYNTHIA KAY LEO. Tuwing uwian sa opisina ay nauuna na siyang umalis, kaya di niya na alam kung hinihintay pa ba siya ni Leo. Malamang ay hindi na. Hindi na nga rin siya nito sinasabay sa pagpasok sa umaga. Nauuna na ito lagi sa kanya.
Sa uwian naman ay siya ang nauuna rito, dahil deretso na siya sa maliit na ospital ni Preston para magtrabaho as personal assistant nito. Ang ginagawa niya roon ay ay tagalinis ng opisina nito, tagasagot ng calls, tagahatid ng mga papeles, et cetera. 6:00 pm to 11:00 pm siya roon, kaya hating gabi na siya nakakauwi lagi sa condo.
Bukod doon ay may iba pa siyang pinagkakaabalahan, kaya kahit off ay wala siya sa condo. Naka-whole day siya sa ospital, o minsan ay umaalis para lakarin ang mga requirement nya papuntang Japan. Tinutulungan din siya ni Preston, kaya palagi niya itong kasama.
Iba talaga kapag mapera. Ang dali lang kumilos. Soon, makakapunta na siya sa mga magulang ni Leo. Makakausap niya na ang mga ito tungkol sa birthday wish ng lalaki na makita ang mga ito. Nae-excite siya dahil sigurado siyang masusurpresa si Leo.
Hay, naku! Bakit nya nga ba ginagawa pa rin ito kahit na hindi na sila okay ni Leo? Grabe, di niya akalaing ganito siya kamartir. Akala niya ay martir na siya sa mga panahong pinagsisilbihan niya ang mga pinsan niya at ipinaglalaba ng panty ang mga ito. May ikaka-bongga pa pala ang kamartiran niya-- at sa lalaki pa!
Tindi rin talaga ng karma. Siguro nga ay karma niya ito dahil sa taklesa siya, bungangera, at mukhang pera. Kinarma siya kay Leo. Ito na nga ang kinatatakutan niya once na ma-attach siya. Hindi niya magawang tumalikod, kahit harap-harapan na siya nitong ginagago.
Kahit hating gabi na siya umuuwi sa condo ay naaabutan niya pa ang mga ito na naghaharutan, kundi sa sala ay sa mismong tapat ng pinto. Para bang hinihintay talaga siya.
Minsan pa ay nahuli nya ang dalawa na sabay naliligo sa banyo nang madaling araw. Minsan naman may naririnig na syang mga pag-ungol sa loob ng kwarto. Madalas na umuuwi itong si Leo na lasing. Kapag wala naman si Odessa, wala itong ginawa kundi ang magdabog. Hindi naman sya nito pinapansin.
Kaunti na lang talaga at bibigay na sya. Parang hindi na nya kayang mag-stay pa sa condo nito. Kaso saan naman sya titira? Alangan namang kila Camilla eh problemado rin 'yon. Saka nakakahiya na sa kaibigan nyang iyon, marami na syang atraso. Hindi rin naman pwede kila Melanie. Saksakan kasi ng bantot ang hininga no'n.
Anong gagawin nya? Nahihirapan na sya. Nasasaktan na talaga siya. At si Leo, kulang na nga lang ay sabihin nito sa kanya na umalis na sya. Pero sige, magtitiis pa siya. Kaunti pa. Matupad niya lang ang birthday wish nito, amanos na siguro silang dalawa.
***
NAKAUPO LANG si Leo sa harapan ni Odessa habang ito namang babae ay naaaliw sa shower. "Honey, join me..." she called him out playfully.
"Nah..." Daig nya pa ang may sakit sa kanyang pagtugon. Wala siyang gana.
"Oh, come on! We've been here for two hours and still, nothing's happening. What is this? A joke?" she said with a frown. Hindi ito sanay na matamlay siya.
She had no idea that he was sexually and emotionally frustrated. At kasalanan ng Cynthia na iyon! Palaging umaalis ng maganda! Paganda nang paganda para sa Preston na iyon!
Mayamaya nga ay narinig nyang bumukas ang pinto ng condo. That was the cue—Cynthia was here. He immediately joined Odessa in the shower. Just in time, Cynthia headed straight to the bathroom and caught them in the act. Tila ito na-estatwa, at animo'y robot na nag-martsa ito palabas ng condo. Nang maramdaman nya na wala na ito, saka siya lumabas ng banyo.
"What the hell is going on, Leo?!" bitin na sigaw ni Odessa.
Hindi na nya ito nilingon. "Magbihis ka na..."
"F*ck!" Padabog nga na nagbihis itong si Odessa. "You better buy me a car, Leo! Ang tindi ng abala mo sa akin!"
Wala naman siyang kibo. Ang isip niya ay nakay Cynthia. Sa nakita niyang sakit sa mga mata nito. Why did she look so hurt? And why did it feel like he was hurting too? Was he really in pain? Yeah, maybe. He hated her for making him feel things like this. The pain, the betrayal—it was all too much for him.
He hated her so much. So damn much. Bakit hindi pa ito tuluyang umalis kung talagang ayaw na nito sa kanya?! She was practically spending all her time at that small hospital where that doctor worked. After office hours, she would go straight there. Kahit off nito, nandoon din ito maghapon. Minsan ay umaalis ito kasama ang doktor na iyon, at malay niya kung saan pumupunta ang mga ito. Pero sa gabi ay dito pa rin sa condo umuuwi.
Nakakagago. Although wala naman silang commitment ni Cynthia sa kanilang relasyon, dapat man lang sana ay kahit respeto na lang. Pero wala. Hindi man lang siya mairespeto. O ngayon, magbastusan sila kung ito ang gusto nito!
May time pa nga na nagsalang sya ng porn movie habang nasa loob sila ng kwarto ni Odessa. Then he turned the volume sa pinakamalakas para marinig ni Cynthia na nasa sala lang at natutulog. Itong si Odessa tuloy, halos di makatulog sa ingay. To be honest, naaawa na rin sya dito sa babae. He was just using her.
Ayaw nya kasing matapakan ang kanyang ego. Gusto nyang ipakita sa Cynthia at Preston na yan na hindi sya affected sa mga nagyayari. Hanggang sa dumating na nga ang araw na sumuko na si Odessa. She said she couldn't keep up with his silly games anymore. She just told him to go ahead and deposit the money for the car he had promised her.
After Odessa left, gabi-gabi na nga syang umuuwing lasing. Isang gabi ay nadatnan nyang natutulog itong si Cynthia sa sofa. Mukhang napakasarap. Wow naman, sana all nakakatulog nang ganyan.
Gusto niya nang pumasok sa kuwarto pero hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. He couldn't help himself but to stare at her. Damn, he missed her so much!
Natagpuan na lang nya ang kanyang sarili na hinahawi nya ang buhok nito. Ngunit gumuguhit sa kanya ang sakit sa tuwing iisipin nyang nasa piling ito ni Preston araw-araw. Bahagya itong tumihaya at nahantad sa kanyang paningin ang malusog nitong dibdib, dibdib na baka napiga na rin ng Preston na iyon.
Nangalit ang mga ngipin ni Leo. Anger and lust filled his whole being.
***
NAPABALIKWAS nang bangon si Cynthia, naramdaman nya kasing may bumuhat sa kanya – si Leo! Sinubukan nyang kumawag pero sadyang malakas ang binata.
Mabilis sya nitong nadala sa kwarto at ibinato sa kama. "L-Leo..." Nakaramdam sya ng takot. Parang ibang Leo ang kaharap nya.
Sinunggaban sya nito at siniil nang halik. Ngunit ang halik nito ay mabangis, galit at nananakit. Pumalag sya at pilit na kumakalas. Pero natahimik sya ng sabunutan sya nito.
"I want you tonight..." Pagkatapos ay itinulak sya nito pasubsob sa kama.
Ayaw nya sana, pero bukod sa martir, marupok yata talaga sya kapag in love. Wait, in love? Luh, saan galing iyon?
Balik kay Leo, ito at nagtatanggal na ito ng sinturon. Pagkatapos ay ipinulupot nito iyon sa kanyang mga kamay at itinali sya sa headboard ng kama. Wala syang magawa, malakas ang binata. Oh, baka gusto nya rin. No way! Masama pa rin ang loob nya rito. Hindi sya pwedeng matikman nito.
Ang walang hiyang babaero na 'to. Ano ito sinuswerte? Ganon-ganon na lang makaka-score sa kanya?! "Leo, gago ka! Kalagan mo ko!"
Tila ito bingi, naghubad na ito ng suot na t-shirt at itinali sa kanyang bibig. Tumambad tuloy sa kanyang harapan ang maganda nitong katawan.
Napalunok sya. Bigla nyang naalala ang babaeng si Odessa at ang mga nangyari sa dalawa. Gaano nya man ka-miss si Leo ay nasasaktan sya. Hindi nya na kayang ipagkaila, totoong nasasaktan ang puso nya.
"Cynthia..." anas nito sa pangalan nya na nanuot hanggang sa kahimay-himayan ng kanyang kamalayan.
Pagkatapos ay pinaghahalikan sya nito sa leeg. Napaungol sya nang hindi nito halikan ang mga labi nya. Hinintay pa naman nya dahil miss na miss nya na ito. Miss na miss nya na ang mga halik ni Leo.
Pero walang halik na nangyari. Matapos nitong sambahin ang katawan nya ay marahan sya nitong binuhat. Nagtataka man ay sumunod sya rito. Pinatalikod sya nito at pagkatapos ay pumosisyon ito sa likuran nya.
At nang mag-isa ang katawan nila ay naramdaman na lamang nya ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Leo, miss na miss na kita..." sambit nya na humihingal sa ilalim nito.
Hindi nya alam kung nasa huwisyo na si Leo... Hindi nya alam kung alam ba nito ang mga nagaganap sa kanila o kung narinig ba nito ang sinabi nya.
llang beses pa sa loob ng magdamag na iyon na ginalaw siya ni Leo.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz