Chapter 11
Chapter 11
EXCITED NA SI CYNTHIA . Ngayon uuwi si Leo kung saan mang lupalop ito nanggaling. Nagpaalam nga kasi ito na susuportahan daw ang pinsan nito sa pangangarera. Ngayon na ang uwi nito kaya hindi sya mapakali.
Panay ang tingin nya sa wall clock – ganoon din sa salamin. Sana magustuhan ni Leo ang bago nyang looks. Nagpa-rebond kasi siya at nagpa-blonde ng buhok.
Dahil naiinip sya, pinakialaman nya ulit itong picture frame ni Leo. Pinagmasdan nyang mabuti ang larawan nito. Ang sarap lang pagmasdan ang pamilya nito. Pakiramdam niya ay na-meet the family na siya dahil sa photo frame na ito.
Ibababa niya na sana nang mapansing nakaangat ang likod ng frame. Natukso na tuloy siyang tuluyan iyong baklasin. Iyong picture, may nakasulat sa likod!
Bago pa ito dahil may petsa rin naman sa itaas, one-shot diary yata ito na ngayong buwan lang isinulat Leo. Taray, oh! Ang laki-laking tao may diary?
Anyway-highway, tungkol ang short letter ni Leo sa birthday wish nito. Ang munting hiling nito ay makasama ngayong taon ang mga magulang – his Mommy Aria and Daddy Adam. Ahay! Ang sweet and also sad naman. Mukhang hindi magkakatotoo kasi mga OFW yata ang mga magulang.
Natigilan siya nang may maalala. Shit, next month na pala ang birthday ni Leo! Tinanong niya kasi noong minsang naghaharutan sila sa sala! Iyon kaya iyong dahilan kaya ito matamlay bago umalis siya para puntahan ang pinsan nitong karerista?
Parang biglang kinurot ang kanyang puso. May pamilya nga si Leo, pero nangungulila naman ito. Kaya yung sakit na nararamdaman nito, sa sulat na lang idinaan. Ang dami nya pa talagang hindi alam kay Leo, tsk.
Tinanong niya ito minsan kung may social media ang mga magulang nito, kahit Friendster, pero sabi nito ay hindi marunong sa ganoon ang mga magulang. Wala rin daw email, at hindi rin daw nagsi-cell phone. Ayaw raw kasi ng mga ito ng radiation. Nakapagtataka kasi hindi pa naman matatanda ang mga magulang niya. Siguro ay old fashioned lang talaga.
Ang hirap tuloy lalo ng sitwasyon ni Leo. Hindi nito makukumusta ang mga magulang, unless kung susulatan nito. Mukha namang hindi rin nito gagawin dahil nga sa nagtatampo ito.
Ngunit bakit ganun ang nararamdaman nya? Parang gusto nyang sya ang tumupad ng munting pangarap ng binata na makasama sa birthday nito ang mga magulang? Kaso paano niya mako-contact ang mga magulang nito, gayong wala ngang social media, email, at ayaw rin mag-cell phone dahil ayaw sa radiation? Kung pasulat naman, ay kailan pa iyon darating?
Napapitik siya sa hangin. May complete address iyong postcard na ipinadala ng daddy ni Leo rito!
Bigla rin siyang nanlumo. Nasa Japan ang mga ito. May passport siya pero walang pambili ng ticket. At hindi rin naman siya basta-basta puwedeng lumipad sa Japan! Unless kung marami siyang pera na pang-show money!
Paano sya makakaipon ng malaking pera sa loob lang ng isang buwan kung ganon lang kaliit ang sahod nya? Sayang. Gusto pa naman nya talaga sanang surpresahin si Leo.
Tumunog ang doorbell. Bago nya buksan ang pinto, tumingin muna sya sa salamin. Naku, sana naman si Leo na ito. Kaso, disappointed sya ng ang bumungad sa kanya ay isang magandang babae.
"Hi! I'm looking for Leo."
"Ah, wala pa, eh..." Natameme sya. Napakaganda kasi nito at mukhang artista. Pati boses ay maganda. Sosyal. Elegante. Hindi tunog kalye na gaya niya. Bigla na lang siyang nakaramdam ng panliliit, kahit wala naman siyang pakialam dati kung may mas maganda sa kanya.
Nag-dial ito sa touchscreen nitong cellphone. "Hello, Leo! Where are you?"
Bigla siyang nairita matapos ang panliliit. Mukhang class ang babae, walang binatbat ang rebonded niyang buhok, 'di hamak na mas diyosa pa rin ito kesa sa kanya.
Sino ba kasi ito at bakit nito hinahanap ang boyfriend niya?! Pinasadahan niya ito ng tingin. Halata rin sa kutis nito ang pagiging mayaman. So ano? Naghanap na rin ba si Leo ng babaeng mayaman?!
"Alright. Just phone me, okay? I love you, too." Sabi pa nito.
Napanganga siya. Lumipad na lahat ng pagpapasensiya niya sa katawan. Ano raw? Aba at nag-a-'I love you' pa ang haliparot na 'to?! At sa harapan niya pa talaga?!
Parang binabayo ngayon ang dibdib niya. Nagseselos ba sya? Hindi, ano! Bakit naman sya magseselos?! Bakit?!!!
Bumaling ito sa kanya, nakangiti. Nagbabait-baitang anghel. "Thank you. Oh by the way, I'm Ayeza." Kinamayan sya nito. "And you are?"
Uminit ang ulo niya. Wala na syang balak makipagpormalan sa hitad na ito. Kinamayan nya rin ito. "Ako si Ispirikitik..." nakasimangot sya.
"Are you serious? That's your name?" Nakakunot-noo ito na bahagyang natatawa.
"May kailangan ka pa ba? Nagbibilang kasi ako ng mga stars eh, nakakaistorbo ka." Walang reaksyon ang kanyang mukha.
"Ah, eh... sige alis na ako... Ispirikitik." Parang nawirduhan ito sa kanya.
Basta na lang nya isinara ang pintuan. Parang gusto nyang manapak. Pero hindi, kakalmahin niya ang sarili. Nakakapangit talaga iyang selos na iyan, e!
Sa inis nya, kinontak nya si Preston. Sumagot naman ito agad. Nagdesisyon syang dalawin muna ito sa hospital na pagmamay-ari nito. Ayaw na muna nyang makita si Leo. Baka kung ano lang ang magawa nya.
ISANG ORAS ang lumipas at kasama na nga nya si Preston. Nasa restaurant sila sa labas lang mismo ng maliit nitong ospital. Sa liit ay papasa ng klinika. Pero maaliwalas. Kaunti lang din ang staff.
"Sakto ang tawag mo, CT. I feel bad today..." sabi nito habang kumakain sila.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Well, namatay kasi yung – pasyente ko..."
"Pucha! Hindi nga?"
Imbis na malungkot ang mukha ni Preston, napangiti na lang ito. Parang may sapi rin.
Hinawakan nya ito sa kamay. "Alam mo, kailangan mong maging matatag. Sinabi mo nga non sa'kin na hindi ka lang basta doktor, owner ka rin ng hospital mo. So ibig sabihin, hindi lang sya ang pasyente – at magiging pasyente mo pa, marami pa sila. Kailangan ka nila. Kaya dapat, strong ka. Parang red horse – STRONG!"
Humawak na rin ito sa mga kamay nya. Kumikinang ang mga mata nito.
"Okay ka lang? Tuka na lang kulang sa'yo flappy bird na itsura mo..." bahagya kasing lumapad ang nguso nito.
Natawa ito. "Thank you..."
"Tsk! Okay lang 'yon. Sya nga pala, pwede pa ba ko mag-take out ng order?"
"Ha? Ah, oo... sige. Order ka lang..." Sumenyas ito sa waiter.
Bumitiw sya sa kamay nito. Buti umubra yung walang kwenta nyang payo. Paglapit nga nong waiter ay um-order na sya for take-out.
"Sya nga pala, baka naman may extrang posisyon na puwede ako sa ospital mo. Kahit part time lang."
"Why? Don't you have a job?"
"Meron naman kaso – may kailangan kasi akong bilhin, eh. Hindi sapat yung salary ko. Kailangan ko ng malaking pera within this month."
Ngayon lang sya naghangad na magregalo sa isang tao kaya susulitin nya na. Gusto nyang mapauwi sa bansa ang mga magulang ni Leo dahil mukhang iyon ang ikasisiya ng binata.
"At ano naman yang bibilhin mo?" Matiim sya nitong tinitigan.
"Plane ticket papuntang Japan."
Napa-de quarto ito. "Magta-travel ka?"
"Ano ba yan? Ang dami mo naman tanong." Napasimangot sya.
"Consider this as your interview."
Bumuntong-hininga muna sya. "May importanteng tao kasi akong gustong regaluhan sa birthday nya."
"Ang layo naman ng pagkukunan mo ng gift para sa kanya – sa Japan pa. Baka puwede mo na lang iyang order-in online. May mga naglalabasang legit website na ngayon sa Internet na puwedeng order-an ng imported products."
"Ah, hindi kasi bagay ang kailangan. Wala kasing ibang birthday wish itong importanteng tao sa'kin kundi ang makasama nya ang mommy at daddy nya sa araw na iyon."
"At pupuntahan mo sila sa Japan para pauwiin dito sa Pilipinas." Sinalo nito ang sasabihin nya pa sana. "Ba't di mo na lang tawagan o i-chat sa YM o Skype? You can try emailing them too."
"Gusto ko one on one, eh. Bakit ba?" Hindi niya na binanggit na old fashioned ang mga magulang ni Leo, na walang mga ganoong account sa Internet, at hindi rin mahilig mag-cell phone.
Ngumisi si Preston. "It's a risk. Paano kung hindi mo mapapayag ang parents nya?"
"Bahala na. At least, nag-try ako." Napangalumbaba sya. "Sa tingin ko, dapat sadyain ko talaga sa Japan ang mga magulang niya, dahil mukhang matinding usapin pa ito. Mukha kasing nagtatampo ang importanteng taong ito sa mga magulang niya, at hindi yata aware doon ang mga magulang niya."
Humigop muna ang lalaki sa straw. "Ang sweet mo naman..."
"So pasado na ba ako?"
Napatingala muna ito sa pag-iisip bago sumagot. "Okay, you're in."
Sa sobrang tuwa, nayakap nya ito. "Thank you!"
"Kaso, dapat ngayon pa lang nilalakad mo na iyong mga requirements mo pa-Japan. Kailangan may complete visa application ka, travel itinerary, proof of financial capacity, at kung may letter of guarantee ka sa someone na kilala mo sa Japan na tatayong sponsor mo."
Kumalas sya rito. "Naku, ang hirap naman."
"Don't worry, I think I can help you. Mabuti dahil hindi pa ganoon kahirap ang pagpuntang Japan ngayong panahon natin. I have an aunt there who owns a house and runs her own business. I can have her sponsor you. Sa show money naman, pahihiramin muna kita sa bank mo."
Nagningning ang mga mata niya. "Talaga? Gagawin mo lahat iyan para sa akin?!"
"Oo, magkaibigan na tayo, di ba?" Ngumiti ito. "Plus, puwede mong i-advance ang salary mo sa akin, para magamit mo na sa pagproseso ng mga kailangan mo sa pag-alis."
Kulang na lang ay magtatalon sya sa tuwa.
"Start ka na bukas as my personal assistant."
Napahalukipkip sya. "Doblehin mo na rin sahod ko, okay lang ba? Hehe."
"Naku! Kung di ka lang malakas sa'kin, eh..." Natatawang pinisil sya nito sa ilong.
Kakaiba ang pagkakatitig nito sa kanya pero 'di na lang iyon pinansin ni Cynthia.
***
PADABOG NA PUMASOK SI LEO SA CONDO. He had rushed home because of Cynthia, only to find the place empty. Sa inip niya, he started messing around with her stuff. That was when he spotted that fucking Dr. Preston Salvador's calling card.
Out of curiosity, he went to the hospital address listed on the card. He caught Cynthia in the act. May ka-date ito sa isang restaurant sa labas ng ospital na iyon. He recognized the guy with her. It was the same man he saw talking to her the day he picked her up from the convenience store. That was probably the Dr. Preston Salvador on the card.
That bastard! Sabi na nga ba. Noong una pa lang nyang makita ito, alam na nyang may gusto ito sa CT nya. And that woman! Aba, at tila nakikipag-date sa iba habang wala siya! Kitang-kita nya kung paano maghawakan ng kamay ang dalawa!
Shit! Si Cynthia yumakap pa! Gigil na gigil sya. Sa buong buhay nya ay ngayon lang sya nakaramdam nang ganito katinding asar.
Sa galit nya, pinaharurot nya ang kotse nya pauwi. Baka hindi nya makontrol ang sarili nya at makapag-eskandalo sya ron. Agad syang nag-dial sa cellphone nya para tawagan si Cynthia. Bullshit! Talagang hindi nito sinasagot porke't busy sa ibang lalaki!
Wala sya sa sariling nagpalakad-lakad. Ano na kayang ginagawa ng dalawang 'yon? Baka inuwi na nitong Preston si CT nya sa sarili nitong condo at doon – damn!
Nanginginig sya sa galit. Pinakalma nya ang sarili. Bakit ba siya nababaliw nang ganito? Gaano ba sila kaseryoso ni Cynthia sa isa't isa? Di ba hindi naman sila ganoon kaseryoso, dahil alam pa nga niya na naghahanap ito ng mayamang lalaki. He was aware from the start.
Pero tangina lang kasi, kung hindi ito seryoso sa kanya, puwes ay ibang usapan siya!
Ayaw niya ng trip nito! Ayaw niya na ng trip nito! But shit, shit, shit! He couldn't let this happen to him! He couldn't go crazy over a woman who saw him as a tool!
What? Was this his karma for playing around? Hindi naman siya nanloko ng babae, ah? Lahat ay alam ang sitwasyon at rules. Pumalpak lang siya noong time na nakilala niya na si Cynthia, at magsimula na siyang mabaliw rito. But he made sure to make it right with all her ex-flings before dumping them for good. He sent them luxury gifts they loved, and even got thank-you emails from them.
He was also getting ready to be honest with Cynthia. He was about to admit who he really was, maybe even about how he truly felt. He just wanted to hold on to what they had.
He was simply hoping they had a future together. But bullshit! What was he expecting? To find a woman like his mom? As lucky as his dad, his uncles, and his grandpa? Nah, maybe he was just unlucky from the start.
Nag-dial sa cellphone nya. Not Cynthia this time, but Odessa. She was an actress and one of his ex-flings. She was the only one who wasn't happy with the luxury bag he gave her as a goodbye gift. She said that she wanted was a car. He was ready to deposit two million pesos into her account, but first, she had to do him a favor.
He told her to come over to the condo. Mayamaya nga lang at dumating na ito. "Oh Leo, I'm so happy you contacted me again. I missed you, sexy hotshot!"
Yumakap ito sa kanya pero wala syang reaksyon. "Go to the bedroom..." he commanded.
"Why don't we... go together..." malambing nitong suhestyon habang hinihila sya.
"No!" he snapped, making her jump.
Napatigagal si Odessa. "L-Leo..."
"I said – pumasok ka sa kwarto!" he shouted at her. "Unless you didn't want the car!"
"Oh, the car! Of course, I want it!" Sa takot ng babae na di matuloy ang inaasahan nitong kotse ay pumasok na nga ito sa kwarto.
He just sat on the couch, waiting for Cynthia to arrive. Bawat segundo ay lumalalim ang paglalatang ng inis sa dibdib niya. What was taking her so long? What else was she even doing? She knew he was coming home, and yet she still chose to go out. What did she really think of him? A pushover?!
Ilang oras lang at dumating na nga ito. He was a bit surprised when he saw her. Nakita niya nang nagbago ang kulay ng buhok nito kanina, pero mas maganda pala sa personal. Bagay rito.
But then he frowned at the thought that maybe she did it for that Preston guy. What? Just because she found a richer target, she suddenly went all in kahit nagtitipid? Hah! Kaasar!
Pero in fairness, bumagay talaga kay Cynthia ang blonde. O baka naman na-miss nya lang ito kaya nya lalong na-appreciate ang looks nito.
But no! Ano ito gamitan? Pinapatuloy nya ito sa kanyang condo at inaalagaan tapos iba ang nakikinabang? That's unfair! Sya nga, ni tumikim ng iba hindi nya na magawa the day after na naging mag-ON sila. Dapat ito rin may loyalty sa kanya, 'di ba?
Hindi sya nito pinansin. So this was it? Talagang nanlamig na sa kanya! "Dito ka matulog sa sofa!" inis na utos nya rito.
"Hindi ba ako pwede sa kwarto?" Walang-buhay ang tinig nito.
Demanding pa oh! Bakit parang ito pa ang galit? Tumayo sya at kumatok sa pintuan ng kwarto. "Odessa, out!"
Kita nya sa mukha ni Cynthia ang pagkatigagal.
Segundo lang at lumabas si Odessa. "Leo... let's sleep na." Ang lambing nito sa kanya. 'Tapos napatingin ito kay Cynthia. "Who's she?"
Bumaling sya rito. "Ah... kaibigan ko. Nakikitulog lang."
Namutla si Cynthia sa sinabi nya. Mukhang nakilala rin pati nito si Odessa dahil sa nature ng trabaho nito.
"Oh, magseselos ako nyan..." Napalabi pa si Odessa.
"There's nothing for you to be jealous about. She's just a friend." Sabay irap niya kay Cynthia.
It felt like his heart was pinched at the sight of Cynthia's reaction. Para itong hihimatayin – o baka guni-guni nya lang. She had her new guy anyway, right? So there was no reason for him to feel sorry for her. Damn, he was so bitter.
"Cynthia, this is Odessa, girlfriend ko." Kumaway lang itong si Odessa sa dalaga.
Napayuko lang si Cynthia.
"So, paano Cynthia..." inakbayan nya si Odessa. "...matutulog na kami. Goodnight." Pagkatapos non ay walang lingon nyang tinalikuran ang dalaga at pumasok na sila sa kwarto.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz